Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Pangalan:_________________________ Baitang at Seksyon___________________

Araling Panlipunan 4 Guro:______________________________

Aralin : Ikatlong Markahan, Ika-limang linggo, LAS 1


Pamagat ng Gawain: Pangkalusugan
Layunin :Nasusuri ang mga programa at serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan
Sanggunian: Araling Panlipunan 4(kagamitan ng Mag-aaral), p 273-276,TG at CG
Manunulat : Rashel M. Ordiz

Ang lakas-tao ay napakahalaga dahil dito nakasalalay ang pagbubuo ng desisyon sa


pang-araw-araw. Mahalagang malusog ang kanyang pangangatawan gayundin ang
kanyang pag-iisip, maging katuwang sa paggawa ng tamang pasiya at pagsasagawa
ng wastong kilos para sa maayos na pamamalakad at kalagayan ng bansa.
Kagawaran ng Kalusugan- ang pambansang ahensya na naatasan na mamahala
sa mga serbisyong pangkalusugan. Ilan sa mga programa ng pangkalusugan ay ang
mga sumusunod:
1. PhilHealth-itinatag upang siguradong pagkalooban ng kalidad na mga
pasilidad at serbisyong pangkalusugan ang mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap
2. Complete Treatment Pack-Layunin nitong marating ang pinaka mahirap na
mamamayan at mabigyan na gamot lalo na sa mga pangunahing sakit ng bansa at
nagtalaga ng mga doktor, nars, at komadrona sa malalayong lugar upang matugunan
ang mabilis na pangangailan ng mga mamamayan rito.
3. Pagbabakuna o imunisasyon -ito ay libreng programa sa mga bata laban sa
sakit tulad ng diarrhea, polio, tigdas, at trangkaso. Kasama ang pagbibigay ng Vit. A,
iron, at iodine sa mga Health Center.
4. Programa sa mga Ina at Kababaihan-Kasama ang regular na pagpapatingin
ng mga buntis, libreng bitamina at bakuna laban sa neo tetanus.
5. Programa laban sa Iba pang mga Sakit- Libreng pagpapatingin at gamot
gaya ng sakit na tuberculosis at human immunodeficiency virus infection at acquired
immune deficiency syndrome (AIDS)
Panuto: Isulat ang T kung ang isinasaad ng salaysay ay tama at M kung mali.
__1. PhilHealth ay itinatag upang siguradong pagkalooban ng kalidad na mga
pasilidad at serbisyong pangkalusugan ang mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap.
__2. Ang bakuna ng mga bata tulad ng polio at iba pa ay libre sa Health Center.
__3. Kagawaran ng Kalusugan ang pambansang ahensiyang naatasan
ng pamahalaan na mamahala sa mga serbisyong pangkalusugan.
__4. Walang programa ang sakit na tuberculosis sa Pilipinas. This space is
for the QR
__5. Ang mga buntis ay pinababayaan ng pamahalaan. Code
Pangalan:________________________ Baitang at Seksyon___________________
Araling Panlipunan 4 Guro:______________________________

Aralin: Ikatlong Markahan, Ika-limang linggo, LAS 2


Pamagat ng Gawain: Pangkalusugan
Layunin : Nasasabi ang kahalagahan ng kalusugan ng bawat mamamayan.
Sanggunian: Araling Panlipunan 4 (kagamitan ng Mag-aaral), p 273-275, TG at CG,
World Health Organization, (2020, May 12)
Manunulat: Rashel M. Ordiz_______________________________________________
Ating natutunan ang ibat- ibang programa ng pamahalaan para sa ikabubuti ng
ating kalusugan. Ito ay napakahalaga sa panahon ngayon na may pandemya. Ang
coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong
coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng
hindi malalang sintomas ay gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang
sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang
mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang
kalusugan mo at ng iba. Ugaliing tandaan ang mga dapat gawin upang maiwasan
ang COVID 19. Laging isaisip na ang Kalusugan ay ating kayaman. Pitong
simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19.
1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay. 2. Iwasan ang paghawak sa iyong
mata, ilong at bibig. 3. Takpan ang iyong ubo at bahing. 4. Iwasan ang matatao na
lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo. 5. Manatili sa
bahay kung ikaw ay may sakit. 6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa paghinga,
magkonsulta agad-ngunit tawagan muna ang health facility. at 7. Kumuha ng
impormasyon sa mapagkatiwalaang awtoridad
Panuto: Sumulat ng maiksing salaysay patungkol sa iyong saloobin sa nangyayaring
pandemya sa ating bansa. Ano kaya ang iyong maimumungkahi sa pamahalaan
upang masugpo o matigil na ang pandemayang ito.
_______________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Insert

