Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

"Kilos ko,

Pananagutan ko"

Lahat ay sadyang pinagpala ng maykapal.


Buksan ang palad, ihandog ang kamay para tumulong.
Isang hakbang para buhay natin ay susulong.
Piliin palagi ang mabuti, kahit ano mang mangyari.

Kilos ko, ay pananagutan ko din.


Lahat ng aking gagawin, ay babalik sa akin.
Mabuti man o masamang gawain.
Babalik at babalik ito sa akin.

Tandaan bawat kabutihang gagawin,


May kaakibat na ginhawa mula sa gumawa sa atin.
Kaya't bawat kilos ay pag-isipan ng lubos.
Dahil hindi na maibabalik ang oras na natapos.

Kahapon mo ay isalamin sa pagwawasto.


Sariling mong mga mali walang ibang sasalo.
Sa bawat pagsibol ng umaga merong bagong pag-asa.
Kung kaya't mag-isip, simulan na't tumayo.

Reizel Mae N. Laurente 10- alphecca

You might also like