Script NG El Filibusterismo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

 

SCRIPT NG EL FILIBUSTERISMO

Scene:
(open curtain)

Ibarra: Bilisan mo!! Nandyan na sila!


(Pinagbabaril ng mga Guwardiya Sibil)
 
Tao1: Ngunit Ginoo lubhang ahhhh«
(Tinamaan ang tao1 sabay talon ni Ibarra)
 
(Lalabas si Rizal at babarilin ng Guwardiya Sibil)
(Kakanta)
 
(Mga tauhan sa unang tagpo ay magsasagwan habang sumisigaw ang Kapitan ng BAPORP,ESTRIBORP..)
(close curtain)

SCENE 1:
SA KUBYERTA

(open curtain)

Donya Victorina: buenos días a todos ustedes! Kalahati lamang ang takbo ng makina,Kapitan, Bakit hindi
natin bilisan?

Kapitan: Kapag bumilis pa¶y maglalagos na tayo sa palayang iyon Ginang.. (sabay kindat kay Doña Victorina)

Donya Victorina: Mangyari ay wala ni isa mang maayos na lawa sa lupaing ito! (nagkatinginanang mga
prayle)

Simoun: Ang lunas ay napaka dali (slang), at sa katotohanan ay di ko alam kung bakit wala nisinuman ang
nakaisip nito. (tinignan siya na may pagtataka) (tumuro sa isang dako at sinundan ng mga mata nang mga
naroroon) Humukay ng isang tuwid na kanal buhat sabunganga ng ilog hanggang sa labasan at paraanin
sa Maynila; alalaong baga¶y magbukas ngisang bagong ilog sa pamamagitan ng paggawa ng kanal at sarhan
ang dating ilog Pasig.

Don Custodio: Ngunit saan kukuha ng ibabayad sa manggagawa?

Simoun: Walang magugugol, Don Custodio, Pagka¶t mga bilanggo ang gagawa.

Don Custodio: Walang sapat na bilanggo!

Simoun: Kung gayo¶y piliting gumawa ang mga mamamayan bata man o matanda!

Don Custodio: Kaguluhan lamang ang ibubunga niyan!

Simoun: (tatalikod) Mga kaguluhan, ha! ha! Nag-alsa na ba kahit minsan ang bayang Ehipto?Nag-alsa na ba
ang mga bilanggong Hudeo laban sa banal na si Tito? Tao kayo, akala ko¶ylalo kayong nakauunawa sa
kasaysayan!

Don Custodio: Ngunit ang iyong mga kaharap ay di mga Ehipsyo ni Hudeo. At ang lupaing itoay hindi
miminsang naghimagsik, sa mga panahong ang mga tagarito ay pinipilit na maghakotng malalaking kahoy
upang gawing mga daong, kung hindi dahil sa mga pari...
Simoun: Ang mga panahong yaon ay malayo na, ang mga pulong ito ay hindi na mulingmaghihimagsik,
bigyan man sila ng lalong maraming gawain at patawan man sila ng lalongmataas na buwis.

Don Custodio: Isang mulatong Amerikano!

Ben Zayb: Indiong Ingles!

(close curtain)

SCENE 2:
SA ILALIM NG KUBYERTA

(open curtain)

Kapitan Basilio: Kamusta na ang kalagayan ni kapitan Tiyago?

Basilio: Tulad ng dati, ayaw pa rin niyang magpagamot at ngayon po ay inutusan akongpumunta sa San
Diego upang tingnan ang mga paupahang bahay nito.

Kapitan Basilio: (pailing na sumagot) Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, wala paang droga na
iyan. Hindi ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ang masamang gamot naiyan.

Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay hindiisang gamot na
katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamang katutubo pa lang saganitong kapanahunan, hindi ba,
Basilio?

Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (palihim na napangiti sa sinabi ng kasama)

Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga! Ngunitito¶y hindi gaanong
napapansin dahil abala ang marami sa pag-aaral. Maiba ako, kamusta nanga pala ang itinatatag ninyong
Akademya ng Wikang Kastila?

Basilio: Mabuti naman po, nakahanda na po ang mga guro at ang paaralang gagamitin

Kapitan Basilio: Palagay kong di matutuloy iyon dahil tututulan ni Padre Sibyla.

Isagani: Matutuloy po sapagkat hinihintay na lang po namin ang permiso pagkatapos namakipagkita ni Padre
Irene kay Kapitan Heneral. Niregaluhan namin ng dalawang kabayongkastanyo at nangakong tutulungan niya
kami.

Kapitan Basilio: Saan kayo kukuha ng pera?

Isagani: Aambag ang bawat eskwela, ang mga guro ay hati sa Pilipino at Kastila. Angkagamitan naman ay
handog ng mayamang si Macaraig at ang isa sa kanyang bahay.

Kapitan Basilio: Mabuti kung ganoon. Sana¶y magtagumpay kayo sa inyong plano. Paano,mauna na ako sa
inyo. Kailingan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na kayo.

Basilio: Maiba nga ako, ano nga pala ang sabi ng iyong tiyo tungkol kay Paulita...? (napangiti lamang si
Isagani)
Basilio: Teka, kaibigan... (natatawa) tila yata ikaw ay namula nang ating mapagusapan angiyong kasintahan!
Ang umiibig nga naman!!! Sabagay ay talaga namang kaibig-ibig ang iyongkasintahan, maganda na¶y
mayaman pa. Kaya lang ay...

Isagani: Kaya lang ay ano? (kinakabahan at umarko ang kilay)

Basilio: Teka, wag kang kabahan... ang gusto ko lamang sabihin ay kaya lang, lagi niyangkasama ang tiya
niyang ubod ng sungit (bubulong ngunit malakas pa rin) Palibhasa’y matandana!

Basilio & Isagani: Hahahahaha!!!! (dumating ng mag-aalahas na sa Simoun at nakisalo sa usapan nang
dalawang binata)

Simoun: Magandang araw sa inyo. Maaari ba akong makisali sa usapan ninyo? Tila kayo¶ynagkakatuwaan.
Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?

Basilio: Ganoon na nga po Ginoong Simoun.

Simoun: At sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya?

Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi pa poba kayo
nakakarating sa bayan nila?

Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao doo’y hindinaman bumibili ng
mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao doon.

Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili ng mga gamit na hindi naman namin kailangan. (ngumiti ng pilit
si Simoun ngunit bakas ang kanyanggalit)

Simoun: Bueno heto saluhan niyo na lamang ako sa pag-inom ng serbesa

Basilio: Salamat Ginoo, ngunit hindi kami umiinom ng alak

Simoun: Hindi umiinom? Ika nga ni Padre Camorra masama raw ang puro tubig ang iniinom. (gumuhit ang
inis sa mukha ni Isagani)

Basilio: Kung tubig lang ang iniinom ni Padre Camorra ay wala sigurong tsismis silangmaririnig.

Isagani: ‘Di tulad ng alkohol, ang matabang na tubig ay nakamamatay ng apoy. At kapagtubig ay nagalit, iyon
ay maaring lumawak at maging dagat na handang magwasak atpumatay, kapag iyon ay pinainit at naging
singaw ay handang tumunaw. (natigilan si Simoun at halatang namangha)(tinignan ni Basilio ang dalawa saka
siniko si Isagani)

Basilio: Ipagpaumanhin ninyo Ginoong Simoun, kami’y mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng akingkasama ay
naghihintay na sa amin doon sa may dakong Julihan.

Simoun: Walang anuman. Pangarap, Basilio pawang mga pangarap!

Basilio: Napakatapang mong sumagot kay Don Simoun.

Isagani: Ang taong iyan ay nakapanghihilakbot! Halos kinakatakutan ko!

Basilio: Siya ang tinatawag na ³Kayumangging Kardinal!

Isagani: Kardinal?
Basilio: Kamahal-mahalang itim kung siya mong ibig. Si Don Simoun ang sanggunian ngKapitan Heneral (Sa
kabilang banda)

Kapitan: Padre Florentino! Halina sa itaas! Naroon sina Padre Camorra at Padre Salvi!

Padre Florentino: Salamat Kapitan, subalit..

Kapitan: Kung hindi kayo papanhik sa kubyerta ay iisipin ng mga prayleng ayaw kayongmakisalamuha sa
kanila

Padre Florentino: Ako’y susunod na lamang.. Kakausapin ko lamang muna ang akingpamangkin na si
Isagani. (lalapitan si Isagani) Isagani, huwag kang aakyat ng kubyerta habangako¶y naroroon, baka
magpakalabis na tayo sa kagandahang loob ng Kapitan!

Isagani: Opo! (pag-alis ni Padre Florentino) Hindi iyon ang tunay na dahilan. Ang totoo’y ayawniyang
makausap ko si Donya Victorina!

