Q2 Lagumang Pagsusulit Komunikasyon Sa Wika at Kulturang Pilipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Schools Division Office of Nueva Ecija
EDUARDO L. JOSON MEMORIAL HIGH SCHOOL
Bertese, Quezon, Nueva Ecija

LAGUMANG PAGSUSULIT
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
SEMESTER: 1 QUARTER: 1
UNA AT IKATLONG LINGGO: SITWASYONG PANGWIKA
IKAAPAT NA LINGGO: KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO (KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO)

1. Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsususri at pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t
ibang sitwasyon ng paggamit sa wika
Magsagawa ka at ang iyong mga kapangkat ng isang pag-aaral sa pagsusuri at pagsulat ng iba’t ibang sitwasyon
sa paggamit ng wika. sundan ang mga panuto sa ibaba:
1. Makipagpangkat sa iyong mga kaklase. Ang mabubuong pangkat ay maghahanap ng kasagutan para sa
tanong na: “Anon a baa ng kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyanng
panahon?”
2. Pag-usapan sa pangkat ang nasabing tanong o suliranin. Talakayin ang mga maaaring gawin upang maihanap
ito ng angkop na kasagutan.
3. Gamit ang talatanungan o survey form na unang sinagutan sa Simulan Natin, ang bawat miyembro ay
magpapasagot din nito o gagamit nito sa isang survey para malaman ang kalagayan o sitwasyon ng wikang
Filipino sa mga kabataan sa kasalukuyang panahon.
4. Ang survey form ay maaaring ipadala sa Facebook messenger o kaya’y i-post nang naka-custom para lang sa
mga respondente. Ang mga sasagot o respondente ay hindi bababa sa sampung kabataang may edad 13
hanggang 19 na “friend” sa facebook ng bawat miyembro.
5. Hindi dapat ma doble ang mga respondente kaya’t pag-usapan kung sino-sino ang mga kaibigang padadalhin
ng survey sa Facebook. Makabubuti kung hindi sa isang bayan lang sa ating bansa magmumula ang mga
respondente.
6. Kapag nakompleto na ang talatanungan o survey form ng bawat kasapi ay i-tally ang lahat upang magkaroon
ng datos na pagbabasehan sa gagawing ulat.
7. Mula rito’y buoin ang ulat. Sundan ang balangkas sa ibaba para sa mga bahagi ng bubuoing ulat:
❖ Panimula o introduksiyon
❖ Katawan (na kinabibilangan ng sumusunod: )
✓ Kahalagahan ng pag-aaral
✓ Sakop ng pag-aaral
✓ Paraan sa pagkuha ng datos
❖ Konklusyon

Gawing gabay ang rubric para sa iyong bubuoin.

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY DI GAANONG SADYANG DI


MAHUSAY MAHUSAY
Panimula Nakapupukaw ng interes ng Nabanggit ang Nabanggit ang Walang nabanggit sa
mambabasa, nabanggit ang pangunahing paksaat ang pangunahing paksa subalit paksa at karagdagang
pangunahing paksa at ang maaaring maaaring kalalabasan ng wala nang karagdagang impormasyon sa pagaaral.
kalabasan ng pag-aaral. pag-aaral impormasyong naisama.

Organisasyon ng Naipakita sa kabuoan ng ulat ang May maayos na Hindi gaanong naipaktia Hindi naipakita ang
mga Ideya maayos na pagkakasunod-sunod ng pagkakasunod-sunod ng ang maayos na maayos na pagkakasunod-
mga ideya sa pamaamgitan ng mga ideya sa mga talata. pagkakasunod-sunod ng sunod ng mga ideya sa
malilinaw na mga talata; ginamitan mga ideya sa talata. mga talata.
ng angkop na transisyon o
paguugnay-ugany upang maipakita
ang organisasyon.
Paraan ng Nakakalap ang bawat kasapi nang Nakakalap ang bawat Nakakalap ang bawat Nakakalap ang bawat
Pagkuha ng Datos mahigit pa sa sampung kabataang kasapi ng sampung kasapi ng sampung kasapi ng walo o mas
may edad 13 hanggang 19 kabataang my edad 13 kabataang my edad 13 mababa pa ritong bilang
respondente sa pamamagitan ng hanggang 19 respondente hanggang 19 respondente ng kabataang my edad 13
Facebook. sa pamaamgitan ng sa pamaamgitan ng hanggang 19 respondente
Facebook Facebook sa pamaamgitan ng
Facebook
Konklusyon Ang konklusyon ay sadyang Ang konklusyon ay Ang konklusyon ay di Ang konklusyon ay
naaangkop sa tanong o suliraning naaangkop sa tanong o gaanong angkop sa tanong sadyang hindi naaangkop
inihahanap ng kasagutan. suliraning inihahanap ng o suliraning inihahanap ng sa tanong o suliraning
kasagutan. kasagutan. inihahanap ng kasagutan.

2. Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan sa mga balita sa
radyo at telebisyon
May mga balitang pantelebisyong naging kontrobersyal dahil sa ginamit na salita ng mga personalidad na
nainterbyu. Basahin ang bawat isa at saka isagawa ang panuto.
1. Naging kontrobersiyal at binatikos ng mga netizen ang mga salitang binitiwan ni Secrtary Joseoph
Emilio Abaya sa isang panayam niya sa ABS-CBN TV Patrol nang sabihin niyang, “bagama’t nakasisira
nfg araw ang traffic ay hindi naman siguro fatal iyan.” Kung mabibigyan ka ng pagkakataong maiayos
ang sinabi niya, paano mo ito papalitan nang mas angkop na salita o pangungusap para maiparating mo
pa rin ang mensahe nang hindi magagalit sa iyo ang mga tao? Isulat sa ibaba.
2. Naging kontorbersiyal din ang paliwanag ng isang opisyal sa airport nang bumagsak ang isang bahagi ng
sahig ng NAIA dahil daw sa bigat ng mga pasahero. Sa halip na isisi ang pagbagsak na ito sa bigat ng
mga pasahero, ano sa tingin mo ang dapat nilang sinabi para hindi umani ng ganitong batikos mula sa
mga mamamayan?

Gawing gabay sa pagsagot ang rubric na ito:


PUNTOS PAMANTAYAN
4 Natukoy at nagamit ang mga pinakaangkop na salita at pangungusap ayon sa konteksto ng
balitang napakinggan, nabasa o napanood.
3 Natukoy at nagamit ang mga angkop na salita at pangungusap ayon sa konteksto ng balitang
napakinggan, nabasa o napanood
2 Hindi gaanong angkop ang mga salita at pangungusap ayon sa konteksto ng balitang
napakinggan, nabasa o napanood
1 Walang kaangkupan ang mga angkop na salita at pangungusap ayon sa konteksto ng balitang
napakinggan, nabasa o napanood

Inihanda nina:

CZARINA-ISABELLA C. RAMOS TERESITA T. TABELINA


Guro III Guro III

Binigyang Pansin: Pinagtibay:

MARICEL C. DULDULAO DENNIS L. SERAPIO


Katuwang na Pampaaralang Punong Guro II Punong Guro III

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
Schools Division Office of Nueva Ecija
EDUARDO L. JOSON MEMORIAL HIGH SCHOOL
Bertese, Quezon, Nueva Ecija

LAGUMANG PAGSUSULIT
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
SEMESTER: 1 QUARTER: 1
IKALIMANG LINGGO: KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO (KAKAYAHANG
SOSYOLINGGUWISTIKO)
IKAANIM NA LINGGO: KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO (KAKAYAHANG PRAGMATIK
ISTRATEDYIKAT DISKORSAL)

1. Nakabubuo ng kritikal na sanaysay ukol sa paraan ng paggamit ng wika ng iba’t inang grupong sosyal at kultural
sa Pilipinas .
Kung isang hamon sa pambansang pagkakaunawaan ang maraming wika at diyalekto sa Pilipinas,
maaaring idagdag pa rito ang ilang napapanahong isyu tungkol sa wika. Bilang mamamayang Pilipino,
kailangang suriin at harapin natin ang mga isyung ito. Ang sumusunod ay ilan sa maaaring isyung
itinuturing na malalaking hamon sa pagtataguyod ng wikang pambansa. Mababasa rin natin ang sagot ng
Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon sa mga nasabing isyu. Ating suriin at tuklasin kung paano na nga
ba magiging madali sa atin ang pakikipag-ugnayan kung patuloy na dumarami ang wika at mga barayti
nitong ginagamit sa ating bayan.
Ang paglaganap ng paggamit ng Beki Language
Ang sagot ni Kalihim Luistro nang tanungin hinggil sa paggamit ng Beki Language:
“Ang paggamit ng mga bagong nabubuong kolokyal na kagaya ng “beki” ay kasama sa pagbabago ng mga wika at
hindi natin mapipigilan. Kapag ang ganitong salita ay naging katanggap-
tanggap na sa lipunan at ginagamit ng mayoridad, saka pa lamang ito naisasali sa opisyal na

