Morillo, Anna Marie D. G10-Patience

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Morillo, Anna Marie D.

G10-Patience

PORMAT NG PANUNURING PELIKULA

I.PAMAGAT

-Seven Sundays

II.Mga Tauhan

 Manuel Bonifacio- Ama ng apat na magkakapatid (Ronaldo Valdez)


 Allan Bonifacio- Panganay na anak ni Manuel (Aga Mulach)
 Bryan Bonifacio- Pangatlong anak ni Manuel (Christine Reyes)
 Dex Bonifacio- Bunsong anak ni Manuel (Enrique Gil)
 Jun- Pinsan at Inaanak ni Manuel (Ketchup Eusebio)

III.Buod ng Pelikula

Si Manuel Bonifacio ang ama ng tahanan, isang balo at dating kapitan ng kanilang
Baranggay. Ang tanging kasama sama lang sa bahay ay si Jun. Siya ay mayroong apat
na anak na sina Allan,Bryan,Cha, at Dex. Sa kanyang kaarawan ang mga ito ay di
nakapunta. Malaking kalungkutan sa ama na hindi makasama ang kanyang mga anak
sa mahalagang okasyon ng kanyang buhay, ngunit ano ang kanyang magagawa may
kanya kanya ng buhay ang mga ito. Isang gabi pumunta ang kanyang kaibigan doktor.
Dito ay napag-alaman niya na siya ay mayroong malubhang karamdaman ( lung
canser). Ito ay agad nyang ipinagbigay alam sa kanyang mga anak. Dumating ang
kanyang mga anak at pinag-usapan ang problemang kinahaharap. Hindi na pumayag si
Manuel na siya ay ipagamot pa ng kanyang mga anak kaya’t siya ay humiling sa mga
ito na sila ay magkasama-sama ng Pitong Linggo habang siya ay nabubuhay. Pumayag
ang mga ito, Ang mga anak at ang pamilya ng mga ito ay pumupunta tuwing araw ng
Linggo upang makapiling ang amang may sakit. Magulo man ang naging umpisa ng
kanilang pagsasama-sama ito ay naging maayos din kung kaya’t ang ama ay
nanghihinayang na mawala ang masayang pangyayari sa kanyang pamilya. Hindi nya
maamin na nagkaroon ng pagkakamali sa naging resulta ng kanyang medikal. Isang
gabing di pagkakasundo ng kanyang mga anak, lumabas ang mga hinanakit ng bawat
miyembro sa bawat isa’t isa. Dito napag alaman din na ang kanilang ama pala ay
walang malubhang karamdaman. Nagulat ang lahat at isa isang nagsi alisan ang mga
ito. Sa paglalabasan ng mga hinanakit napagtanto nila na sila ay mayroong kamaliang
nagawa. Kung kaya’t pinasimulan ng panganay na anak na si Allan na buuin uli ang
pamilyang binalot ng hinakit. Pinuntahan nya ang kapatid na si Bryan upang humingi ng
paumanhin at makipagkasundo dito. Nagkapatawaran ang magkapatid at nagkasundo
sila na puntahan ang iba pa nilang kapatid upang ayusin ang gusot sa pamilya. At sa
huli ang kanilang ama naman ang kanilang pinuntahan. Nagkaroon ng pagkakasundo
sundo ang bawat isa. Kaya’t ang sulirinanin kanilang kinahaharap ay nalutas na.
Nagtulungan ang bawat isa sa paglutas nito. Nagkaroon man ng di pag kakaunawaan
sa pamilya ito kanilang inayos upang sila ay magkasundo-sundo.

IV-Banghay ng Pangyayari

a.Tagpuan

 Bahay ni Manuel Bonifacio


 Simbahan
 Beach
 ABC Store
 Bakuran

b. Protagonista

 Manuel Bonifacio

c.Antagonista

 Mr. Kim

d.Suliranin

 Manuel Bonifacio- nasabing may lung cancer at may taning na Pitong Linngo ang
kanyang buhay
 Bryan Bonifacio- problemado dahil sa anak niya sa dating asawa
 Allan Bonifacio- na ba-bankcrupt na ang kaniyang store
 Dex Bonifacio- na-scam ang mga taong bumili ng ticket na in-endorse niya

e. Mga kaugnay na Pangyayari o mga pagsubok sa Paglutas ng


Suliranin

 Nagkaroon ng pagkakaunaawan ang bawat miyembro ng pamilya.


 Nagsasama-sama sila tuwing araw ng lingo upang makasama nila ang kanilang
ama.

f. Mga Ibinunga

 Napag-usapan nila ng maayos ang kanilang mga problema kaya naman


nagkaroon ng pagkakasunduan ang kanilang pamilya ng walang gulong
nagaganap.
V. Paksa o Tema

 Suliranin ng Pamilya

VI. Mga Aspektong Teknikal

a. Sinematograpiya

 Kwento ng isang mag-anak na may hinanakit sa bawat isa. Ito ay isang


pelikulang pampamilya.

b. Musika

 Batang-Bata Ka Pa (Daryl Ong)

c. Visual Effects

 Natural o Normal

d. Set Design

 Bahay ni Manuel
 Simbahan
 Store

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula

 Sa isang pamilya kailangan lamang ng tiyaga, tiwala, pagtutulungan,


pagmamahalan at pagkakaisa, upang maging masaya at patuloy ang
pagsasama ng bawat isa. Gaano man kabigat ang isang problema,
masusulusyunan ito kung sama-sama at nagkakaisa ang isang pamilya.

You might also like