Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang pagtupad sa mga gawaing dapat isakatuparan ng isang pangkat ay importante sapagkat ito ay ang

kanilang tungkulin. Maraming mga mamamayan ang lubos na nahihirapan sa buhay at araw araw
kumakayod para lang mapakain ang kanilang mga pamilya. Responsabilidad ng mga pangkat na
makatulong at maglingkod sa mga mamayan na nangangailangan ng serbisyo. Hindi ka karapatdapat
maging parte ng pangkat kung hindi mo gagampanan ang iyong mga tungkulin.

Ang bawat isa ay may kanya-kanyang responsibilidad, ito man ay gawain sa paaralan, proyekto para sa
isang trabaho, o simpleng paggawa lang ng mga gawain sa bahay. Tayo ay obligadong gumawa ng mga
gawain na nakatuparan sa atin.

Ngayon kung ipagagawa mo sa ibang tao ang iyong gawain kahit na alam mong kayang mong tapusin
ang gawaing iyon, paano ka uunlad sa larangan na iyon? Hindi ka magtatagumpay kung ikaw ay hindi
magiging produktibo o tamad. Ang pag-asa sa iba ay hindi magpapadali ng buhay sa mo. Kung dumating
ang panahon na wala ka nang maasahan, paano ka matututong tumupad ng iyong mga tungkulin?

Dapat namang isaisip at isabuhay ang pagtulong at pagsisikap sapagkat ang paglinkod sa isang
mababang sektor ng indibidwal/lipunan ay isang malaking bagay para sa kanila. Makakatulong ito upang
makabangon ang mga mamamayan sa kahirapan.

You might also like