komunikasyon.”

Ang pagkabihasa ng maraming mag-aaral sa wikang Ingles kaysa wikang Filipino


Ang sagot ni Kalihim Luistro nang tanungin hinggil sa marmaing mag-aaral na bihasa sa paggamit ng wikang Ingles:
“Ang naumpisahan na nating reporma sa bagong K to 12 Curriculum ay nagnanais na tumugon sa hamon na
mahasa ang ating kabataan na gamitin at palawigin ang wikang ating kinagisnan pati nas rin ang ating Pambansang Wika. Kasama rito
ang paggamit ng kanilang unang wika.”

Ang pagkakaroon ng other Tongue Based-Multilingual Education


Ayon kay DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC, “ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan
sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong upang mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag -aaral at
makapagpatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.”

Batay sa mga nabanggit na napapanahong isyu, bumuo ng isang kritikal na sanaysay ukol sa paraan ng paggamit ng
wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas. Maaaring pumili ng isang grupong sosyal o kultural at doon
ituon ang iyong sanaysay.
Ang iyong sanaysay ay tatayain gamit ang rubric sa ibaba.

PUNTOS PAMANTAYAN
4 Nakabuo ng kritikal na sanaysay ukol sa paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural
sa Pilipinas. Naipahayag nang malinaw ang sariling opinyon at pagsusuri sa mga nabanggit na isyu ukol sa
paggamit ng wika. Nakapagsaliksik din ng iba pang opinyon ng ilang kilalang tao hinggil sa mga nabanggit na
isyu.
3 Nakabuo ng kritikal na sanaysay ukol sa paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural
sa Pilipinas. Naipahayag nang malinaw ang sariling opinyon at pagsusuri sa mga nabanggit na isyu ukol sa
paggamit ng wika.