QR Code

Here
Pangalan:_________________________ Baitang at Seksyon___________________
Araling Panlipunan 4 Guro:______________________________

Aralin : Ikatlong Markahan, Ika-limang linggo, LAS 3


Pamagat ng Gawain: Pang-edukasyon
Layunin : Nasusuri ang ibat- ibang uri ng programa ng pamahalaan sa edukasyon
Sanggunian:Araling Panlipunan 4(kagamitan ng Mag-aaral), pahina 279-281,TG at
Manunulat : Rashel M. Ordiz

Ang pamahalaan ay may ibat- ibang programa upang maitaguyod ang pag-
unlad ng edukasyon sa ating bansa. Kabilang dito ang mga sumusunod:
1. Edukasyon para sa Lahat o Education for All- layunin nitong mapabuti ang
kalidad ng edukasyon bilang tugon sa pandaigdigang programang ito at sa
pambansang pangangailangan upang umunlad ang Edukasyon.
2. Basic Education Program o kilalang Kinder to Grade 12 Program- Nilalayon
nitong magkaroon ang mga mag-aaral ng lubos at tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga
batayang kasanayan, at magkaroon ng kahandaan sa kolehiyo o pag-eempleyo.
3. Day Care Center- Nangangalaga sa mga batang nag- uumpisa pa lamang matuto.
4. Out-Of-School Youth (OSY) – Mga batang nahinto sa pag-aaral na binigyan pansin
ng kagawaran sa pamamagitan ng programa nitong Abot-Alam. Layunin nitong
mabawasan ang mga OSY at maihanda sila sa pagnenegosyo o pag-eempleyo.
Binibigyan sila ng pagkakataong makapag-aral muli sa pamamagitan ng Alternative
Learning System sa mga oras at araw na libre sila o di naghahanapbuhay.
5. Indigenous People (IP) - Mga katutubo nating mamamayan. Maliban sa literasi,
layunin ding pangalagaan at mapagyaman ang kultura ng mga IP.
Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng talata.
Piliin ang salita mula sa loob ng kahon.

Edukasyon para sa Lahat Basic Education Program Day Care Center

Out-Of-School Youth Indigenous People

1. Ang _________ ang nangangalaga sa mga batang nag-uumpisa pa lamang matuto.


2. Ang ___________________ay may layunin nitong mapabuti ang kalidad ng
edukasyon bilang tugon sa pandaigdigang programang ito at sa pambansang
pangangailangan upang umunlad ang Edukasyon.
3. Ang programa para sa _______________ay may layunin na pagyamanin ang
kanilang kultura.
4. Ang ____________ pabalikin sa paaralan ang mga mag aaral na nahinto sa pag
aaral.
This space is
5. Ang ____________________ kilalang Kinder to Grade 12 Program for the QR
Code
LAS 1
1. T
2. T
3. T
4. M
5. M

LAS 2 ( sariling opinion ng mga bata: pakievaluate na po ang sagot nila)


1.
2.
3.
4.
5.

LAS 3
1. DAY CARE CENTER
2. EDUKASYON PARA SA LAHAT
3. INDIGENOUS PEOPLE
4. OUT-OF-SCHOOL-YOUTH
5. BASIC EDUCATION PROGRAM

You might also like