Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

11

Filipino
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan - Modyul 5:
Kakayahang Lingguwistiko
Filipino–Baitang 11
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Kakayahang Lingguwistiko
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Rashel Ann B. Malintad
Editor: Cristy S. Agudera, Lorna L. Ragos
Tagasuri: Mary Grace M. Sandukan
Tagaguhit at Tagalapat:
Tagapamahala: SDS Dr. Josephine L. Fadul
ASDS Dr. Melanie P. Estacio
CID Chief Dr. Christine C. Bagacay
EPS Filipino Dr. Cristy S. Agudera
EPS LRMS Dr. Lorna C. Ragos

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education - TAGUM CITY
Office Address: Energy Park. Apokon Road, Tagum City
Davao del Norte, Region XI
E-mail Address: tagum.city@deped.gov.
11
FILIPINO
Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan-Modyul 5:
Kakayahang Lingguwistiko
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Binabati kita at naging bahagi ka sa isang landas na tutunguhin ng


mga mag-aaral sa panahon ng New Normal. Ikaw ay magiging tulay upang
maiparating nang malinaw sa mga mag-aaral ang pagbabagong naganap sa
makabagong paraan ng paghatid ng karunungan sa mga kabataan.

Bilang tagapagdaloy, ay kailangan mong ipaunawa sa mga mag-aaral


na ang modyul na ito ay para sa pagkamit ng mga mahahalagang
kasanayang pampagkatuto ng mga mag-aaral na naaayon sa Most Essential
Learning Competencies o MELCs na masusing hinimay ng mga dalubwika
upang matiyak na tanging mahahalagang kasanayan o kompetensi lamang
ang matamo ng mga mag-aaral.

Inaasahan ding malinaw mong maipauunawa ang kahalagahan ng


pag-iingat sa modyul na ito ng mga mag-aaral, magulang at ng sino pa
mang maaaring makapagbigay ng tulong upang matamo ang kasanayang
dapat malinang sa mga mag-aaral sa pagtatapos ng araling ito.

Ipauunawa rin sa mga magulang na maaring tumulong sa mga mag-


aaral, na siguraduhing binasa at naunawaan ng mag-aaral ang aralin bago
sagutan ang mga kaugnay na gawain.

Sapagkat ang modyul na ito ay pagmamay-ari ng pamahalaan, ay


kailangang maipaunawa at mariing paalalahanan ang mga mag-aaral na
iwasan ang pagpunit, pagpilas, at pagsulat sa alin mang bahagi ng modyul.
Sa halip, ay imungkahi sa mga mag-aaral ang paggamit ng hiwalay na
sagutang-papel sa pagsagot ng mga katanungan sa paunang pagsusulit,
mga gawain, gayon din sa panapos na pagsusulit.

Para sa mag-aaral:

Binabati kita sa iyong pagtahak sa iba na namang landas tungo sa


susunod na antas ng kaalaman sa asignaturang Filipino.

Bawat linggo, ikaw ay bibigyan ng modyul na iyong gagamitin sa loob


ng isang linggo na kinapapalooban ng lima hanggang pitong (5-7) araw. Ito
ay naglalaman ng mga aralin at mga kaugnay na gawain upang masukat
ii
ang iyong kaalaman at kasanayang natamo sa loob ng isang linggo o
mahigit pa.

May mga nakalaang araw sa tapat ng iilang bahagi ng Modyul na ito


upang maisagawa mo ang mga gawain. Ibig sabihin, kung nasa Unang araw
ka pa lamang ng linggo, ang mga gawain na nakalaan lamang sa araw na ito
hanggang sa bahaging may hudyat ng susunod na araw o sesyon ang iyong
tutugunan. Huwag mong gawin ang lahat ng mga Pagsasanay at Gawain sa
isang araw lamang. Sa susunod na araw na naman ang iba pang mga
gawain.

Ang unang aralin na iyong tatahakin ay tungkol sa panitikan. Dito mo


makikilala nang lubusan ang kaligirang pangkasaysayan ng isang
panitikang pandaigdig, ang kaniyang kagandahan, at ang kaniyang
naiiambag upang mapaunlad ang panitikan ng Pilipinas.