(close curtain)

SCENE 3:
SA KUBYERTA

(open curtain)

(sumungaw ang ulo ni Simoun sa may hagdanan)

Don Custodio: (pasigaw na anunsyo) Ano, saan naman kayo nagtago? Hindi ninyo nakita ang bahaging
pinakamainam sa paglalakbay.

Simoun: Ay naku! Hindi ako nagtatago. Nakakita na ako ng mga ilog at tanawin. Ang maykabuluhan lamang
sa akin ay yaong may mga alamat!

Kapitan: Kung sa alamat lang din naman ang pag-uusapan, mayroon din niyan ang ilog Pasig.Nariyan ang
malapad na bato, batumbuhay na sagrado bago pa dumating ang mga kastila atpinagtitirahan ng mga espiritu.
May isang alamat, ang alamat ni Doña Geromina na... na... (naghahanap at biglang itinuro si Padre Florentino)
na alam ni Padre Florentino.

PadreSibyla: (nagmamalaki at nag-halukipkip)


Lahat ng tao ay nakakaalam niyan!

Doña Victorina: Ngunit padre hindi ko pa alam ang alamat na iyon?

Ben Zayb: Siyanga! Ano ba ang tungkol sa kwentong iyon padre?

PadreSibyla: (naglakad ng kaunti at tumanaw sa malayo) (inaakto ang mga pangyayari)


Sabinila may isang estudyante...

Ben Zayb: Mawalang galang. ngunit Kapitan, alam ba ninyo kung saang dako ng lawanapatay ang
isang nagngangalang Gueverra, Navarra o Ibarra?

Doña Victorina: Ibarra, Crisostomo Ibarra iyon ginoong Ben Zayb (pinalo ng pamaypay si BenZayb). Siyanga
pala! Saan nga ba, Kapitan? May naiwan kayang bakas sa tubig?
(natahimik ang kapitan at napukol ang tingin ng lahat sa kanya)
(sound effects:kagimbal-gimbal)
Kapitan: (itinuro ang isang direksyon at napukol ang tingin ng lahat kay Simoun)
Hindi sakanya! Doon«tumingin kayo sa malayo« (sabay tingin ng lahat sa malayo)
 Ayon sa kabo ngmga kawal na tumugis kay Ibarra, nang malapit na siyang masukol, ay tumalon at
sumisid.Sinasabing may mga dalawang milya ang kanyang nalalangoy at sa minsang litaw ng ulo niyasa tubig
ay inulan siya ng bala. Doon sa malayo ay nawala na siya sa kanilang paningin,ngunit ang tubig sa mga
dakong iyon ay nagkulay-dugo. Ngayo¶y hustong labintatlong taon naang nakakalipas simula nang iyan ay
mangyari.

Ben Zayb: Kung gayon, ang kanyang bangkay ay...

PadreSibyla: Nakasama sa bangkay ng kanyang ama!

PadreSalvi: Hindi ba¶t isa rin siyang filibustero?

Ben Zayb: Iyan ang tinatawag na napakamurang paglilibing, hindi ba Padre Camorra?

Padre Camorra: (patawang sumagot) Lagi ko ngang nasasabi na ang mga filibustero ay hindimaaasahang
magkaroon ng maringal na libing.

Ben Zayb: (nabaling ang pansin kay Simoun) Ngunit ano ang nangyayari sa inyo, GinoongSimoun? Nahihilo
ba kayo? Kayo pa naman na datihang manlalakbay! Kayo ba ay nalulula saganitong halos patak lang ng tubig
ang laman?

Kapitan: Dapat ninyong malaman na hindi ninyo maipaparis sa isang patak ng tubig anglakbaying ito. Ang
lawang ito ay higit na malaki sa alinmang lawa sa Suisa o lahat ng lawa saEspaña pagsama-samahin man.
Nakakita na ako ng mgasanay na mandaragat na nangahilorito.

Doña Vicorina: Ginoong Simoun, mabuti pa¶y bibigyan ko kayo ng eficasent oil. Paulita Pakiabot mo nga
sakin ang eficasent oil.

Paulita: Tiya hindi niyo po nadala.

Doña Victorina: (hinila si Ginoon Simoun) Kung gayon sumama kayo sa akin at mayroonakong Bonamine sa
aking bagahe.

(close curtain)

SCENE 4:
TAHANAN NI KABESANG TALES

(open curtain)

Juli: (nagwawalis) Kuya sa iyong palagay, ako kaya’y makakapag-aral din sa Maynila tuladmo?

Tano: Aba oo naman. (lumabas ng bahay si Tales at Tata Selo)(lumapit si Juli at Tano kay Tales)

Tano: Ama, si Juli? Kailan kaya siya makakapunta nang Maynila upang mag-aral?

Juli: Kuya...
Kabesang Tales:Sa isang taon. Magsaya ka nang mahaba at mag-aaral ka na saMaynilakatulad ng mga
dalaga sa bayan.

Juli: Talaga ama?! (niyakap ang ama)

Tano: Alam mo ama iniisip na niya si Basilio sa mga oras na ito at ang pangako sa kanya nitona pakasal sa
kanya...

Juli: (sinisiko-siko si Tano) Kuya naman... (hinabol si Tano)

Kabesang Tales: Maganda ang ani natin ama... (bumuntong hininga)

TataSelo: Maganda? Ngunit ano ang iyong ipinag-aalala?

Kabesang Tales: (naglakad upang tanawin ang lupain) Ang mga prayle ama... (bumuntong hininga)

TataSelo: Magpaumanhin ka! Ipagpalagay mo na ang iyong salapi ay nahulog sa tubig atsinakmal ng
malaking buwaya at ang kanyang mga kamag-anak ay sumama sa kanya.

KabesangTales: Ngunit ama sila ay umaabuso na!

TataSelo: Magpaumanhin ka! (dumating si Padre Camorra kasama si Padre Salvi at mga Guwardiya Civil)

Padre Camorra: Telesforo! Mabuti at nandito ka!

Kabesang Tales: Magandang araw Padre ano po ang naparito ninyo?

Padre Camorra: Kailangan mo nang magbayad nang buwis! Ang buwis ay dalawandaangpiso!

Kabesang Tales: Dalawandaang piso??!! Ngunit iyon ay napaka laki naman.

Padre Salvi: Kung hindi magbabayad ibigay sa iba ang tungkulin ng paglilinang dito...!

Padre Camorra: Tama! Kung hindi ka magbabayad ang lupain ay ipalilinang ko na lamang saaking
kasambahay. Matagal na din siyang naging tapat na maninilbihan sakin.

Kabesang Tales: Ako ang nag-hirap na mag-tanim at mag-ani dito. Ibinuhos ko ang pawis atdugo ko upang
maiahon sa hirap ang pamilya ko.

Padre Camorra: Ngunit hindi sa iyo ang lupang nililinang mo!

Padre Salvi: Ito ay pag-aari ng korporasyon.

Kabesang Tales: Pag-aari?? May kasulatan ba kayo na nag-papatunay na sa inyo anglupang ito??

Padre Camorra: Meron!!

Kabesang Tales: At nasaan naman iyon?

Padre Salvi: At bakit mo kailangan makita?

Kabesang Tales: Hindi ako magbabayad ni kalahati ng buwis hanggat wala akong nakikitangkatibayan na
inyo nga ang lupang ito.

Tata Selo: (bumulong sa anak) Anak huwag ka nang magmatigas...


Padre Camorra: Hindi ba¶t tama ang iyong ama, Telesforo? Wala kang mahihita kung patuloykang mag-
mamatigas.

KabesangTales: Handa akong makipag-usapin maipag-laban lamang ang karapatan namin!! (bahagyang
lumapit upang sugurin ang dalawang prayle)(pinigilan ng mga Guwardiya Civil si Tales na sugurin ang mga
prayle at tinutukan siya ng riffle)

Padre Camorra:Qué barbaridad! Kunin ang anak na lalaki at gawing Guwardiya Civil (pinalo ng riffle ang ulo
ni Tata Selo at hinila si Tano)

Juli: Bitiwan niyo siya! Ama!!

Kabesang Tales: Hindi!!! Wag ang aking anak!!

Tano: Ama!!! Juli!!! Aaahhh!!!! (pag alis ay babalik ang mga guwardiya sibil)

Guwardiya Sibil: Limang daang piso ang hinihingi ngaming pinuno! Kung hindi¶y mamamatayang iyong
ama, binibini.

Juli: Saan ako kukuha ng limang daang piso? Ang mga alahas! Liban lamang itong Agnos.Handog ito sa akin
ni Basilio! (hahalikan ang Agnos)(Isusuot ang Agnos) Ngunit ito¶y hindisapat. Tama! Mamamasukan muna
ako kay Hermana Penchang bilang utusan.

