Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

METAMORPOSIS NG WIKANG FILIPINO C.

WIKANG FILIPINO: KASAYSAYAN AT


PAG-UNLAD NG WIKANG
MGA BATAYANG KAALAMAN NG WIKA PAMBANSA
➢ Panahon ng Katutubo 800 B.C. – 800
A. KAHULUGAN NG WIKA AYON SA A.D.
MGA LINGGWISTA
● Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay
isang sistematik na balangkas ng mga
binibigkas na tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitrary upang
magamit ng mga taong may iisang
kultura. ➢ Panahon ng Kastila 1565 - 1872
● Sang-ayon sa tinuran ni Archibald Hill,
ang wika ang pangunahin at
pinakamabusising anyo ng gawaing
pansagisag ng tao.
● Pinatunayan naman ni Thomas Carlyle
na ang wika ay itinuturing na saplot ng
kaisipan; gayunpaman, mas angkop
marahil sabihing ang wika ay ang
saplot-kalamnan, ang mismong katawan
ng kaisipan.
● Susog sa sinabi nina Vilma Resuma at
Teresita Semorlan, ang wika ay
kaugnay ng buhay at instrumento ng tao ➢ Panahon ng Propaganda at Himagsikan
upang matalino at efisyenteng 1872-1898
makilahok sa lipunang kinabibilangan. ➢ Panahon ng Amerikano 1898-1990
● Dagdag pa nina Pamela Constantino ➢ Panahon ng Hapon 1942-1945
at Galileo Zafra na ang wika ay isang ➢ Panahon ng Bagong Republika 1946-
kalipunan ng mga salita at ang 1972
pamamaraan ng pagsasama-sama ng ➢ Panahon ng Bagong Lipunan 1972-
mga ito para magkaunawaan o 1985 1972
makapagkomyunikeyt ang isang grupo
ng mga tao. D. ANG PAGPAPLANONG PANGWIKA
(LANGUAGE PLANNING)
B. KATANGIAN NG WIKA ● “Language planning is deliberate
● May sistematik na balangkas language change, that is, changes in
● Binibigkas na tunog the systems of language code or
● Pinipili at isinasaayos speaking or both that are planned by
● Arbitrari organizations that are established for
● Kapantay ng kultura such purposes or given a mandate to
● Patuloy na ginagamit fulfill such purposes. As such, language
● Daynamik planning is focused on problem-solving
and is characterized by the formulation
and evaluation of alternatives for solving
problems to find the best decision. In all
Ponolohiya (tunog) -> Morpolohiya (salita) -> case, it is future-oriented“
Sintaks (balarila) -> Semantiks (kahulugan)
KASALUKUYANG PAGPAPLANONG
PANGWIKA
➢ Ang pangunahing akda na nagtatag ng IMPORMASYON AYON SA KOMISYON NG
pagpaplanong pangwika ay ang WIKANG FILIPINO (KWF) NA MAY
Konstitusyon ng 1987. Kinilala nitong KINALAMAN SA PAGPAPLANONG
natatanging wikang pambansa ang PANGWIKA:
Filipino, na isang wikang nasa proseso
ng ebolusyon “salig sa umiiral na mga ● Nasyonalismong Pangwika
wika sa Filipinas at sa iba pang wika”. ● Ang Bitag ng Kasong “Purismo”
Gayundin, itinadhana itong “midyum ng ● Pagpaplanong Wika at Saliksik
opisyal na komunikasyon at … wika ng ● Isang Mapa ng mga Wika ng Bansa
pagtuturo sa sistemang pang- ● Mga Pangunahing Alagad ng Wika
edukasyon” kasama ng Ingles “hangga’t
walang itinatadhana ang batas”. “Ang pagsubaybay at disiplina sa wika ng
(Samakatwid ay temporari ang Ingles.) kulturang popular ang isang mahigpit na
Ngunit ang malaking tipak ng hámon sa pagpapalaganap ng isang
pagpaplanong pangwika (maliban pa sa estandardisadong modernong wika.”
saklaw ng kapangyarihang lehislatibo
ng Kongreso) ay ipinaubaya sa E. PAPEL NG WIKA SA PAGKATUTO
Komisyong ng Wikang Filipino (KWF). ● Ang wika ay ang pangunahing
Naatasan ang KWF, batay sa natukoy instrumento ng mga tao sa pakikipag-
nang tunguhin ng pagpaplanong ugnayan, sa pagkalap ng kaalaman, sa
pangwika, sa reporma sa Filipino, komunikasyon at sa marami pang
estandardisasyon nito, aspeto ng buhay. Samakatuwid, malaki
pagpapalaganap, modernisasyon, at sa ang ginagampanan ng wika sa buhay
preserbasyon ng mga wika sa Filipinas. ng tao dito sa lupa at maging ang
magiging buhay kapag pumanaw na.
PAGLALATAG NG ESTRATEHIYA SA Una sa lahat, ang wika ay nagsisilbing
PAGPAPLANONG PANGWIKA instrument ng tao sa pakikipag-ugnayan
o pakikipag-komunkasyon sa kapwa.
➢ Ihinahalintulad ni Almario (2001) ang Dahil sa wika, ang bawat bansa ay
pagpaplanong pangwika sa nagkaroon ng pambansang kaunlaran.
pagpaplanong pandigma, at sa gayon ● Ang bawat bansa ay may sari-sariling
