Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Barroga, Sheryn Mae M.

12- LOYALTY

“Death Penalty, dapat bang ipatupad sa ating bansa?”


Marahil madami sa atin ang pabor sa death penalty pero minsan ang mga
taong mahahatulan neto ay gustong mag bago at mag bagong buhay pagkalabas ng
presinto.
Pero minsan meron ding mga pasaway na gagawin at gagawin ulit ang
kanilang maling ginawa bago sila mapresinto.
Ang malaking katanungan kung ito ba ay dapat ipatupad o hindi. Dapat ba silang
mabigyan ng tiyansa para magbagong buhay o dapat nilang pagbayaran ang kanilang
maling ginawa. Di naman natin pwedeng bigyan ang lahat ng tiyansa na magbago,
pero sa iilang mga pangyayari makikita naman natin sa mga taong ito kung nararapat
bang sila ay mabigyan o hinde.

Ilan sa mga krimeng ito ay mga di kaaya ayang mga gawain. Katulad ng
pagpatayo kaya’y pagrape. Pero pano kung ang sasabihin ng kriminal na gumawa sa
krimen na ito ay handa siyang magbago at hindi na uulitin ang gagawin? Lahat ay
may karapatang mabigyan ng tiyansa na magbago. Kaya pwedeng wag ng ipatupad
ang Death Penalty pag may pagkukusang pagbabago ang kriminal na gumawa nito.

Sa daming krimen na nangyayari ngayon sa ating bansa, kadalasan ang ilang


sa mga kriminal na ito ay hindi katanggap tanggap ang kanilang ginawa na napupunta
na sa puntong galit na galit na tayo at gugustuhin nalang natin na sila ay mamatay.
Mga krimeng buhay ang nakuha kaya mas gusto din natin na buhay ang kapalit.
Kadalasan ang mga kanilang mga ginawa ay walang patawad at ito ay brutal talaga at
hindi kaayaaya sa nakakarami so bakit natin sila bibigyan ng tiyansa na magbago
kung ang kanilang mga nagawa ay hindi na makatarungan at ang kapatawaran ay
hindi na sapat para maibsan ang mga sakit ang pighati ng mga pamilyang naiwanan?

Ang Death penalty ay dapat ng ipatupad sa bansa, dahil nawawalan na ng


takot sa gobyerno ang mga mamamayan dahil walang mabibigat na parusa kagaya
neto. Mababawasan din ang krimeng mangyayari at mga bagay na di kaayaya ay
mawawala. Ang Death Penalty ay dapat lamang na maibigay sa mga taong walang
konsensya at walang takot o walang pagdadalawang isip ang pag gawa ng krimeng ito.
Mga di dapat bigyan ng patawad dahil sa malaking maling ginawa sa isang tao.

Sa pangkalahatan dapat ng ipatupad ang Death Penalty para sa ating lahat.


Maibibigay lamang ang hatol na ito sa mga krimeng hindi kaayaaya o di kaya’y mga
krimeng walang patawad. Ang Death Penalty ay kailangan ipasatupad para ang bawat
mamamayan ay dapat magkaroon nga kakatakutan dahil kung wala ito ay di
mababawasan ang mga krimeng mangyayari at ito ay dadami at lalaganap pa din sa
paglipas ng panahon.

You might also like