Gr. 5 Galing NG Pinoy, Hinangaan Sa Hollywood! Pre 2012

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Phil-IRI Form 1 – Pretest

Pangalan: _________________________________________________________
Baitang at Pangkat: _______________________________________________
Nagugol na Oras sa Pagbasa: __________________ Iskor: _____________
(Reading Time in Seconds) (Score)

Panuto: Basahin nang tahimik ang seleksyon. Matapos magbasa, isulat ang
oras na nagugol sa pagbasa. Basahin ang mga tanong at bilugan
ang titik ng tamang sagot.

Galing ng Pinoy, Hinangaan sa Hollywood!

Malaking karangalan ang iniuwi nina Jed Madela at Rizza


Novales sa Pilipinas nang magwagi sila ng napakaraming medalya at
tropeo sa World Championships of the Performing Arts noong 2005.
Ginanap sa Hollywood, California na sinalihan ng mahigit sa 51 bansa
at 1000 kalahok.

Talagang napakagaling nila. Kahit biglaan ang pag-eensayo,


hindi ito nakabawas sa napakahusay na pag-awit nila ng kanilang
mga piyesa. Maging ang kanilang mga katunggali ay natuwa nang
humakot sila ng maraming parangal. Nakakuha si Jed ng apat na
ginto mula sa kategoryang Pop, Broadway, Original at Gospel na
dahilan ng pagkakatanghal sa kanya bilang Grand World Champion,
Over-all Vocals Champion at Over-all Male Vocals Champion. Nakamit
naman ni Rizza ang titulong Over-all Female Vocals Champion dahil sa
tatlong medalyang ginto na napanalunan niya mula sa kategoryang
Pop, Broadway, Original, at pilak naman sa R&B.

Silang dalawa rin ang itinanghal na Over-all Duet World


Champion, dahil sa gintong medalyang napanalunan nila mula sa
kategoryang Pop na nilahukan naman ng 250 kalahok mula sa Timog
Africa at 150 mula sa Estados Unidos.

Pinatunayan nina Jed at Rizza na talagang maipagmamalaki ang


talentong Pinoy sa mundo!

Gr. V
Bilang ng mga Salita: 186

Mga Tanong:

SY 2012-2013
1. Anong paligsahan ang pinagwagian nina Jed Madella at Rizza
Novales?
a. American Idol
b. Britain Got Talent
c. Asian Song Fetival
d. World Championships of the Performing Arts

2. Mahigit ilan ang lumahok sa paligsahan?


a. 1000
b. 2000
c. 500
d. 100

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi napanalunan ni Jed Madella?


a. Grand World Champion
b. Over-All Male Dancer Champion
c. Over-all Vocals Champion
d. Over-all Male Vocals Champion

4. Bakit kaya sila Jed at Rizza ang itinanghal na Over-all Duet World
Champion?
a. Bagay silang kumanta ng solo.
b. Nagpapaligsahan silang dalawa sa pag-awit.
c. Silang dalawa ang pinakamagaling na mang-aawit.
d. Lagi silang nagkukuwentuhan bago umawit.

5. Ano ang ipinapahiwatig ng pagkapanalo ni Jed Madella sa halos lahat


ng kategorya ng paligsahan sa pag-awit?
a. Ipinanganak na isang mang-aawit si Jed.
b. Kaya ni Jed umawit ng kahit na anong uri ng awit.
c. Pinaghusay nila ang kanilang performance sa kompetisyon.
d. Lahat ay tama.

6. Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagkapanalo nina Jed at


Rizza?
a. Hindi gaanong nakapag-ensayo sina Jed at Rizza.
b. Namimili ng awit na kakantahin sina Jed at Rizza.
c. Walang suporta ang pamahalaan sa pagsali nila sa paligsahan.
d. Napakahusay ng pag-awit nina Jed at Rizza sa kanilang mga awitin.

7. Bilang isang Pilipino, ano ang iyong nararamdaman para kina Jed at
Rizza?
a. Naiinggit ako sa kanila
b. Karapat-dapat na ikarangal natin sila.
c. Nasasabik akong makita sila.
d. Naaawa ako sa kanila dahil wala silang nakuhang suporta sa
pamahalaan.

SY 2012-2013
8. Ano ang pinatunayan nina Jed at Rizza sa kanilang pagkapanalo?
a. Sadyang magagaling ang mga Pilipino.
b. Libangan ng mga Pilipino ang pag-awit.
c. Maraming Pilipino ang marunong kumanta.
d. Mahilig sumali sa mga paligsahan ang mga Pilipino.

SY 2012-2013

You might also like