ay ihinaharap ang Filipino sa digmaan. lengguwahe o wikang sinasalita ngunit
Aniya, tatlong larangan ang dapat mayroon pa ring tinatawag sa wikang
harapin ng Filipino. Unang larangan ang Ingles na “universal language” o ang
pakikipaglaban sa Ingles. Tinukoy isang lengguwaheng dapat alam ng
niyang “nananatili itong simbolikong lahat ay ang wikang Ingles upang
wika ng kapangyarihan dahil umiiral sa magkaintindihan ang mga taong
mga larang na makapangyarihan”. naninirahan sa iba’t-ibang bansa.
Ikalawang larangan ang pakikiayon ng Pangalawa, ang wika ay kasangkapan
Filipino sa mga wikang bernakular, sa pagkalap ng kaalaman. Sa
partikular sa mga meyjor na wikang pamamagitan ng wika ay nagkaroon
panrehiyon. Ang ikatlong larangan ay tayo ng kakayahan na umintindi ng mga
internal: ang panloob na tunggulian sa bagay-bagay at ipaliwanag ang
“dibdibang paglinang ng isang buhay at kahulugan ng mga ito.
dinamikong wika”. Batay sa natukoy na ● Sa paaralan, ang wika ang nagsisilbing
tatlong larangan na kailangang suungin tulay sa pagkatuto hindi lamang sa mga
ng Filipino, maglalatag ng mga mag-aaral kundi maging sa mga guro.
rekomendasyon at mungkahi para sa Nakasalalay ang epektibong pagkatuto
pagbuo ng isang estratehiya sa at matagumpay na paghahatid ng mga
pagpaplanong pangwika. ideya sa ibang tao sa pamamagitan ng
wika. At ito ay lubos na magiging (KASAYSAYAN AT PAGUNLAD NG
matagumpay kung ang guro o ang mag- WIKANG PAMBANSA)
aaral ay bihasa o may sapat na
kaalaman sa pakikipag-ugnayan. PANAHON NG KATUTUBO
Kinakailangang maging mahusay ang
isang indibidwal sa pagsasanay ng wika ● Indian - Indonesian
upang magamit ito nang maayos. Sa ● Syllabic Writing o pagpapantig
makabagong panahon, dapat
maisaaang-alang ng bawat paaralan
ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang
midyum sa pagtuturo ng edukasyon o
wikang panturo. Sa ganitong paraan,
hindi mawawala ang pagkakaroon ng
halaga sa wikang pambansa at
maitatanim pa sa utak at puso ng bawat
kabataan ang importansya ng wikang
Filipino. Ang papel na ginagampanan ng
wikang Filipino sa edukasyon ay hindi ISTRAKTURA NG WIKA
matutumbasan ng kahit ano. Katulad ng
mga nabanggit ito ay ang tulay na PONOLOHIYA
magdudugtong tungo sa kaunlaran ng
mga nasyon at kalagayang panlipunan ● Nagmula sa dalawang salita ang ‘Pono’
ng isang bansa. (Delfin, 2018) na ang ibig sabihin ay tunog, at ang
● Ang pangunahing midyum sa pagkatuto “lohiya” ay ibig sabihin ay pag-aaral
ay ang wika. Natututo ang mga ● Pag-aaral ng mga tunog o ponema.
estudyante sa pamamagitan ng
PONEMA – pinakamaliit ng unit ng tunog. May
pakikinig o pagbabasa. Sa pag-unlad ng
21 ponema/tunog na nanggaling sa
bawat tao, maging sa trabaho, anomang
Alpabetong Tagalog na may impit na tunog.
kakayahan ay naipapakita lamang sa
pammagitan ng salita o pagsusulat. DALAWANG URI NG PONOLOHIYA
Ayon sa ibang sanggunian, ang mga tao
ay pinanganak na mangmang o hindi 1. Ponemang Segmengtal
marunong magbasa at magsulat dahil di
naman nakadepende sa mga nakasulat Diptonggo – alinmang pantig na sinusundan
na salita ang buhay ng isang tao. ng malapatinig na /y/ o /w/ sa loon ng isang
Gayunpaman, ang katotohanang ang pantig o syllable.
pagkatuto ng wika ay maaapektuhan
ang pagkatuto ng isang tao mapa Ang mga diptonggo sa Filipino ay
negatibo man o mapa-positibo, dahil aw,iw,ow,ay,ey,oy,uy
nabubuhay tayo ngayon sa mundo na
puno ng teksto o mga salita na talaga Ay,ey,oy,uy at aw,ew,iw,ow,uw
namang kakailanganin na matutong
magbasa o maging edukado. Kung Halimbawa:
gagamitin natin ang wika bilang gamit
sa edukasyon, halimbawa na lamang ay ● Aw – Agaw, dalaw, anahaw, apaw,
isang batang lumalaki, anoman ang araw,dilaw, hikaw, galaw, bughaw,
kanyang marinig at makita ay may siigaw, uhaw, kalabaw, halimaw,
malaking epekto sa kaniya. lanagaw, tunaw, palayaw, tanaw,
lugaw,sitaw.
ANG WIKANG FILIPINO
● Ay – Bahay, sabay gulay, bagay, alay, ● Antala – hinto o pagtigil. Saglit na
paypay,saklay, tibay, husay, kulay, pagtigil
akbay, hukay,pilay, pantay,sampay,
tulay, panday, tangay, patay, lakbay.
● Oy – kahoy, daloy,kasoy, apoy, tuloy,
abuloy, palaboy, simoy, langoy, taboy,
unggoy.
● Iw – Aliw,sisiw, baliw,giliw, paksiw.

