Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ikatatlong Markahang Pagsusulit sa Module 5 & 6

Ikatatlong Markahan sa Pagtuturo


FILIPINO 9
I. Panuto:Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa patlang bago sa bilang ang titik ng tamang sagot.

1.Ito’y isang elementong nakapaloob sa banghay.Ito ay labanan sa pagitan ng magkakasalungat na


pwersa. a.suliranin b.awayan c.kasukdulan d.tunggalian

2.Ito’y tunggalian na karaniwang pinoproblema ng tauhan kung ano ang pipilin,ang tama o
mali,Mabuti o masama.
a.tao vs komunidad b.tao vs tao c.tao vs kalikasan d.tao vs sarili

3.Makatotohanan ang pangyayari kung nagaganap sa tunay na buhay.Alin sa sumusunod ang


halimbawa nito?
a.may mga tao na kalahating babae at kalahating sisne
b.likas na sa tao ang paglipad nang mabilis tuwing natatakot
c.tuwang tuwa ang espiritu sa ginawang laro ng mga prinsesa
d.ang dalawang taong nagmamahalan ay natutuloy sa pagsasama habambuhay

4. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI makatotohanan.


a.umusbong ang tunay na pag ibig
b.ang dalawang taong nagmamahalan ay natutuloy sa kasalan
c.tinutulungan ng prinsipe ang kanyang matalik na kaibigan
d.ang pitong kinnaree ay masayang nagtatampisaw sa ilog

5.Ganun na lamang ang pagkaawa ng mga kapatid ng prinsesa,ngunit wala silang nagawa kundi
agada gad na lumipad dahil sa takot na sila rin ang paghuhulihin.Ano ang isinasaad ng ikinikilos
ng mga magkakapatid?
a.kawalan ng simpatiya b.takot para sa kanilang sarili
c.pagmamahal sa kapatid d.awa sa sinapit ng kapatid at takot para sa sarili

[Para sa aytem 6-10,suriin ang tunggalian sa mga pahayag,tao vs tao,tao vs sarili]

6.Sinundan ng mga bata ang ama at ito’y napadako sa sementeryo.Inaalay ng ama ang dala nitong
pagkain kay Mui Mui,umiiyak at humihingi ito ng tawad sa anak.
a.tao vs sarili b. tao vs tao c.tao vs kalikasan d.tao vs komunidad

7.Habang nasa kulungan,napagtanto ni Tere na ginamit lamang siya ni Robert,kaya napasyahan


niyang umuwi sa kanyang ama kung makalabas na sa kulungan.
a.tao vs sarili b. tao vs tao c.tao vs kalikasan d.tao vs lipunan

8.Humahalinghing si Mui Mui,narainig iyon ng kanilang ama,kaya ito ang napagbalingan ng


galit,binugbog ito at tumilapon sa labas.
a.tao vs tao b.tao vs kalikasan c.tao vs sarili d.tao vs lipunan
9.Nagmamakaawa siya subalit hindi nakikinig ang mga barkada niya.Nagdilim ang kanyang
paningin,sinipa niya ang may hawak na itak.Buong lakas niyang tinulak at binugbog at saka
kumaripas ng takbo.
a.tao vs tao b.tao vs kalikasan c.tao vs sarili d.tao vs lipunan

10.Anong magagawa mo kung gusto nila itong ibenta?Tanggapin mo na lang na hindi mo sila
mapapakain niyang prinsipyo mo.Pera ang kailangan nila!sabay talikod ni Tere.
a.tao vs tao b.tao vs kalikasan c.tao vs sarili d.tao vs lipunan

II. PERFORMANCE [10 POINTS]

Paano naiiba o nagkakatulad ang alamat at maikling kwento?

pagkakaiba pagkakaiba

pagkakatulad

You might also like