(close curtain)

SCENE 5:
(open curtain)

(nagdadasal si Hermana Penchang at Juli)


Hermana Penchang: (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranosseñor de la peste
Y de todo mal.

Juli: (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y detodo mal.

Hermana Penchang: (binatukan si Juli) Hay naku bata ka!!! Hindi ko alam kung ano angitinuturo sa iyo sa
bahay niyo at hindi ka marunong magdasal!! (mabilis na dinadasal) SantoDios Santo fuerte Santo inmortal
Libranos señor de la peste Y de todo mal.

Juli: Pasensya na po.

Hermana Penchang: Paensya?!! Hay naku!! (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerteSanto inmortal
Libranos señor de la peste Y de todo mal. Sumagot ka nga!! (kinurot si Juli)

Juli: Aray aray... Opo... (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de
todo mal.

Hermana Penchang: Sabagay wala naman kasing babae sa bahay niyo!! (mabilis nadinadasal) Santo Dios
Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de todo mal.

Juli: (nauutal-utal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y detodo mal.
Hermana Penchang: Kapag hindi mo nakabisado ang dasal na iyan hindi ka patatawarin ngDiyos sa iyong
mga kasalanan. (mabilis na dinadasal) Santo Dios Santo fuerte Santo inmortal Libranos señor de la peste Y de
todo mal.
 

(close curtain)

SCENE 6:
SA SEMENTERYO

(open curtain)

Basilio: (umikot sa isang puno at naupo sa tabi nito) Matagal na rin nang Juling punta ko rito.Naaalala ko pa
rin ang mga pangyayari, sariwa pa ang lahat sa aking isip. Parang kailan langang mga sakit na sinapit ko...
(tumayo at napatingin sa isang ilaw na malapit)
ano yon...? SiGinoong Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina?
(Nakita niya si Simoun na naghuhukay nang kung ano at may katabing isang malaking kahon.Isang pagbabalik
tanaw ang nangyari kay Basilio: Sa paghabol niya sa kanyang ina noon, may labingtatlong taon na ang
nakakalipas, isang lalaking duguan at hindi niya kilala ang inabutanniya sa gitna ng gubat. Dito¶y pinakiusapan
siya nito na tulungang sunugun ang bangkay ng isang di niya kilalang lalaki.)

Basilio: Hindi ko po kaya kayo matutulungan, ginoo? (Gulat na liningon ni Simoun ang tinig at may kung
anong huhugutin sa bulsa..)

Simoun: Anong ginagawa mo sa gubat na ito?

Basilio: Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may labingtatlong taon na ang
nakakaraan. Sa aking palagay kayo po ang naghandog sa akin ng isangpakikiramay, ikaliligaya ko kung ako¶y
makatutulong naman sa inyo. (Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio.)

Simoun: At sa tingin mo¶y sino ako? (humakbang paurong)

Basilio: Isang taong ipinalalagay kong napakadakila. Isang taong ipinagpapalagay ng lahat,maliban sa akin,
na patay na at ang tinamong kasawian ay labis kong ipinagdaramdam.

Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari mongikapahamak. Hindi mo
ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi sa aking kamay?Totoong ako¶y naparito may labing tatlong
taon na ang nakakaraan, upang dakilain ang isangkaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang
karapatan ng mga Pilipino laban sa mgamapang-api. At ngayo¶y nagbalik ako upang ipagaptuloy ang kanyang
nasimulan. Hindi koakalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan!
Walang ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi pinakikinggan!

Basilio: Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang Kastilaay hindi tayo
pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng tuluyan samga Pilipino.

Simoun: Isang pagkakamali! Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin natinang wikang ito?
Itatago lamang ng huwad na wiikang ito ang ating mga karapatan! Ang atingmga pagkatao!

Basilio: Ginoong Simoun, mali ang inyong iniisip.


Simoun: At ano ang iyong mahihita kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bangmasaya ang iyong
bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na lamangbang hahayaan ang iyong ina at kapatid
na mabulok sa ilalim ng lupa na tinatapakan ng mgataong siya mismong pumatay sa kanila?

Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko Ginoong Simoun? Kaya ko ba silang ipaglabangayong ako mismo ay
wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay. Hindi maaaring hukayin ang aking ina at iharap
sa hukuman ang kanyanng bangkay at pagkataposay mangbintang nang kung sino-sinong kastila.
(Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun sa kanyang kinatatayuan.)

Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! Mamamatay ang mahihina at matitira angmga malalakas!
Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting tiis nalang.

(close curtain)

SCENE 7:
(Open curtain)

(inilatag ni Simoun ang mga kahon ng alahas niya)


Simoun: (kinuha ang isang kwintas at inangat) Mayroon akong kwintas dito na dati ay kayCleopatra.
Natagpuan ito sa mga pirámide. Mayroon di akong mga singsing na dati ay pag-aari ng mga mambabatas na
Romano na natagpuan sa labi ng guho sa Cartago«

Kapitan Basilio: (humakbang at parang nangangarap) Marahil yaong ipinadala ni Hannibalmatapos ang
digmaang Cannes.

Simoun: (binalik ang kwintas at kinuha ang isang maliit na kahon)


Nagdala rin ako ng mgamamahaling hikaw na dating pag-aari ng mga babaeng taga-Roma na nakuha sa
bahayliwaliwan ni Annio Mucio Papilino sa Pompeya. (ipinakita niya iyon kay Kapitan Basilio)

Kapitana Tika:Ginoong Simoun? Mayroon din ba kayong rosaryong nabendisyunan ng Papa?

HermanaPenchang: At mga bagay na nanggaling Roma at mga padebosyon?

Sinang: Na sabi ni Inay nagbibigay ng siguradong kapatawaran kahit hindi ka mangumpisal!

KapitanaTika: (kinurot ang tumatawang si Sinang) Sinang!! Ano ka ba ? parang hindi kadalaga!

Sinang: Inay naman... masakit yun...

Simoun: Aaahh! Mayroon ako nang mga hinahanap niyo. (binuksan ang isang kahon)
Hayanang mga antigong alahas. Ang singsing ay dating pag-aari ng Prinsesa de Lambelle, at angmga hikaw
sa dama ni Maria Antoinette.

Sinang: Aayyy! Ang gaganda! (kinurot ni Kapitana Tika si Sinang) Aray! Inay naman«
(Sa kalayuan ay nakatanaw si Kabesang Tales)

Simoun: Tignan ninyo, (pilit na ipinatatanaw niya kay Kabesang Tales)


ang isa lamang samga asul na batong ito, na parang walang malay, at matahimik, malilinis na tila
bituingnagmumula sa kalangitan, kapag nairegalo sa tamang tao sa tamang pagkakataon, ang isangtao ay
nakatitiyak na ng pagkabilanggo ng kanyang kaaway, ang ama ng isang pamilya nananggulo sa kapayapaan
ng lahat. At sa isa pang maliit na batong tulad nito, mapula, simpulang dugo ng puso at pagkauhaw sa
paghihiganti, singkinang ng luha ng ulila, muling natamoang kalayaan, naibalik ang ama sa tahanan, ang ama
sa mga anak, at sa kanyang asawa atang buong pamilya¶y nailigtas sa miserableng hinaharap. (tinapik tapik
ang kahon) Mayroonakong isang kahong katulad ng sa manggagamot na kinatataguan ng buhay at
kamatayan, nglason at ng lunas, at sa pamamagitan ng isang dakot nito ay mangyayari kong paluhain lahatng
mamamayan sa Pilipinas! (lumapit kay Kabesang tales) Kayo wala ba kayong maipagbibili?

Kabesang Tales: Ang lahat ng alahas ng aking anak ay naipagbili na at ang natira ay walanang gaanong
halaga.

Sinang: At ang Agnos ni Maria Clara?

Kabesang Tales: Tama!

Sinang: Iyon ay isang laket na may brilyante at esmeralda, isinuot iyon ng matalik kongkaibigan bago siya
nagmongha.
(sinundan lamang ni Simoun ng tingin ang palakad-lakad na si Kabesang Tales)

Simoun: Ibig ko ang disenyo. Magkano mo ipagbibili? (hindi umimik si Kabesang Tales)
Nagustuhan ko, ipagbibili mo ba ito ng limandaang piso? O ibig mong ipagpalit ng ibanghiyas? Pumili ka....
(tahimik parin) Limandaang piso? Limandaan! (kinuha ni Kabesang Tales ang laket at tinignan)(sumesenyas
ang mga kababaihan na ipagbili na niya ito maliban kay Hermana Penchang)

Hermana Penchang: (lumapit upang tignan ang kwintas) Kung ako¶y itatago ko na lang iyangparang relikya.
Ang mga nakakita kay Maria Clara sa kumbento ay nagsasabing siya¶y payatna payat na, mahina at halos
hindi na makapagsalita kayat ipinagpapalagay ng lahat na siya¶ymamamatay na Santa. Mataas ang pagtingin
sa kanya ni Padre Salvi, siya ang padrecompesor niya. Marahil iyon ang dahilan kung bakit ayaw ipagbili ni
Juli ang agnos at pinili paniyang isanla ang kanyang sarili.

