PT - G10 - ESP 2nd Edit

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

THIRD PERIODICAL TEST IN ESP 10

NAME: ____________________________ GR.& SEC._________ SCORE:________

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang
ipinapahayag ng pangungusap at MALI naman kung ang isinasaad ng pahayag ay mali.

_________1. Ang pagmamahal ng Diyos ay sentro ng pananampalataya.


_________2. Nakaplano ang lahat ng ginagawa ng Diyos, patunay ng Kanyang walang hanggang
pagmamahal sa Kanyang mga nilalang.
_________3. Nababago ng pagmamahal ng Diyos ang mga hindi kanais nais na gawain ng isang tao.
_________4. Pinadadalisay ang puso ng bawat tao upang magmahal ng tunay sa kapwa.
_________5. Ang kahalagahan ng pagmamahal ng Diyos ay ang pagbabago sa kamalayan ng tao.
_________6. Upang mapaunlad ang pagmamahal ng tao sa Diyos, kinakailangang palaging
nakabukas ang kaisipan ng tao sa pagbabago.
_________7. Ang pagsubok ay tanda ng pagmamahal ng Diyos sa tao.
_________8. Ang pagmamahal sa Diyos ay nagbibigay pag-asa para banan ang pagsubok sa buhay.
_________9. “Ang Diyos ay pag-ibig at ang buhay ay pag-ibig”, ibig sabihin ay nubuhay ang tao
upang umibig at magmahal sapagkat mula pa sa pagkasilang, kakambal na ng tao ang
tunay na kahulugan ng pag ibig.
_________10. Sa aklat ng Juan sa Bibliya ay nakasulat doon ang paglikha ng Diyos sa sanlibutan at
ang pagkalikha ng tao nana kawangis ng Diyos.
_________11. Hindi na natin kailangang humingi ng kapatawaran sa pagkakamali natin sa ibang tao
sapagkat mapagmahal ang Diyos at handang magpatawad sa ating mga kasalanan.
_________12. Ang pagmamahal ng Diyos ay walang kinikilingan, ito ay pantaypantay.
_________13. Nababago ng pagmamahal ng Diyos ang mga masasamang kaisipan at panibughong
nararamdaman sa kapwa.
_________14. Ang pagmamahal ng Diyos ay nakapagbibigay lunas o kagalingan at pagbabago sa
buhay ng tao.
_________15. Ang buhay ay sagrado at ito ay pinakamahalagang biyayang kaloob ng Diyos sa tao

PANUTO: Hanapin ang sagot o karugtong ng Hanay A sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa patlang.
Hanay A Hanay B

_____16. Ito ang nag- uudyok sa iyo upang ikaw ay A. katarungan at pagmamahal
maglingkod sa kapwa ng walang B. Parabula ng Mabuting Samaritano
hinihinging kapalit. C. 1 Corinto 13:4–8
_____17. Ang pakikipag-ugnayan mo sa iba at D.paggalang at pagmamahal
pagbabahagi ng sarili sa iba, ay E. Golden Rule
pagpapakita ng F. Mosias 4:16–24
_____18. Naipakita rito kung sino ang ating kapwa G.Ramon
at kung paano tayo dapat makitungo D. Agapay, 1991
sa ating kanila. H. Pagmamahal
_____19. Ang makabuluhang pakikipagkapwa ay J. epektibong komunikasyon at pagtanggap
pagtugon sa pangangailangan ng iba na may
_____20. “Hindi dapat tangkaing magpasya kung
karapat-dapat ba o hindi ang isang tao sa
ating tulong”
_____21. “Ang pag- big ay hindi nagkukulang kailanman”
_____22. Kinakailangan ang mga ito sa pagpapatatag ng
pakikipagkapwa.
_____23. Kailangan ito upang maibigay ang nararapat
sa kapwa na walang iba kundi ang
paggalang sa kanyang
_____24. Nagsabi na, “Nararapat na may kalakip
na paggalang at pagmamahal ang
pakikipagugnayan natin sa ating kapwa.
_____25."Gawin mo sa kapwa mo ang nais mong
gawin nila sa'yo"

Panuto: Basahin ang mga pahayag. Lagyan ng plus sign (+) kung ito ay mga angkop na kilos na
nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan at minus sign (-) kung ito ay nagpapakita ng mga paglabag sa
pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan.

_____26. Hindi ako matatakot iwasto kapag nilabag ng aking kapwa ang batas. Halimbawa, ang hindi
pagtawid ng tama.
_____27. Pawang katotohanan lang ang aking sasabihin sa aking kapwa.
_____28. Magsasagawa ako ng clean-up drive sa aking komunidad.
_____29. Susuportahan ko ang mga produktong lokal.
_____30.Nanaisin kong manahimik kaysa magsabi ng totoo.
_____31.Hindi ko sasabihin sa kinauukulan na illegal logging ang ikinabubuhay nina Ondoy dahil
ninong ko ang tatay niya.
_____32.Pipila ako ng maayos at mahinahon kong antayin ang tawag ko.
_____33.Ipagmamalaki ko sa akong kaibigang banyaga ang mga pagkaing lokal.
_____34.Magtatanim ako ng mga gulay sa mga bakanteng lote sa aming kapaligiran o sa mga
resiklong paso.
_____35.Sinisikap kong maging totoo at tapat, huwag mangopya at magpakopya.

Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang titik ng inyong
sagot sa patlang.

_____36. Alin sa sumusunod ang iyong gagawin kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng
isang bagay na makakaya mo para sa kalikasan?
A. Magdasal para sa pagtaas ng ekonomiya ng bayan.
B. Gagawa ng mga programang ipapatupad ng barangay upang makatulong ng malaki.
C. Lilinisin ng mag-isa ang isang ilog na marumi at sasali sa mga proyektong lilikom ng
pondo para sa ilog.
D. Maging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing kailangan ako.
_____37. Ang mga sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa.
A. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok.
B. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig.
C. Hindi maayos na pagtatapon ng basura.
D. Pagsusunog sa mga basura.
_____38. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan. Ano ang kahulugan nito?
A. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba
B. Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan
C. Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan
D. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan
_____39. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang kasangkapan?
A. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito
B. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran
C. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli sa mga bagong binhi
D. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani.
_____40. Paano mo isasagawa ang programang nagsusulong ng pangangalaga ng kalikasan?
A. Ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag multa sa bawat paglabag
B. Hayaan na lamang ang mga awtoridad na magsagawa ng proketong pangkalikasan dahil
sila ang may pondo.
C. Gawin ang makakaya na alagaan ang kalikasan kahit sa munting paraan
D. Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang
makapagsagawa ng isang gawaing pangkalikasan.

You might also like