Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

“Buhay ko”

Madaldal, at pilisopo bansag sa akin nina tita at tito.

Kabataan ko'y palaging rambolan sa kanto.

Naglalaro ng tagu-taguan at patintero.

Hindi basta-basta nag papatalo.

"Puyo gud!" palaging sigaw ng kuya ko.

Mahilig ako makipag-asaran.

Pabara pa kung sumagot minsan.

Kaya palaging akong napapagalitan.

Parati rin akong nakakakita ng gulo

Dahil sa ugali kong di matanto.

Mahilig akong mangulit lalong-lalo na sa mga galit.

Pero pramis ako'y babait, bigyan mo lang ako ng chocolate.

Dalawa kaming magkapatid, siyempre ako ang bunso.

Hindi madali lalong-lalo na’t meron akong kapatid na daig pa si James Reid.

Wag mo lang inisin dahil parang isang leon kung magalit.

Masaya at nakaka-umay, lalo na’t isa lang ang karamay ko sa kalokohan.

Pero parati naman naming napapasaya ang aming mga magulang.

Daig pa nga namin si Jessica Soho sa pagkukwento kung minsan.

Pero kahit dalawa lang kami, wag maliitin dahil malaki ang “amats” namin.

Lalo na ang kapatid kong kamukha ni Jungkook pag nakatalikod.

You might also like