Kabesang Tales: Kung tutulutan ninyo ako ay pupunta lamang ako sa bayan upang isanggunisa aking anak .
Babalik ako bago dumilim. (nagsialisan na rin ang mga tao)(naupo si Simoun at naghintay)(close lights for 5
secs)(open lights)(kinuha niya ang lalagyanan ng rebolber niya ngunit isang sulat na lamang ang nakita niya
at ang agnos ni Maria Clara)(dim lights)(Voice Over: Ipagpatawad po ninyo, na sa sarili kong tahanan ay
pinagnakawan ko kayo,ngunit pangangailangan ang siyang nag-udyok sa akin. Ipinalit ko sa inyong rebolber
ang laket na pinagmimithian ninyo. Kailangan ko ang sandata sapagkat ako¶y sasama sa mga
tulisan.Ipinapayo ko sa inyong umiba kayo ng landas sapagkat kung kayo¶y mahulog sa aming kamay, sa
dahilang wala na kayo sa aking tahanan, ay hihingan namin kayo ng malaking tubos. --- Telesforo Juan de
Dios)

Simoun: (tumatawa) At sa wakas ay natagpuan ko rin ang aking tauhan. Haha haha!!!
(nagmamadaling nagligpit at umalis)(magdadatingan ang mga estudyante at uupo)(nagtatawanan ang mga
estudyante habang pumapasok si Placido)(uupo si Placido sa bakanteng upuan)

(close curtain)

SCENE 8:
(open curtain)

(sound effects: putok )


 
Placido: (mapapasigaw) Ano ba?!! Hindi µyon nakakatawa (nagtawanan ang mga estudyante)
Juanito: (nagpapanggap na si Padre Millon: may salamin at unan sa tiyan) Anongipinagsisigaw mo diyan
na parang babae??!!

Placido: (nagulat kaya pasigaw na nakasagot) Magandang araw po Padre Millon!!!

Juanito: Galit ka ba?! Bakit ka sumisigaw! Hindi pa naman ako bingi!

Placido: Hindi naman ako galit ah!!! (pasigaw)

Juanito: Hindi galit??? Eh bakit sinisigawan mo ako??!! Falta de respeto!! 

Placido: Respeto?? Hindi niyo kailangan ng respeto!!! Ang respeto ay hindi hinihingi kundipinaghihirapan...
kung gusto niyong respetuhin kayo, matuto kayong respetuhin ang ibangtao!!!

Juanito: Pangahas ka!! Anong pangalan mo ha!?

Placido: Placido! Placido Penitente!

Juanito: Placido Penitente? Mas mabuting Placido Disparate!!

Placido: Tama na Padre! Wala kayong karapatang umalispusta ng kapwa!! (tatalikod at aalis kaya hindi
mapapansin ang pag-alis ng balatkayo ni Juanito bilang PadreMillon)
 
(dadating si Padre Millon)

Juanito: Whooo!!! Bakla ka yata eh!!!

Mga Estudyante: Hahahahahahahaha

Padre Millon: Magandang umaga. (hindi narinig kaya nilakasan) MAGANDANG UMAGA!!

Mga Estudyante: Magandang umaga Padre!!

Padre Millon: Bakit kayo sumisigaw hindi pa naman ako bingi!!

Mga Estudyante: (nagtawanan dahil gayang gaya ni Juanito kanina si Padre Millon) Hahahahahaha

Padre Millon: Hala! Humanda sa isang talakayan! Ang leksyon natin ngayon ay tungkol saelementong
bumubuo sa salamin. Sinong maaring makapagsabi ng komposisyon nito?
(nakitaang natutulog na si Tadeo) Hoy antukin!! Masyado kang tamad! Alam mo ba ang leksyon atika¶y
natutulog na??!!

Tadeo: (biglang nahulog sa kinauupuan) Ah eh... Ano po ba ang sinasabi niyo??

Padre Millon: Tonto!!  Bakit ako ang tatanungin mo?? (nagtawanan ang lahat)

Tadeo: (tumuro sa isang dako) Ah!! Padre!!! Hinahanap po kayo ni Padre Fernandez!!

Padre Millon: Huh?? Saan?? (umalis)

Macaraig: (tumayo at pumunta sa unahan) Sasamantalahin ko na ang pag-kakataong itoupang tayo¶y


makapag-usap. Kaninang umaga ay nakipagkita ako kay Padre Irene, atnabanggit niya sa akin na sa Los
Banos daw pinag-usapan ang lahat. Ang lahat daw ay tutol.Ngunit hinayaan na nila na ang Kataas-taasang
Lupon ng Paaralang Primarya ang mag-desisyon.
Pecson: Ngunit hindi naman kumikilos ang lupong iyan!

Macaraig: Yan din ang aking sinabi kay Padre Irene. Ang sabi niya¶y si Don Custodio, isangsangguni ng
lupon ang magdedesisyon.

Pecson: Papaano kung laban sa atin ang desisyon?

Macaraig: Sinabi ko rin iyan kay Padre Irene at ang sabi niya sa akin ay ganito, ³Malaki naang atin tinamo,
nagawa na natin na ang ating kahilingan ay maiumang sa isang kapasyahan.´Sinabi ni Padre Irene na kung
tayo¶y makikipagkilala kay Don Custodio ay magagawa natinghilingin ang kanyang pagsang-ayon.

Sandoval: Sa papaanong paraan naman tayo makikipagkilala sa kanya?

Macaraig: Dalawang paraan ang sinabi sa akin ni Parde Irene.

Pecson: (hihilain ang gilid ng mata) Ang intsik na si Quiroga!

Sandoval: (gigiling) Ang mananayaw na si (sabay sabay sasabihin ang pangalan)´ Pepay´!

Isagani:Tignan pa natin ang isang paraan. Maaari namang si Ginoong Pasta ang atinglapitan.

Sandoval: Ang abugadong hinihingian ng payo ni Don Custodio?

Isagani: Oo, siya nga. Isa siyang kamag-aral ng aking amain. Ang problema lang ay kungpapaano natin siya
lalapitan upang pakiusapan si Don Custodio na paburan tayo.

Macaraig: Hindi ba¶t si Ginoong Pasta ay may kalaguyong isang mananahi.


Isagani: Wala na bang ibang paraan bukod sa paghahandog ng kanilang mga kalaguyo?
Juanito: Huwag ka na ngang maarte! Isipin mo na lang ang kaginhawaang magagawa noon.Kilala ko ang
babae, si Matea.
Isagani: Hindi naman siguro masama kung atin munang susubukan ang mga paraang hindimahalay tignan.
Kakausapin ko si Ginoong Pasta. Kung ako¶y hindi magtatagumpay, tsakanatin gawin ang ibang paraan.
Macaraig: Marahil ay tama si Isagani. Kung gayoon, hintayin natin ang resulta ng pakikipag-usap niya kay
Ginoong Pasta.
Tadeo: (ituturo ang ngipin) Ginoong Pasta? Pasta!!!
Mga Estudyante: Hahahahahahahaha

(close curtain)

SCENE 9:
(open curtain)

(pumasok si Isagani sa opisina ni Ginoong Pasta)

(nagsusulat si Ginoong Pasta at lihim na tinignan si Isagani mula ulo hanggang paa)

Ginoong Pasta: Ikaw pala Isagani! Maupo ka. Kumusta na si Florentino? May kailangan kaba?

Isagani: Maraming salamat po. Maayos po ang lagay ng aking amain. (natigil sandali)

Ginoong Pasta: Sige, magpatuloy ka...


Isagani: Marahil ay narinig niyo na ang tungkol sa balak naming mga estudyante namagpatayo ng Akademya
ng Wikang Kastila.

Ginoong Pasta: Ito ay isang bayan ng mga plano at panukala!

Isagani: Nais naming humingi ng tulong sa inyo upang mapakiling si Don Custodio sa amin.