2 Nakabuo ng sanaysay ukol sa paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kutural sa Pilipinas,
ngunit hindi malinaw ang naipahayag ang sariling opinyon at pagsusuri hinggil sa isyung nabanggit.
1 Nakabuo ng sanaysay ukol sa paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas
ngunit hindi naging malinaw ang layunin at nilalaman ng sanaysay.
2. Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang napakinggan sa mga balita sa
radyo at telebisyon
Isipin mong ikaw ay isang komentarista sa radyo o telebisyon. Magsagawa ng komentaryo tungkol sa sumusunod
na talumpati ng Pangalawang Pangulong Jejomar Binay. Ang kanyang talumpati ay tinawag niya at ng kanyang mga
kaalyado na True State of the Nation Address (TSONA). Binigkas niya rito ilang araw matapos ibigay ni Pangulong
Benigno Simeon Aquino III ang kanyang huling State of the Nation Address. Mayroon kang tatlong minuto upang
ipahayag ang iyong komentaryo ukol sa kaangkupan ng salita o mga pangungusap na ginamit.
Mga kababayan:
Matiyaga tayong nakinig nang mahigit dalawang oras sa SONA ni Pangulong Aquino noong isang linggo.
Umasa tayo na dahil ito na ang huling SONA, magbibigay siya ng tapat na pag-uulat sa kalagayan ng bansa.
Umasa tayo na maglalahad ng mga hakbangin para mabigyang ginhawa ang nakararami.
Ngunit ang narinig natin ay ulat na punong-puno ng kuwento, pagbubuhat ng sariling bangko at – tulad ng mga
naunang SONA – paninisi.
Napakadaling mamulot ng numero, mga numerong sa unang tingin ay makislap at kagiliw-giliw. Ngunit hindi
kayang pagtakpan ang umaalingasaw na katotohanan na pilit itinatago at pagkakaila: pagkaraan ng limang taon, marami
pa rin ang naghihirap, nagugutom, at walang trabaho.
Pagkaraan ng limang taon, ang isinukli sa pagsisikap ng mamamayang Pilipino ay manhid at palpak na pamamahala.
Kung inyong natatandaan, buwan ng Agosto noong 2010 nang mangyari ang trahedya sa Luneta. Mistulang
hinayaan na lamang mapatay ang walong inosenteng turista na ginawang hostage. Collateral damage o hindi sinadya
raw.
Ito ay masamang pangitain: umpisa pa lamang ng administrasyon, manhind at palpak na.
Sa Tacloban, sa gitna ng malawak na pinsala ng Super Bagyong Yolanda, habang nagkalat ang mga patay,
nagugutom, nauuhaw, lumuluha, at nagmamakaawa ng dagliang tulong, ang sagot ng adminsitrasyon: buhay pa naman
kayo, hindi ba?
At sa halip na tugunan ang hinaing ng local government, pilit na pinapirma ng secretary ng DILG ang mayor ng
lungsod sa isang pormal na kasulatan. Kailangan daw ito bago tumulong ang national government. Aquino raw kasi ang
presidente at ang mayor ay isang Romualdez .
Nang ayaw pumayag ng mayor, ang sagot ng DILG secretary; bahala kayo sa buhay ninyo.
Dalawampung buwan matapos ang Yolanda, nagsisiksikan pa rin ang mahigit na 100,000 katao sa tent cities at
bunkhouses. Marami ang nagkakasakit. Nakaligtas ang ilan sa bagyo pero namatay naman sa masamang kalagayan sa
evacuation centers.
Nagkaroon nga ng isang daan at animnapu’t pitong bilyong piso na Comprehensive Rehabilitation ang Recovery
Plan pero ang tanong ng budget watchdog: saan napunta ang pera at donasyon ng iba’t ibang bansa sa buong mundo?
Tinangay na rin ba ng bagyo?
At ang mismong United Nations, kamakailan lamang, ang nagbigay ng kanilang konklusyon: kulang na kulang
ang ginagawa ng pamahalaan para makapag-bagong buhay ang mga nasalanta ng Yolanda.
Matapos maging biktima ng bagyo, ninakawan pa sila ng kanilang dignidad.
Ang sagot ng pamahalaan: buhay pa naman kayo, hindi ba?
Sa Zamboanga, daan-daan ang namatay, libo-libong bahay ang nasunog. Ngunit mas malaking trahedya ang
sinapit ng ating mga kababayan sa mga evacuation center na pinamamahalaan ng national government. Mas masaklap
pa rito ang ulat ng mga kababaihan at kabataan na naging biktima ng panggagahasa at napunta sa prostitusyon. Ang
sagot ng pamahalaan: buhay pa naman kayo, hindi ba?
Sa Mamasapano, apatnapu’t apat ang nagbuwis ng buhay at marami ang nasugatan.
Ngunit kahit pahapyaw, hindi nabanggit ang kanilang kabayanihan sa SONA. Kahit T.Y. ay wala.
Buti pa ang hair stylist at fashion designer , kasama sa mahabang listahan ng pinasalamatan.
Luneta, Tacloban, Zamboanga, Mamasapano. Apat na lugar kung saan nasagip sana ang maraming buhay, kung ang
pamahalaa lamang ay hindi manhid.
Sanggunian: http://www.gmanetwork.com/news/story/531394/news/nation/vp-binay-s-state-of-the-
nationaddress#sthash.fRyGNeHo.dpuf Lagyan ng tsek (/) ang linya kung taglay ng binuo mong komentrayo ang mga
pamantayang tseklist sa ibaba.
_________ Ang aking komentaryo ay sariling opinyon ko lamang
_________ Ang aking komentaryo ay batay lamang sa salik na hinihingi
_________ Ang aking komentaryo ay hindi lalampas sa tatlong minuto
_________ Malakas ang boses ko at angkop ang mga salitang gagamitin ko sa pagbibigay ng komentaryo
Ang iyong bubuoing komentaryo ay tatayain gamit ang rubric sa ibaba.

