Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

“Kasintahan”

Ako ay may kasintahan


Siya’y mabait at napakaganda
Karamay ko sa lahat ng problema
Mapagmahal at mapag asikaso
Masipag at matalino

Sabay kaming natutulog


Katabi ring matulog
Sa lahat ng bagay
Siya ay nagbibigay

Isang tanghali
Di siya nakauwi
Nang hapon siya’y dumating
Agad nya akong hinalikan
Agad ko naman siyang hinagkan

Pagkatapos ay siya’y pumasok sa aming silid


At ako namay naghihintay lang sa gilid
Matagal na oras na ang lumipas
Ngunit di pa rin siya nakalabas

Agad naman akong pumasok


Ngunit wala siya sa loob
Sobra ang aking pagtataka
Dahil pag pasok ko siya ay wala na

Katagalan sa akin ay may nagsabi


Ang kasintahan ko daw ay naaksidente
Ako ay labis na nagulat
Sa balitang aking natanggap

Pero teka!
Nandito lang sya kanina ah
Akoy labis na nagtataka
Posible bang yun ay multo na lang nya?

Agad akong pumunta sa punerarya


Para siguraduhing siya ba talaga
Ang bangkay na kanilang nakita
Nang akoy dumating
Grabe ang aking kaba
Nang ang bangkay ay aking nakita
Parang mundo ko'y nag iba

Sobrang sakit ng aking nararamdaman


Nang makita ang aking kasintahan
Na nakahiga sa aking harapan
Ang kasintahan ko ay wala na

Habang ako ay umiiyak


May malamig na hangin
Na parang yumakap

Ngunit lungkot koy nabawasan


Nang aking natuklasan
Na kahit sa kamatayan
Ay nakuha niya pang mamaalam

You might also like