Ginoong Pasta: Oo! (napakamot sa ulo) Walang makakahigit sa akin pagdating sa pag-ibigsa tinubuang lupa
at paghahangad ng pagsulong, ngunit hindi maaaring sumulong ng ganun-ganon na lamang. Hindi ko alam
kung batid ninyo ang aking kalagayan, isang kalagayangmaselan; marami akong pag-aari, kailangang kumilos
na may lubos na pag-iingat,,,

Isagani: Hindi po maaaring hangarin naming ilagay kayo sa kagipitan. Ngunit kahit napaka-kaunti ang
nababatid ko tungkol sa batas, mga kautusang ±hari, mga lathala at mgakapasyahang umiiral sa ating bayan,
ay inakala kong hindi magkakaroon ng kaamaan angmakitulong sa mga adhikain ng pamahalaan. Iisa lamang
ang aming layunin at sa paraanlamang kami nagkakaiba.

Ginoong Pasta: Diyan nga nariyan and suliranin, sa karaniwang sabi. Ang gumawa ng isangbagay na laban
sa kanyang mga panukala ay makasusugat.

Isagani: Inakala ko na ang pamahalaan ay dapat humanap ng matibay na saligan.

Ginoong Pasta: (itinaas ang nakayukong ulo) Binata, nararapat na iwanan sa isang tabi angmga hakbang na
iyan, sapagkat mapanganib. Dapat pagkatiwalaan ang pamahalaan.

Isagani: Paumanhin! Naintindihan ko na ang nais ninyong sabihin... (may kung anong hinahanap si Ginoong
Pasta)
Isagani: Kung gayon... (tumindig na) Mauuna na po ako!

Ginoong Pasta: Tsk tsk tsk (natigilan) Kaawa-awang binata! Ako man ay nagkaroon ngganoong kaisipan. Ang
tagumpay ay hindi nagbibigay ng kapanatagan sa kaisipan. Ang bawatbansa ay may sariling pagpapahalaga
gaya ng pagkakaroon ng sariling klima at mga sakit.Kaawa-awang binata! Kung lahat ay nag-iisip na gaya
niya, ay hindi ko sasabihing hindi...Kaawa-awang binata! Kaawa-awang Florentino!

(close curtain)

SCENE 10:
(open curtain)

(nakaupo si Don Custodio at naghihintay)


(sound effects: gabi)

Don Custodio: (tingin ng tingin sa paligid at sa relo) Napaka tagal naman... may meeting paako... (sasayaw si
Pepay sa gilid)(mapapalingon si Don Custodio at pinag-papawisan)

Pepay: (seductive na lalapit kay Don Custodio) Custodoni..... Custodoni...!!! (ihihipan ang tenga ni Don
Custodio)

Don Custodio: Pumunta lamang ako dito upang sabihing huwag muna tayo magkita...nagkakagulo ang mga
estudyante ngayon at baka ako¶y paman-manan.
Pepay: Custodoni my labsss.... ikaw naman eh... (naka upo sila: lalayo si Custodio, lalapit si Pepay hanggang
sa tumayo si Custodio at mahulog si Pepay sa upuan)

Pepay: (tatayo agad) Custodoni naman eh... pa kiss nga... sige na.....!!! (hinila si Don Custodioat kumandong)

Don Custodio: Ano ka ba baka naman may makakita sa atin (kunwari pa pero yayapusin dinsi Pepay)

Pepay: Custodoni... alam mo kasi namatay ang aking tiyahin at kailangan namin ngpampalibing....

Don Custodio: Tiyahin? Hindi ba¶t tatlong taon nang patay ang tiyahin mo?

Pepay: Ayyy!! Yung kapatid pala nang tiyahin ko.... Sige na kahit 500 lang...

Don Custodio: Oh heto! Sanlibo wala akong barya eh...

Pepay: Salamat Custodio (hahalik kahit beso beso lang at biglang aalis)

Don Custodio: Pepay!!! Tignan mo iyon pera lang yata ang ipinunta sa akin... tsk tsk tskpaano na ako
ngayon?

(close curtain)

SCENE 11:
SA TAHANAN NG HENERAL

(open curtain)

Padre Camorra: Heneral! Ang anak na dalaga ni Kabesang Tales ay bumalik dito at hinilingang paglaya ng
kanyang nunong may sakit! Ikatlong araw na siyang naparirito, siya’y isangkahabag habag na dalaga!
Heneral: Hala! Sulatan mo ang tenyente ng guwardiya sibil upang palayain ang nuno ngdalaga! Hindi na nila
masasabing tayo’y walang habag!

SCENE 12:
PATUNGONG UNIBERSIDAD
JuanitoPelaez: Kamusta ang bakasyon, Placcido? Paano ka nag-aliw?

PlacidoPenitente: Ganoon, Ganito! Heheh at Ikaw?Napakabuti! Inanyayahan ako ni Padre Camorra ang kura
ng Tianni ng siang hapunan. Angdaming magagandang dalaga roon! Nakilala ko roon ang katipan ng
estudyanteng si Basilio! Ang pangalan niya ay Juli at napakaganda! Ngunit masungit din naman.

JuanitoPelaez: Oh kamusta ang bakasyon Isagani!

Isagani: Mabuti! Mabuti!


( Bababa sa karuwahe si Donya Victorina at Paulita) (Ngingitian ni Paulita si Isagani)(close curtain)
SCENE 13:
NAGHANDOG NG HAPUNAN SI QUIROGA
Simoun:Ano Quiroga? Kamusta ang iyong negosyo?

Quiroga: Ah, Sinyo Simoun, mahilap! Mahilap na an akien negosyo!

Simoun: Sukat na ang daing, Quiroga, iniligtas kita sa maraming opisyal na humihingi sa iyong pero!
Pinautang ko sila upang ikaw ay hina bagabagin!

Quiroga: Pelo, Sinyo Simoun, malami ang may utang sa akien na di ko na masingil. Wala dinmigay sa akien
lisibo kaya hiende niyo sila masisingil din.

Simoun: Kung gayo¶y ilapit mo na lang sila sa akin. Halika¶t sa silid tayo magusap. Kailangankong maipasok
ang ilang kahon ng mga baril at itago sa kamalig!

Quiroga: Mapanganib iyon sinyo simoun!

Simoun: Hindi ka manganganib bahagyaman! Ang mga baril na iyon ay unti-unting itatago samga bahay-
bahay, pagkatapos ay gagawin ang paghahalughog at marami ang makukulong sabilangguan! Ngayon ikaw at
ako ang makikinabang ng malaki sa pagsisikap na mapalaya angmga bilanggo- nauunawaan mo ba ko
Quiroga?

Quiroga: Siya siya.. Basta Juli malami tao, hah, sinyo Simoun..Utos Lekisa; hah?

(close curtain)

SCENE 14:
(open curtain)

(Inaya ni Simoun sina Ben Zayb, Padre Camorra, Padre Salvi, Quiroga, DOnya Victorina, DonCustodio at
Paulita na pumunta sa piyesta ng Quiapo)

PlacidoPenitente: Pelaez, Sino ang magandang dalagang iyon na kasama ni DonyaVictorina?

JuanitoPelaez: Iyon si Paulita Gomez na kanyang pamangkin.


(Magkasama si Isagani at Paulita sa likod si Victorina)

Padre Camorra: Napakagandang dalaga! At kasintahan pala niya¶y aking estudyante!

Mr. Leeds: Ako si Mr. Leeds mga ginoo! Nais ba ninyong Makita ang espinghe? Kung gayo¶yhalina kayo sa
loob! Ang kahong ito ay galling sa piramide ni khufu! Noong una ko itong nakita ay may lamang aboat isang
putol na papel, at doon sa papel na iyon ay natuklasan ko ang katagang lubos namakapangyarihan! Sa isang
kataga ay bubuhayin ko ngayon ang alabok na laman ng kahon«DEMEROF!

Imuthis: Ako si Imuthis! Isinilang ako nuong panahon ng Ameses at namatay noongpananakop ng mga Persia
ng panahon ng Cambyses! Sa paglalakbay ko sa Babylonia aynatuklasan ko ang lihim ng mapagpanggap na
haring si SMerdis Sa takot niyang ipamalita koang kanyang lihaim. Ipinanganyay niya ako sa sa pamamagitan
ng tulong ng mga paringehipsiyo! Noong panahong iyon, ang mga pari¶y makapangyarihan at siyang
namamahala!Umibig ako noonsa isang dalagang anak ng pari! Siya¶y minimithi rin ng pari ng Abydos at
angginawa¶y lumalang ng kaguluhan at sinangkalan ang pangalan ko! Ako¶y nasakdal sa
salangpaghihimagsik! Sa pagtakas ko ako¶y hinabol at pinaguusig hanggang ako¶y mapatay ssalawa! Buhat
sa kabilang buhay ay nakita ko ang tagumpay ng pagparaya¶t panlilinlang! Nakitakong pinaguusig gabi¶t araw
ang dalaga kong iniibig sa templo ni isis, SI Philae! Tinutugis siyang pari ng Abydos na walang tigil(Tititig kay
Padre Salvi) Ang tumutugis ay parang malakingbayakang humahabol sa isang munting kalapati! Baliw sa takot
at pagtitiis ang kaawa-awangdalaga! Ah, Pari ng Abydos, nabuhay akong muli upang isiwalat ang iyong
kabuktutan! PARING ABYDOS! MAMAMATAY! KAPASTANGAN SA KABANALAN! MAPANIRANG PURI!
HAHAHA!! MAMAMATAY!!! MAPANIRANG PURI! ISINASAKDAL KITA LAPASTANGAN SAKABANALAN!!
HAHAHAH!!!
(Mahihimatay si Padre Salvi)

(close curtain)

SCENE 15:
(open curtain)
Simoun: Kamusta na si Kapitan Tiago?

