Professional Documents
Culture Documents
Panggitnang Pagsusulit: GEED 20093 Pagbasa Sa Sining
Panggitnang Pagsusulit: GEED 20093 Pagbasa Sa Sining
Panggitnang Pagsusulit: GEED 20093 Pagbasa Sa Sining
PANGGITNANG
PAGSUSULIT
GEED 20093 Pagbasa sa Sining
Ipinasa ni:
John Jordan L. Fernandez
2019–04055–MN–0
BSCE IV–2
Ipinasa kay:
G. Balani E. Alvandia
UNANG BAHAGI: SEMIOTIKANG PAGSUSULIT
PUP Mural (1974) ni Eduardo Castrillo
Historikal na Saligan
Ang bawat sining ay may pangkasaysayan o kultural na impluwensiya. Ang sining ay
tinitingnan kaugnay sa panahon nito, mga ideolohiya, at pangyayari sa panahong ng
pagkakalikha ng sining.
Ang PUP Mural ay likhang sining ng yumaong si Eduardo Castrillo, tanyag na pilipinong
manlililok. Ito ay nililok noong taong 1974, sa ika-70 taong anibersaryo ng Philippine College of
Commerce mas kilala ngayon sa pangalang Polytechnic University of the Philippines (PUP), sa
ilalim ng pamumuno ni Ferdinand Marcos, Sr. Ang lilok na ito ay gawa sa 2.5 × 3.9 metrong
tanso na may temang “Consolidated Growth through Education” – tungkulin ng PUP sa
pagpapaunlad ng edukasyon ng mga kabataan bilang paghahanda sa kani-kanilang pakikilahok.
Ito ay naglalarawan ng panlipunan, pang-ekonomiya, industriyal at kultural na aspeto ng buhay
kung saan iniuugnay ng tao ang kanyang sarili tungo sa pag-unlad. Ang mural na ito ay
matatagpuan sa pasukan ng nasabing Pamantasan. Bagama’t hindi ito pansinin, ito ay
sumisimbolo sa Pamantasan bilang kabuuan.