Klaster – Magkasunod na katinig sa isang


pantig. Mahalagang marunong bumigkas at MORPOLOHIYA
magpantig.
● Morpo ibig sabihin ay salita at ang
Halibawa: Plato/Plato lohiya pag-aaeal sa pagbuo ng salita.
● Pag-aaral kung paano binubuo ang mga
Tr,br,pw,gr,pl,ts. atpb
salita.
Pares Minimal – Magkatugmang salita pero
MORPEMA – Pinakamaliit nay unit ng salita na
magkaiba ang kahulugan. Pero may
nagtataglay ng kahulugan.
pagkakaperahas na tunog kapag binibigkas
yung salita. Salitang ugat + Panlapi
Halimbawa: Halimbawa: Ma + ganda = maganda
● Pala - Shovel Ma = mayroon, kaya naglalagay tayo ng
● Bala – Bullet panlapi upang makabuo ng bagong salita.
● Hari – King
● Pari – Priest
● Tali – Rope
● Bali - Brok PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO

Ponemang Malayang Nagpapalitan – May 1. Pagpapalit ng Ponema


malayang nagkakapalitan na hindi nagbabago
o parehas pa din yung kahulugan
Salita Pagpapalit ng:
Halimbawa:

● Babai – babae Istruktura = I-E


● Lalaki – lalake Estruktura
● Ali – ale
● Bukol – bokol
● Tono - tuno Totoo = Tutoo O–U

2. Ponemang Suprasegmental
Dito = Rito H–N
● Tono – tumuttukoy ito sa pagtaas at
pagbaba ng tinig.
● Haba – haba ng bigkas sa pantig ng Tawahan = D-R
salita na may patinig o katinig Tawanan
● Diin – sa lakas ng bigkas sa pantig na
kailangang biguang ng diin po.
2. Pagkakaltas ng Ponema – kinakaltas nito Halimbawa: In + lipad = Nilipad
ang huling patinig ng salitang ugat at
nilalapian ng hulaping “in” o “an”. Ngamiminus In + ligaw = Niligaw
o nagbabawas.
In + yapos = Niyapos
Halimbawa: takip + an = takpan
6. Paglilipat Diin – Nagbabago ang diin kung
kitil + in = kitlin ito ay nilalapian. Maari rin na magkaroon ng
ibang pagbabagong morpoponemiko sa salita.
sara + han = sarhan
Halimbawa: Laro = LA
labahan = labhan
Laro + an = Laruan = Ru
dalahin = dalhin
SEMANTIKA
3. Asimilasyon Parsyal
SEMANTIKA
NG = M – Ang ponemang /n/, /ng/ ay
nagbabago sa /m/. PANG o SING. ● Ang semantika ay ang pag-aaral ng
Nagsisimula sa P o B. kahulugan.

Halimbawa: Pang + bansa = Pambansa Ayon kay Gonzales (1992),

Sing + buti = Simbuti ● Ang semantika ay proseso ng pag-iisip,


kognisyon at konseptwalisasyon.
NG = N – Ang ponemang o /n/, /ng/ ay
nagbabaho sa /n/. PANG o SING. Nagsisimula Dalawang Dimension ng Semantika
sa D,L,R,S,T
1. KONOTASYON - Tumutukoy ito sa ekstrang
Halimbawa: Pang + tulog= pantulog kahulugang taglay ng isang salita depende sa
intension o motibo taong gumagamit nito.
Sing + sarap = sinsarap
HALIMBAWA: Tunay ngang si Melisa ay isang
NG = NG – Ang ponemang o /n/, /ng/ ay hindi sikat na bituin.
nagbabago kung hindi P, B, D, L, R, S, T,
PANG O SING 2. DENOTASYON - Tumutukoy ito sa literal
na pagpakahulugang sa mga salita
Halimbawa: Pang + walis = Pangwalis
HALIMBAWA: Kumikislap ang bituin sa
Pang + elesi = Pang-elesi kalangitan.