Basilio: Mahina nag pulso, walng ganang kumain. Kumalat na ng tuluyan ang lason sakanyang katawan.

Simoun: Parang Pilipinas, habang tumatagal, lalong humihina. Napansin kong hindi mobinabasa ang librong
ibinigay ko sa iyo. Wala kang pagmamahal a bayan.Sa loob lamang ngisang oras, magsismula na ang
himagsikan, at bukas ay wala nang mga unibersidad, wala ngmga mag-aaral at magpapahirap. Naparito ako
dahil sa dalawang bagay ang kamatayan mo oang iyong kinabukasan. Sa panig ng umaapi sa iyo o sa panig
ng iyong bayan?

Basilio: Sa panig ng umaapi o sa panig ng inaapi? Hindi ko alam.

Simoun: Magpasya ka! Kailangan mo nag mag-desisyon, dahil ako ang namumuno sapagkakagulo.
pakikiusap ko sayo na samantalahin mo ang pagkakataon. Pamahalaan mo angisang hukbo at lubusin ninyo
ang Sta. Clara.Kukunin mo ang isang taong tanging ikaw lamangang nakakakilala bukod kay Kapitan Tiago, si
Maria Clara.

Basilio: Julina kayo!

Simoun: Anong ibig mong sabihin?

Basilio: Si Maria Clara ay patay na!

Simoun: Patay? Hindi! Papaanong nangyari ito?


Basilio: Ika-anim ng hapon nang siya ay mamatay. Naparoon ako sa kumbento upangmakibalita nang sabihin
nila sa akin ang lahat. Pagbalik ko ay isang lliham mula kay PadreSalvi na ipinaaabot kay Kapitan Tiago ang
dala ni Padre Irene. At dahil na rin sa sulat na itokung kaya¶t nanangis ang Kapitan.

Simoun: Hindi maaari ito! Hindi pa siya patay! Buahy pa si Maria Clara! Ililigtas ko siyangayon!

Basilio: G. simoun, huminahon kayo. Wala na tayong magagawa liban sa tanggapin angkatotohanan.

Simoun: Namatay siya nang hindi man lamang nalalamang ako¶y buhay! Namatay siya nanghindi nalalaman
na ako¶y nagbalik para sa kanya!
(At si Simoun ay umalis nang parang wala sa kanyang sarili.)
(MAglalakad si Maria Clara)

Basilio: Kaawa-awang tao. Labis siyang naghirap. Nagtiis siya ng napakahabang panahonpara sa kanyang
iniibig. At eto ang kanyang nakuhang ganti. Sadyang nakakapanghina nangdamdamin.

(close curtain)
SCENE 16:
(open curtain)

(nakaupo si Isagani sa isang medyo tagong bangko)


(dumaan sina Paulita, Juanito at Doña Victorina)
 
Doña Victorina: (nakakapit kay Juanito at feel na feel ang date nila)
kay ganda ng gabi... hindiba Juanito... kay sarap maglakd sa ilalim ng buwan. Kung sana¶y...
(lumapit kay Isagani at  pinalo ng pamaypay)
Hoy binata! Ano na ang balita sa esposo kong si Tiburcio Pilantod! Hindiba¶t ikaw ang nahilingan kong
humanap sa kanya. Baka alam ng tiyuhin mo kung nasaan ito! Aba¶y sabihin niyo na kung buhay pa siya o
patay na... nang makapag asawa na muli ako
(titingin kay Juanito at hihigpit ang hawak)
(mukha namang naasiwa si Juanito sa sinabi ngunit ngumiti na rin ito)(lihim na hinahawakan ni Juanito ang
kamay ni Paulita ngunit ito¶y pumipiglas)

Isagani: Paumanhin señora ngunit wala pa rin po kaming balita tungkol sa inyong asawa
(galit na nakatingin kay Juanito at Paulita)

Paulita: Siya nga naman tiya. Bigyan niyo pa ng oras si Isagani na kayo¶y matulungan. Siyanga pala tiya
mauna na kayo ni Juanito kung maaari sapagkat nahulog ko yata ang akingabaniko
(tinatago lang sa likod)

Doña Victorina: (pilit na sinisilip kung ano ang nasa likod ni Paulita)
Mabuti pa siguro atmauna na nga kami ng mucho gwapitong binatang ito at magkasarilinan! Juanito!!! Come
onbaby!! Come to mama!! (hihlain si Juanito papalayo)
Halika na nga kasi at baka magbago paang isip ng pamangkin ko at hindi kita masolo.

Isagani: At bakit kasama mo na naman ang binatang iyon? Napapansin kong madalas kayonglumabas ng
magkasama, tila may hindi ka sinasabi sa akin.
(tatalikod sa kasintahan at uuposa bench)

Paulita: (aamuhin ang nobyo) Nagseselos ka ba mahal ko? Hindi ko naman nais na lagi siyangmakasama.
Ngunit si lagi siyang iniimbitahan ni Tiya Torina sa tuwing kami¶y lalabas.
(uupo satabi ni Isagani) Huwag ka nang magtampo sige na.... Gumawa naman ako nang paraan paratayo¶y
mapag-isa hindi ba? Upang makasama ka kahit saglit lang ay nagawa kongmagsinungaling kay Tiya Torina.
(tatayo si Isagani ngunit nakatalikod pa rin kay Paulita)

Paulita: (siya naman ang tatayo at nakatalikod sa nobyo)


Ikaw nga eh! Kanina ko pa napupunana pinag-mamasdan mo ang isang dalagang Pranses.
(lalapit si Isagani na akmang magsasalita ngunit tumalikod din nang mapansing paharap naang kasintahan)

Isagani: Huwag mong ipasa sa akin ang sisi... at hindi ko alam ang sinasabi mo tungkol saPranses na dalaga.
 (lumingon si Paulita ngunit tumalikod din nang mapansing paharap na ang kasintahan)

Paulita: Kung gayon ay ako pala ang mali...

Isagani: (lalapit at yayakapin ang nobya) Paulita alam mo namang para sa iyo lamang angaking mga mata.
(haharap si Paulita holding hands at eye to eye) Ikaw lamang angpinakananais nitong masdan at titigan. Alam
mo namang simula ng makilala kita ay ikaw naang pinakamaganda sa aking paningin na noon ay sa bayan ko
lang inuukol. Ngayon aymasasabi kong kulang ang ganda ng aking bayan kung wala ang iyong kagandahan.
Daratingang panahon at magiging malaya na ang Pilipinas at pagdating ng panahong iyon sakalamang
makukumpleto ang aking kaligayahan at mga pangarap.
Paulita: (pipiglas sa holding hands) Pangarap! Pangarap! Sinabi ni Tiya Torina na lagi rawalipin ang bayang
ito. (bumalik na si Juanito at Doña Victorina)

Doña Victorina: (nakakapit kay Juanito at may hawak na barbecue)


Sige na Juanito hijo...kahit isang kagat lamang...

Juanito: Hindi na po senyora. Wala po akong gana...

Doña Victorina: Walang gana?! Lagi na lang walang gana!!


(lumapit kay Pauilta at hinila ito)
Halika na Paulita at umuwi baka masyado ka nang nahamugan!

Paulita: Dahan dahan Tiya Torina! Magandang gabi at paalam Isagani...


(sabay hawak sa naghihintay na braso ni Juanito)

Isagani: Amor, que astro eres?


Kay hirap mo nang abutin.

(close curtain)

SCENE17:
(open curtain)

(Sa isang pansiterya na nagngangalang Pansiteria Macanista de Buen Gusto. Ang mgaestudyante ay


nagtipon-tipon dahil sa pare-pareho silang masasama ang loob pagkat sila¶y nabigo sa kanilang panukala
ukol sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila.)

Lahat ng mga estudyante: Luwalhati kay Don Custodio sa kaitaasan at pansit sa lupa samga binatang may
magagandang kalooban!

Sandoval: Bakit hindi pinaburan ni Don Custodio ang ating hiling?

