Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

“EMERGENCIA DE LITERATURA”

ni G. Iavannlee Cortez

Mapagpalang araw sa ating mga manonood, sa aking mga kamag-aral, sa aking mga guro, at
aking mga kaibigan. Purihin si Hesus at si Maria!

Sa umagang ito, isang pagpapala na makasama ko kayo. Tunay nga na ang lahat ay pinagpapala ng
ating Diyos. Bahagi ng araw na ito ay ang adhikain kong hingin ang inyong mga atensyon at ibayong
pakikinig ng sa gayon ay mamulat ang inyong mga mata at isipan sa kasalukuyang kalagayan ng ating
panitikan at lalo na ang ating pagkakakilanlan bilang mamamayang Pilipino.

Lungkot, pighati, at pagkasuklam ang damdaming namumukod-tangi sa akin ngayon. Ang hirap
isiping marami sa mga kabataan ang mahigit na walang kagustuhan matuto sa panitikan. Ang iba naman
ay wari mong matalino matapos basahin ang ilan sa mga akda nang hindi inuunawa at pagkatapos ni hindi
naman makatukoy ng tunay na kakintalan ng akda. Naggaling-galingan! Naggagaling-galingan lamang
upang kasiyahan ng nakararami at ipamukha na sila ang may alam. Iyan ang mga kabataan ngayon,
nanunuligsa na hindi naman handa! Mga sariwa at bubot pa ang nalalaman, iyan ang kaisipan ng maraming
kabataan sa kasalukuyan. Masakit at nakalulungkot! Iyan ang katotohanan. Ang panitikang siyang
humubog sa ating pagkakalinlan ay mabilis ang pagbulusok tungo sa kakawalan. Wala na. Wala na ang
kagustuhan ng marami sa pagbasa. Wala na ang mga batang nais hubugin ang kaisipan at damdaming
makabayan. Higit at lubos nang nilamong ng kaugaliang dayuhan!

Isa ang masasabi ko, maging kasiya-siya nawa ang pagkatuto ng mga kabataan sa kasalukuyan!
Masilayan sana nila ang tunay na kagandahan, kayamanan, at magandang kontribusyon ng panitikan sa
ating mga Pilipino, sa bayan, at higit sa lahat sa ating mga kabatiran at sariling kaunlaran. Ang kagalingang
ipinakikita sa ibang larangan ay hiling na masilayan sa pag-aaral ng panitikang higit na kinamulatan at
nagbigay ng pagkakakilanlan sa bayang tinubua!

Muli, kapwa ko mag-aaral samahan ninyo akong paigtingin ang kamalayang siyang huhubog sa
ating damdaming makabayan! Magandang araw sa lahat at mabuhay!

You might also like