Kasunod ng bawat panitikang pandaigdig ay ang aralin sa wika at


gramatika na mayroon ding sariling mga gawain. Huwag kang mangamba
sapagkat ang aralin sa wika at gramatika ay dinisenyo upang madali mong
maunawaan. Ang paglalahad ng aralin ay katulad na rin ng pagpapaliwanag
kung kaharap mo ang iyong guro.

Upang makamit mo ang mataas na iskor/marka, ay huwag mong


madaliin ang pagtugon sa mga gawain, bagkus ay kailangan mong
unawaing mabuti ang aralin upang matitiyak mong wasto ang iyong mga
sagot sa bawat gawain. Sasagutan mo lamang ang nakalaang gawain sa
bawat araw kung natitiyak mong nauunawaaan mo nang maigi ang aralin.
Kung hindi mo nauunawaan sa isang basahan, uulitin mo hanggang sa
ganap mo nang maunawaan ang aralin.

Gagamit ka ng hiwalay na sagutang-papel upang iyong susulatan ng


mga gawain ayon sa hinihingi ng iba’t ibang bahagi ng modyul. Sa itaas ng
iyong sagutang papel ay dapat nakalagay ang Araw at ang Bilang ng
Pagsasanay o Gawain. Ang mga sagutang papel at Modyul ay ibabalik ng
iyong mga magulang sa lugar kung saan nila kinuha ang mga ito.

iii
Mariin kong ipaalala sa iyo na huwag susulatan, pupunitin, o
pipilasin ang alin mang bahagi ng Modyul, sapagkat ito’y pagmamay-ari ng
pamahalaan.

Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga bahaging kagaya ng:

Alamin Natin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Natin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Aralin Natin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Gawin Natin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Sanayin Natin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

iv
Tandaan Natin Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Suriin Natin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Payabungin Natin Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Pagnilayan Natin Ito ay nglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Tinitiyak kong masasabik ka sa pagtuklas ng isang panitikang


makapupukaw ng iyong kawilihan sa pagbasa. Halina’t umpisahan nating
mag-aral at matuto.

v
Modyul Kakayahang
5 Lingguwistiko

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo!

Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong nasagot ang


naunang mga Gawain.

Sa modyul na ito, matutuhan mong alamin na bawat indibidwal ay


may sapat na kakayahang magamit ang isang wika na kailangang
pagtuonan ng pansin upang sanayain ang sarili sa bawat tungkulin. May
mga pagkakataon na kinakailangang gamitin ang isang tungkulin sa isang
sitwasyon, at may mga pagkakataon din na kailangang gamitin ang dalawa
o higit pang tungkuling pangwika sa isa pang sitwasyon.

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Natutukoy ang mga angkop na salita at pangungusap ayon sa konteksto ng


paksang napakinggan sa mga balita sa radio at telebisyon. (F11PN-IId-89)

Subukin Natin

Piliin ang titik ng wastong sagot ayon sa tinutukoy ng mga


pangungusap.

1. Ito ay tumutukoy sa paglalapat ng mga kaalamang lampas sa gramatiko o


balarila.
a. Komunikatibo c. Gramatikal
b. Estruktural d. Lingguwistiko

2. Ano ang tawag sa maagham na pag-aaral ng wika?


a. Komunikatibo c. Gramatikal
b. Estruktural d. Lingguwistiko

1
3. Saklaw nito ang pag-aaral sa sistema ng pagkakaugnay-ugnay ng mga
salita sa pagpapahayag ng kaisipan.
a. Komunikatibo c. Gramatikal
b. Estruktural d. Lingguwistiko

4. Layon nitong ilarawan ang porma ng isang wika at nagsisilbing


pamamaraan sa pagpapahayag ng mga mensahe sa pamamagitan ng
wika.
a. Komunikatibo c. Gramatikal
b. Estruktural d. Lingguwistiko

5. Alin sa mga sumusunod ang hindi napabilang sa pagsusuring nkapaloob


sa kakayahang lingguwistika?
a. Pangungusap c. salita
b. tunog d. talata

6-10 Piliin ang angkop na salita nakukompleto sa buong pangugusap.


