Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANIMULA

Ayon sa Commissioner of Higher Education (2010) halos 8% o 216,000 ng mga nasa kolehiyo ay

mga working students. Nagpapahiwatig lamang ito na marami talagang estudyante ang nangangailangan

ng pandagdag para sa kanilang pag-aaral

Karamihan sa mga kabataan sa panahong ito ay nagdedesisyong maging isangmanggagawang

mag-aaral na lamang. Kada taon, hindi rin maitatanggi ang pagtaas ng bilang ngmga mag-aaral na

nagtatrabaho na ang kadalasang dahilan ay ang kakulangan sa pagtustos sa pag-

aaral. Mahirap man ang magbanat ng buto habang nag-aaral ay kinakaya nila ito upangmakamit lamang

ang hinahangad na pagtatapos. Ang mga mag-aaral ay maaaring maging isangworking student na mas

pinahahalagahan ang pag-aaral o kaya nama’y mag-aaral na

mas pinahahalagahan ang pagtatrabaho (Orszag, 2001). Ayon kay Hampton (2001), ang mga mag-aaral

na may naiambag sa kanilang pag-aaral ay mas pinahahalagahan ito. Sinasabi dito na ang pagtatrabaho

at pagsisikap ng isang mag-aaral para lamang mabigyan ng magandang edukasyon ang kanyang sarili ay

talagang nakaaapekto sa pag-aaral nila upang bigyan ito ng kahalagahan atmagkaroon ng motibasyon

upang ipagpatuloy ito.

Ayon nga sa UNESCO (United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization), “Ang

edukasyon ay isang prinsipyo ng karapatang pantao at ito ay isa ring pagsasanay sa iba pang karapatang

pantao na nagtataguyod ng indibidwal na kalayaan, nagbibigay kalakasan at nagbubunga ng paglago.

Subalit milyong mga kabataan maging mga matatanda ang hindi napapagkalooban nito dala ng kahirapan

sa buhay.” Bunga nito, ang mga pursigidong mag-aaral na may pangarap na makapagtapos ng pag-aaral

ngunit sa kakapusan ng kuwalta ay hindi sila nabibigyan ng pagkakataon, pumapasok na lamang sa

pagtatrabaho. Naaapektuhan nga ba ng kanilang pagbabanat ng buto ang kanilang pagganap sa paaralan?

Ang bilang ng pagtatrabaho lalo na sa mga kolehiyo ay patuloy na mabilis ang pagtaas.Ang mga epekto

nito sa academic performance


ng mga mag-aaral ay patuloy na kinukwestyonng mga mananaliksik (Green, 1987). Hindi maikakaila na

ang mga tao ay talagang pinagtutuunanng pansin ang mga bagay kaugnay sa akademikong larangan ng

mga mag-aaral. Kadalasan, angtingin ng isang tao sa iba ay nakabatay sa kung paano nila nakikita ito sa

akademikong aspeto.Kung mataas ang marka ng isang mag-aaral, makikita ito ng iba bilang matalino,

masipag at may pagpapahalaga sa pag-

aaral at kabaligtaran naman nito kung mababa ang marka ng isang mag-aaral.

You might also like