4. Asimilasyon Ganap – Una, gawing parsyal. SINTAKSIS NG WIKANG FILIPINO


Pangalawa, kaltasain ang unang titik ng
salitang ugat. SALITA - Ayon kay Lope K. Santos, ang salita
ay saltik ng dila.
Halimbawa: Pang + Palo = Pangpalo =
Pampalao = Pamalo ● Ito ay sagisag na binuo mula sa
pinakamaliit na yunit ng tunog na
5. Metatesis – Kapag ang salitang ugat ay binibigyan ng kahulugan ng tao upang
nagsisimula sa /L/ o /Y/ ay nilalagyan ng magamit sa pakikipag-ugnayan.
panlaping “in” at ang /i/ ay /n/ ay
nakikipagpalitan.
Uri at Anyo ng Salita ● isang lipon ng salita na walang simuno
at panaguri, ginagamit lamang bilang
1. Payak - binubuo ng salitang-ugat lamang, isang bahagi ng pangungusap.
walang panlai, hindi inuulit at walang katambal
na ibang salita. KABANATA 1: METAMORPOSIS NG
WIKANG FILIPINO
2. Maylapi –binubuo ng salitang-ugat at isa o GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG
higit ang panlapi. MGA GAMIT NG WIKA AYON SA MGA
LINGGWISTA
3. Inuulit – angkabuuan o isa o higit pang
pantig sa dakong unahan ay inuulit. Ang mga gamit ng wika ayon kay Michael
A.K.Halliday:
Dalawang uri ng pag-uulit:
1. Instrumental
a. Pag-uulit na Ganap – inuulit ang buong 2. Regulatory
salitang-ugat 3. Representasyonal
4. Interaksyonal
Halibawa : sabi-sabi, gabi-gabi, maya-maya 5. Personal
6. Heuristiko
b. Pag-uulit na Parsyal – isang pantig o 7. Impormatibo
bahagi lamang ang inuulit. 8. Imahinatibo
Halimbawa: tatakbo, aakyat, minu-minuto Ang mga gamit ng wika ayon kay Roman
Jakobson:
4. Tambalan – binubuo ng dalawang salitang
1.Pagbibigay ng kuro-kuro
pinagsasama para makabuo ng isa lamang (Cognitive/Reperensyal/Pangkaisipan)
salita. 2. Paghikayat (Conative)
3. Paglalahad/Pagpapahayag ng damdamin
Uri ng pagtatambal: (Emotive)
4. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)
a. Tambalang Parsyal – nananatili ang 5. Paggamit bilang sanggunian (Metalinggwal)
kahulugan ng dalawang salitang 6. Patalinhaga (Poetic)
pinagtatambal.
Ang mga gamit ng wika ayon kay W.P.
Halibawa: balik-bayan, bahay-kubo Robinson:
1. Estetiko
b. Tambalang Ganap – nakabubuo ng
2. Ludic
ikatlong
3.Pag-alalay sa pakikisalamuha at
kahulugang iba kaysa sa kahulugan ng pakikipagkapwa-tao
dalawang salitang pinagsama. 4. Pag-alalay sa iba
5. Pag-alalay sa sarili
Halimbawa: hampaslupa, bahaghari 6. Pagpapahayag ng sarili
7. Pagtatakda sa tungkulin o papel sa lipunan

