Professional Documents
Culture Documents
Filipino 9 3rd PT Test Answer Key
Filipino 9 3rd PT Test Answer Key
Filipino 9 3rd PT Test Answer Key
Isang umaga habang namimitas ng bulaklak nakakita si Sita ng isang gintong usa. Tinawag niya agad sina
Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay.”Baka higante rin yan, ”paalala
ni Lakshamanan. Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang kanyang pana at busog.Huwag mong iiwan
si Sita kahit anong mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong
tumakbo kaya napasigaw si Sita.” Bilis! Habulin mo ang gintong usa!”
Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana ang
asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila. Pagkatapos ay
naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante sa Lanka. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng
mga higante at demonyo. “Mahalin mo lamang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.” Sabi ni Ravana.
Pero hindi niya napasuko si Sita. Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa
labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante ang bumagsak na pugot
ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban.
Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni Rama ang hari ng mga higante.
Tumakas ang iba pang mga higante nang makita nilang patay na ang kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita
sa asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.
Halaw sa akdang: “Rama at Sita”
16.“Huwag mong kalilimutang ikaw ay isang banga na gawa sa lupa”. Ang kaugaliang ipinamalas sa pahayag
ay__________.
a. pangangatwiran b. pangangaral c. pagpapayo d. pagdadahilan
17. “Habang siya’y nabibitak at unti-unting lumulubog ay naalaala ng batang banga ang pangaral ng
kanilang ina”. Anong mensahe ang nais ipahiwatig ng pangungusap?
a. Walang mabuting naidudulot ang pagsuway sa magulang.
b. Habang may buhay, magpakasaya ka.
c. Alam ng magulang kung anong makabubuti sa anak.
d. Umiwas sa kaway ng tukso sa paligid.
18. “Ikaw ay nararapat na makisalamuha lamang sa ating mga kauring banga.” Ano nais ipahiwatig ng
pahayag na nito?
a. Huwag pakialaman ang buhay ng iba. b. Huwag magtitiwala sa iba.
c. Huwag sasama sa hindi kauri. d. Iwasan ang pakikipagkaibigan.
19. Bilang mag-aaral, tama ba na lagi kayong sumusunod sa payo ng magulang?
a. Magiging sikat sa pamayanan. b. Bibigyan ng medalya ng pagkilala.
c. Mapabubuti ang buhay. d. Hindi masasangkot sa anumang kapahamakan.
20. Sa kaniyang murang edad ay naging ilaw na siya sa tahanan. Ang tinutukoy na ilaw ay ________.
a. Pag-asa b. Asawa c. Gabay d. Ina
Para sa bilang 21
Ano ang naiwan!
Mga naikuwadrong larawang guhit, poster, at larawan, aklat, talaarawan, at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak
At ang ligayang di-malilimutan.
Halaw sa“ Elehiya sa kamatayan ni Kuya”
21. Paano mo magagamit sa iyong buhay ang mga aral at mensaheng hatid ng elehiya?
a. Dahil sa pagkawala ng mahal sa buhay, hindi na papasok araw-araw.
b. Upang matutong maging matatag sa buhay at huwag mawalan ng pag-asa.
c. Patuloy na alalahanin ang mahal sa buhay na yumao at magmukmok araw-araw.
d. Maging malungkot lagi upang maipakita na ikaw ay nagdadalamhati.
22. Kung ikaw ang may-akda, paano mo ipadarama ang pagmamahal mo sa isang tao?
a. Bigyan lagi ng regalo upang maipadama na siya ay mahalaga.
b. Laging makipagtalo sa magulang upang mapansin ka nila.
c. Susulat ng isang tula na naglalaman ng mga mensahe ng pagmamahal.
d. Mag-aaya ako sa iba’t ibang lugar upang mamasyal kami.
23. “Kinilabutan ang lahat dahil sa nakita nilang kalagayan ng batang naaksidente.” Ano ang pinakamababang antas
ng damdamin ng salitang may salungguhit?
a. kinabahan b. nagulantang c. nabigla d. natakot
24. Si Maria ay ________dahil sa pag-uwi ng kaniyang ina galing sa ibang bansa. Piliin ang angkop ma salitang
nagpapakita ng pinakamasidhing damdamin.
a. nagagalak b. nasisiyahan c. naliligayahan d. natutuwa
Para sa bilang 25-26
Walang may gustong pag-isipang siya’y kriminal. Walang may gustong makulong. Wala
ring may gustong mamatay nang bata pa o kaya’y mawalan nang buong pamilya.Ngunit sa isang
sarbey noong nakaraang taon, lumalabas na higit na 50 bahagdan ng mga mag-aaral sa senior ay
nagsimula nang landasin ang mga daang patungo sa mga nabanggit.Tumikim na sila ng bawal na
gamot.
