Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Isyu sa

GLOBALISASYON
By: Mary Isabel Grace Ante & Seth Brandon Alvarez

KONSEPTO NG GLOBALISASYON
-Ito ay walang tiyak na kahulugan sapagkat napakaraming perspektibo at magkakaibang kahulugan, pananaw at usage ang
terminong ito
-inilarawan ang terminong globalisasyon sa mga literatura bilang isang phenomenon o isang espesyal o hindi
pangkaraniwang pangyayari o sitwasyon at proseso ng mga hakbangin para makamit ang isang partikular na wakas o
tunguhin.
-iSang patuloy na proseso ng mahahalagang paglipat (significant shift) sa distansya ng ugnayan (Spatial relations) sa
ugnayang panlipunan(social relations) ng isang tao o organisasyon
-Ang patuloy na proseso ng pagpapataas sa multidimensional na proseso ng ugnayan sa higit na integrasyon, at
pagaasahan ng mga mamayanan, organisasyon, komunidad at bansa sa daigdig bilang isang pandaigdigang lipunan.
- Nagsisilbing instrument ng mga makapangyarihang kapitalistang kanluranin para sa pagkontrol, panghihimasok, at pag-
impluwensya sa mga bansa sa daigdig para mapangalagaan at lalo pang maisulong ang kanilang mga interes dito lalo na
sa larangan ng ekonomiya
the growing interdependence of the world's economies, cultures, and populations, brought about by cross-border trade in
goods and services, technology, and flows of investment, people, and information.
-O Sa madaling sabi, ito ay ang proseso ng mabilisang paglaganap o pagkalat ng mga bagong ideya, kaalaman,
impormasyon, produkto at serbisyo sa buong mundo

KASAYSAYAN NG GLOBALISASYON
- pinagtatalunan pa rin ang tunay na pinagmulan ng terminong globalisasyon.
- mayroon din namang nagsasabi na ito ay isang phenomenon o ang nagpapalagay na ang globalisasyon
ay isang makabagong konsepto proseso na may mahabang kasaysayan.
- Ayon kay Thomas L. Friedman, isang amerikanong manunulat at political commentator na ang
kasaysayan ng globalisasyon ay maaaring mahati sa tatlong pangunahing yugto o periods

Tatlong yugto ng globalisasyon ni friedman:


1. Globalisasyon ng mga Bansa mula 1492 hanggang 1800
2. Globalisasyon ng mga kompanya mula 1800 hanggang 2000
3. Globalisasyon ng mga Indibidwal mula 2000 hanggang sa kasalukuyan

- Subalit, maliban sa pahayag ni Friedman mayroon pang isang pinaniniwalaang proseso ng globalisasyon.
- Ayon sa aklat na Global Issues nung taong 2013 ni Richard payne, isang mananalaysay, sinasabi na ang proseso
ng globalisasyon ay maaring mahati sa limang pangunahing yugto.

Unang yugto ng globalisasyon ni Payne:


- Sinasabing kasingtanda ng unang kabihasnan sa daigdig ang unag yugto ng globalisasyon.
- Sa mahigit ilang libong taon sinasabi na nagkakaroon ng interaksyon sa pamamagitan ng pagsakop, migrasyon, o
kaya kalakalan ang mga tao sa ibat ibang lugar
- Kaya sinabing bago pa man mismo makabuo ng salita o terminong globalisasyon ay matagal na itong nangyayari.
- Sa sobrang katagalan hindi pa globalisasyon ang tawag dsa mga interaksyon sa pagitan ng tao sa ibat ibang parte
ng daigdig.

Pangalawang yugto ng globalisasyon ni Payne:


