Docx

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Reaction Paper (Jose Rizal Movie)

Ang pelikulang pinanood ay tungkol sa buhay at mga akdang isinulat ni Jose Rizal.

Maganda ang pag ganap ni Cesar Montano kay Jose Rizal. Ang pelikulang ito ay nagbabalik

satin sa nakaraan, sa pagpapakita ng maliliit at malalaking bagay tungkol sa buhay ni Rizal,

katulad na lamang ng mga mahahalagang papel na ginampanan ng kanyang pamilya lalong lalo

na ang kanyang ina sa kanyang buhay, ang mga babaeng kanyang nakasama at minahal, ang

kanyang mga naging kaaway, ang kaniyang mga ipinaglaban, at ang kanyang mga akda.

Ipinakita ditto ang determinasyon ni Rizal na makamit ang kanyang misyon na palayain o

ipaglaban ang Pilipinas laban sa mga Espanyol.

Malaking bagay ang ginagampanan ni Rizal sa kasaysayan ng Pilipinas, at magandang

bagay ang gawan ng pelikula ang kanyang buhay upang mailaganap sa magandang paraan

hindi lamang ang bahaging ito ng kasaysayan, pati na rin ang mahalagang aral na mapupulot

rito. Isa na rito ang kahalagahan ng edukasyon, na ayon kay Rizal ay susi sa tagumpay. Siya

mismo ay naging patunay rito, sapagkat ipinapakita kung paano nagamit ni Rizal ang

edukasyon sa kanyang buhay, lalong lalo na sa kanyang ipinaglalaban at misyon. Isa rin sa

mahahalagang aral na mapupulot rito ay ang pagmamahal sa bayan, na ipinakita at ni Rizal

hindi lamang sa kanyang mga ipinaglalaban, mga akda at mga layunin, pati na rin sa

sakanyang pagaalay ng sariling buhay para sa bayan. Isa ring mahalagang aral na mapupulot

rito ay ang pakikipaglaban ay hindi kailangan maging maharas at madugo. Maaari itong gawin

sa maayos at tahimik na pamamamaraan, katulad na lamang ng ginawa ni Jose Rizal sap ag

gamit ang kanyang pagsulat upang maglaganap ng kaalaman na makapagmumulat ng mga

mata ng mga Pilipinong nilulupig ng mga Esanyol at hikayatin sila na lumaban para sakanilang

bayan.

This study source was downloaded by 100000861570353 from CourseHero.com on 03-05-2023 23:26:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/26335485/RIZAL-REFLECTIONdocx/
Ipinakita rin sa pelikula ang kanyang mga akda, ang Noli Me Tangere at El

Filibusterismo, at ang mga pangyayari habang ang mga ito ay kanyang isinusulat. Bagamat

maraming pinagdaanan si Rizal habang isinusulat niya ang mga ito, hindi siya pinanghinaan ng

loob at sinikap parin niyang tapusin ito para sa kaniyang misyon at para sa kaniyang bayan at

mga kababayan.

Ito ay tunay na kapupulutan ng aral, lalo na ng mga kabataan na para kay Rizal ang susi

ng magandang kinabukasan at pagunlad ng bayan.

This study source was downloaded by 100000861570353 from CourseHero.com on 03-05-2023 23:26:17 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/26335485/RIZAL-REFLECTIONdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like