Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

BANGHAY-ARALIN SA PAGSASANIB NG GRAMATIKA

FILIPINO 9
IKATLONG MARKAHAN

I. LAYUNIN: Naipaliliwanag nang maayos ang paksang tinalakay.


MGA KASANAYANG Batay sa:
PAMPAGKATUTO Paksa
(MELCS) Tono
Kaisipan

Napahahalagahan
ang paksang
tinalakay sa
pamamagitan ng
paglalahad ng
sariling
opinyon at pananaw
sa loob ng klase
Napahahalagahan
ang paksang
tinalakay sa
pamamagitan ng
paglalahad ng
sariling
opinyon at pananaw
sa loob ng klase
Napahahalagahan
ang paksang
tinalakay sa
pamamagitan ng
paglalahad ng
sariling
opinyon at pananaw
sa loob ng klase
Napahahalagahan ang paksang tinalakay sa pamamagitan
ng paglalahad ng sariling opinyon at pananaw sa loob ng
klase.

II. NILALAMAN Aralin: Panitikang “Sanaysay; Uso at Salamin: Ang


tagapaglingkod at ang Pinaglilingkuran” Isinulat ni Gordon
Fillman at Isinalin ni Pat V. Villafuerte.
III. KAGAMITANG PANTURO Libro “Panitikang Asyano”
A. Sanggunian (SLK)
B. Karagdagang Manila paper, Marker, Scotch tape, chalk.
Kagamitan

IV. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain Bago simulan ang panibangong aralin at talakayan ay
pangungunahan muna ito ng mataimtim na panalangin at
babatiin ang mga mag-aaral. Tatanungin ang mga mag-aaral
ang sino ang lumiban sa klase.

Magbibigay ang guro ng mga alituntunin at mga gabay na


dapat sundin sa loob ng klase.
1. Manatiling manahimik habang merong nagsasalita sa
harap
2. Itago ang mga telepono
3. Iwasang makipagusap sa tabi

Balik Aral:
1. Ano ang tinalakay natin kahapon?
2. Anong aral ang nakuha ninyo?
B. Paghahabi sa layunin Magpapakita ang guro ng mga lalarawan sa paaralan at
ng Aralin tatanungin ng guro ang mga mag-aaral.
Gabay na Tanong:

1. Ano ang napapansin niyo sa mga larawan?


2. Ano ang pinapakita na mga imahe unang larawan at
ikalawang larawan?
C. Pagtatalakay sa Aralin Elemento ng Sanaysay:

Paksa – Pinag-uugatan ng anumang uri ng diskurso.


Karaniwan itong sumasagot sa tanong na “tungkol saan ang
akda?” Ito ang pinakapayak na antas ng mga pinag-
uusapan. Ito rin ang sentro ng ideya ng buong akda.
Kinokontrol ng paksa ang manunulat kung hanggang saan
lamang ang hangganan ng kaniyang isusulat.

Tono – ang saloobin ng may-akda sa paksa. Sa


pagmamagitan ng mga espesipikong wika na ginamit ng
may-akda, mababatid kung sino ang target na mambabasa.
Maaaring ang tono o himig ay natutuwa, nasisiyahan,
nagagalit, sarkastiko, naiinis, nahihiya, at iba pa.

Kaisipan – ang nais iparating ng manunulat sa mga


mambabasa. Dito umiinog ang maliliit na himaymay ng akda.
Inilalahad ang kaisipan ng isang akda sa isang buong
pangungusap. Ang kaisipan ay hindi tuwirang binabanggit
kundi ginagamitan ng pahiwatig ng may-akda para mailahad
ito.

Babasahin ng mga mag-aaral Usok at Salamin: Ang


tagapaglingkod at ang pinaglilingkuran. Babasahin nila ito ng
sabay at malakas.
D. Pagatalakay ng Pangkatang Gawain:
Bagong Konsepto
Panuto: Hahatiin sa limang grupo ang klase, pagkatapos
nilang basahin ang sanaysay ay ang bawat pangkat ay
merong gagawing ibat ibang gawain na isusulat nila sa
manila paper at ilalahad sa harap ng klase.

Unang pangkat: Ano ang Paksa ng binasang sanaysay.


Ikalawang Pangkat: Ano ang Tono ng binasang sanaysay.
Ikatatlo na Pangkat: Ano ang Kaisipan ng binasang
sanaysay.
Ikaapat at ikalimang Pangkat: Anong damdamin ng may-
akda ang tinalakay sa sanaysay? Bigyan ito ng patunay.

E. Paglinang sa Mga tanong:


Kabihasaan 1. Tungkol saan ang ating binasang Sanaysay?
2. Ano ang opinyon at pananaw mo tungkol sa sanaysay na
ating nabasa?
F. Paglalapat ng Aralin sa Mga Tanong:
Pang-Araw araw na 1. Bilang mag-aaral, naramdaman mo ba ang pagkapantay
buhay pantay ng bawat tao o di pagpakapantay na trato?
2. Gaano ka importante sa iyo ang kalayaan bilang isang
tao?
G. Paglalahat Mga Tanong:
1. Ano ang pagkakaiba ng sanaysay sa iba pang uri ng
panitikan na ating tinalakay.
2. Anong aral ang iyong natutunan?
H. Pagtataya sa Aralin Panuto: Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.
1. Ano ang pamagat ng Sanaysay na binasa?
A. Usok at Salamin: Ang tagalikod at tagalingkod
B. Usok at Salamin: Ang tagapaglingkod at ang
pinaglilingkuran
C. Usok at Salamin: Ang Hari at ang mga kawal
2. Pinag-uugatan ng anumang uri ng diskurso. Karaniwan
itong sumasagot sa tanong na “tungkol saan ang akda?”
Ito ang pinakapayak na antas ng mga pinag-uusapan. Ito
rin ang sentro ng ideya ng buong akda. Kinokontrol ng
paksa ang manunulat kung hanggang saan lamang ang
hangganan ng kaniyang isusulat.
A. Paksa
B. Tono
C. Kaisipan

3. Dito umiinog ang maliliit na himaymay ng akda.


Inilalahad ang kaisipan ng isang akda sa isang buong
pangungusap. Ang kaisipan ay hindi tuwirang
binabanggit kundi ginagamitan ng pahiwatig ng may-
akda para mailahad ito.
A. Kaisipan
B. Tono
C. Paksa

4. Sa pagmamagitan ng mga espesipikong wika na ginamit


ng may-akda, mababatid kung sino ang target na
mambabasa. Maaaring ang tono o himig ay natutuwa,
nasisiyahan, nagagalit, sarkastiko, naiinis, nahihiya, at
iba pa.
A.Tono
B. Paksa
C. Kaisipan

5. Tungkol saan ang sanaysay na ating nabasa?


A.Kalaayan ng bansang Israel
B. Pagbabago ng mundo
C. Pagkaroon ng demokrasya

V: KARAGDAGANG Basahin at magsaliksik ng ipang bang halimbawa ng


GAWAIN PARA SA pangtulong na pangunugsap. Maghanda sa susunod na
TAKDANG-ARALIN AT pagtatalakay.
REMEDIATION

VI: PAGNINILAY(BILANG
NG MGA MAG-AARAL NA
MAKAKUHA NG 80% SA
PAGTATAYA.
*Bilang ng mga mag-aaral
na nangangailangan ng
remediation

You might also like