Pinalawak ni Don Saturnino ang lupain ng San Diego kaya ito
ay kakikitaan ng pagbabago tulad ng kasaganaan ng pananim at pagdami ng mga naninirahan. Hinuha sa katangian ni Don Saturnino: Matulungin at Mabait,
Kahalagahan ng tauhan sa Nobela: Si Don Rafael
Ibarra ay isang mabuting ama ni ibarra mahalaga siya sa nobela dahil ku ng wala siya ay wala din si ibarra,siya ay nakulong at namatay sa bilang guan.Siya ay kinaiingitan ni Padre Damaso dahil sa taglay nitong kayam anan.Labis din ang kanyang paggalang at pagtitiwala sa batas.
2. Dumalaw si lbarra sa libingan ng kaniyang ama.
Hinuha sa katangian ni Ibarra- Mapagmahal sa Magulang Kahalagahan ng tauhan sa Nobela- Si Crisostomo Ibarra ay mahalaga sa nobela sapagkat siya ang pangunahing tauhan. Ang kuwento ng nobela ay nakasentro sa kanya. Siya rin ang sumasalamin sa naging buhay ni Rizal. Ang kanyang mga karanasan ay siya ring karanasan ni Dr. Rizal. Imahe siya ng mga Pilipinong nagnanais matuto at makapag - aral noong panahon ng Kastila. 3. Si Pilosopo Tasyo ay matayog ang kaalaman at dahil dito, binansagan siyang baliw ng mga mangmang at pilosopo naman ng mga may pinag-aralan. Hinuha sa katangian ni Pilosopo Tasyo: Matalino
Kahalagahan ng tauhan sa Nobela- Kakaunti lamang ang naging eksena ni
Pilosopong Tasyo sa nobelang Noli Me Tangere. Ginamit siya ni Dr. Jose Rizal na simbolo ng karunungan sa kaniyang akda. Ayon sa akda, naging magkaibigan sila ni Juan Crisostomo Ibarra. Marami siyang binanggit sa binata na mga nalalaman niya tungkol sa mga kaganapan sa kanilang lugar noong wala pa ang binata sa kadahilanang nag-aral ito sa ibang bansa. Binuksan ni Pilosopong Tasyo ang isip ng binata kung kaya nalaman niya ang lahat ng mga katiwalian sa kanilang lugar. B.