Macaraig: Walang nakakaalam niyan.


Juanito: Diba’t marami na siyang tagumpay? Bakit tayo¶y hindi man lamang niya hinayaangmagtagumpay?
Mabuti naman an gating layunin. (Nang biglang dumating si Tadeo; si Sandoval ay kumakain.)

Tadeo: Alam niyo na ba? Ang mag-aalahas na si Simoun ay ginulpi ng mga di nakilalang mgatao. At ayaw
daw nitong magsalita! Marahil ay nagbabalak maghiganti. Sabi ng ilan sa bayan,mga prayle daw ang may
kagagawan.

Sandoval: sino ba naman sa atin ang may interes sa nangyari sa mag-aalahas na walngibang nais kundi
samsamin ang mga salapi ng mga Pilipino. Tena kayo! Ang sarap ng mgapagkain.
(Hindi pa nagtatagal nang dumating si Isagani)

Macaraig: Mabuti at nakarating ka. Si juanito na lang pala ang wala.

Tadeo: Sana’y si Basilio na lang an gating inanyayahan sa halip na si Juanito. Mukhang walaitong balak
pumunta.

Sandoval: Oo nga naman. Bakit nga ba hindi na lamang si Basilio an gating inanyayahan?
Tadeo: Isa pa, kapag nalasing natin si Basilio ay maaari pa tayong makakuha nang ilangdetalye tungkol sa
isang bata at isang mongha na nawawala.
(Lumipas ang ilang minuto nang kanilang paghihintay kay Juanito ay wala pa ito. Kayaminabuti na nilang
kumain. Habang nagkakainan ay nagkatuwaan ang mga mag-aaral.)

Tadeo: Para kay Don Custodio ang ³panukalang sopas´.

Sandoval: Kay Padre Irene naman ang lumpiang shanghai at ang tortang alimango ay sa mgaprayle.

Macaraig: Pansit guisado naman para sa bayan. Dahil katulad nang pansit ng mga Intsik, tayoang
tumatangkilik pero sila ng nakikinabang.Tulad n gating pamahalaan ngayon.

Isagani: Hindi! Dapat ialay ang pansit kay


Quiroga, isa sa pinaka-makapangyarihang tao saPilinas!

Sandoval: Dapat ay sa Eminencia Negra, kay Simoun!


(Nagpatuloy ang kasiyahan nila nang biglang)

Tadeo: Tignan ninyo! Hindi ba¶t iyon ang paboritong estudyante ng


Vice Rector?

Isagani: Masdan ninyo¶t sa karwahe ni Simoun ito sumakay!

Macaraig: Ang busabos ng Vice Rector  na pinaglilingkurang panginoon ang Heneral!

(close curtain)

SCENE18:
BAHAY NI KAPITAN TIYAGO

(open curtain)

Kapitan Tiyago: Diyata’t si Basilio dinakip, Padre Irene?

Padre Irene: Oo ngunit huwag sana kayong mabahala, Kapitan! Makasasama sa inyo!
(Pipilitintumayoni kapitan tiyago) Kapitan TIyago Huwag!Patay na siya! Pagpalain nawa ang kanyang
kaluluwa!

SCENE19:
Juli: Ano ang wika ninyo Hermana Bali? DInakip si Basilio?

Hermana Bali: Oo Juli! Nakabilanggo siya ngayon kasama ng ibang mga estudyante!

Juli: Hindi! Si Kapitan Tiyago naman ay pata na! Sino pa ang nalalabing tutulong kay Basilio?Sino!

Hermana Bali: SI Padre Camorra, hindi ba siya ang nagpalaya sa iyong Lolo Selo?Hingan mo siyang muli ng
tulong! Tiyak na mapapalaya niya si Basilio!

Juli: Diyos ko! Tulungan mo po si Basilio!

Padre Camorra: Juli!


Juli: Kailangan kop o ang inyong tulong Padre Camorra! Tungkol poi to kay Basilio!

Padre Camorra: Aking tutuparin kung ako¶y iyong pagbibigyan. (Babatuhin ng bote ni Hermana Bati si Padre
Camorra at sasampalin ito ng Padre at makakatakas si Juli paakyat sa kumbento at tatalon sa bintana ng
kumbento)(Mabilis na lumipas ang oras. Araw na ng kasal ni Paulita kay Juanito. Nakalaya na rin si Basilio.
Agad na tinungo ni Basilio ang bahay ni Simoun.)

Basilio: Isa akong masamang anak at kapatid G. Simoun. Nakalimutan kong piñata ang akingkapatid at
pinahirapan ang aking ina. Ngayo¶y pinaparusahan ako ng Diyos. Wala na akongnararamdaman kundi galit at
paghihiganti. (Hindi kimubo si Simoun.)

Basilio: kahit noong may himagsikan ay hindi ako nakialam. Nabigo sila at ako¶y nakulangkahit wala akong
kasalanan. Iyon ang parusa sa akin. Narito ako sa labas nang dahil sa inyo.Ngayon, handa na ako. Handa ko
nang ipagtanggol ang bayan.

Simoun: Nabigo ang kilusan ng dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga desisyon,dahil umiibig pa
ako noon. Ngayong patay na ang aking puso wala ng dahilan para umatras.Pareho na tayo ngayon. At sa
tulong mo ako¶y magtatagumpay. Magsasabog ako ngkamatayan sa gitna ng bango at rangya, ikaw nama¶y
gigising sa mga kabataan sa gitna ngdugo. (Isinama ni Simoun si Basilio sa loob ng kanyang laboratory.
Ipinakita niya dito ang kanyang mga gamit at eksperimento sa kemika. Sa loob ng laboratoryo ay makikita ang
isang lamparana may kakaibang hugis.)

Basilio: Para saan naman po ang lamparang iyan?

Simoun: Hintayin mo. (Pagkaraan ay inilabas ni Simoun ang isang lalagyan na may nakasulat na
nitrogliserina, isang  pormula na ginagamit sa paggawa ng dinamita.)

Basilio: Dinamita!

Simoun: Oo, ngunit hindi ito basta-basta dinamita. Ito ang mga kasawiang naimbak, mgakagagawang walang
katwiran at mapang-api. Ngayong gabi, makakarinig ng pagsabog angPilipinas at mapaparusahan ang mga
makasalanang hindi magawang parusahan! (Ipinagpatuloy ni Simoun ang ginagawa.)

Simoun: Mamayang gabi ay magkakaroon ng pista. Ilalagay ang lamparang ito sa gitna nghandaan.
Napakaningning nang liwanag na ibibigay nito, ngunit pansamantala lang.pagkaraan ng dalawampung minuto,
mawawala ang ilaw ng lampara. Kapag inayos ang mitsa,sasabog ang bomba!

Basilio: Kung gayo’y hindi na pala ninyo ako kailangan.

Simoun: Iba ang iyong gagawin. Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga artilyero at iba pangkinasundo
konoon. Pupunta ang lahat sa lugar na kinaroroonan ni Kabesang Tales sa Sta.Mesa. Sabay-sabay na
susugod ang lahat. Magkakagulo at ang mga mamamayan ay nanaisinna ring lumaban. Ikaw ang mamumuno
sa iba. Dalhin mo sila sa bahay ni Quiroga dahil doonnakaimbak ang mga baril at pulbura. Kami naman ni
Kabesang Tales ay susubukang agawinang tulay. Mamamatay ang lahat ng mahihina! Ang lahat ng hindi
handa!

Basilio: Lahat? Kahit ang mga walang laban?

Simoun: Oo! Lahat! Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangang magsimulamuli. Mula sa
mga dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahi! Isang bagong lipunan na kahitkailan ay hindi na magpapa-
api!

Basilio: At ano na lang ang sasabihin ng mundo sa gagawin nating ito?

Simoun: Pupurihin tayo ng daigdaig!


Basilio: Ano nga naman ang aking pakialam! Bakit ko kailangang isipin kung pupurihin nila itoo hindi? Bakit
ko kailangang linagpin ang mundong kalian man ay hindi lumingap sa akin!

Simoun: Tama ka! (Inabot ni Simoun ang isang rebolber kay Basilio.)

Simoun: Hintayin ninyo ako sa tapat ng simbahan ng San Agustin, ika-10 ng gabi. Lumayokayo sa Daann
Analogue sa alas-nuwebe.

Basilio: Kung gayo¶y magkita na lamang tayo mamaya. (At tuluyan nang umalis si Basilio.)

(close curtain)

SCENE 20:
(open curtain)

Doña Victorina: Napaka ganda mo ngayon hija!!! Magnifico!! Bonito! Bonito!  Hija!! Kamukhana kita ngayon.
Maganda. Iba na talaga pag lahi ng magaganda!!!

