Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Quarter 3

SUMMATIVE TEST 2
WEEK 1-2
ESP 8
Name: ________________________________________ LRN: _________________________
Teacher: ______________________________________ Section: ______________________
Score: _________
MELC/S: Natutukoy ang mga biyayang Natatanggap mula sa kabutihang-loobng kapwa at mga paraan ng
pagpapakita ng pasasalamat.

I.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang titik ng pinakatamang
sagot.

_____1. Alin ang tanda ng isang taong may pasasalamat?


A. Si Maria ay kuntento sa kaniyang buhay kahit simple lamang dahil alam niyang pahalagahan
ang mga mabubuting natatanggap niya mula sa iba at sa Diyos.
B. Sa kabila ng mga pagpapalang natatanggap ni Rey, marunong pa rin siyang tumingin
sa kaniyang pinanggalingan.
C. Nag-aaral nang mabuti si Jojo upang marating niya ang kaniyang mga pangarap.
D. Laging nagpapasalamat si Janet sa mga taong tumutulong sa kaniya kahit hindi bukal sa
kaniyang kalooban.
_____2. Ano ang tamang pagpapakita ng pasasalamat?
A. Paggawa ng kabutihang-loob sa kapwa kahit naghihintay ng kapalit
B. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa at pagsasabi ng pasasalamat
C. Pagpapahalaga sa kabutihan ng kapwa kahit alam mong ginagawa lang niya ang trabaho nito
D. Pagsasabi ng pasasalamat ngunit salat sa gawa
_____3. Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?
A. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
B. Naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon
ng mas malusog na presyun ng dugo at pulse rate.
C. Nakapanghihina ng katawan dahil laging nag-iisip kung paano magpapasalamat.
D. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsable sa pagsugpo sa mga bacteria sa
katawan.
_____4. Ano ang entitlement mentality?
A. Ito ay ang paggawad ng titulo o parangal sa isang tao.
B. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan
ng dagliang pansin.
C. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
D. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang
kanilang pangangailangan.
_____5. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:
A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa
B. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa
buhay
C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila
D. Pagiging maingat sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao
_____6. Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:
A. pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang.
B. pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay.
C. paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may
pantustos ang mga magulang.
D. pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at
pagmamahal sa kanya.
_____7. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng
A. kalooban C. damdamin
B. isip D. konsensya

