Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

John Aristotle P.

Parajas Grade 12-Srugi

4/11/21

Replikadong sanaysay

Mga Problemang Pasan ng mga Estudyante sa Panahoan ag Pandemya

Iba't iba ang paraan ang mga eskwelahan at ahensya ng gobyerno sa pagsagot sa sitwasyon. May mgs
eskwelahang nagsuspende ng klase, lumipat online, at may iba namang tinapos ang school year. Isang
malaking isyu sa gitna ng coronavirus pandemic ang mga problemang umusbong tungkol sa edukasyon.
Sa paparating na pasukan ngayong Agosto, ang mga estudyante at magulang ay naghahanda sa mga
posibleng maging problemeng papasanin nila habang hindi pa natatapos ang coronavirus pandemic.

Sa podcast na ito, pag-uusapan nina Rappler education reporter Bonz Magsambol at researcher- writer
Jodesz Gavilan ang mga lumabas na problema nitong mga nakaraang buwan pagdating sa edukasyon at
kung ano ang mga hakbang na gagawin ng Department of Education at Commission on Higher
Education.

Ang desisyon ng DepEd ukol sa guidelines sa paparating na pasukan ay base sa isang survey. Ngunit ayon
kay Magsambol: "Ang concern ko sa survey na ito, sino ba ang makaka-access ng surveys na ito na
ginawa nila online? lyong mga may intemet access din. Paano natin mabibigyan ng boses lyong mga
walang access sa internet? Paano sila makakapag-participate doon di ba?

Isang tinitingnang paraan ay ang paghalo ng online classes at pisikal na diskusyon sa loob ng isang silid-
aralan. Ngunit habang ang banta ng coronavirus ay malaki pa, makatiyak na malaki ang papel ng internet
sa unang buwan ng panibagong school year. Ayon naman kay Gavilan, dapat alalahanin ng gobyemo ang
iba't ibang pinanggagalingang estado sa buhay ng mga estudyante: "Dito talaga makikita lyong inequality
sa mga bata kasi parang... kahit na sabihin na lahat ay same lessons din per grade level, iyong access nila
sa resources hindi pare-pareho. May mga bata na available agad ang computer, habang may mga batang
aalalahanin pa ng magulang kung saan kukuha ng pera para magka-internet o di kaya mag-renta ng
computer para sa online classes."

You might also like