Marahil, hindi nga mawawasak nang biglaan ng droga ang buhay mo kung paunti-unti mo
lamang tinitikman ito. Ngunit may mga taong nagkukumbinasyon ng droga sa isang maramihang
gamit, ito’y nakamamatay agad. Sa paggamit ng illegal na droga, inilalantad mo ang iyong sarili
sa mga panganib. Malapit ang aksidente sa mga taong nasa impluwensiya nito dahil nawawala sila
sa tamang katinuan ng isip at tamang pagpapasiya.
Sanaysay “ Hindi ako magiging adik”
25. Ang mga sumusunod ay panganib na maaaring sumapit sa isang nagdodroga maliban sa_______.
a. Pagkasira ng katawan at isipan. b. Putol-putol at magulong pagtulog.
c. Nakakaranas ng sobrang pagbaba ng timbang. d. Mahimbing na pagtulog.
26. Ang bawat nilalang ay nagtataglay ng hiram na buhay. Ano ang maaaring bumuo rito na detalyeng
pangungusap?
a. Iwasan ang masamang bisyo. b. Ingatan natin ang ating kalusugan.
c. Ipagtanggol natin ang ating karapatang mabuhay. d. Lahat ay tama.
27. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakaangkop na hinuha o haka-haka sa paglaganap ng
krimen sa bansa?
a. Tila mahirap masugpo ang kriminalidad dahil sa talamak na korapsyon sa bansa.
b. Kung pag-iibayuhin ng mag pulis ang kanilang gawain, siguro ay madaling masusugpo ang
kriminalidad.
c. Sa tingin ko ay wala ng pag-asang masugpo ang kriminalidad sa bansa.
d. Wala na yatang magagawa ang pamahalaan upang mabawasan ang kriminalidad.
28. Ang mga taong nahuhumaling sa droga, isang bisyong nagbubunsod sa iba na gumawa ng masama.
a. nahihibang b. nababaliw c. nagugumon d. nagagahaman
29. Madalas na nagkakaroon ng paglalaban sa pagitan ng tao at ng kaniyang kapwa na ang kalimitang resulta ay gulo
at perwisyo. Anong tunggalian ang isinasaas ng pahayag?
a. tao vs. Tao b. tao vs. sarili c. sarili vs. tao d. sarili vs.sarili
30. Anong tunggalian ang nagaganap lamang sa isipan ng tao?
a. tao vs. Tao b. tao vs. sarili c. sarili vs. tao d. sarili vs.sarili
31. “Sasabihin ko ba ang aking nalalaman sa krimen?.” Sa tunggaliang ito na, tao vs. sarili, pinakawastong dapat
niyang gawin ang magsabi ng ______________?
a. kaalaman b. kasunduan c. katotohanan d. katwiran
32. Anong tunggalian ang isinasaad ng may salungguhit? “Tinanong nito kung sino ang kumakatok. Muli niyang
sinabi na ito ang kaniyang asawa. Sinabi nito na paalisin ang asawa o siya, ang hari, ang magpapaalis dito.”
a. tao vs. Tao b. tao vs. sarili c. sarili vs. tao d. sarili vs.sarili
33. Naninirahan sa dulo ng Barangay Matahimik ang pamilya nina Mang Nelson at Aling Nelia. Ang salitang
barangay ay nagmula sa lumang bangkang Malay na tinatawag na?
a. balangay b. balanghay c. batangay d. batanghay
34. Si Aling Mameng ay may pitong pamangkin na mababait at masisipag.Ang salitang pamangkin ay mula sa mga
salitang____?
a. Para namang iyo b. para namang akin c. para namang tayo d. para namang sa iyo
35. “Nagkarinigan silang lima. Napagtanto nila na sila’y napagkaisahan ng babae upang makamit ang hinihiling
niyang hustisya.” Batay sa pahayag, pinatutunayan nito ang transpormasyon sa tauhang babae ng pagiging ________.
a. mahina b. mahiyain c. mautak d. matapang
Para sa bilang 36 -40.