UGNAYAN NG WIKA, KULTURA,


KAMALAYAN, AT POLITIKA

PARIRALA Narito ang ilang konseptong saklaw ng


ugnayan ng Wika, Kultura, at Politika:
1. Ang Relasyon ng Wika at Kultura
2. Ang Kahalagahan ng Wika at Kultura ● Maguindanao
3. Ang Wika ay Kasangkapan ng ● Kinaray-a
Maykapangyarihan: Ang Wika Bilang
Instrumentong Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas, ang
4. Politikal wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
5. Wika ng Halalan Samantalang nililinang, ito ay dapat
6. Winika na Natin ang Daang Matuwid payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
ANG WIKA SA BANSA: MGA TALA AT Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon
PAHAYAG sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
● Isa ang Pilipinas sa mga bansang may Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
pinakamaraming wika sa buong itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang
daigdig. Maliban sa pambansang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang
wikang Filipino, kasama na ang mahigit wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
sa isandaang katutubong wika. edukasyon. Ukol sa layunin ng komunikasyon
Sinasalita rin ang mga wikang banyaga at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
tulad ng Ingles, Mandarin, Fookien, Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang
Cantonese, Kastila, at Arabe. itinatadhana ang batas, Ingles.
● Ang mga katutubong wika sa Pilipinas
ay napapaloob sa pamilya ng mga Ang mga wikang panrehiyon ay
wika na kung tawagin ay mga wikang pantulong na mga wikang opisyal sa mga
Austronesyo. Ang mga ito ay ang rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga
pangkat ng mga wika na ginagamit ng wikang panturo doon. Dapat itong itaguyod
mga tao mula sa Tangway ng Malay nang kusa, sa kabilang banda, opsyonal ang
hanggang sa mga watak-watak na pulo Kastila at Arabic. Ang Konstitusyong ito ay
ng teritoryong Polynesia sa Karagatang dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat
Pasipiko. Tinatayang ito ang may isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon,
pinakamalaking pamilya ng mga wika Arabic, at Kastila. Dapat magtatag ang
sa buong daigdig. Datapwat mas Kongreso ng isang komisyon ng wikang
maraming wika ang kasapi ng pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng
pamilyang ito kumpara sa ibang iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na
pamilya ng mga wika, maliliit lamang magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod
ang bilang na pangkalahatan ng mga ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang
taong gumagamit nito. mga wika para sa kanilang pagpapaunlad,
pagpapalaganap, at pagpapanatili. Salig sa
Sa mga katutubong wika sa kapuluang Tala ng mga Wika, mayroong 175 wika sa
Pilipinas, ang mga sumusunod ang Pilipinas, 171 dito ay nanatiling gamit pa at 4
pinakamalaki at malimit gamitin bilang ay tuluyang lumipas na.
pangunahing wika sa kaniya-kaniyang rehiyon
sa bansa: SARILING WIKA PARA SA BANSANG
MALAYA
● Tagalog
● Ilokano ● Isa sa mga tanong na bumagabag sa
● Cebuano dating Pangulong Manuel Quezon
● Hiligaynon noong panahon ng Commonwealth ay
● Waray ito: Oras na magbalik sa Estados
● Kapampangan Unidos ang mga Amerikano, at makamit
● Bikol ng Pilipinas ang kalayaan, at wala na
● Pangasinan muling paghuhugutan ng dahilan ang
● Maranao mga Pilipino para lumaban at magkaisa
para sa iisang layunin, ano pa ang sa mga katutubong wika ay piliin na
magbubuklod sa ating bansa? Ang maging wikang pambansa, nguni’t sa
sagot dito: isang wikang pambansa. Sa wakas ay napakilala nating lahat na
halip na magkanya-kanya bilang kung ang isang wikang dayuhan ay
Tagalog, o Bisaya, o Cebuano, o matatanggap natin para maging wikang
Ilokano, Kapampangan, kikilalanin sila opisyal ng Pilipinas, lalong matuwid
—kikilalanin tayo—sa ilalim ng iisang namang dapat nating tanggapin ang isa
pangalan: Pilipino. At gaano man sa mga wikang katutubo natin upang
karami ang ating isla, pagbubuklurin maging wikang pambansa nitong ating
tayo ng isang tinig, ng isang wika: bayan. Hindi sa pagbibigay ng lagpas
Filipino. (Aquino III, 2013) na pagpapahalaga sa tungkuling
● Ang pagkakaroon ng sariling wika ay ginagampanan ng isang wikang
masasabing katumbas ng pagkakaroon panlahat sa buhay ng isang bayan,
ng sariling mga paa dahil ito ang maaaring banggitin natin ang
tumatayong instrumento upang tayo’y katotohanan na sa Silangan ang kaisa-
magkaunawaan at magkaisa, kung saan isang bansang nakagawa ng pinaka-
ito ang unang hakbang patungo sa malaking pagkasulong at nakasapit sa
kaunlaran. Kung ating babalikan ang isang mataas ng kalagayan sa angkan
kasaysayan ng Pilipinas, masasalamin ng mga bansa, ay ang tanging bansang
