Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 3

Pangalan: __________________________ Pangkat: _______________ Iskor: _________

Panuto: Piliin ang letra ng pinakaangkop na wakas ng kuwento.


1. Lubhang palakaibigang bata si Madelyn. Palagi itong nakikipag-usap sa
kaniyang katabi kahit na sila ay may klase. Lagi niyang ibinibida sa kaniyang
mga katabi ang kaniyang mga napapanood sa telebisyon gabi-gabi. Isang
araw ay nakikipagkuwentuhan siya habang ang guro ay nagtuturo sa klase.
A. Natuwa ang guro kay Madelyn.
B. Nakipagkuwentuhan din ang guro kasabay ni Madelyn.
C. Pinagsabihan ng guro si Madelyn na iwasan ang pakikipagkuwentuhan
sa klase at makinig sa aralin.
D. Hindi na naituloy ang pagtuturo ng guro at si Madelyn na ang nagtuloy sa
pagtuturo ng aralin sa kanilang klase.
2. Si Boyet ay laging sinusundo ng kaniyang inang si Aling Karla sa paaralan
kapag uwian na dahil malayo ang bahay nila rito. Hapon na rin kasi kung
matapos ang klase ni Boyet at minsan ay madilim na sa kalsada. “Susunduin kita
ulit mamaya, Boyet,” wika ng ina. “Opo Inay”, magalang na tugon nito sa ina.
Ngunit nakatulog si Aling Karla habang naghihintay ng oras ng uwian ni Boyet.
A. Nag-iiyak si Aling Karla sa paghahanap kay Boyet.
B. Naghintay nang matagal si Boyet sa nanay niya sa paaralan.
C. Hindi na sinundo si Boyet dahil madilim at delikado na sa kalsada.
D. Ipinagpatuloy ni Aling Karla ang pagtulog at kinabukasan na sinundo si
Boyet.
3. Si Matet ay batang matipid. Ang mga sobra niyang baon ay kaniyang
inihuhulog sa alkansiya. Marami-rami na rin ang kaniyang naipon dahil mabigat
na ito. Isang araw habang nasa kusina ay nakita niya ang kaniyang ina na
malungkot habang hawak ang walang lamang lalagyan ng kanilang bigas.
A. Ibinigay ni Matet ang ipong pera upang ibili ng bigas.
B. Hinanap ni Matet ang nawawalang bigas sa kusina.
C. Pinagalitan ni Matet ang ina dahil wala silang makakain.
D. Hindi kumibo si Matet at nagtago na lamang siya sa kuwarto.
4. Habang naglalakad pauwi si Melvin ay may nakita itong pulang wallet.
Marami itong lamang barya at buong perang papel. Pinulot niya ito, inilagay sa
kaniyang bulsa at muling naglakad habang bumubulong “Hahanapin ko ang
may-ari nito,” wika nito sa sarili. Sa hindi kalayuan ay nakita ni Melvin ang
babaeng nakatungo na waring may hinahanap.
A. Lumihis ng daan si Melvin upang hindi makasalubong ang babae.
B. Nagpatuloy siya sa paglalakad at hindi pinansin ang babae.
C. Ibinili niya ang pera at itatapon ang wallet sa malayo.
D. Tinanong ni Melvin ang babae at ibinalik ang wallet.

Para sa Aytem Blg. 5-10


Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.

5. Nanlaki ang mata at manghang-mangha ang magkapatid sa nasaksihang


pangyayari sa kalsada. Ano ang kasingkahulugan ng may salungguhit?
A. gulat na gulat B. galit na galit C. gigil na gigil D. tawang-tawa
6. Marami ang naging sobrang pagkain sa handaan kaya ipinamigay ito.
Ano ang kasalungat ng salitang sobra?
A. labis B. madami C. higit D. kulang
7. Makupad gumapang ang pagong. Ano ang kasalungat o kabaligtaran ng
salitang makupad?
A. mabilis B. mahinhin C. mabagal D. matamlay
8. Umakyat sa puno ang bata dahil hinahabol siya ng aso. Ano ang salitang-
ugat sa salitang umakyat?
A. uma B. yat C. makyat D. akyat
9. Anong salitang-ugat ang makikita sa salitang masayahin?
A. mahin B. saya C. yahin D. sayahin
10. Anong bagong salita ang mabubuo sa salitang-ugat na kasal kung
daragdagan ito ng panlapi?
A. sinakal B. kasalan C. lakasan D. kinalas
Para sa Aytem Blg. 11-15
Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at piliin ang angkop na pagtugon.

11. Gusto mong makatanggap ng laruan para sa iyong kaarawan ngunit


sapatos ang ibinigay sa iyo ng iyong mga magulang. Ano ang sasabihin mo?
A. Maraming salamat po Inay at Itay.
B. Maaari niyo rin po ba akong ibili ng laruan?
C. Bakit po sapatos ang inyong ibinigay sa akin?
D. Salamat po ngunit mas masaya po sana kung laruan ito.

