Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

KOLEHIYO NG DE LA SALLE JOHN BOSCO

Mataas na Antas ng Edukasyon


Mangagoy, Lungsud ng Bislig City

I.
Uri ng Akda: Maikling Kwento
Pamagat ng Akda: Uhaw ang tigang na lupa
May Akda: Aliwayway, Arceo. A

II.
Tauhan:
Anak- Isang dalagita na uhaw sa pagmamahal sa kanilang pamilya
Ama- May karelasyon sa iba at namatay sa sakit.
Ina – Tahimik, walang imik at laging malungkot

Tagpuan:
Silid-aklatan sa bahay – Dito nakita ang larawan at ang liham ng ama.

Simula:

Isang dalaga ang nahihiwagaan sa kanilang pamilya. Hindi kasi tulad ng ibang pamilya, ang
kaniyang ama’t ina ay hindi kailanman nakitaan ng paglalambing sa isa’t isa.

Pataas na aksiyon:
Batid ng dalaga na hindi kakikitaan ninuman ang kaniyang mga magulang ng pagmamahal. Nais pa
naman ng dalaga na mas lumaki pa ang kanilang pamilya. Nais niyang magkaroon ng mga kapatid.

Kasukdulan:
Ang pagtataka ng dalaga ay nasagot nang hindi sinasadyang makita niya ang talaarawan ng
kaniyang ama. Sa pagbabasa nito ay natuklasan niya na nagsasama na lamang sa isang bubong
ang kaniyang mga magulang, ngunit ang ama ay may iba nang babaeng iniibig. Nakita niya ang
larawan nito na nakaipit sa talaarawan.

Tungalian:
Tao laban sa tao
Pababa na aksiyon:
Nagkasakit ang ama ng dalaga. Sa kabila ng nagawa nitong pagtataksil sa asawa, ay inaruga pa rin
siya nito nang maratay ito sa kaniyang karamdaman. Inilahad ng ama sa kaniyang asawa ang
relasyon pa niya sa ibang babae. Kahit masakit sa damdamin ng misis ay tinanggap nito ang
relasyon sa kalaguyo ng mister.

Wakas:

Hindi nagtagal ay binawian din ng buhay ang lalaking nagtaksil sa kaniyang asawa. Ngunit
bago tuluyang lisanin ang mundo, nagwika ito sa kaniyang anak na maaangkin na nito ang
kaniyang kaligayahan dahil wala na siya, wala na ang ama niyang ginawang tigang sa
pagmamahal ang kanilang pamilya.

III. Teoryang ginamit:

Teoryang sikolohikal: Ang pagtataka ng dalaga ay nasagot nang hindi sinasadyang makita niya ang
talaarawan ng kaniyang ama. Sa pagbabasa nito ay natuklasan niya na nagsasama na lamang sa
isang bubong ang kaniyang mga magulang, ngunit ang ama ay may iba nang babaeng iniibig. Nakita
niya ang larawan nito na nakaipit sa talaarawan.

Mga ginamit na simbolismo:

Talaarawan – sumasalamin sa katotohan


Ama, Anak, Ina – sumisimbolo sa isang pamilya
Uhaw na tigang na lupa- sumisimbolo sa kakulangan ng pagmamahal sa isang anak dahil sa
suliranin ng pamilya.

IV.

Reflection:

Ang natutunan ko sa kwento ay magsabi tayo ng mga nararamdaman natin sa ating pamilya
sapagkat sila lang ang makakatulong sa atin, sila lang ang nakakaintindi sa mga pinagdadaanan
natin kailangan natin sabihin sa bawat isa ang mga sama ng loob sa pamilya sapagkat ito ang paraan
upang magkaroon tayo ng pagmamahalan ng lubos at maging masaya ang ating pamilya na binuo.
Higit sa lahat natutunan ko na pahalagahan natin ang ating mga magulang kahit ito ay hindi
nagparamdam sa atin ng pagmamahal dahil sa bandang huli pamilya pa rin ang ating kailangan,
maging mapagkumbaba lang tayo at maging matibay sa anumang pagsubok na pinagdadaanan ng
pamilya bigyang natin ng pagmamahal ang bawat isa. Nais ko rin na maging malawak ang pang-
unawa ng mga anak sa mga magulang lalo na kung alam natin na sila ay may pinagdadaanan.
Ipakita na natin ang buong pagmamahal sa ating mga magulang sapagkat hindi na natin ito
maibibigay kapag wala na sila sa mundo. Mahalin natin ang ating mga pamilya upang wala tayong
pagsisihan sa huli. Ako bilang anak natutunan ko na pahalagahan ang bawat ginagawa sa akin ng
aking mga magulang.
Uhaw ang tigang na lupa
Ni Aliwayway Arceo

Isang dalaga ang nahihiwagaan sa kanilang pamilya. Hindi kasi tulad ng ibang pamilya, ang kaniyang
ama’t ina ay hindi kailanman nakitaan ng paglalambing sa isa’t isa.

Batid ng dalaga na hindi kakikitaan ninuman ang kaniyang mga magulang ng pagmamahal. Nais pa
naman ng dalaga na mas lumaki pa ang kanilang pamilya. Nais niyang magkaroon ng mga kapatid.

Ang pagtataka ng dalaga ay nasagot nang hindi sinasadyang makita niya ang talaarawan ng kaniyang
ama.

Sa pagbabasa nito ay natuklasan niya na nagsasama na lamang sa isang bubong ang kaniyang mga
magulang, ngunit ang ama ay may iba nang babaeng iniibig. Nakita niya ang larawan nito na nakaipit
sa talaarawan.

Nagkasakit ang ama ng dalaga. Sa kabila ng nagawa nitong pagtataksil sa asawa, ay inaruga pa rin siya
nito nang maratay ito sa kaniyang karamdaman.

Inilahad ng ama sa kaniyang asawa ang relasyon pa niya sa ibang babae. Kahit masakit sa damdamin
ng misis ay tinanggap nito ang relasyon sa kalaguyo ng mister.

Hindi nagtagal ay binawian din ng buhay ang lalaking nagtaksil sa kaniyang asawa. Ngunit bago
tuluyang lisanin ang mundo, nagwika ito sa kaniyang anak na maaangkin na nito ang kaniyang
kaligayahan dahil wala na siya, wala na ang ama niyang ginawang tigang sa pagmamahal ang kanilang
pamilya.

You might also like