Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Konseptwal na Balangkas

Ang konseptwal na balangkas ng pananaliksik na ito ay ginamitan ng Paghahanda

(input), Proseso (process), at Kinalabasan (output). Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa

pagsusuri sa kalusugang pang-kaisipan ng mga mag-aaral sa paggamit ng TikTok. Nilalaman ng

balangkas na ito ang tiyak na direksyon kung paano dapat isagawa ang pananaliksik upang

makapagbigay ng rekomendasyon na gagabay sa kalusugang pang-kaisipan ng mga mag-aaral.

Sa paghahanda o input ay inilahad ang mga layunin na dapat matukoy o mabigyang

kasagutan ng mga mananaliksik. Makikita naman sa proseso o process ang mga hakbang na

ginamit upang makakalap ng sapat na impormasyon at datos. Ang kinalabasan o output naman

ay sumasaklaw sa mungkahi ng mga mananaliksik upang masuportahan at magabayan ang

kalusugang pang-kaisipan ng mga mag-aaral habang sila ay gumagamit ng TikTok.

Paghahanda Proseso Kinalabasan


1. Matukoy ang
Paggawa ng Isang pook-sapot na
demograpikong
Talatanungan o naglalaman ng mga
propayl ng mga
survey impormasyon at
mag-aaral.
questionnaire. aktibidades na
2. Matukoy ang
antas ng kalagayan makapagbibigay ng
Pagbabagi ng mga
ng mga mag-aaral sa suporta at gabay
talatanungan sa
paggamit ng para sa kalusugang
respondente.
TikTok. pang-kaisipan ng
3. Maipaliwanag ang Analysis. mga mag-aaral.
epekto na dulot ng
paggamit ng TikTok
sa emosyon at
kalusugang pang-
Kalusugang Pang-kaisipan

Ang kalusugang pangkaisipan ng isang indibidwal ay mahalaga at nararapat na

pangalagaan, lalo na ng mga kabataan o mag-aaral. Ayon kay Eunice (2020), ang kalusugang

pangkaisipan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng malusog na kaisipan. Dagdag pa niya, ayon sa

World Health Organization ang kalusugang pangkaisipan ay tumutukoy sa kakayahan ng isang

tao na maabot ang kaniyang buong potensyal, harapin ang pang-araw-araw na hamon, maging

produktibo, at makapag-ambag sa komunidad.

Ang kalusugang pangkaisipan ay may malaking bahagi sa buhay ng bawat indibidwal.

Naapektuhan nito kung ang pag-analisa, pagkilos, pakiramdam, at pakikibahagi ng isang tao sa

kapwa at sa kapaligiran. Upang mabalanse ang kalagayan ng kalusugan ay mahalagang

siguraduhin na mabuti ang kalagayan ng anumang aspeto ng pangkalahatang kalusugan. Ang

kakulangan sa kaalaman kung paano mapapangalagaan ang pangkalahatang kalusugan ay may

kaakibat na resulta na hindi makabubuti at lubos na makaka-apekto sa kalusugang pang-kaisipan

(Jumao-as, 2020).

Ayon sa magasin na inilathala ni Bradshaw na may pamagat na Mindfulness for Better

Mental Health (2020), ang konsepto ng kamalayan ay isang uri ng pangninilay na nakatutulong

sa kalusugan ng isang tao, lalo’t higit sa kalusugang pangkaisipan. Ito ay nakatutulong upang

mas maging kalmado at mabawasan ang mga sintomas ng depresyon. Ang pagsasagawa ng

ganitong uri ng pagninilay ay napapabuti ang parehong mental at pisikal na kalusugan ng mga

tao. Dagdag pa rito, habang patuloy na isinasagawa ay mas makikita at mararanasan ng isang tao

ang mga benipisyo ng konseptong ito ng pagninilay.


Pag-aaral : Kalusugang Pangkaisipan

Pag-aaral : Ang Midyang Sosyal

Sanggunian

https://www.curally.ph/blog/76

https://bmhmag.com/mindfulness-for-better-mental-health/ - Nina Bradshaw (November 13,

2018)

https://blog.ivolunteer.com.ph/2020/08/31/kalusugang-pang-isipan-sa-panahon-ng-pandemya/ -

Jumao-as, 2020

Hipotesis

Sa pag-aaral ay sinuri ang alternatibong hipotesis na may kaugnayan ang paggamit ng

aplikasyong TikTok sa kalagayan ng kalusugang pang-kaisipan ng mga mag-aaral.

You might also like