Mga Talambuhay

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

TALAMBUHAY NI EMILIO AGUINALDO

Si Emilio Aguinaldo ay ang unang president ng Republikang Pilipinas. Siya ay kilala sa kasaysayan bilang isa sa mga
rebolusyonaryong Filipino, politiko, at lider ng military.Hinirang si Aguinaldo bilang opisyal na Pangulo ng Pilipinas
noong Enero 23 1899 - ang parehong petsa kung kailan pormal na itinatag ang Unang Republika ng Pilipinas na
kumpleto sa mga katangian ng estado: tatlong sangay ng pamahalaan, isang konstitusyon, at teritoryong
napapasailalim ng gobyernong may hukbong sandatahan. Ang termino ni Aguinaldo ay nagtapos nang mabuwag ang
kanyang kapamahalaan matapos siya ay madakip sa Palanan, Isabela ng mga puwersang Amerikano noong Marso
23 1901.

Isinilang si Emilio Aguinaldo noong Marso 22 1869 bilang Emilio y Famy Aguinaldo sa Cavite el Viejo (kilala ngayon
bilang Kawit), Cavite. Ipinanganak si Aguinaldo sa isang may kayang buhay sa mag-asawang mestizo Tagalog-Tsino
na sina Carlos Jamir Aguinaldo at Trinidad Famy. Maasabing ang pagiging politiko ni Aguinaldo ay
naimpluwensiyahan ng kaniyang mga magulang. Ang kaniyang ama ay nag-lingkod bilang Gobernadorcillong
komunidad (Municipal Governor) sa administrasyong Espanyol. Nag-aral si Aguinaldo sa Colegio de San Juan de
Letran ngunit hindi siya nakapagtapos dahil sa pagpanaw ng kaniyang ama sa kolera noong 1882.

Sa mababang gulang na 17 ay unang sumabak sa politika bilang “Cabeza de Barangay” ng Binakayan, isang punong
baryo ng Cavite el Viejo. Sa edad na 25, matapos maipatupad ang Maura Law noong 1895 ay itinanghal si Aguinaldo
bilang unang “Gobernadorcillo Captain Municipal” (Municipal Governor-Captain) at pinamunuan ang buong Cavite.
Kalaunan ay naging Katipunero din si Emilio na nagbunga ng mainit na tunggalian nila ni Andres Bonifacio. Naging
mas matunog ang batikusan ng dalawang katipunero matapos ang kombensiyon sa Tejeros noong Marso 1897.
Kalunan ay nahalal si Aguinaldo bilang pangulo ng Samahan.

Bilang bahagi ng Katipunan, naging matagumpay ang pamumuno ni Emilio nang ideklara nila ang kasarinlan ng
Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Ilang araw matapos ipagdiwang ang kasarinlan ng Pilipinas, pinalitan niya ang
pamahalaan at tinawag na rebolusyunaryong gobyerno kung saan siya na ang unang pangulo ng bansa.

Sa taong 1896, noong Enero 1 ay pinakasalan ni Aguinaldo ang kaniyang ikatlong asawa na si Hilaria del Rosario.
Nagbunga ang kanilang pagsasama ng limang anak: sina Carmen Aguinaldo-Melencio, Emilio "Jun" R. Aguinaldo Jr,
Maria Aguinaldo-Poblete, Cristina Aguinaldo-Linggo, at Miguel Aguinaldo. Pumanaw si Hilaria dahil sa ketong noong
Marso 8 1921 sa edad na 44. Matapos ang siyam na taon sa pagkamatay ni Hilaria ay muling nagpakasal si
Aguinaldo kay Maria Agoncillo noong Hulyo 14 1930. Pumanaw si Agoncillo noong Mayo 29 1963, at malipas ang
isang taon ay namayapa rin si Aguinaldo noong Pebrero 6, 1964
TALAMBUHAY NI GABRIELA SILANG

Si Maria Josefa Gabriela Cariño Silang ang unang Filipinang namunò ng isang paghihimagsiknoong panahon ng
pananakop ng mga Español. Siyá ang asawa ni Diego Silang at nagpatuloy ng pag-aalsa ng mga Ilokano nang
mamatay ang asawa.

