Professional Documents
Culture Documents
AP 9 KABANATA 4 FR, Pg. 57 GUIDE
AP 9 KABANATA 4 FR, Pg. 57 GUIDE
KAPITALISMO ( CAPITALISM )
Si Adam Smith and nagpakilala sa mundo ng kapitalismo. Sa kaniyang aklat na “ An
INquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations “ o “ The Wealth of Nations”,
inilarawan niya ang kanyang konsepto ng ulirang lipunan. Ito ay isang lipunan na pribadong
sektor ang nagmamay-ari ng pinagkukunang-yaman at kapitalista ang nagmamay-ari ng
mga negosyo at humahawak sa produksiyon sa ekonomiya.
Laissez-faire - ang tawag ng mga Pranses sa polisyang malaya ang kapitalistang ekonomiya
at ang tanging tungkulin ng pamahalaan ay panatilihin ang kapayapaan at kaayusan ng
lipunan.
SOSYALISMO ( SOCIALISM )
Isinulong ng sosyalismo ang pagmamay-ari ng estado sa lahat ng pamamaraan g
produksiyon. Ang teoryang ito ay nagmula sa Europa noong bandang 1790 bunga ng
Rebolusyong Industriyal ( Industrial Revolution ). Ang tingin ng mga sosyalista sa mga
kapitalista ay mang-api at hindi makatao. Hinahati ng kapitalismo ang lipunan sa pagitan ng
mga namumuhunan/gitnang-uri (Bourgeoisie) at ng mga mangagawa (proletariat) kung
saan inaabuso ng una ang huli.
2 Uri ng Sosyalismo:
A. Reform Socialism - nagsusulong ng pagbabago sa ekonomiya mula sa kapitalismo
patungo sa sosyalismo sa marahan na proseso. Naniniwala ang reform socialist na
mababago ang lipunan sa pamamagitan ng edukasuon at demokratikong paraan.
KOMUNISMO (COMMUNISM)
Nagmula ang komunismo sa pilosopiya nina Karl Marx at Friedrich Engels, dalawang
Alemang political economist noong ika-19 na siglo. Noong 1848, isinulat nila ang “
Manifesto of the Communist Party “, kung saan ibinahagi nila ang kanilang
rebolusyonaryong sosyalistang kaisipan. Mas pinili nila ang salitang komunismo kaysa
rebolusyonaryong sosyalismo upang hindi nila maging kabakas ng mga reform socialist.
PASISMO (FASCISM)
Ito ay isang pangunahing sistemang politikal at pang-ekonomiya noong una at
gitnang bahagi ng 1900s. Minsan nang nagkaronn ng ganitong uri ng pamahalaan ang mga
bansang Italy, Japan, South Africa, at Argentina bagama’t ibang mga salita ang kanilang
ginamit upang tukuyin ito. Ang tawag ng Germany rito noong panahon ni Hitler ay
Pambansang Sosyalismo.
Hindi talaga umiiral ang pure capitalism. Hindi maituturing, maski na ang England
noong ika-18 siglo, bilang pure market capitalism na ekonomiya.
Estados Unidos - pinakamalayang bansa sa mundo, subalit ito pa rin ang nagtatakda ng mga
patakarang may kinalaman sa pagbubuwis, pandaigdigang pangkalakalan, at
pamumuhunan. Binabantayan din nito ang suplay ng salapi at ang pandaigdigang palitan at
iba pang aspekto ng ekonomiya.
Japan - hindi nito kasinglaya ang bansang Estado Unidos, subalit ang ekonomiya nito ay
pamilihan sa pangkalahatan. Sa kabila ng pagiging pamilihan nito, maraming malalaking
kompanya sa bansa ang hindi sumasali sa matinding kompetisyon. Sa halip ay nagtatatag
sila ng Keiretsu upang matiyak na hindi makapipinsala sa ekonomiya ang kanilang
pagtutunggali sa industriya at pamilihan