- Sinasabing ang pangalawang yugto ni Payne ay ang unang yugto ni Friedman
- Nagsimula ang yugtong ito sa unang yugto ng kolonyalismo ng mga bansang Europe. Noong panahon ng
pagtuklas at paglaganap ng sistemang pangekonomiyang Merkantilismo at sa pagtatapos ng ika-18 siglo ng
paglaganap ng kapitalismo
- Nagkakaroon sila ng malawak ng interaksyon sa pamamagitan pagtuklas ng mga explorers o mga ekspedisyon.
- Naguunahan ang mga bansa sa Europa sa pagsasakop o kolonyalismo sa mga lugar na kanilang matutuklasan
upang makunan ng mga materyales tula ng ginto at spices
- Dahil sa rebolusyong industriyal at paglalaganap ng kapitalismo noong 1750s, nangangailangan ang mga bansa sa
europeo ng mapagkukunan ng mga hilaw na materyales.
- Dahil sa kapitalismo, sa halip na pamahalaan at bansa, ang mga pribadong kompanya ang nagsasagawa ng
pagpapalawak sa panahong ito.
- Dahil sa mga pribadong kompanya, nagkaroon ng bagong anyo ng kolonyalismo na tinatawag na imperyalismo
kung saan ang pagsakop na isinasagawa ay kapwa direkta at hindi direkta
- .Pero dahil mga negosyante ang nagsasagawa ng pagpapalawak na ang pinahahalagahan ay mas malaking tubo,
ang mas matipid na di direktang pagsakop ang priyoridad na pamamaraang ginagamit. Gumagamit lamang ng
direktang pagsakop kung kakailanganin gaya ng pagiging sagabal ng mga katutubong pinuno (na hinahayaan
nilang manatili sa kapangyarihang politikal) sa pagsusulong ng kanilang ekonomikong interes sa lugar.
- Maituturing na sa yugtong ito nagsimula ang Ikalawang Yugto ng Globalisasyon ni Friedman.
-
Pangatlong yugto ng globalisasyon ni Payne:
- Sinasabing ang Pangalawang rebolusyong industriyal ang nagging dagliang sanhi sa pagsisimula ng tatlong yugto
ng globalisasyon
- Mula 1870 hanggang 1914
- Tinawag din ang yugtong itong daigdig bilang “bagong imperyalismo” na kinatatampukan ng matinding tunggalian
sa pagpapalawak ng mga bansang imperyalista sa ibat ibang bahagi ng daigdig. Dahil sa mainit na tunggalian ng
bansang Europe, ay seryosong nagpapalawakan ng mga sinasakop na teritoryo ang mga bansa tulad g US at
Japan na nakisabay na rito.
- Syempre, sa mainit na pagtutunggali ng mga bansa at pagaagawan ng mga pinagsasakupan ay mauwi ito sa
digmaan sa pagitan ng mga bansang imperyalista
- Nauwi ito sa ibat uibang digmaan sa ibat ibang bansa tulad na lamang ng digmaang Espanyol – Amerikano, Sino-
Japanese War sa pagitan ng Japan at china, at Russo-Japanese War.
- Natapos ang mga digmaan sa pagitan ng mga Imperyalista ay noong nagsimula na ang dalawang pandaigdigang
digmaan: World War I noong 1914 hanggang 1918 at World war II na mula 1939 hanggang 1945.

Pangapat na yugto ng globalisasyon ni Payne:


- Nangyari mula 1945 hanggang 1990 dahil sa nekolonyalismo at Cold war
- Dahil sa paglaya ng mga kolonya sa kolonyalismo patungo sa isang malayang bansa ay nagbago rin ang
interaksyon ng mga tao sa bansa.
- Nahahati ang daigdig sa tatlong kategorya ng mga bansa;
FIRST WORLD – Mauunlad at makapangyarihang kapitalista-demokratiko
SECOND WORLD – Mga bansang komunista
THIRD WORLD - Mahihirap at papaunlad na bansang naiipit sa tunggalian ng Cold War

Panglimang yugto ng globalisasyon ni Payne


- Sinasabing ito ay ang pangkasalukuyang panahon
- Kinatatampukan ito ng walang katulad na pag-aasahan ng mga bansa at eksplosibong paglago ng makapangyariha
nonstate actors.
- Nonstate actors (NSA) – mga indibidwal, organisasyon, o entidad na may kapangyarihang politikal, ekonomiko, at
panlipunan na nagagawang makaimpluwensya sa isang bansa subalit hindi ito parte sa isang particular na bansa.

Halimbawa ng non-state actors:


- Multinational corporations (MNCs)
- Transnational corporations (TNCs)
- Nongovernmental organizations (NGOs)
- Civil Society Organizations (CSOs)

MGA PANGUNAHING INSTITUSYON: Bahaging ginagampanan ng mga Intergovernmental


Organizations (IGOs) at pandaigdigang kasunduan sa Globaliasyon
- Matapos ang world war II, nagkaroon ng reyalisasyon ang mga pinuno na may suliraning pandaigdig na bawat
bansa ay kinakailangan ng rehiyonal at pandaigdig na pagkikilos
- Dahil dito ay nagsimula nang maitatag ang mga International organizations na binubuo ng Intergovernmental
Organizations at Inter nongovernmental Organizations.

