Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

ALITAGTAG, BATANGAS )
X- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - X

SINUMPAANG SALAYSAY

Ako si MARIA CLARA ALONZO INFANTES, nasa hustong


gulang, at kasalukuyang naninirahan sa Barangay Concordia,
Alitagtag, Batangas, na matapos makapanumpa ng naayon sa ating
binagong saligang batas, ay nagsasaad na: 

1. Na, ako ang panganay na anak nina Romarico Fuentes


Infantes at Teodora Alonzo Infantes at naninirahan sa Barangay
Concordia, Alitagtag, Batangas; 

2. Na, humigit kumulang 9:00 ng gabi ika-7 ng Pebrero, 2022,


dahil pumunta sa Tagaytay ang aking mga magulang, maaga
kaming pumasok sa aming mga sariling kwarto, na si Aling
Cleofe sa maid’s room malapit sa kusina, ang kapatid ko na si
Renato sa kwarto nya na kaharap ang aking kwarto sa
ikalawang palapag ng aming bahay;

3. Na, hindi agad ako natulog at umupo muna sa aking study area
upang mag-aral habang nakikinig ng jazz music gamit ang
aking airpods;

4. Na, makalipas ang humigit-kumulang dalawang oras, laking


gulat ko nang may sumabunot sa akin na siyang biglaang
dahilan ng aking pagkatayo. Sumigaw ako ngunit tinakpan niya
ang aking bibig. Nagpumiglas ako at naihampas ko ang librong
hawak ko sa kanya dahil ito ang pinakamalapit na gamit na
maari kong gamitin laban sa kanya;

5. Na, dahil sa pagpupumiglas ko, sumigaw sya, “TUMIGIL KA


KUNDI BABARILIN KITA!” Hinablot nya ang suot kong airpods
at itinutok ang hawak nyang baril sa ulo ko pero nagpumiglas
pa din ako at sinubukang tumakas. Ilang saglit lang, sinuntok
nya ako ng malakas sa aking sikmura na siyang dahilan ng
aking pagkabagsak sa sahig;

6. Na, habang nakahandusay ako sa sahig dahil sa sakit ng aking


tiyan, tinali niya ako gamit ang lubid na orange nylon at pinilit
akong itinayo. Binusalan din nya ang aking bibig;

7. Na, dinala ako ng naturang lalaki sa unang palapag ng aming


bahay.Na sa aming salas natagpuan ko na nakatali at may
busal na sa bibig nina Aling Cleofe at Renato na pawang
umiiyak sa isang sulok;

8. Na, saka ko lamang namalayan na ninanakawan na kami ng


tatlong lalaking iyon dahil panay ang halughog nila sa buong
kabahayan at madami na ding sinirang mga pinto ng cabinet sa
kwarto ng aking mga magulang. May mga pera at alahas silang
kinikuha at nilalagay sa kanilang sako;

9. Na, nagtipon tipon ang tatlong lalaki sa salas at inipon ang iba
pang gamit na kanilang nakuha nang makita kong papasok ng
bahay ang aking ama na si Rumarico na may hawak na kahoy,

10. Na, agad na sinugod ng aking ama ang isa sa mga lalaki at
hinampas ito gamit ang kahoy na dala, matamaan ang lalaki sa
binti na agad naman bumawi sa pamamagitan ng malakas na
paghampas nito sa mukha ng aking ama na nagdulot ng
pagkakabitiw nito ng gamit na kahoy;

11. Na, sa kadahilanang ito nawalan ng balanse ang aking ama,


inutusan din ng tatlong lalaki ang aking ama na lumuhod at
itaas ang mga kamay nito,at makalipas ang ilang minuto
naramdaman ko ang baril na nakatutok sa aking ulo;

12. Na, nagiiyak ako sa takot dahil sa kanilang pagbabanta na ako


ay kanilang papatayin;

13. Na, dahil sa sitwasyon ko napilitan ang aking ama sumunod sa


kanilang utos, ngunit biglang pumasok ang aking ina na si
Teodora at nagsisigaw na huwag kaming sasaktan;

14. Na, bigla kong nakita na may isa sa mga lalaking biglang
hinampas sa ulo ang aking ina na nagdulot ng pagdurugo sa
gilid ng kanyang ulo;

15. Na, galit na ambang tatayo ang aking ama upang saklolohan
ang aking ina, nang hinawakan sya sa ulo ng isa pang lalaki;

16. Na, ngpupumiglas at gustong manlaban ng aking ama nang


itutok ng lalaki ang baril sa kanyang ulo at putukan ito ng isang
beses;
17. Na, dali dali silang umalis bitbit ang mga kagamitan na kanilang
nanakaw;

18. Na, naiwan kaming nkatali at may busal ang bibig habang
puno ng dugo ang aking ama at wala nang malay;
19. Na, malaya at kusang loob kong binibigay ang salaysay na
ito na walang sino man ang namilit o nanakot upang
patotohanan ang lahat ng nakasaad sa itaas at para sa ano pa
mang kadahilanang naaayos sa batas;

Nagsasalaysay: 

MARIA CLARA ALONZO INFANTE

SINUMPAAN AT NILAGDAAN SA HARAPAN KO ngayong


ika-8 ng Pebrero, 2022 dito sa Bayan ng Alitagtag, Batangas. Ang
nagsasalaysay ay nagpakita ng kanyang Voters ID 0171-000-0918.

ITO AY NAGPAPATUNAY na personal kong sinuri ang


nagsasalaysay at ako ay naniniwala na kusang loob niyang ginawa at
naiintindihan ang kanyang sinumpaang salaysay.

 ATTY. DENNIS AMORES


Notary Public 
Until December 31, 2022
Roll No. 802018 
IBP No. 185448, January 2, 2022
PTR No. 102694, January 6, 2022
                          MCLE Compliance No. VI 002095 January 28, 2022

Doc No. ____


Page No. ___
Book No. ___
Series of 2022

You might also like