12. Isang umaga ay bumisita ang iyong lola sa inyong tahanan.


Anong magalang na pananalita ang iyong sasabihin sa kaniya?
A. Kumusta po kayo, lola? C. Anong oras kayo uuwi, lola?
B. Bakit kayo narito, lola? D. Nasaan ang pasalubong ko, lola?
13. Nahihirapan ka sa inyong takdang-aralin. Nakita mo ang kuya mong tapos
na sa kaniyang ginagawa. Ano ang sasabihin mo?
A. Kuya, ang hirap ng aking takdang-aralin.
B. Kuya, pakigawa mo ang aking takdang-aralin.
C. Kuya, ayaw ko nang gawin ang aking takdang-aralin.
D. Kuya, maaari mo ba akong tulungan sa aking takdang-aralin?
14. Habang naglalakad ay hindi mo napansin na kasalubong mo na ang iyong
kamag-aral na si Luna at kayo ay nagkabanggaan. Ano ang sasabihin mo?
A. Paharang-harang ka kasi e.
B. Maaari bang mag-ingat ka sa susunod?
C. Bakit hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?
D. Paumanhin at hindi kita napansin kaya tayo ay nagkabanggaan.
15. Isang tanghali ay nakasalubong mo ang iyong guro. Ano ang sasabihin mo?
A. Magandang gabi po. C. Magandang umaga po.
B. Magandang hapon po. D. Magandang tanghali po.

Para sa Aytem Blg. 16-20


Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit.
16. Si Mira ay isang marikit na dalaga kaya marami ang humahanga sa kaniya.
A. mabait B. maganda C. masayahin D. matulungin
17. Malakas na pagsigaw ang pumukaw sa pagkakahimbing na tulog ng
pamilya Reyes.
A. gumising B. gumabay C. gumulat D. gumulo
18. Nagmamasid si Bb. Santos sa ginagawang proyekto ng kaniyang mga
mag-aaral.
A. gumagawa B. naghihintay C. nakikinig D. tumitingin
19. Nabundol ng sasakyan ang alagang pusa ni Ren.
A. nabunggo B. nakuha C. nanakaw D. nasawi
20. Hindi nakakakain nang maayos ang kanilang pamilya dahil sa karukhaan.
A. kahirapan B. karamdaman C. kasikatan D. kayamanan
Para sa Aytem Blg. 21-25
Panuto: Bilugan sa loob ng panaklong ang salitang katugma ng salitang may
salungguhit.
21. Masayang nagdiwang ng kaarawan si Maria. (larawan, orasan)
22. Nasunog ang sinaing ni Inay. (kinain, hinaing)
23. Madalas akong nakikinig ng balita sa radyo. (lindol, bagyo)
24. Maraming agiw ang lumang bahay ni Tiyo. (saliw, kaliwa)
25. Masaya ang simpleng buhay sa probinsiya. (kaaway, diwa)
Para sa Aytem Blg. 26-30
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at ikahon ang angkop na salita sa
loob ng panaklong na gagamitin sa pagtatanong.
26. (Sino, Ilan) sa inyo ang gustong sumagot sa katanungan?
27. (Kailan, Saan) ba nakatira ang kaibigan mong si Tonyo?
28.(Sino, Sino-sino) kaya ang mga bisitang dadalo sa kapistahan?
29. (Sino, Ilang) basong tubig ang kailangan sa paglalaga ng kamote?
30. (Ano, Ano-ano) po ang mga paninda ni Aling Tesa?
Para sa Aytem Blg. 31
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang sumusunod na tanong.
Isulat ang letra ng tamang sagot.
Ang mag-asawang Mang Jose at Aling Virgie ay tahimik na
namumuhay sa tabing-dagat. Si Mang Jose ay isang mangingisda at si Aling
Virgie naman ang nagtitinda ng nahuling isda ni Mang Jose. Kapag hindi
makapalaot si Mang Jose ay nagtutulungan sila sa pagtatanim sa bukid.
Masaya na sila sa ganoong buhay.

31. Ano ang tanong na maaaring gamitin tungkol sa kuwento?


A. Ano ang hanapbuhay ni Mang Jose?
B. Ilan ang anak nina Mang Jose at Aling Virgie?
C. Sino ang anak nina Mang Jose at Aling Virgie?
D. Ano ang ginagawa ng anak nina Mang Jose at Aling Virgie?

Para sa Aytem Blg. 32-35


Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot.

32. Maaga akong umuwi sa aming _______dahil kinansela ang klase.


A. abhay B. bahay C. bohay D. buhay

33. Tutulong siya sa paggawa ng bahay kaya may dala siyang _________.
A. pala B. apla C. alap D. lapa

34. Narating mo na ba ang ____________ng Makiling?


A. budik B. bundok C. banok D. ibduk

35. Ang __________tanim ko ay namulaklak na.


A. mga B. mnga C. mag D. mang

Para sa Aytem Blg. 36-40


Panuto: Piliin ang letra ng angkop na salitang maglalarawan sa pangngalan.

36. elepante
A. maliit B. mababa C. malaki D. malalim

37. _____________sa palengke.


A. Masarap B. Mataas C. Mabangis D. Matao

38. ____________ang sorbetes.


A. Mainit B. Maalat C. Malamig D. Maasim

39. _________ang aking ina.


A. Mapagmahal B. Manipis C. Malalim D. Malawak

40. Ang tigre ay___________.


A. mabango B. mabangis C. mahirap D. maamo

You might also like