6. Pataas na _____ pataas ang bilang ng mga taong nahahawaan ng COVID
sanhi ng local transmission.
a. ng b. nang c. daw d. raw
7. Kinumpirma ____ Kagawaran ng Kalusugan ang unang kaso ng local
transmission sa ating bansa kaya doblehin ang pag-iingat.
a. ng b. nang c. daw d. raw

8. _____ mga tao pa ring hindi sumusunod sa protocol ng COVID-19 sa ating


bansa.
a. May b. Mayroon c. Ang d. Daw

9. Huwag kalimutang _______ ng alcohol o sanitizer ang iyong kamay para


maiwasan ang virus.
a. pahirin b. pahiran c. ilagay d. punasan

10. _______ ni Marco ang bago niyang smart phone na gagamitin sa online
class sa bagong normal.
a. Susubukan b. Susubukin c. Hahamunin d. Sisiyasatin

2
Aralin Natin

A. Ano ang mapapansin mo sa mga larawan sa ibaba?

https://www.google.com.ph/search?q=mga+maling+poste https://www.google.com.ph/search?q=mga+maling+posted+
d+signs&tbm=isch&hl=en- signs&tbm=isch&hl=en-
GB&sa=X&ved=2ahUKEwi7wraT07LsAhVD15QKHaEHCWA GB&sa=X&ved=2ahUKEwi7wraT07LsAhVD15QKHaEHCWAQrN
QrNwCKAB6BAgBEFw&biw=1285&bih=648#imgrc=_3LDW wCKAB6BAgBEFw&biw=1285&bih=648#imgrc=XS-
noBo6fkjM zJs2d5yXFsM

https://www.google.com.ph/search?q=mga+maling+po https://www.google.com.ph/search?q=mga+maling
sted+signs&tbm=isch&hl=en- +posted+signs&tbm=isch&hl=en-
GB&sa=X&ved=2ahUKEwi7wraT07LsAhVD15QKHaEHC GB&sa=X&ved=2ahUKEwi7wraT07LsAhVD15QKHaE
WAQrNwCKAB6BAgBEFw&biw=1285&bih=648#imgrc= HCWAQrNwCKAB6BAgBEFw&biw=1285&bih=648#i
834A0_o9YHRo5M&imgdii=6n5Xl47KJo8UrM mgrc=66Yrqj8uN1rJeM

B. Paano mo mailarawan ang kakayahan sa paggamit ng wika ng mga


Pilipino

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3
Gawin Natin

Sa bahaging ito tatalakayin ang tungkol sa kakayahang


Lingguwistiko, Estruktural, o Gramatikal.
Mahalaga ang wika sapagkat malaki ang papel na ginagampanan nito
sa pagkakaroon ng unawaan, ugnayan, at mabuting pagsasamahan. Ito ang
itinuturing na instrumento sa pagpapahyag at tagapaghatid ng kaalaman,
kultura, at kasaysayan ng isang lipunan o bansa.

Sa pag-aaral ng wika, may dalawang kakayahang dapat bigyan ng


pansin, ang komunikatibo at lingguwistiko.

Ano nga ba ang kakayahang komunikatibo?

Ang kakayahang komunikatibo ay tumutukoy sa paglalapat ng mga


kaalamang lampas sa gramatika o balarila. Sa madaling salita, binibigyang
diin nito ang wastong paglalapat ng mga tuntunin ng wika sa kakayahang
lingguwistiko.

Alam mo ba, na ang kakayahang lingguwistika ang tawag sa


maagham na pag-aaral ng wika. Pinag-aaralan at sinusuri nito ang
estruktura, katangian, pag-unlad at iba pang bagay na may kaugnayan sa
isang wika sa iba pang wika.

Dagdag pa rito, ang kaalaman tungkol sa kakayahang estruktural,


ayon kay Otanes (1990), tinatawag na istruktural ang kakayahang ito sa
pag-aaral ng wika, sapagkat layon nitong ilarawan ang estruktura o porma
ng isang wika. Ang porma ang nagsisilbing signal o pamamaraan sa
pagpapahayag ng mga mensahe sa pamamagitan nito tulad halimbawa sa
paggamit ng antala at hinto sa isang pangungusap.