ang kahalagahan ng wika sa may isang wikang panlahat—ang
pagtatanggol ng ating mga bayani sa Hapon. At ang alin pa mang ibang
ating bayan para sa kasarinlan nating bansa na nakapagtamo ng pagka-bansa
mga Pilipino. Kasama na rito ang at sa kapangyarihan, maging sa lupalop
pagkakaroon natin ng sariling wika na ng Amerika at sa Europa, at maging sa
natatangi sa mga banyagang sumakop Aprika, ay bansang may isang wika na
sa atin. pambansa at panlahat.” Napakaliwanag
● Si Gat. Jose Rizal ay lubhang nagsikap na naniniwala si Quezon na ang mga
na maitaguyod and nasyonalismong bansang may sariling pangkalahatang
Pilipino. Sinabi niya, gamit ang bibig ni wika ay siyang magtatamo ng
Simon, ang ganito, “Ang Kastila ay hindi pagkabansa at kapangyarihan.
kailan man magiging wikang ● Ganyan ang ating wika, ang Filipino.
pangkalahatan ng bansa; ang baya’y Bagaman nagkaroon at hanggang
hindi kailan man magsasalita nito. ngayon ay marami pa ring mga balakid
Bawat bayan ay may sariling wika gaya na hinaharap dahil sa pagdating ng mga
ng pagkakaroon niya ng sariling pag- manlulupig at pananatili ng kolonyal na
iisip. Pinagpipilitan ninyong mabuti na kaisipan, ay nananatili parin itong
hubdan ang sarili ng angking katauhan buhay, matatag at patuloy na umuunlad
bilang isang bayan; nalilimutan ninyo na sapagkat lalong parami nang parami
habang pinangangalagaan ng isang ang gumagamit nito. Sinasabing ang
bayan ang kanyang wika ay taglay niya wika ay ang kaluluwa ng bayan at
ang isang tanda ng kanyang kalayaan, salamin ng lipunan. Bawat bansa ay
gaya rin ng pagtataglay ng kalayaan ng may sariling wikang sinasagisag ng
isang tao habang pinangangalagaan pambansang pagkakakilanlan. Sa
niya ang kanyang sariling laya ng pag- papamgitan ng sariling wika
iisip. Ang wika ay siyang nagpapahayag naipahahayag ng lubos ng
ng mga kaisipan at mithiin ng isang nakararaming mamamayan ang
bayan.” (Quezon, 1937) kanilang kaisipan at damdamin. Ito’y
● Ito ang saloobin ni Quezon, “Nagkaroon kasangkapang ginagamit tungo sa
ng panahon na tila hindi maaari sa mga panbansang kaunlaran. Wika rin ang
Pilipino na pagkasunduan nilang ang isa
kasangkapan sa pagkakaunawaan at pambansang kasuotan ay
pagkakaisa. (Sauco, et al., 2004) makabuluhang lahat bilang mga tanda
● Ang Wikang Filipino na siyang ng kakanyahan atpagsasarili.
pinakamabisang pahatiran ng diwa ang (Gonzales, 2009)
magbubukas ng daan tungo sa pag-
unlad ng ating kabuhayan at sa GAMPANIN NG WIKA SA PAGPAPAHAYAG
kaunlarang ito’y magiging madali ang
pagkakaisa at sa pagkakaisa matatamo
ang tunay na kapayapaan. Bibigkisin A. Gamit ng Wika
tayo ng isang wikang tatayo upang ● Ang mga gamit ng wika ayon kay
idambana ang kariktan nito at sa Michael A.K. Halliday
pagpapahalaga dito ay maghuhudyat ng
kapayapaan at pagkakaisa at 1. Instrumental – ginagamit ang wika ng
kaunlarang pangkabuhayan. (Samson, tagapagsalita para mangyari/maganap
2004)
ang mga bagay-bagay. Pinababayaan
● Sa pamamagitan ng Kautusang
Tagapagpaganap Bilang 124, Serye ng wikang pagalawin ng tagapagsalita
1937, ipinahayag ni Pangulong Manuel ang kanyang kapaligiran. Maaaring
L. Quezon ang pagkakaroon ng Wikang humiling ang mga tao ng mga bagay at
Pambansa ng Pilipinas batay sa maging dahilan ng paggawa at
Tagalog. Sinimulang ituro ang wikang pagkaganap ng mga bagay-bagay sa
pambansa sa mga paaralang
paggamit ng mga salita lamang.
pampubliko at pribado noong 1940.
Noong 1959, ang wikang pambansa ay
tinawag na Pilipino batay sa Tagalog. Halimbawa: mga bigkas na ginaganap
Sa Konstitusyon ng 1986, ang Wikang (performative utterances) –
Pambansa ay tinadhanang tatawaging pagpapangalan/pagbabansag,
Filipino gaya ng nasasaad: pagpapahayag, pagtaya,
pagmumungkahi, panghihikayat,
Artikulo XVI, Sek. 6 – “Ang wikang pambansa
ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang pagbibigay-panuto, pag-uutos, at
nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagpilit.
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika
ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. 2. Regulatory – gamit ng wika para
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang- alalayan ang mga pangyayaring
ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng nagaganap (pag-alalay o maintenance
Kongreso, dapat magsagawa ng Mga of control). Maaaring kasangkot ang
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at sarili o iba. Inaalalayan ng wika ang
puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino pakikisalamuha ng mga tao; itinatakda
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at nito ang mga papel na ginagampanan
bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- ng bawat isa, nagbibigay-daan para