Paulita: Salamat Tiya. (maglalakad si Paulita patungong altar at sasalubungin ni Juanito)

Padre Irene: Sa ngalan ng ama, ng anak at espirito santo. (magdarasal na parang may ginagawang ritwal o
pray over) Juanito, tinatanggap mo ba bilang asawa ang babaeng ito,magsasama ng tapat sa hirap at ginhawa
habang buhay hanggang sa kamatayan?

Juanito: Opo Padre.

Padre Irene: Paulita, tinatanggap mo ba bilang asawa ang lalakingito, magsasama ng tapat sahirap at
ginhawa habang buhay hanggang sa kamatayan?

Paulita: Opo Padre.

Padre Irene: Ngayon... kayong dalawa ay kasal na.

EXTRA: Wala ba kayong mga kamay?!

Juanito: (itataas ang belo ni Paulita) (hahawakan ang pisngi ni Paulita) (daha dahang ilalapit ang mukha)
May dumi ka sa mukha. (papagpagin ang dumi at ibababa ulit ang belo

SCENE21:
(Alas-siyete na ng gabi. Nagsimula nang dagsain ng mga panauhin ang bahay ni KapitanTiago, na
pagdadausan ng kasal nila Paulita at Juanito. Ang pagdating ng Kapitan Heneral nalamang ang hinihintay
upang magsimula ang pista. Sa harap ng bahay ay naroon si Basilio at nagmamasid.)

Simoun: Si Paulita ay ikakasal na pala kay Juanito Pelaez! Kaawa-awang Isagani!

Basilio: Ang dami palang mamamatay sa pagsabog na magaganap. Kaawa-awa naman sila.Payuhan ko na


lamang kaya ang ilan na umalis upang hindi madamay.

(Papalapit na siya sa bahay.)


Basilio: Hindi! Ano naman ngayon sa akin kung mamamatay sila! Hindi ko dapat sirain angpagtitiwala niya.
Siya ang naglibing sa aking ina at ang mga tao sa loob ng pumatay!Sinubukan kong kalimutan ang lahat!
Magpatawad, pero ang lahat ay may hangganan din!
(Nakita niya ang pagdating ni Simoun dala ang lampara.Pagdating ng Kapitan Heneral ay isasi Simoun
sa sumalubong. Kinilabutan bigla si Basilio. Nakita niyang pinaligiran ng mga taong mangha sa liwanag na
binibigay ng lampara.)

SCENE22:

Simoun: Ito ang handog ko sa bagong kasal!

PaulitaGomez: Napakagandang ilawan!

JuanitoPelaez: Maraming Salamat Don Simoun.

PaulitaGomez: Maaari nab a naming itong magamit?

Simoun: oo, bakit hindi? Ilagay ninyo roon sa kainan (aalis si SImoun)

Scene23:
Basilio: Hindi sila dapat madamay! (Pumunta si Basilio sa pintuan at sinubukang pumasok.)

Basilio: Papasukin nyo ako! Ililigtas ko sila!

Tanod: Hindi ka maaaring pumasok dito! Tignan mo nga iyong suot!

Basilio: Papasukin ninyo ako! (Nakita ni Simoun si Basilio. Bigla itong namutla sa kaba. Bigla itong umalis.)

Simoun: Tayo na sa Escolta, madali! (At tuluyan nangnumalis si Simoun)

Basilio: Ililigtas na niya ang kanyang sarili. Dapat na rin akong umalis.
(Nagsimulang lumakad palayo si Basilio. Kanyang nakasalubong si Isagani sa daan, patungosa pista.)

Isagani: Anong ginagawa mo dito?

Basilio: Isagani! Tarana! umalis na tayo dito!

Isagani: Bakit ka aalis? Puntahan natin siya. Iba na siya bukas. Ibig ko siyang makita.

Basilio: Gusto mo na bang mamatay?

Isagani: Hindi ko alam.

Basilio: Makinig ka! Ang lampara sa loob ay may lamang pulbura! Sasabog iyon ano mangoras ngayon!
Tarana!

Isagani: Bukas ay iba na siya«.

Basilio: Kaawaan ka ng Diyos.


Scene 24:
(At iniwan ni Basilio ang kaibigan upang iligtas ang sarili. Sa loob ng bahay ay nagkakainan naang mga bisita
nang may nakita silang papel.)

KapitanHeneral: Nakasulat dito, ³ Mane thecel, pares´  ± Crisostomo Ibarra.

Ben Zayb: Isang biro lang iyan!

Donya Victorina: hindi magandang biro! Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal nangnamayapa!
(Binasa ni Padre Salvi ang liham.)

PadreSalvi: Si Ibarra! Siya ang nagsulat nito! Sulat kamay niya ito!

KapitanHeneral: Ituloy ang kasiyahan! Walang dapat ipangamba. Walang kwenta angganyang biro.

Don Custodio: Hindi kaya nais niya tayong patayin lahat?


(Hindi kumibo ang lahat. Nang biglang mamatay ang ilaw sa lampara.)

KapitanHeneral: Padre Irene, pakitaas na lamang ang mitsa.

Padre Irene: Isang saglit lamang.


(Bago pa man makatayo si Parde Irene, isang anino ang lumapit at kumuha sa lampara.)

Padre Irene: Magnanakaw! Habulin ninyo ang magnanakaw!


(Dumiretso ang magnanakaw sa asotea ng bahay at tumalon sa ilog kasama ang lampara.Ilang saglit pa ay,
isang nakagigimbal na pagsabog ang narinig.)

SCENE 25:

(Napagalaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat. Hinalughog ang kanyang bahay at nakita


dito ang ilang armas at bulbura. Pinaghahanap na siya ng mga sibil. Ayaw niyang magpaJuli ng buhay
kaya uminom siya ng lason at nagtungo kay Padre Florentinoupang mangumpisal.)

Padre Florentino: Masama ba ang inyong pakiramdam?

Simoun: Wala ito Padre, mawawala din ang lahat pagkaraan ng ilang sandali. Anumang orasay tatalab na ang
lason sa aking katawan.

Padre Florentino: Diyos ko!

Simoun: Huwag kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa inyo ang akinglihim. Maaari mo
bang sabihin sa akin kung totoong may Diyos?

Padre Florentino: Kahit saan tayo nagtungo nariyan ang Diyos.

Simoun: Padre, ayokong mamatay ng may dalang kasamaan! Ako si Crisostomo Ibarra, namalaon nang
ipinapalagay na patay. Noong araw, pagkatapos kong mag-aral sa Europa ayumuwi ako rito upang pakasalan
ang babaeng iniibig kong si Maria Clara. Ngunit ito¶y hindinatupad.

Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginusto ang lahat, naikaw ay nasilaw
lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat nang nangyari. Hindinagtagumpay ang iyong plano
nang dahil sa Kanya. Sapagkat alam Niyang hindi ito tama.Igalang natin ang Kanyang kapasyahan.
Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?

Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kalian man ay hindi Siyanaghangad ng
masama para sa atin.

Simoun: Kung gayon, bakit hindi Niya ako tinulungan?

Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang nakakagawa ngdakila.

Simoun: Bakit ako ang pinarurusahan at hindi ang mga masasamang namamahala na walangdulot kundi
kasamaan?

Padre Florentino: kailangang alugin ang lalagyan para humalimuyak ang bango.
(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa pinisil ni Simounang kamay ng
pari.)

Simoun: Maraming salamat Padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban.

(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florentino at tuluyan itong nawala sa pagkakahawak. Kinuha ni
Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun at nagtungno satalampas. Inihagis ni padre Florentino ang
kaymanan ni Simoun sa karagatan.

SCENE 26 :
Padre Florentino: Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat« ngunit kung kakailanganin kang tao para sa
isang marangal na hangarin, ipahintulot ng Diyos na matuklasan ka sasinapupunan ng alon. Pansamantala,
diyan ka muna, hindi makababaluktot ng katwiran, hindimag-uudyok ng kasakiman.

(Magsasagwan lahat at si SImoun ang maglalayag ng BAPOR.)

EL FIILIBUSTERISMO CHARACTERS:

Don Simoun: Tadeo:


Donya Victorina: Tano:
Paulita Gomez: Guwardiya Civil:
Ben Zayb: Juli:
Don Custodio: Imuthis:
Padre Salvi: Hermana Penchang:
Padre Millon: Hermana Bali:
Padre Camorra: Kapitana Tika:
Padre Irene: Sinang:
Kapitan: Macaraig:
Kapitan Basilio: Placido Penitente:
Basilio: Juanito Pelaez:
Isagani: Sandoval:
Padre Florentino: Pepay:
Ginoong Pasta: Quiroga:
Padre Sibyla: Mr. Leads:
Tata Selo:

You might also like