Ang kakayahang gramatikal ay sumasaklaw sa pag-aaral sa sistema


ng pagkakaugnay-ugnay ng mga salita sa pagpapahayag ng kaisipan.
Tumutukoy ang wastong gamit ng Filipino sa paglalapat ng o aplikasyon ng

4
kaalamang panggramatika at panretorika sa pagbuo ng makabuluhang
pangungusap o pahayag.
Narito ang ilang ang ilang salitang madalas nagagamit nang mali sa
pagsasalita o pagsulat.

1. Paggamit ng may at mayroon


MAY
Ginagamit kung ito’y sinusundan ng mga sumusunod na bahagi ng
pananalita:
Pangngalan- May prutas siyang dala.
Pandiwa- May kumakatok sa labas.
Pang-uri- May matalino siyang anak.
Panghalip na Paari- May kanila silang ari-arian.
Pantukoy na Mga- May mga lalaking naghihintay sa iyo.
Pang-ukol na Sa- May sa-ahas pala ang kaibigan mo.

MAYROON
Ginagamit kung ito’y:
Sinusundan ng isang kataga o ingklitik
Hal. Mayroon ba siyang pasalubong?

Sinusundan ng panghalip palagyo


Hal. Mayroon tayong pagsusulit sa Filipino bukas.

Nangangahulugang “mayaman”
Hal. Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang lalawigan.

2. Paggamit ng kita at kata

KITA
Ginagamitkapag ang isa o dalawang nag-uusap ay siyang gaganap ng
gawain para sa kausap.
Hal. Ibibili kita nga bagong damit.
Kausapin nga kita.

5
KATA
Ginagamit kung ang dalawang nag-uusap ay magkasamang gagawa
ng isang bagay.
Hal. Kata ay magsimba muna bago umalis.
Kata nang kumain sa kantina.

3. Paggamit ng nang at ng

NG
Ginagamit bilang:
Katumbas ng of ng Ingles
Hal. Si Mang Manding ang puno ng aming samahan.
Pang-ukol ng layon ng pandiwa
Hal. Umiinom siya ng gatas bago matulog.
Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak
Hal. Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay.

NANG
Ginagamit bilang:
Katumbas ng when sa Ingles
Hal. Kumakain kami ng hapunan nang dumating si Tiyo
Berting.
Katumbas ng so that o in order to sa Ingles
Hal. Mag-aral kayo ng mabuti nang kayo’y makapasa.
Pinagsamang pang-abay na na at pang-angkop na ng
Hal. Kumain (na+ng) nang lugaw ang batang maysakit.

Kapag napagigitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa


Hal. Siya ay tawa nang tawa.

4. Paggamit ng daw/din at raw/rin


DAW/DIN
Ginagamit kapag ang salitang sinusundang salita ay nagtatapos sa
katinig.
Hal. May sayawan daw sa plasa.
Susunod din sina Ela at Joy sa salusalo mamaya.

6
RAW/RIN
Ginagamit kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig
at malapatinig na w at y.
Hal. Sasama raw siya sa atin.
Kasama rin kami sa pagtatanghal sa paaralan bukas.

5. Paggamit ng KUNG at KONG


Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas nito
ang if sa Ingles; ang kong ay panghalip panao sa kaukulang paari.

Hal. Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.


Nabasâ ang binili kong aklat.

6. Paggamit ng PINTO at PINTUAN


Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan na isinasara at
ibinubukas. Samantala, ang pintuan (doorway) ay ang bahaging
kinalalagyan ng pinto.

Hal. May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto.


Natanggal ang pinto sa pintuan.

7. Paggamit ng PAHIRIN at PAHIRAN


Ang pahirin (wipe off) ay nangangahulugang alisin o tanggalin.
Ang pahiran (to apply) ay nangangahulugang lagyan.

Hal. Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata.


Pahiran mo ng palaman ang tinapay.