edukasyon.” alalayan ang pakikisalamuha at
nagbibigay ng talasalitaan para
● Hindi natin maitatatwa na ang isang sumang-ayon at di-sumang-ayon, at
wikang pansarili, isang wikang taal at di- pag-alalay at pag-abala (disrupt) sa
dayuhan, ay mahalaga sa pagkakaroon kilos ng iba. Ito ang gamit ng wika na
ng self-identity o kakanyahan. Ang nagbibigay sa mga tao para alalayan
simbolo ng isang bandila, isang marcha ang mga pangyayaring nagaganap.
nacional, isang pambansang awit, isang
Halimbawa: pag-ayon, pagtutol, pag-
pambansang bulaklak, isang
alalay sa kilos/gawa, pagtatakda ng
mga tuntunin at alintuntunin sa tao. Bahagi nito ang phatic communion;
paglalaro, pagsagot sa telepono, at iyong mga di-pinupuna/walang
pagtatalumpati sa bansa. kabuluhang (meaningless)
pakikipagpalitan na nagsasaad ng isang
3. Representasyonal – gamit ng wika sa bukas na tulay (channel) ng
pagpaparating ng kaalaman tungkol sa pakikipagtalastasan kung
daigdig, pag-uulat ng mga pangyayari, kinakailangan. Sa isang malawak na
paglalahad, pagpapaliwanag ng mga kaisipan, tumutukoy ang gamit na ito sa
pagkakaugnay-ugnay, paghahatid ng lahat ng gamit ng wika upang
mga mensahe, atbp. May nagaganap mapanatili ang mga lipon/grupo: salita
na pagpapalitan ng kaisipan. May mga ng mga teenager; mga biruan ng
tuntunin upang alalayan ang gawi/ pamilya/mag-anak; mga katawagan sa
ugaling pangwika kapag may bawat propesyon (jargon), mga palitan
pagpapalitan ng impormasyon ay dapat sa mga ritwal; mga wikang panlipunan
maging totoong-totoo at hindi kalahati at panrehiyon, atbp. Dapat matutuhan
lamang ang dapat gumawa ng palagay ng mga tao ang mga iba’t ibang uri ng
(assumptions) tungkol sa alam ng gamit ng wika kung nais nilang
tagapakinig; hindi dapat kulang o makisalamuha nang mahusay sa iba.
pumupuri ang impormasyong Nangangailangan ang matagumpay na
ibinibigay; at kung tapat ang intensyon, interaksyon ng wastong pag-uugali
dapat iwasan ang ano mang (good manners), wastong pagsasabi sa
misrepresentasyon at kalalabisan. Sa wastong paraan at paggawa ng mga
mga pagkakataong naiiba (idiosyncratic bagay ayon sa kinagawian (presented
view) ang pananaw ng isang tao tungkol way). Madaling makita ang mga
sa kung ano ang daigdig; maaaring paglabag sa kaugalian, maging
ituring na naiiba (peculiar) ang mga malaswang salita (dirty words) sa
bigkas na nagsasaad ng pagkatawan sa maling tagpuan o di pagtayo sa ilang
daigdig. Magiging dahilan ng pagturing pagkakataon. Maaaring parusahan ang
sa isang tao na henyo/pantas (genius) o mga ito nang higit pa sa pagkadulas sa
nasisiraan ng bait; mapangarapin o di pangyayari.
kaya’y tagapagligtas ang ilang uri ng
pagiging iba (peculiarities). Maaaring Halimbawa: pagbati, pagpapaalam,
mag-iba-iba sa iba-ibang panahon ang pagbibiro, panunudyo, pag-aanyaya,
isipan ng karamihan (consensus) na paghihiwalay, pagtanggap, atbp.
nagiging batayan ng pagpapasya ng
iba-ibang kinatawan ng pagbabago sa 5. Personal – gamit ng wika para
daigdig (world shifts), patag ang ipahayag ang katauhan ng isang tao,
daigdig; maliliit (particles) ng atom, alam ng bawat isa na bahagi ng
patay ang Diyos; marumi ang sex, kanyang katauhan ang wika. May ‘tinig’
pasalita ang wika, atbp. o kinalaman ang mga tao sa nangyayari
sa kanila. Malaya silang magbuka ng
Halimbawa: pag-uulat, paglalahad, bibig o hindi, magsabi ng marami o
pagpapaliwanag, paghahatid ng magsawalang-kibo kung nais nila, ang
mensahe, pagbibigay ng tama/maling pumili ng kung paano sasabihin ang
impormasyon, pagsisinungaling, kanilang sasabihin. Binibigyan din ng
pagpapahayag. Karamihan sa pang- wika ang bawat tao ng paraan ng
araw-araw na gamit ng wika ang gamit pagpapahayag ng damdamin maging
na ito. ito ay sa anyo ng mga padamdam,
pagrerekomenda, pagmumura o sa
4. Interaksyonal - (Phatic communion pamamagitan ng maingat na pagpili ng
ayon kay Malinowski) gamit ng wika salita. Maaari ding magkaroon ng
upang mapanatili ang pakikipagkapwa- pagkukuyom sa sarili o pagbubulas ng
damdamin. Mahalaga ang papel ng wika sa mga
pagbabagong nangyayari sa retorika ng
Halimbawa: pagsigaw, iba-ibang disiplina.
pagrerekomenda, pagmumura,
pagpapahayag ng galit, at paghingi ng 7. Impormatibo – ito ang kabaligtaran ng
paumanhin. heuristiko. Kung ang heuristiko ay
pagkuha o paghahanap ng
6. Heuristiko – gamit ng wika bilang impormasyon, ang impormatibo naman
kagamitan sa pagkatuto ng mga ay may kinalaman sa pagbibigay ng
kaalaman at pag-unawa. Maaaring impormasyon sa paraang pasulat o
gamitin ang wika para malaman ang pasalita.
mga bagay sa daigdig. Nagbubunga ng
sagot ang mga tanong, konklusyon ang Halimbawa: pagbabalita sa radyo at/o
pangangatwiran, mga bagong tuklas na telebisyon.
pagsubok sa hypothesis, atbp. Ang