Ipinanganak siyá noong 19 Marso 1731 sa Santa, Ilocos Sur. Sinasabing inampon siyá ni PadreTomas Millan, vicar
general ng lalawigan, na pinakasalan siyá noong siyá ay 20 taóng gulang. Maagasiyáng nabiyuda sa unang asawa at
napangasawa niyá si Diego noong 1757. Walang ulat kung nagkaroonsila ng anak.

Si Diego ang naging pinunò ng pag-aalsa sa Ilocos laban sa mga Español mula1762 hanggang1764. Nang sakupin
ng mga Ingles ang Maynila noong 1762, nakita niyá ang pagkakataón upangmakapag-alsa ang mga Ilokano laban sa
mga Español. Nahati ang puwersa ng mga Español sapakikipaglaban sa mga Ingles sa Maynila at sa pangkat ni
Silang sa Ilocos. Naagaw nina Diego ang mgabayan sa hilagang bahagi ng Ilocos Sur at nagpahayag siyá ng
paglaya ng mga mamamayan sapagsasamantala ng pamahalaang Español. Gayunman, isang kaibigan ni Diego, si
Miguel Vicos, angnahimok ng mga Español na magtaksil. Sa pamamagitan ni Vicos ay napatay si Diego noong 1763.

Ipinangako ni Gabriela sa asawa bago ito mamatay na pamumunuan ang nasimulang pag-aalsa.Nagpakita siyá ng
gilas bilang pinunò at marami siyáng nakamit na tagumpay sa mga labanan sa Santa atVigan sa Ilocos Sur. Ngunit
sa dami ng kaaway, natalo ang kaniyang pangkat sa kalaunan. Nadakip siyása Abra at binitay sa Vigan noong 29
Setyembre 1763.

Nagsilbing inspirasyon si Gabriela sa isang samahang nagtataguyod ng karapatan ng kababaihan,ang


GABRIELA(General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, andAction). Matatagpuan
din sa sentrong distritong pangkalakaran ng Lungsod Makati ang isang monumentoni Gabriela Silang.

TALAMNUHAY NI FERNANDO POE JUNIOR


Kinilala si Fernando Poe Junior bilang ‘Da King’ ng pelikulang Pilipino. Siya ay bumida sa mahigit kumulang na 200
na pelikula. Si FPJ ay minahal ng masa dahil sa paglalarawan niya sa buhay ng mga mahihirap at inaapi.

Ipinanganak si Fernando Poe Jr. bilang Ronald Allan Kelley Poe sa Maynila noong ika-20 ng Agosto 1939 sa mag-
aswang sina Allan Fernando Poe (Fernando Poe Sr.), na isang kilalang actor, at Irish American na si Elizabeth
“Bessie” Kelley. Si FPJ ay pangalawa sa anim na magkakapatid. Sa pagsabak sa industriya ng entertainment ay
ginamit ni Ronald na screenname ang Fernando Poe Jr. upang mapagsamantalahan ang kasikatan ng kaniyang ama
kahit na ang tunay na Jr. ay ang kaniyang kapatid na si “Andy” (Fernando II).

Nakapagtapos sa kaniyang primarying edukasyon si FPJ sa San Beda College at ng kaniyang sekundarya sa San
Sebastain College. Pumasok si Poe sa Mapua Institute of Technology at University of East para sa kolehiyo ngunit
hindi siya nakapagtapos dahil kinailangan niyang tumayo bilang breadwinner ng pamilya matapos pumanaw ang
kaniyang ama sa rabies.