8. Paggamit ng SUBUKIN at SUBUKAN


Ang subukin (to test, to try) ay nangangahulugang masubok ang
husay o galing ng isang bagay o gawain; ang subukan (to see secretly) ay
nangangahulugang palihim na pagmamatyag o pag-eespiya sa kilos ng isang
tao.
Hal. Subukin ko muna kung maayos itong kompyuter bago
ko bilhin.
Subukan mo nga kung ano ang ginagawa ng mga bata sa
likod-bahay.

7
Sanayin Natin

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ang aktuwal na paggamit ng


wika sa mga tiyak na pagkakataon?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________

2. Ano ang pagkakaiba ng kakayahang komunikatibo at kakayahang


lingguwistiko?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________

3. Alin sa mga salitang nakalista sa pagtalakay ang nakasanayan mong


gamitin nang hindi wasto sa pagsusulat o pagsasalita?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________

Tandaan Natin

Isulat ang mga mahahalagang impormasyong nakuha mo mula sa


ating paskang natalakay. Gamitin ang Concept map sa paghahanay at
pagbuo ng mga kaisipan nito.

8
Kakayahang Lingguwistiko

Komunikatibo Lingguwistiko Estruktural Gramatikal

Suriin Natin

Pagsasanay 1.

Gamitin sa pangungusap ang mga salita ayon sa wastong gamit nito.


1. nang - ____________________________________________________________
2. may- ____________________________________________________________
3. daw- ____________________________________________________________
4. pahirin- ____________________________________________________________
5. kung- ____________________________________________________________

Payabungin Natin

A. Manood ng programang pambalita sa telebisyon o making sa


radyo. Pansinin at pakinggang mabuti ang mga salitang ginamit ng
tagapagbalita, gayun din ang mga tekstong nakikita sa palabas.
Suriin kung angkop ang kanilang paggamit ng mga salita o kung
wasto at malinaw ang estruktura ng pangungusap at pagpapahayag.

9
Isulat ang inyong sagot sa loob ng talahanayan na makikita sa inyong
sagutang papel.

Mga salita/pangungusap Paliwanag kung bakit


na hindi malinawo hindi malinaw epektibo Paraan ng pagwawasto
epektibo ang pahayag ang salita o pahayag

Pagnilayan Natin

Sagutin ang mga tanong bilang bahagi ng iyong repleksiyon o rebyu hinggil
sa mga paksa, kasanayan, at impormasyong natutunan.

1. Matapos ang pagtalakay ng araling ito, natutuhan ko ang sumusunod:


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2. Hindi naging malinaw sa akin ang sumusunod na mga paksa:

PAKSA DAHILAN

Sanggunian

Jocson, Magdalena O., 2016, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Filipino. Vibal Group Inc., Quezon City

10
https://www.google.com.ph/search?q=mga+maling+posted+signs&tbm=isch
&hl=en-
GB&sa=X&ved=2ahUKEwi7wraT07LsAhVD15QKHaEHCWAQrNwCKAB6BAg
BEFw&biw=1285&bih=648#imgrc=_3LDWnoBo6fkjM
https://www.google.com.ph/search?q=mga+maling+posted+signs&tbm=isch
&hl=en-
GB&sa=X&ved=2ahUKEwi7wraT07LsAhVD15QKHaEHCWAQrNwCKAB6BAg
BEFw&biw=1285&bih=648#imgrc=XS-zJs2d5yXFsM
https://www.google.com.ph/search?q=mga+maling+posted+signs&tbm=isch
&hl=en-
GB&sa=X&ved=2ahUKEwi7wraT07LsAhVD15QKHaEHCWAQrNwCKAB6BAg
BEFw&biw=1285&bih=648#imgrc=834A0_o9YHRo5M&imgdii=6n5Xl47KJo8
UrM
https://www.google.com.ph/search?q=mga+maling+posted+signs&tbm=isch
&hl=en-
GB&sa=X&ved=2ahUKEwi7wraT07LsAhVD15QKHaEHCWAQrNwCKAB6BAg
BEFw&biw=1285&bih=648#imgrc=66Yrqj8uN1rJeM

Susi sa Pagwawasto

10.B
9. B
8. A
7. A
6. B
5. D
4. B
3. C
2. D
1. A
Subukin Natin

11

You might also like