PUNTOS PAMANTAYAN
3 Nakapagbigay ng masusing komentaryo batay sa kaangkupan ng mga ginamit na salita at
pangungusap sa talumpati sa pamamagitan ng pag-iisa-isa ng mga salita at pangungusap na
angkop, at maging ang mga di-angkop, at pagbibigay ng suhestiyon upang mas maging epektibo
ang paghahatid ng mensahe ng talumpati.
2 Nakapgbigay ng masusing komentaryo batay sa kaangkupan ng mga ginamit na salita at
pangungusap ng nagtalumpati sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga angkop at di angkop na
alitang ginamit sa talumpati.
1 Nakapagbigay ng komentaryo ngunit nabigong tukuyin kung alin ang mga angkop at di angkop na
salita at pangungusap na ginamit sa talumpati.

3 .Nakasusulat ng isang talumpati na hihikayat na linangin ang kakayahang komunikatibo ng mga Pilipino
Ngayong batid mo na ang komponent ng kakayahang komunikatibo ay mas malilinang mo na ang mga ito upang
maging isa kang epektibong komyunikeytor. Dapat tandaan na upang makamit ang mithiing ito, kailangang gamitin nang
wasto ang wikang Filipino sa iba’t ibang konteksto. Ngunit hindi rito angtatapos ang lahat, bilang isang Pilipino upang
lumago sa paggamit ng wikang Filipino. ikaw ngayon ay sumulat ng maikling talumpating hihikayat sa iyong kapwa
Pilipino upang linangin ang kanilang kakayahang komunikatibo upang maging mas epektibong komyunikeytor pasalita
man o pasulat. Ang isinulat mong talumpati ay tatayain gamit ang rubric sa ibaba.

4 3 2 1
Lohikal at Magkakaugnay ang Di gaanong lohikal at Magulo at di
magkakaugnay ang nilalaman ng talumpati. magkakaugnay ang magkakaugnay ang
nilalaman ng talumpati. nilalaman ng nilalaman.
talumpati.
Epektibong naipaliwanag May kalinawan ang Di gaanong malinaw ang Malabo ang mensahe ng
ang mensahe ng talumpati. mensahe ng talumpati. mensahe ng talumpati. talumpati.
Pinag-isipan at Pinag-isipan at May ilang impormasyon na Halatang hindi pinagisipan
pinaghandaang mabuti ang pinaghandaan ang hindi pinag-isipan sa at hindi pinaghandaan ang
isinulat na talumpati kaya isinulat na talumpati kaya talumpati. Kulang ang talumpati kaya hnidi ito
talagang nakakukumbinse nakakukumbinse ito. paghahanda sa talumpati nakahuhumbinse.
ito. kaya hindi ito gaanong
nakakukumbinse.

Inihanda nina:

CZARINA-ISABELLA C. RAMOS TERESITA T. TABELINA


Guro III Guro III

Binigyang Pansin: Pinagtibay:

MARICEL C. DULDULAO DENNIS L. SERAPIO


Katuwang na Pampaaralang Punong Guro II Punong Guro III

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
Schools Division Office of Nueva Ecija
EDUARDO L. JOSON MEMORIAL HIGH SCHOOL
Bertese, Quezon, Nueva Ecija

LAGUMANG PAGSUSULIT
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
SEMESTER: 1 QUARTER: 2
IKAPITO - KAWALONG LINGGO: INTRODUKSIYON SA PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG

PILIPINO
1. Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-ugnay ang mga ideya sa isang sulatin

Ikaw ay isang mananaliksik mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCAA). Naatasan ka ng
iynyong pinuno na magsaliksik at bumuo ng sulating pananaliksik tungkol sa paksang may kaugnayan sa penomenang
kultural at panlipunan sa ating bansa. Ang iyong gagawin ay isasama sa iba pang mga sulaitng nakalathala sa web site ng
NCCA. Makatutulong ang mga sulating ito upang higit na mapahalagahan ng mga Filipino ang ating kultura at iba pang
pagkakakilanlang panlipunan at pambansa. Gumamit ka ng angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-
ugnayugnay ,p ang mga odeya sa iyong susulatin.