More downloads: https://www.depedtrends.com


_____8.Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ang pasasalamat ayon kay Santo Tomas Aquinas?
A. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
B. Pagpapasalamat
C. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
D. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya
_____9. Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality?
A. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo
B. Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang
C. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong
D. Ang kawalan ng utang na loob sa taong tumutulong
_____10. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa:
A. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng
makakaya
B. Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
C. Hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan
D. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de
edad
_____11. Ang mga sumusunod ay ilang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat maliban sa:
A. magpadala ng liham-pasasalamat.
B. gumawa ng kabutihan sa kapwa na naghihintay ng kapalit
C. magpasalamat sa bawat araw
D. magbigay ng munti at simpleng regalo
_____12. Ang pagbibigay ng simpleng regalo ay pagpapakita ng:
A. inaasahan nating sa bawat kabutihang nagawa ay may kapalit
B. pag-alaala sa taong gumawa sa atin ng kabutihan
C. pagsukli ng naibigay ding regalo sa atin
. pagbibigayan sa mga taong gusto nating bigyan
_____13. Ang berso sa Salmo 23:1-2 na nagsasaad na “Ang Panginoon ay aking pastol, di ako kukulangan
sa anuman. Pinahihimlay niya ako sa luntiang pastulan, inaakay ako sa payapang batisan”, ay nagdudulot
ng:
A. pag-aalinlangan sa bawat hakbang na gagawin
B. kalungkutan sa panahon ng maraming pagsubok
C.kaguluhan sa kung ano ang gagawin sa hinaharap
D. ginhawa ng kalooban at nagpapalaya sa gipit na kalagayan
_____14. Ang hindi pagkilala o pagkalimot sa kabutihang natanggap mula sa kapwa ay patunay ng:
A. walang kakayahang alalahanin man lamang ang iyong kabutihan
B. nasa proseso pa sila ng pag-unlad sa pagiging sensitibo sa kapwa at sa epekto ng kanilang
gawain sa kapwa.
C. hindi pagpapahalaga sa taong nagsakripisyo upang maging maganda ang iyong buhay
D. lahat ng nabanggit
_____15. Ang pasasalamat ay isang espesyal na birtud dahil nagagampanan mo ang iyong ________ na
obligasyon.
A. moral C. emosyunal
B. sosyal D. politikal
_____16. Ang kabaliktaran ng pagiging mapagpasalamat ay nasasalamin sa:
A. global mentality C. entitlement mentality
B. social mentality D. emotional state
_____17. Paano gagawin ang ritwal ng pasasalamat sa araw-araw?
A. sa pamamagitan ng repleksyon
B. isipin ang mga tao o bagay na pinagpasalamatan
C. isipin na ang Diyos ay patuloy na nagbibiyaya ng buhay at ang kalikasan
D. lahat ng nabanggit
_____18. Ito ay isa ring paraan sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa magandang ginawa nila sa iyo at
maipadama mo sa kanila ang iyong lubos na pasasalamat. Paano ito ipapakita sa magulang na nagluto ng
masarap na pagkain para sa iyo?
A. pagbibigay ng simpleng yakap o tapik sa balikat
C. pagkokolekta ng mga quotations
More downloads: https://www.depedtrends.com
B. pagpapadala ng liham-pasasalamat
D. pagpapadala ng text message
_____19. Ang sumusunod ang gawain sa pagkakaroon ng katuparan sa iyong sarili na ikaw ay may
mahalagang bahagi ng iyong pamilya, komunidad at planeta maliban sa:
A. pagbukas ng pinto para lamang sa may mga kaparehong antas sa buhay
B.pagtulong sa pagbubuhat ng mabibigat na bagay sa mga taong nangangailangan nito
C. pagbibigay ng kontribusyon para sa kawanggawa
D. pagpulot ng nagkakalat na papel sa daan
_____20. Ang pagpapasalamat sa bawat araw ng iyong paggising ay paraan upang:
A. harapin ang bawat araw sa pamamagitan ng pag-iisip sa mga biyayang natatanggap
B. Isasaisip anumang negatibong mangyayari sa hinaharap
C. ipagkait ang kasiyahang naramdaman dahil nagigising ka sa ingay sa labas
D. Harapin ang pagsubok sa araw-araw bilang parusa ng Diyos sa atin
_____21. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat maliban sa isa:
A. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat
B. Magbigay ng munti o simpleng regalo.
C. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung mag gustong hingiin.
_____22. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat maliban sa isa:
A. Magpasalamat sa bawat araw.
B. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti sa iyong pakiramdam.
C. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa at maghihintay ng kapalit.
_____23. Sa kulturang Pilipino, mayroon kani-kaniyang pamamaraan ng pasasalamat sa mga pagpapalang
natatanggap ng komunidad. Sa mga Muslim mayroong ipinagdiriwang sa pamamagitan ng isang handaan.
Ito din ay isang pasasalamat sa bawat mabuting nagagawa ng kapatid na Muslim para sa kapwa ng mga
Muslim?
A. kabuli C. kantuli
B. kanduli
_____24. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:
A. pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa.
B. gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa
buhay.
C. pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila.
_____25. Sa Visayas, ang Ati-Atihan sa Kalino Aklan at Dinagyang sa Ilo-Ilo ay isang pasasalamat at
pagkilala sa kanilang patron sa mga oras ng kagutuman at tagtuyot sa kabutihan nino?
A. Sto. Niño C. San Jose
B. San Isidro Labrador
_____26. Isang pagpaparangal at pasasalamt sa Birhen ng Immaculate Concepcion dahil sa mga biyayang
natatanggap ng Probinsiya ng Capiz at Siyudad ng Roxas. Ano ang tawag sa Festival na ginagawa nila?
A. Sinadya sa Halaran Festival
B. Bacao Festival
C. Sinulog Festival
_____27.Ang Bacao Festival ay isang pasasalamat sa magandang ani ng mais sa mga taga Isabela
Province. Ito ay inaalay kanino?
A. Sto. Niño C. San Jose
B. San Isidro Labrador
_____28.Ito ay isang makulay at magarbong selebrasyon bilang pagdakila kay San Isidro Labrador, ang
patron ng nga mgasasaka, bilang pasasalamat sa masaganang anihan. Bawat bahay sa tabi ng mga
kalsada sa Lucban ay nilalagyan ng mga palamuti gamit ang mga ibang naani ng mga magsasaka. At ang
pinakahighlight ng pistang ito ay ang tinatawag na "kiping". Ito ay wafer na gawa sa bigas na may iba’t-
ibang kulay. Ano ang tawag sa festival na ito?
A. Pahiyas Festival C. Sinulog Festival
B. Bacao Festival
_____29. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA sa mga antas ng pasasalamat
ang binanggit ni Santo Tomas de Aquino.
A. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
B. pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya.
C. Lahat ng nabanggit
More downloads: https://www.depedtrends.com
_____30. Ito pinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pyesta sa
Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga
mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!”
Hinango ang pista sa maalamat na agtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang
pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro. Ano ang tawag sa pasasalamat festival na ito?
A. Ati-atihanFestival
B. Pahiyas Festival
C. Dinagyang Festival

