Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IPAGHIGANTI MO AKO

The novel begins months before the onset of the Philippine–American War. Because of
the war, Pedring and Geli got separated from each other. Geli and her mother,
together with other Filipinos in the affected provinces in Luzon, had to flee their
homes and became displaced. Pedring and Geli meets again in Antipolo after five
years. They were reunited under tragic circumstances. Geli was dying. Geli was also
pregnant after becoming a victim of rape during the war. Geli's rapist was a
Katipunan member. Geli wants Pedring to become her avenger.

On the surface, Ipaghiganti Mo Ako...! is a highly romantic love story with a


tragic ending. It details the experiences of young lovers Pedring and Geli months
before the outbreak of the Filipino-American War. When the war begins, the lovers
are separated, as Geli and her mother join hundreds of thousands of displaced
victims of the ongoing battle, fleeing for their lives, scavenging for food,
becoming witnesses to the devastation brought about by the conflict in Bulacan,
Nueva Ecija and other provinces in Luzon. Five years later, Geli and Pedring meet
again in the town of Antipolo. The obviously dying Geli tells Pedring that she had
been raped by a Katipunero who is the father of the child with her. Before she
dies, she asks Pedring to avenge her fate.

ANG SINGSING NANG DALAGANG MARMOL


Ang nobeletang Ang Singsing nang Dalagang Marmol ni Isabelo de los Reyes ay hinggil
sa kawal ng himagsikang Pilipino na napaibig sa isang dalaga, at sa digmaang
inilapat ang pananagisag sa imahen ng pagmamahal sa kasintahan. Unang nalathala sa
Ang Kapatid ng Bayan ang naturang nobeleta noong 1903, bago isinalin sa Espanyol ni
Reyes sa El Grito del Pueblo noong 1905. Naglaho ang orihinal na sipi, kaya
isinalin ni Carlos B. Raimundo ang teksto mulang Espanyol tungong Tagalog noong
1912.

Ipinakilala sa nobela ang isang tauhang mula sa pakikihamok laban sa mga Amerikano
noong 23 Abril 1899. Nakilala ng tagapagsalaysay si Koronel Puso na nagkuwento
naman hinggil sa naging karanasan sa dalagang may pangalang "Liwayway." Ang kuwento
ng nobela, kung gayon, ay hindi tungkol sa tagapagsalaysay, kundi sa nabatid niyang
karanasan nang makilala si Koronel Puso.

Taal na taga-Baliwag umano si Liwayway, na hindi lamang marikit bagkus nagtataglay


ng puring maitutulad sa Inang Bayang Katagalugan. Ngunit may isang matandang
nagduda sa tunay na niloloob ni Koronel Puso, at inakalang ito'y lolokohin lamang
ang dalaga. Itinakas ng matanda ang dalaga kay Koronel Puso, at nakatanggap ng
pasabi ang nasabing kawal na ikinasal na sa Amerikano ang babae. Isang araw ay
nagbalik nang nakabalatkayo si Liwayway sa kampo ni Koronel Puso, at natigatig nang
mabatid na sugatan ang minamahal. Ginamot at pinalakas ng dalaga ang pangangatawan
ng Koronel, at pagkaraan ay ibinunyag ang tunay na katauhan. Hindi ako nagpakasal
sa Amerikano, ani Liwayway, at sa halip ay nanatiling tapat sa iyo.

ANG HULING TIMAWA


Nobela ni Servando de los Angeles, ang Ang Huling Timawa (1936) ay umiinog sa
pakikibaka ng isang pamayanan upang lumaya sa di-makatarungang sistema ng kasike at
bulok na pamamalakad sa pamahalaan. Inilahad sa nobela ang napipintong pag-aaklas
ng pangkat ng Kolorum na nasa kabundukan ng Baritan. Si Mateo de la Cruz ang
pinuno, na itinangging inihahasik ng kaniyang pangkat ang kaguluhan, bagkus
nagsisikap lamang na pabutihin ang kalagayan ng mga magsasaka. Kalaban ng pangkat
niya ang gaya nina Braulio de los Santos at Don Procopio, na pawang naghahasik ng
lagim sa pamamagitan ng mga armadong bataan. Tinangkilik naman ng mga tao ang
Kolorum, at kabilang dito si de la Cruz na mula sa angkan ng panginoong maylupa; si
Ricardo Pilares na matapang na editor at mamamahayag; si Jose Romero na estudyante
sa unibersidad; at si Tenyente Ventura na nagsikap na unawain ang kalagayan ng mga
magsasaka at kasamá. Itatampok sa nobela ang pag-iibigan nina Jose Romero at Adela,
na anak ni de los Santos. Magtatagumpay ang pangkat sa kanilang pakikibaka, at
magwawakas ang nobela sa pagpapanibago ng kanilang pamayanan at pagbabagong-loob ng
kasike .

BAYANG NAGPATIWAKAL
Bayang Nagpatiwakal (1948) ang nobela ni Lazaro Francisco, at nagsasalaysay hinggil
sa pangangailangan ng pagkakaisa ng sambayanan upang umangat ang kabuhayan.
Inilahad sa nobela ang tunggalian ng dalawang pangkat. Ang isang panig ay ang Club
Granero na binubuo ng mayayamang negosyanteng sina Don Benigno, Don Alejandro,
Ismael Hansen Jr. Ang kabilang panig naman ay binubuo nina Hen. Atanacio
Maglanagkay, Binyang, at Javier na nagpapatakbo ng kanilang negosyong Philippine
Transit Corporation. Si Don Benigno ay mabalasik na usurero, samantalang sina Don
Alejandro ay sakim na negosyanteng kakutsaba si Ismael na isang banyagang
negosyante. Magkakaroon ng gusot sa istorya nang bumagsak ang negosyo ng Philippine
Transit Corporation dahil wala itong natamong tangkilik mula sa taumbayan. Dahil sa
pangyayari, napoot si Javier at sinunog ang mga bus at gusali ng katunggaling
kompanya, at pagkaraan ay magtatago kung saan. Lilipas ang panahon at magbabalik
siya at nagbalatkayong si Rey Vajit Ossan. Nagtayo ng sariling kompanya ng bus at
malaking asukarera si Rey, at nagtagumpay na wasakin ang lahat ng negosyo ng
kaniyang kalaban. Nang lumakas ang kaniyang monopolyo, tinaasan niya ang presyo ng
lahat ng produktong ipinagbibili niya. Nagalit ang pamayanan sa gayong kasakiman.
Nagsikap na magkaisa ang mga tao upang makapagpundar ng sapat na puhunan upang
bilhin ang pag-aari ng negosyante. Ngunit nangabigo sila. Sinabi ni Rey na aalis
lamang siya sa bayan kung sasama sa kaniya si Anita. Lingid sa kaalaman ng
nakararami, sinadya ni Javier na gawin ang mga kasuklamsuklam na bagay upang
pagalitin ang mga tao at kumilos at magkaisa sila na tipunin ang kanilang yaman at
lakas upang labanan ang gaya ng ibong mandaragit na gaya ni Rey.

You might also like