Senior High School-Filipino 12: (Pagbasa at Pagsusuri NG Iba't Ibang Teksto Sa Pananaliksik)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

In Consortium with Ateneo de Zamboanga University and Xavier University SENIOR HIGH SCHOOL- FILIPINO

12 (Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto sa Pananaliksik)


In Consortium with Ateneo de Zamboanga University and Xavier University SENIOR HIGH
SCHOOL- FILIPINO 12 (Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto sa Pananaliksik)

TEMPLATE SA PAGBUO NG PANIMULA: PT #2


Pangalan: Laroa, L., Redoña, N., Sabate, H.
Strand, Baitang at Seksyon: STEM Pre-Science, 11-Oldcorne
Asignatura: FILIPINO 12 - Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Akademikong panuruan/semestre: 2022-23 / Ikalawang Semestre
Gawain: PAA7-PT2_Pagbuo ng Panimula ng Pananliksik
Petsa: Abril 1, 2023
Tesis na Pahayag: Ang pagpapatupad ng abortion sa pilipinas ay magiging daan sa mga
babaeng naghahangad ng kanilang karapatan sa kanilang moralidad pantao at ang karapatang
magdesisyon para sa kanilang ikabubuti.

Pananaw ng mga Mag-aaral sa Pagpapatupad ng Abortion sa Pilipinas


Pamagat

“Abortion is healthcare and bodily autonomy is a human right” (Recent Case Highlights
- Center for Reproductive Rights, 2023). Ayon sa Philippine Commission on Women, 4% ng
mga kababaihan na nasa edad 15-49 ay nakaranas ng sapilitang pakikipagtalik o panggagahasa.
Ito ang madalas na karaniwang dahilan ng mga kababaihan na nakararanas ng hindi ginustong
pagbubuntis. Dahil sa malungkot na realidad na ito, karamihan sa mga kababaihan ang
pinagkaitan ng awtoridad na magdesisyon para sa kanilang sariling kapakanan.

Tayong lahat mga mamamayang Pilipino ay may mga pansariling hangarin sa buhay at
tulad na lamang ng mga bagay-bagay na nais natin makamit ayon sa ating mga kagustuhan, hindi
rin dapat natin ipagkait ang mga kababaihan na magdesisyon para sa kanilang sarili. Mahalaga
na bigyan natin ng hustisya ang kanilang ipinaglalaban at maitatag ang kanilang mga karapatan.

Isa sa mga kapansin-pansing isyu sa ating lipunan ay ang diskriminasyon laban sa


mga kababaihan. Hanggang sa kasalukuyan, natatanaw parin ang iilang problema gaya na
lamang na ang karamihan sa mga kababaihan ay hindi binibigyan ng karapatang
manindigan para sa kanilang sarili. Kung ibabahagi natin ito sa konteksto ng abortion,
kadalasan ang mga kababaihan ay tinatanggihan, o may iilan na sumasalungat sa hiling ng
babae, o kung kaya’t iba na ang nagde-desisyon para sa kanila. Sa konteksto rin ng
abortion, ang mga kababaihan lamang ang sinisiraan o sadyang pinapamukhaan ng
matinding kahihiyan. Isang matinding isyu sa ating lipunan ngayon ang pagtatangi laban
sa mga kababaihan at nais naming pawiin ang isyung ito sa pananaliksik na aming
isinagawa. Ngayon naman, ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang maunawaan ng mga
mambabasa ang ideya sa pagsang-ayon sa pagpapatupad ng abortion. Nais din namin
maipaliwanag sa mga mambabasa ang tulong na maidudulot ng pagpapatupad ng abortion sa
karapatan ng mga babae. At panghuli, maging bukas ang isipan ng mga mambabasa sa usapang
abortion upang mawala ang social stigma na nakapalibot laban sa abortion.

Ang diskriminasyon at pang-aapi laban sa kababaihan ay matagal nang naging isyu sa


bansang Pilipinas at ito ay patuloy pa rin lumalaganap sa kasalukuyan, kung kaya’t balak naming
panukalain sa pananaliksik na ito na ang pagpapatupad ng abortion sa Pilipinas ay magiging
daan sa mga babaeng naghahangad ng kanilang karapatan sa kanilang moralidad pantao at ang
karapatang magdesisyon para sa kanilang ikabubuti.
Sanggunian

Antonio (2021, April 12). BUNTISKO ᐅ Mga Argumento Tungkol sa Aborsyon: Sang-Ayon Ka

ba Sa Aborsyon? Retrieved March 22, 2023, website: https://pagbubuntis.com/aborsyon/

Besheer, M. (2021, April 14). Women must have autonomy over their bodies, UN Says. Retrieved

March 22, 2023, from VOA News website:

https://www.voanews.com/a/science-health_women-must-have-autonomy-over-their-bod

ies-un-says/6204553.html

BPAS. (n.d.). 10 Reasons to Decriminalise Abortion | Briefings | Advocacy. Retrieved March 22,

2023, from BPAS website:

https://www.bpas.org/get-involved/campaigns/briefings/10-reasons-to-decriminalise-abor

tion/

Gatdula, J. (2018, November 29). Abortion and the tragedy of rape. Retrieved March 22, 2023,

from BusinessWorld Online website:

https://www.bworldonline.com/opinion/2018/11/29/202110/abortion-and-the-tragedy-of-r

ape/

Padilla, C. R. A. (n.d.). Reasons Why We Need to Decriminalize Abortion. Retrieved March 22,

2023, from University of Toronto Faculty of Law website:

https://www.law.utoronto.ca/sites/default/files/documents/reprohealth/philippines_2020_r

easons_to_decriminalize.pdf

Reasons to Support the Bill. (n.d.). Retrieved March 22, 2023, from Decriminalize Abortion

Now! website: https://decriminalizeabortion.ph/about/reasons/


Relibo, D. (2020, February 04). Aborsyon. Retrieved March 22, 2023, website:

https://www.academia.edu/41853370/ABORSYON

Safe and Legal Abortion is a Woman's Human Right. (n.d.). Retrieved March 22, 2023, from

Center for Reproductive Rights website:

https://www.reproductiverights.org/sites/default/files/documents/pub_bp_safeandlegal.pd

Yoair Blog. (n.d.). Aborsyon: Ito ay Kasaysayan at Karapatan ng Kababaihan na Pumili.

Retrieved March 22, 2023, from Yoair blog. website:

https://www.yoair.com/tl/blog/abortion-its-history-and-womens-right-to-choose/
In Consortium with Ateneo de Zamboanga University and Xavier University SENIOR HIGH
SCHOOL- FILIPINO

Katibayan ng Pagdalo/Kontribusyon sa Pangkatang Gawain


Sa pagsasagawa ng aming pangkatang gawain ay ibinahagi namin ang aming mga kaisipan
upang maging maayos ang mga gustong ibahagi na parte sa awtput. Makikita sa litrato na
tinatalakay namin ang aming mga sagot.

You might also like