Intergovernmental Organizations (IGOs)


- Ang IGOs ay organisasyong binubuo ng tatlo o higit pang mga nasyon estado.
- Ito ay nilikja at boluntaryong sinamahan ng mga bansang estado upang magtulungang magbigay ng solusyon sa
mga problema na nagbigay ng kapangyarihan sa kanila na magsagawa ng sama-samang pagpapasiya sa
pangangasiwa ng mga problema sa pagitan ng mga kasaping bansa.
- Ang mga kinatawan ng estado ay magtitipon upang italakay ang mga isyu at itoy masolusyonan
- Ang WTO, IMF/WB, ADB, at APEC ay mga IGOS na nagsusulong ng globalisasyon sa ekonomiya partikular sa
kalakalan at pagnenegosyo.
- Tinitiyak ng mga nasabing IGOS na ganap na mapatataas ang integrasyon at pag-aasahan (interdependence) ng
mga pambansa rehiyonal at lokal na ekonomiya sa buong daigdig sa pamamagitan ng intensipikasyon ng malaya
at cross-boarder na paggalaw ng mga kalakal serbisyo, teknolohiya, at kapital.
- Ito ay nauuri sa dalawa. Ang pandaigdigang IGOs ( Globan IGOs) at rehiyonal na IGOs (Regional IGOs)
- Dalawang uri ng IGOs:
PANDAIGDIG (GLOBAL) - Kalimitang may universal membership o halos lahat ng mga nasyon-estado sa
daigdig ay kasapi. Mga halimbawa ay ang : United Nations (UN). World Trade Organization (WTO), International
Monetary Fund (IMF), at International Bank for Reconstruction and Development (IBRD) na higit na kilala bilang
World Bank (WB)

REHIYONAL ( REGIONAL)- Binubuo ng ilang kasaping bansang binibigkis ng kalimitiang magkakatulad na


interes bilang isang rehiyon. Mga halimbawa ay ang : European Union (EU), African Union, Association of
Southeast Asian Nations (ASEAN), Organization of Islamic Countries (OIC), Asia-Pacific Economic Cooperation
(APEC), at Asian Development Bank.

Intergovernmental Organizations (UN)


- Noong 1945, itinatag ng mga kasaping bansa ang United
Nations (UN) na may layunin na;
1. Magpanatili ng pandaigdigang kapayapaan at seguridad
2. Magpaunlad at magbuo ng mabuting ugnayan sa mga kasaping bansa
3. Magkamit ng pandaigdigang pagtutulungan sa paglutas ng ng mga pandaigdigang problema
4. Magsilbing sentro para sa pagkakaisa ng pagkilos ng mga bansang kasapi

Intergovernmental Organizations (GATT)


- natapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglaya ng mga nasyon-estado sa kanilang mga kolonya.
- Pinagtulungang maitatag ng mga makapangyarihang bansang imperyalista ang General Agreement on Tariffs and
Trade (GATT)
titiyak na mananat ang pag-iral ng malayang pangangalakal at pagnenegosyo sa buong daigdig partikular sa mga
bansang-estadong kasapi nito
- Sinasabing ang GATT na isang “multilateral agreement”
- Nagpapatupad ng regulasyon sa pandaigdigang kalakalan noong oktubre 30, 1947 sa Geneva, Switzerland
matapos ito lagdan ng 23 na bansa
- Sinasabing ang layon nito ay "substantial reduction of tariffs and other trade barriers and the elimination of
preferences, on a reciprocal and mutually advantageous basis.”
- Nanatili bilang regulator ng international trade ang GATT hanggang lamang noong Abril 14, 1994
- Ito ay dahil naipagtibay na ng 123 na nasyon ang Uruguay Rounds Agreements na itatag ang World Trade
Organization (WTO)
- Kahit na tuluyang naglaho ang GATT bilang estrukturang pandaigdig sa pagsisimula ng WTO, ito ay nanatili parin
ipinapatupad ang mga probisyon ng lahat ng kasunduang pinagtitibay sa ilalim nito.

