Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panibagong Paraan ng Panankop ng Mga Amerikano

Sa nag-daang pandemiya, nakita ng lahat na may malaking problema ang ating bansa sa bilang ng ating
mga nars. Naging malaking epekto ito sa kalusugan ng ating mamayan at sa dalawang taong kasagsagan
ng Covid-19; naipakita na ang Pilipinas ay may matinding kakulangan ng mga nars at health care workers
sa ating mga ospitals, kahit na tayo ang may pinakamalaking nageexport ng mga nars sa ibang bansa,
partikular na sa Hilagang Amerika.

Napaka-laking epekto ng pagka-ubos ng mga nars sa ating bansa. At ang kanilang pagka-onti sa
Pilipinas ay nag-sanhi nang dahil sa relasyon na meron tayo sa Amerika. Nag-simula ito nang sakupin nila
tayo wala pang taon nang tayo ay nakalaya sa mga Espanyol. Ang mga Amerikano ay nag-tayo ng mga
imprastraktura, ‘tulad ng mga Nursing School at nagtalaga ng “Benevolent Assimilation”. Ginawa nila ito
upang mag-karoon ng relasyon ang mga nars at mag-karoon na ng mapagpapakinabangan ang mga
Amerikano sa ating Pinoy. Nag-papakita ito na kahit patuloy ang pakikipag-digmaang pisikal ng mga
sundalo ay mayroon ding digmaan ang nagaganap na ang maskera nito ay ang kasaganahang gustong
ibigay ng mananakop sa ating bansa.

Ang mga estratehiya ng mga Amerikano para magamit ang kanilang mga nars ay gumana,
kasagsagan ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig ay kinakailangan ng Amerika ng mga nars para sa
kanilang sugatang sundalo. At binansagan pa nila ang trabahong ito na “enlist in a proud profession”
may 200,000 na babaeng nars ang nag-trabaho bilang mga nurses for the army and civilian hospitals.
Ngunit nang matapos ang digmaan ay mas kakaunti na ang mga nars sa mga ospital dahil sa kakulangan
ng pera ng kanilang gobyerno, kaya’t kinakailangan na nila ulit makakuha ng mga nars; at
mapakinabangan ang kanilang pamumuhunan sa ating bansa. Madaming dahilan kung bakit madami
ring Pinoy nars ang kumagat dito. Gumamit sila ng Exchange Visitor Program  at gumana ito, mahigit na
10,000 mga Pinoy na nars ang nakinabang dito. Ginawa ito ng Amerika dahil ay hindi nila kaya nang
pabalikin ang kanilang sariling nars at dahil narin mayroon silang mga kalamangan sa ating bansa. Isa
narin sa dahilan nang pag-kagat ng mga Pinoy ay dahil sa kababaan ng sahod at mga benepisyong
makukuha rito. Kaya’t nang sila ay tumuloy, ang mga ito ay nagamit lang para sa mas mababang sahod
hindi nararapat para sa kanilang trabaho, isa ito sa mga negatibong nakaapekto sa ating mga nars sa
ibang bansa, ngunit habang ang iba ay umuwi sa ating bansa, ang iba naman ay nag-pakita ng katatagan
at nakabuo ng mga komunidad na nag-sisilbing kaginhawaan. Ngunit nang matapos ang programa ay
simula palang ito ng pananakop satin ng Amerika.

Marami ang mga pangyayari sa Amerika na naging malaking salik sa pagka-ubos ng kanilang mga
nars, kaya ay sumandal uli sila sa ating manggagawa na nag-papahiwatig nang mas magandang
kinabukasan para sa ating mga nars. At sila ay pumunta na sa Amerika, ngunit madami ang naka-ranas
ng diskriminasyon. Madami pa ang mga pangyayari na nag-papatunay na hindi parin tapos ang
pananakop at pang-aangkin sa’tin ng mga Amerikano.
Malaking aspekto ang kalagayan ng ating ekonomiya at ang pakikitungo ng ating gobyerno sa ating mga
health care workers kung kaya’t patuloy parin ang pag-pili ng ating mga nars na habulin ang kanilang
pangarap sa ibang bansa, partikular sa Amerika. Ang pag-mamanipula rin at pag-papangako ng
magandang kinabukasan ng mga Amerikano ay nag-patatag ng paniniwala ng mga Pinoy na duon sila
mag-tatagumpay sa buhay. Magiging malaking tulong sa ating mga nars na makakuha nang mas
malaking sweldo, benepisyo at suporta mula sa ating gobyerno. Nakakalungkot isipin ang katotohanan
na may mas magandang oportunidad ang nag-hihintay sa ating kababayan sa malayong lugar kaysa sa
bansang nakarahan ang kanilang mga minamahal.

You might also like