Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Raven Shayne T.

Velasco

Filipino 10

A. Pagsusuri sa nobela gamit ang pananaw na feminismo.

1. Dahil sa kanyang pagiging matalino at kung paano niya hinarap ang kanyang buhay sa kabila ng
mga problemang ibinigay sakanya. Kanila ding hinangaan ang paraan niyang mag-isip dahil sa
pagigng makulay nito at puno ng pag-asa.

2. Mas nangingibabaw ang impluwensiya ni Marilla dahil sa kanyang karakter na pagiging malakas
ang paninindigan at madalas na stricta sa maayos na paraan.

3. Si Anne ay may malakas na paniniwala sa kanyang sarili at may umuusbong na kagustuhang


mapa-unlad ang kanyang buhay. Naipakita niyang wala sa kasarian ang pagiging maunlad at
mapabago ang buhay. Nagwa niya ito sa paraan na kahit sa panahong iyon ay maliit ang tingin
nila sa mga babae ay pinilit niyang mag-aral at makipagsabayan sa mga lalake hanggang naging
isa siya sa mga studyanteng nakakuha ng scholarship para sa kolehiyo at nagtapos na isa sa mga
top students nong siya ay nasa highschool.

4. Na kaya ng babae kung ano ang kaya ng lalake. Naipakita niyang wala sa kasarian ang pagiging
matagumpay kundi nasa determinasiyon.

5. Si Gng. Allan at Diane, Ipinakita nila na kaya ng kapwa babae suportahan ang kanilang kapuwa
kagaya ng mga lalake na sinusuppotahan lamang ang kanilang kapuwa lalake sa kanilang
panahon.

6. Dahil ipinapakita niya sa lahat na hindi hadlang ang iyong kasarian upang magawa ang mga
gusto mo sa buhay at makamit ang iyong pangarap. At dapat wag papa apekto sa mga taong
binababa ang iyong mga paniniwalang makamit ang mga pangarap dahil lang sa ikaw ay babae,
dahil tayo ay mga tao lamang at pantay pantay ang kakayahan nakadepende lang ito sa
determinasiyon at paniniwala sa sarili.

7. Naka pokus ito sa kakayahan ng mga kababaihan at ipinapakita ang pagkakapantay-pantay ng


mga lalake at babae. At ang kaisipan na kaya ding higitan ng mga babae ang mga lalake.
B. Suring basa ng nobelang nabasa.

Anne of Green Gables

(L.M. Montgomery)

Tema: Feminismo

Mga Tauhan:

 Anne Shirley
 Marilla Cuthbert
 Matthew Cuthbert
 Diana Barry
 Gilbert Blythe
 Mrs. Allan
 Mrs. Barry
 Aunt Josephine

Tagpuan/Panahon:

 Green Gables
 Istasyon ng tren
 Avonlea
 Prince Edward Island
 Canada
 1908

Maikling buod: Si Anne Shirley ay ipinadala sa green gables ngunit ito ay isang pagkakamali dahil hindi
siya dapat ang ipinadala. Ngunit nagustuhan naman siya di kalaunan nila Matthew at Marilla ay hindi na
siya ibinalik at kanila nalang kinupkop. Siya ay nag-aral at nagtapos na mataas ang grado at nakatanggap
ng scholarship. Namatay si Matthew kaya hindi niya tinuloy ang pagtanggap sa scholarship sa kolehiyo at
ibinigay sakanya ni Gilbert Blythe ang posisyon sa paaralan na maging guro.

Patunay na ito ay isang Akdang Feminismo: Ang unang tauhan ay isang palaban na babae at ang istorya
ay nakapokus sa pagpapakita ng pagkapantay-pantay ng mga babae at lalake.

Mahahalagang Kaisipan: Hindi hadlang ang pagiging babae sa pagkamit sa iyong mga pangarap at
lagpasan kung ano ang kaya ng iba. Hindi totoo ang kasabihan ng iba na ang kababaihan ay para sa
bahay lamang at mahihina. Dahil kaya din ng mga babae ang maging innovators at mapabago ang
mundo.

Pangwakas na Kaisipan: Lahat ay pantay-pantay maging ano man ang iyong kasarian, kulay, at
pinanggalingan. At ating buhay ay hindi natatapos kung mayroong yumao, sa una ikaw ay masasaktan
ngunit ika nga nila “time heals” matututunan mo ding matanggap ito kalaunan at maging masaya ulit.

You might also like