Intergovernmental Organizations (WTO)


- Ang World Trade Organization (WTO) ay sinasabing nagbago sa Sistema ng pandaigdigang kalakalan
- Ito ay tinatag upang magsagawa ng koordinasyon sa lahat ng negosasyong ukol sa taripa at bumalangkas ng
mekanismo sa pagresolba ng di pagkakasundo sa kalakalan ng mga kasaping bansa.
- Sa pagresolba ng di pagkakasundo ng mga kasaping bansa, tinitiyak ng WTO ang estriktong implementasyon,
pangangasiwa, at operasyon ng lahat ng nilalaman ng kasunduang pinagtibay ng mga kasaping bansa.
- nagsisilbing forum para sa negosasyon at pag-aayos ng di pagkakaunawaan (settlement of disputes) sa pagitan ng
mga kasaping bansa mula noong 1995 hanggang sa kasalukuyan. ang tunay na layunin sa pagtatag ng WTO ay
upang maging tagapagbantay (guardin) ng pandaigdigang ekonomiya para sa pagpapanatili ng pag-iral ng mga
patakarang nakabatay sa kapitalismo gaya ng malayang pangangalakal at pagnenegosyo sa buong daigdig.
- karagdagang tungkulin ng WTO ang kooperasyon kung kakailanganin sa IMF at World Bank para matiyak na
makakamit ang higit na pagkakatugma ng "global economic policy making."

Intergovernmental Organizations (IMF/WB)


- tinaguriang Bretton Woods Sisters noong 1944 sa Bretton Woods, New Hamshire, United States
- Mas nauna pang itinatag kaysa sa GATT at WTO
- Ang International Monetary Fund at World Bank ay mga multilateral institution na tila isang bangko at ang Sistema
ng operasyon ay tulad ng isang kooperasyon
- Bilang isang Intergovernmental organization, ang mga nasyon-estado na kasapi nito ay ang nagsisislbing stock
holders ng korporasyong ito
- Ang pagsapi ng mga bansa at ang kanilang boses sa pagpapasiya ay nakasalalay sa "share of stocks" na may
katumbas na “voting shares.”
- Sinasabing instrumento lamang ng dominasyon ng mga makapangyarihang bansang kapitalista.
- Bilang isang bangko, nagpapautang ang IMF/WB sa mga bansang kasapi nito. Ang WB ay nagpapautang para sa
pagtustos ng mga proyektong pangkaunlaran gaya ng pagpapatayo ng mga impraestruktura, proyekto at
programang may kinalaman sa edukasyon, kalusugan, at agrikultura
- Samantala, ang IMF ay nagpapautang kung ang pagkakagastusan ay para punuan ang
kakulangan sa foreign exchange ng bansang nangungutang na ng BOP (balance of payment)
deficit.
- para sa paglutas ng BOP deficit, nag-aalok kaagad ng pautang ang IMF. Subalit, ang nasabing
pag-utang ay may kakambal na kondisyon. Kabilang dito ang pagbabawal sa bansang
nangungutang na magpataw ng dagdag o mataas na taripa sa mga produktong imported na
pumapasok sa kanyang teritoryo.
- Sa halip, dapat tiyakin ng bansang nangungutang na tinutupad at lalo pa nitong isinusulong ang
ganap na implementasyon ng mga patakarang "privatization," "deregulation," at "liberalization
PRIVATIZATION - patakaran o proseso ng paglilipat ng pagmamay-ari mula sa pamahalaan
patungo sa pribadong sektor ng anumang ari-arian (properties), negosyo, kompanya, o
Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs), at share of stocks sa isang
korporasyon
DEREGULATION - ang proseso ng pagbawas o tuluyang pagtanggal ng regulasyon, pakikialam
(oversight), o kapangyarihan ng pamahalaan sa isang partikular na industriya o anumang lawak ng
ekonomiya.
ECONOMIC LIBERALIZATION / TRADE LIBERALIZATION - tumutukoy sa patakaran ng
pamahalaan na pagsusulong ng pagpapalago ng ekonomiya na nakabatay sa pagbubukas ng lokal
na ekonomiya sa pandaigdigang pamilihan at dayuhang negosyo.
- -tuluyang inaalis o kung hindi man ay binabawasan ang mga balakid sa pagpasok ng mga
dayuhang kalakal, serbisyo, at kapital sa bansa gaya ng pagtanggal o pagbawas ng sinisingil na
taripa (duties, surcharges, at export subsidies) at mga nontariff barriers (licensing regulations,
quotas, at export subsidies).
- Ang mga nabanggit na patakaran ay kapwa may mabuti at masamang bunga sa mga Pilipino. Ang
matinding kompetisyon sa pagitan ng mga negosyante ay maaaring magpababa ng presyo ng
kalakal at serbisyo. Ang pagpasok ng mga dayuhang kapital ay maaaring makalikha ng mas
maraming trabaho at ang malayang kalakalan ay magbibigay-daan sa mas maraming
mapagpipilian para sa mga konsyumer, at pagbaba ng presyo sa pagdami ng suplay at
kompetisyon sa local na produkto sa pagbaha ng mga produktong imported.
-

You might also like