II.Panuto: Ang kabaliktaran ng pagiging mapagpasalamat ay masasalamin sa Entitlement Mentality. Alin sa mga
sumusunod na pahayag ang tama tungkol nito. Lagyan ng tsek ( √ ) ang mga aytem na tama at ekis ( x ) naman kung
ito ay hindi tama tungkol sa Entitlement Mentality.

___ 1. Hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang mga magulang sa kabila ng mga
sakripisyong kanilang ginawa para mabigyan ang kanilang mga anak ng magandang kinabukasan.
___ 2. Pagiging agresibo ng mga anak na makuha ang kanilang gusto sa panahon at oras na gusustuhin
nila.
___ 3. Paniniwala na anumang inaasam ng isang tao ay karapatan niya na kailangan ng dagliang pansin.
___ 4. Ang pag-aaral ng mabuti ng mga anak ay pagpapakita ng pasasalamat o pagtanaw ng utang na
loob.
___ 5. Ang pag-uunawa sa mga magulang na hindi sa lahat ng panahon ay maibigay ang kanilang mga
pangangailangan at kagustuhan.
___ 6. Pangangatwiran na dahil karapatan niyang makapag-aral ay dapat sinusuportahan din ang anumang
kakailanganin niya sa kanyang pag-aaral katulad ng mga gadgets.
___ 7. Pag-iisip na kailangang ibigay ang kanyang karapatan kahit walang katumbas na tungkulin o
gampanin.
___ 8. Pangangatwiran na sila ang mga anak ay nararapat na bigyan ng edukasyon.
___ 9. Ang pagtanaw ng mga anak ng utang na loob sa mga magulang na nag-alaga at nagpalaki sa kanila.
___ 10. Pagsasalita ng masasakit sa mga magulang sa panahong hindi makuha ng anak ang gusto niya.

More downloads: https://www.depedtrends.com


ANSWER KEY
I.
1. D
2. B
3. C
4. B
5. D
6. C
7. A
8. D
9. A
10. D
11. B
12. B
13. D
14. D
15. A
16. C
17. D
18. D
19. A
20. A
21. C
22. C
23. B
24. B
25. A
26. A
27. C
28. A
29. C
30. A
II.
1. √
2. √
3. √
4. X
5. X
6. √
7. √
8. √
9. X
10. √

More downloads: https://www.depedtrends.com

You might also like