Maaari kang pumili ng isa sa mga paksang nakalahad sa ibaba subalit maaari rin namang ikaw ay mag-isip ng
kaugnay Na paksang ihihingi mo muna ng pahintuloy o pag-apruba ng inyong pinuno bago mo simulang gawin.
❖ “Manlilikha ng Bayan” sa inyong sariling bayan o pamayanan. Ayon sa R.A. 7355. “ang manlilikha
ng bayan ay mga mamamayang nakabubuo ng mga tradisyonal na sining na naiibs at maituturing na
tunay na tatak Pilipino. Ang kakayahan ng tao o mga taong ito ay katangi-tangi at may mataas na
antas ng teknikal at artistikong kahusayang naipasa rin niya sa kasalukuyang henerasyon ng mga
mamamayan sa kanyang pamayanan nang may kaparehong antas ng teknikal at artistikong
kakayahan.
❖ Uri ng Pamumuhay at Kasaysayan ng mga Pamayanang Malapit sa mga Katubigan sa Ating
Bansa na maaaring ilahok sa “Dagat ug Kinabuhi/Maritime Cultures, Spaces, and Networks sa
Siliman Universtiy, Dumaguete City.”
❖ Mga natatanging kultura sa inyong sariling bayan, lalawigan, o rehiyon na hindi makikita saanmang
bahagi ng bansa
❖ Mga instrumenting pangmusikang natatangi sa inyong lugar
❖ Mga pagkaing natatangi sa inyong lugar na may potensiyal na maipagbili sa ibang lugar upang
mapagkakitaan
❖ Magagandang lugar sa inyong pamayanan o lalawigan na hindi pa naipakikilala sa mga turista
sublait may potensiyal na maging tourist spot.

Inihanda nina:

CZARINA-ISABELLA C. RAMOS TERESITA T. TABELINA


Guro III Guro III

Binigyang Pansin: Pinagtibay:

MARICEL C. DULDULAO DENNIS L. SERAPIO


Katuwang na Pampaaralang Punong Guro II Punong Guro III
PAMANTAYAN 4 3 2 1
Paksa Ang paksa ng sulating Ang paksa ng sulating Ang paksa ng sulating Ang paksa ng sulating
pananaliksik sa mga pananaliksik sa mga penomenang pananaliksik sa mga pananaliksikay walang
penomenang kultural at kultural at panlipunan ay makikita penomenang kinalaman
panlipunan ay sadyang sa sariling pamayanan, lalawigan, kultural at panlipunan ay sa mga penomenang
natatangi sa sariling pamayanan o rehiyon subalit makikita rin sa hindi matatagpuan sa sariling kultural at panlipunan sa
lalawigan, o rehiyon. iba pang bahagi ng bansa. pamayanan, lalawigan o sarili mang pamayanan at
rehiyon kundi sa ibang maging saanmang panig ng
bahagi ng bansa. bansa.

Paggamit ng Nakagamit ng angkop na mga Nakagamit ng angkop na mga Nakagamit ng Walang kaangkupan ang
Angkop na salita at pangungusap kaya’t salita at pangungusap sa ibangangkop na mga pagkakagamit ng mga salita
Salita hindi lang napagugnay-ugnay pagugnay-ugnay ng mga ideya sa salita at at pangungusap sa
nang maayos ang mga ideya binuong sulatin. pangungusap sa pagugnay- pagugnay-ugnay ng mga
kundi naging kapanapanabik din ugnay ng mga ideya sa ideya sa binuong sulatin.
ang pagbasa sa bawat pahina. binuong sulatin.

Pagkakabuo ng Nakasunod sa tamang hakbang Nakasunod sa tamang Nakasunod sa ilang hakbang Magulo ang naging proseso
Sulatin sa pagbuo ng sulating hakbang sa pagbuo ng sa pagbuo sa pagbuo ng sulating
pananaliksik na ngbunga ng sulating pananaliksik. ng sulating pananaliksik pananaliksik at ito’y
sulating lumabis pa sa makikita sa produktong wala
inaasahan ring kaayusan.

Inihanda nina:

CZARINA-ISABELLA C. RAMOS TERESITA T. TABELINA


Guro III Guro III

Binigyang Pansin: Pinagtibay:

MARICEL C. DULDULAO DENNIS L. SERAPIO


Katuwang na Pampaaralang Punong Guro II Punong Guro III

You might also like