Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ALAMAT NG AMPALAYA

Sa bayan ng Gataran, may isang dalagang babae na


nagngangalang Amparo. Siya ay kilalang-kilala sa kanilang
bayan dahil siya ang nag-iisang anak ng isang mayamang biyuda
at kilalang mabait na manggagamot sa kanilang lugar. Si
Amparo ay kilala sa kanyang pagiging masungit at nakakainis na
ugali. Kapansin pansin ang kanyang ugali dahil sa kanyang
kasungitan at kasupladahan na kabaligtaran sa ugali ng kanyang
ina. Marami ang umiiwas sa kanya upang hindi mapahiya.
Kahit gayon pa man, marami pa rin ang nagpapagamot sa
kanyang ina at malaki pa rin ang respeto ng mga tao sa ina ni
Amparo.
Isang araw, habang si Amparo ay papunta sa kanyang
paaralan, may isang matandang babae na lumapit sa kanya.
Nagpakilala ito sa kanya na siya ang pasyente na ginamot ng
kanyang ina. Kaya’t tinanong ng matanda si Amparo kung
nakikila pa siya nito. Ngunit hindi maganda ang tugon niya sa
matanda at masungit niyang sinabi na “Hindi kita nakikilala
kaya maaari ba umalis ka sa harap ko.” Ngunit hindi nawalan ng
pag-asa ang matanda at nakiusap sa kanya kung maaari na
lamang na ipahatid na lamang ang kanyang lubos na
pasasalamat sa kanyang inang doktora. Ngunit ang aroganteng
sambit ni Amparo, “Asa ka! Pwede ba ang dami mong sinasabi
nagmamadali ako.” Nagulat ang matanda sa inasta ni Amparo
at binalaan niya ito na kung hindi siya magbabago sa kanyang
inaasal mangugulubot ang kanyang balat at marami ang iiwas
sa kanya. Ang sagot ni Amparo, “Sino ka para sabihin ‘yan,
hindi mo ba alam na magiging magaling rin akong doctor,
tatalunin ko pa ang nanay.” Ang tugon naman ng matanda,
“Maaari kang maging mangagamot ngunit maraming iiwas sa
iyo dahil sa mapait mong lasa.”
Isang araw kinausap si Amparo ng kanyang ina at
pinangaralan siya nito dahil sa mga naririnig niya sa inaasal ng
kanyang anak. Tinanong siya ng kanyang ina “Bakit ganyan ang
pag-uugali mo tila punong puno ng pait at galit ang puso mo?”
Ang sagot ni Amparo, “Dahil wala na si itay at wala ka ng
panahon sa akin dahil masyado kang abala sa mga pasyente
mo.” “Hay naku, hanggang ngayon hindi mo pa naiintindihan
ang trabaho ko, sagot ng kanyang ina. Dagdag pa niya, “Hindi
maaaring iwasan ang mga taong lumalapit sa akin para
magpagamot.” Ngunit hind na lamang umimik si Amparo.
Ninais nya nang araw na iyon na tumambay na lamang sa
kanilang hardin hanggang siya ay nakatulog at hindi na rin siya
napansin ng kanyang ina dahil sa ito ay abala. Kinabukasan,
napansin ng ina ni Amparo na wala siya sa kanilang
pamamahay. Hinaloghog ang buong bahay ngunit walang
Amparo natagpuan at kahit siya ay pinaghahanap sa buong
komunidad. Nakarating sa matanda ang balita na nawawala si
Amparo kaya’t pinuntahan niya ang tirahan ng doktorang ina ng
nawawalang dalaga. Tumulo ang luha ng doktora nang dinalaw
siya ng matanda na nasalubong ni Amparo. Hinayaan niya
lamang ito umiyak at sinabi niya sa doktora, “Huwag kang mag-
alala dahil malapit lang siya sa iyo at isa rin siyang mangagamot
na matatagpuan sa iyong hardin ngunit marami ang may ayaw
sa kanya dahil sa kanyang kulubot na itsura at nakasusuklam na
lasa. Isang araw, may napansin ang balong doktora at ulila sa
anak ang isang halaman na umusbong at gumagapang sa
kanyang hardin at may bunga itong kulubot at berdeng balat.
Naalala niya ang nasambit ng matanda at naiisip niya na
maaring ito na ang kanyang anak na si Amparo. Sinubukan
niyang tikman itong bunga at nasarapan siya noong una ngunit
napansin niya na habang tumatagal ay mapait pala ang lasa.
Nasabi niya sa kanyang sarili at napadasal siya, na “Nawa’y
marami ang matuwa sayo dahil sa nakakaling na dulot nito.
Panginoon, ako na po ang humingi ng tawad kung ano man ang
nagawa na hindi maganda ng aking anak, maawa kayo” dagdag
niya sa pagsambit niya habang nag-iisa. Nagbunga ng marami
ang halaman at marami ang natuwa rito kaya’t marami ang
humingi sa doktora. Marami ang natuwa at bumalik ang mga
taong nakatikim nito. Binalita nila sa doktora na bumuti ang
kanilang pakiramdam ngunit kailangan tiisin sa una ang
kasuklam suklam na nito. Mula noon, pinangalanan nila ang
halaman at bunga na ito ay AMPALAYA. Pinaniniwalaan na ang
bunga na ito ay si Amparo na nakagagaamot kahit sa kanyang
hindi magandang itsura at malaya na rin ang mga tao na
pakinabangan ang galing sa paggamot ng nasabing gulay.

You might also like