gamit na ito ang batayan ng kaalaman 8. Imahinatibo – gamit ng wika sa pagbuo
sa iba-ibang disiplina. Binibigyan ng ng isang sistema ng haraya maging
wika ang tao ng pagkakataong mga akdang pampanitikan, sistemang
magtanong tungkol sa kalikasan ng pampilosopiya, o huwarang pangarap
daigdig na pinananahanan nila at (utopian visions) sa isang dako o
bumuo ng mga posibleng sagot. Isang pangarap at pag-iisip ng walang
paraan para ipakilala ang kabataan sa magawa sa kabilang dako. Ito rin ang
gamit na ito ng wika ang pormal na wikang ginagamit para sa kasiyahan sa
edukasyon. Karaniwan nang isang paggamit ng wika bilang tunog; pag-
sistemang abstraktong nagpapaliwanag iingay ng sanggol (baby’s babbling),
ng isang bagay ang kinalalabasan nito. pag-awit ng isang mang-aawit at ang
Kaya isang resultang kailangan sa paglalaro ng malikot na isip ng makata.
paglikha ang simbolismo ng Mga larong pangwika, panunukso,
metalanguage – isang wikang ginagamit panunudyo, pagsasalaysay nang labis.
sa pagtukoy sa wika na naglalaman ng Ilan lamang ito sa mga pagkakataong
mga katawagan tulad ng tunog, pantig, gamit ng imahinatibo ng wika upang
kayarian, pagbabago, pangungusap, aliwin ang sarili o ibang tao.
atbp. Pinahihintulutan din ng gamit na ito ng
wika na pansinin di lamang ang tunay
Halimbawa: pagtatanong, pagsagot, na daigdig kundi pati na ang mga
pangangatwiran, pagbibigay- posibleng daigdig at marami pang
konklusyon, paggawa ng hypothesis, imposibleng daigdig. Pinahihintulutan
pagbibigay-katuturan, din nito ang paglalagay ng sarili sa
pagsubok/pagtuklas, pagpapaliwanag, katauhan ng mga nababasa/nakikita sa
pagpuna, pagsusuri, pagbuo, pag- telebisyon at sine: nakikinig sa radyo,
eeksperimento, pagsang-ayon, di- cd player, MP3 player (vicarious
pagsang-ayon, pag-uulat, at pagtataya. experience). Tinutulungan ding
Naging institusyon na ang gamit na ito matugunan ang maraming estetiko at
ng wika sa mga kalagayang pang- artistikong pangangailangan (urges).
edukasyon at sa mga gawaing Pinahahalagahan ang gamit na
pangkaalaman ngunit patuloy pang imahinatibo kung nagbubunga ito ng
makapupukaw ng iba-ibang artistikong paglikha ngunit sa
panananaliksik ang mga posibleng karamihan, nagsisilbi itong isang susi sa
paraan ng pagkaalam sa pamamagitan mga pagkakataon sa paglikha at
ng wika at hindi paggamit ng wika. Isa pagtakas sa katotohanang
ring suliranin ay kung pano nabubuo, ipinahihintulot nito.
inaaayos at nililinang ang kaalaman. Ang mga gamit ng wika ayon kay Roman
Jakobson pagpapahintulot, panghihiram, at
pagpapatawad.
1. Pagbibigay ng kuro-kuro 5. Pag-alalay sa sarili – kaugnay ang
(Cognitive/Reperensyal/Pangkaisipan ugali at damdamin “Pagkausap sa
) – pagpaparating ng mensahe at Sarili” nang tahimik o mag-isa,
impormasyon. pagpaparating sa iba ng ating iniisip,
2. Paghikayat (Conative) – paghimok at pagbibigay ng opinyon,
pag-impluwensya sa iba sa pangangatwiran, at pagpapaliwanag.
pamamagitan ng mga pag-uutos at 6. Pagpapahayag ng sarili –
pakiusap. pagpapahayag ng sariling katauhan at
3. Paglalahad/Pagpapahayag ng damdamin – tuwiran sa pamamagitan
damdamin (Emotive) – pandamdamin,
ng pandamdam, paggamit ng mga
pagpapahayag ng mga saloobin,
salita tungkol sa damdamin at di-tuwiran
damdamin at emosyon.
4. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng bilis, taas ng tinig,
(Phatic) – pakikipagkapwa-tao tunog ng tinig (voice quality).
5. Paggamit bilang sanggunian 7. Pagtatakda sa tungkulin o papel sa
(Metalinggwal) – paglinaw sa mga lipunan – paggamit ng wika upang
suliranin tungkol sa mga layunin itakda o ipahayag ang kaugnayang
(intensyon) ng mga salita at kahulugan. pansosyal ng mga tao, mga ginagamit
6. Patalinhaga (Poetic) – patula, kapag nakikipag-usap sa isang tao at
paggamit ng wika para sa sariling mga ginagamit kapag nagsasalita
kapakanan. tungkol sa iba (G./Gng./Bb.)

Ang mga gamit ng wika ayon kay W.P.


Robinson

1. Estetiko – paggamit ng wika sa


paglikha ng panitikan.
2. Ludic – pagtutugma, paggawa ng mga
salitang walang katuturan o kawawaan,
pagsubok sa mga posibilidad ng wika
habang natututuhan ito, sa madaling
salita ay pagbibiro.
3. Pag-alalay sa pakikisalamuha at
pakikipagkapwa-tao – paggamit ng
wika upang simulan, alalayan at
tapusin ang pagkikita (nangyayari kapag
ang dalawa o higit pang tao ang
nagkikita); mga ritwal sa wika
(kumusta/pagbati); wika bilang
kagandahang-asal (kumusta ka?); at
pagbati, pasasalamat, pagpapahayag
ng kalungkutan o pakikiramay.
4. Pag-alalay sa iba – paggamit ng wika
upang alalayan o impluwensyahan ang
kilos o damdamin ng iba; paggamit ng
mga tuntunin at ekspresyon ng
tungkulin/obligasyon; at pag-uutos,
pakkiiusap, pagpuna, pagpapalakas ng
loob, panghihikayat, pag-aanyaya,

You might also like