Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

I.

Alamat
A. Isang kwentong bayan na nagkukwento kung saan nanggaling ang isang bagay.
B. Ito ay may tiyak na setting, may mga alituntunin, makulay, at kapanapanabik.
C. Ang ilan sa mga halimbawa ng alamat ay ang Alamat ng Ahas, Alamat ng
Pakwan, at Alamat ng Pinya.
D. Napiling Alamat
1. Alamat ng Pakwan
2. Bahay ng Tiyo at Tiya/ Juan/ mga anak
3. Buod:
a. Si Juan ay ulila sa kanyang mga magulang kaya siya ay nakatira
sa kanyang tiya at tiyo. Ang kanilang mga anak ay malupit at
masama ang pagtrato kay Juan. "Pak-Juan" ang tawag sa kanya
ng kanyang mga pinsan na ang ibig sabihin ay pangit. Ang
kanyang pisikal na itsura ay malaki ang ulo, maitim ang kanyang
ngipin, mapula ang kanyang malaking labi. Siya ay mabait,
masipag, at matulungin.
b. Nakabasag si Juan ng pinggan at nasigawan siya ng kanyang tiya
kasabay nadin nito ang pag tawa ng kanyang mga pinsan pati na
rin ang pagtawag sa kanya ng Pak-Juan. Dahil doon, umiyak si
Juan at nanalangin. Biglang dumilim ang langit, bumuhos ang
malakas na ulan at kidlat.
c. Kinabukasan nito, hindi na siya nakita ng kanyang mga kamag
anak, sa halip, nakakita sila ng isang halaman na may bungang
bilog na hugis ng ulo ni Juan. Kasing pula ng kanyang mga labi
ang laman nito, at kasing itim ng kanyang ngipin ang mga buto
nito. Nagsisi naman ang mga anak ng kanyang tiya at tiyo. At iyon
ang simula ng pagkakaroon ng halamang pakwan.
4. Aral: Maging mabait sa kamag- anak at wag manghusga ng tao.
E. Nanggaling ang alamat sa iba’t ibang bansa at lugar sa mundo.

You might also like