Ikinasal si Poe sa batikang aktres na si Jesusa Senora na mas kilala bilang si Susan Roces noong Disyembre 1968.
Hindi sila nabiyayaan ng anak at naging legal na adoptive parents ng kasalukuyang senadora at 2016 Presidential
canditate na si Grace Poe. Nagkaroon ng ibang anak si FPJ sa mga ibang kinasama na si Anna Marin at aktres na
Rowena Moran na nagbunga sa model, aktres at recording artist na si Lourdes Virginia, mas kilala bilang Lovi Poe.

Nagsimula si Poe sa industriya ng pelikula bilang isang mensahero at di kalaunan ay sumabak bilang isang stuntman
ng ilang mga pelikula ng Everlasting Pictures. Sa pelikulang Anak ni Palaris (1955) ang naging unang pagtanghal ni
Poe bilang pangunahing cast. Ang pelikula na Lo Waist Gang (1957) ang nagpasikat sa kaniya.

Sumikat sa FPJ sa pagganap sa mga pelikula kung saan siya ang tagapagtanggol ng mga mahihirap at inaapi. Sa
taong 1961 ay itinatag niya ang FPJ productions at iba pang mga film companies. Si FPJ ay ang aktor na may
pinakamaraming FAMAS awards. Ang huling pelikula na ginawa ni FPJ ay ang Pakners kung saan kasama niya ang
Filipino Billiards Hall of Famer na si Efren “Bata” Reyes.

Noong May 10, 2004 ay tumakbo si Fernando Poe Jr. sa pagkapangulo. Tinalo siya ng katunggali na si Gloria
Macapagal Arroyo ng 1.1 million votes. Sa gabi ng Disyembre 11 2004 ay isinugod si FPJ sa St. Luke’s Medical
Center matapos dumaing ng pagkahilo sa pag-uwi galing sa isang Christmas Party. Matapos ang tatlong araw, sa
Disyembre 14, sa oras na 12:01 ay idineklara ang pagpawi ng aktor. Milyun-milyon ang dumayo at nakiramay sa
pagkamatay ni FPJ “Da King”.
TALAMBUHAY NG AKING PAMILYA
Ikinasal ang aking mga magulang noong Hulyo 6, 2008 sa St. Peter & Paul Parish Church. Ang aking ina ay si May
Yu Garciano isang guro na pinanganak noong Mayo 24, 1980 at ang aking ama ay si Francisco Garciano isang
Seaman na isinilang noong Disyembre 3 1978. Ang aking ama ay ipinanganak sa Merida, Leyte habang ang aking
ina ay tubong Ormocanon. Sila ay nagtagpo dahil ang kanilang mga ina na parehong mga guro ay magkakilala.
Nagpakasal sila sa edad na 28 at 30.

Ang aming pamilya ay binubuo ng limang mapagmahal na miyembro. Unang nagbunga ang pagmamahalan ng aking
mga magulang noong Enero 30, 2009 sa pagsilang ng aking ate na si Fhranchzka May Garciano. Ikalawa ako sa
aming magkakapatid at ipinanganak noong Marso 27, 2012. Ang aming bunso na si Fhracy Elyanna ay ipinanganak
noong Mayo 10, 2017. Kasalukuyuyan kaming masayang naninirahan sa Linao, Ormoc City.

SARILING TALMBUHAY

Ako ay ipinanganak noong Marso 27 2012 sa Ormoc, City. Ang aking mga magulang ay sina May Garciano, isang
guro, at Francisco Garciano, isang Seaman. Ako ay ikalawa sa tatlong magkakapatid. Ang aking ate ay si
Fhranchzka May Garciano, 14 at ang aming bunso ay si Fhracy Elyanna Garciano, 5. Naninirahan kami sa Linao,
Ormoc City kasama ang aking lola’t lolo.

Ako nakapagtapos ng primary school sa Ormoc Se San School. Nag-aral ako sa Ormoc Se San School hanggang
Grade 4 at lumipat sa Ormoc City Sped Integrated School sa pagsapit ng aking ika-limang baiting. Pangarap ko na
makapagtapos ng pag-aaral at makabawi sa aking mga magulang at maalagaan sila.

You might also like