36. Ang mga Pilipino ay magigiliw sa mga bisitang dumarayo sa ating bansa. Ang salitang salungguhit ay
nagpapakita ng _______?
a. Gawi b. karakter c. kilos d. pananaw
37. Madalas ang paghikab ni Lita habang siya ay kumukuha ng pagsusulit. Ang salitang may salungguhit ay
nagpapakita ng _______?
a. Gawi b. karakter c. kilos d. pananaw
38. Matigas ang loob ni Maria sa pagtulong sa kaniyang mga kamag-anak. Ang sugnay na may salungguhit
aynagpapakita ng _______?
a. Gawi b. karakter c. kilos d. pananaw
39. Tagaktak ang pawis ni Mang Ben sa kabubuhat ng balde-baldeng galon ng tubig. Ang salitang tagaktak ay nagmula
sa salitang __________.
a.gak gak gak b.tak gak gak c. tak tak tak d. tack tack tack
40. Nagbuwis ng buhay si Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumbayan. Ang pangungusap ay nagsasaad ng
____________ na pangyayari.
a.makatotohanan b. di- makatotohanan
c. walang katotohanan d.medyo makatotoanan
Para sa Bilang 41-43
Panuto : Punan ng wastong pang-ugnay ang bawat pangungusap upang mabuo ang diwa ng bawat pahayag.
41. , dito natin kinukuha ang mga bagay gaya ng pagkain at mgamateryal na pangangailangan sa araw-araw na
pamumuhay.
a.noong una b. sa umpisa c. unang-una d. una
42. , nakasalalay rito ang kaligtasan natin sapagkat nagsisilbiitong pananggalang sa mga kalamidad na
dumarating.
a.una b. ikalawa c. ikatlo d. ikaapat
43. , ipinagkaloob ito ng Maykapal upang makapamuhay tayo nang masagana at maligaya. Natuto na
sana tayo sa pagdating ng pagsubok dulot ng pandemya.
a.una b. ikalawa c. ikatlo d. ikaapat
44. Kanina pa kami naghihintay ng balita tungkol sa bagong virus. Angsalitang may salungguhit ay pang-
abay na________________?
a. may pananda b. walang pananda
c. nagsasaad ng bagal d. nagsasaad ng dalas
45. Araw-araw na namamalengke sina Nanay at Tatay. Ang salitang maysalungguhit ay pang-abay na
__________________?
a. may pananda b. walang pananda
c. nagsasaad ng bagal d. nagsasaad ng dalas
46. Ito ang kultura ng mga Hindu na ipinakikita sa pahayag na tumanggi si Maritsa na tulungan sina Ravana at
Surpanaka laban kay Rama sapagkat kakampi raw nito ang Diyos.
a.takot sa Diyos b. pagiging duwag
c. pagpapahalaga sa kapwa d. pagtanggi sa hindi mabuting gawain
47. Ito ang maaaring mangyari kay Rama dahil sa pagkadakip ni Ravanakay Sita.
a. babawiin si Sita kay Ravana
b. magdeklara ng labanan laban kay Ravana
c. hayaan na lamang ang asawa niyang si Sita
d. hintaying ibalik ang asawa para walang gulo
48. Alin sa mga sumusunod ang maaaring kahantungan nang pagsisinungaling ni Surpanaka sakaniyang kapatid
na si Ravana.
a. makakamit ang kaligtasan
b. maaaring maging sanhi ng pag-aaway
c. magiging dahilan ng pagkakasundo
d. magkakaroon ng kaayusan sa kanilang samahan
49.Ito ang maaaring kahinatnan ng pagmamahal ni Surpanaka kay Ramana may asawa na.
a. Hihintayin niyang mahalin siya ni Rama.
b. Siya ay mabibigong mahalin din ni Rama.
c. Gagawa siya ng paaran para mahalin siya ni Rama.
d. Hindi na niya itutuloy ang nararamdaman para kay Rama.
50. Ito ang kulturang masasalamin sa pangyayaring, sinundan pa rin ni Lakshamanan ang kapatid na si Rama kahit
‘di niya alam kung makababalik pa siya.
a. pagiging matapang c. padalos-dalos magdesisyon
b. pagpapahalaga sa pamilya d. marunong sa pakikipagsapalaran
SUSI NG MGA SAGOT
IKATLONG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 9
Taong Panuruan 2022-2023
1. D 26. D
2. D 27. D
3. C 28. D
4. C 29. A
5. B 30. B
6. C 31. C
7. B 32. A
8. B 33. A
9. C 34. B
10. C 35. C
11. D 36. A
12. A 37. C
13. C 38. A
14. C 39. C
15. A 40. A
16. C 41. A
17. A 42. D
18. C 43. B
19. C 44. A
20. C 45. D
21. B 46. A
22. C 47. A
23. A 48. B
24. D 49. B
25. D 50. B
Inihanda Ni:
ANALYN C. SAGADRACA (Ulong Guro III, Rizal NHS)