Impormatibo: Volleyball

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

VOLLEYBALL

Impormatibo

Orihinal na kilala bilang "mintonette," volleyball ay ang utak ng Amerikano William G.


Morgan, na dumating sa ideya para sa bagong sport sa 1895.Hanggang sa unang
bahagi ng 1930s volleyball ay para sa karamihan ng bahagi ng isang laro ng paglilibang
at libangan, at nagkaroon lamang ng ilang mga internasyonal na mga gawain at
kumpetisyon. May iba't ibang patakaran ng laro sa iba't ibang bahagi ng mundo;
gayunman, ang mga pambansang kampeonato ay nilalaro sa maraming bansa
(halimbawa, sa Silangang Europa kung saan ang antas ng paglalaro ay nakarating sa
isang kahanga-hangang pamantayan). Ang palaro ay gumawa ng isang malaking
hakbang pasulong sa 1947 sa paglikha ng Federation Internationale De Volley-Ball
(FIVB). Pagkaraan ng dalawang taon ang inaugural World Championships ay naganap
sa Prague, Czechoslovakia. Nag debut ang volleyball sa Tokyo 1964, kung saan kinuha
ng USSR ang men's gold at ang host nation ang nagwagi sa women's competition.
Beach volleyball, na kung saan ay ang kanyang mga pinagmulan sa mga beach ng
California pabalik sa 1930, ay kailangang maghintay hanggang 1996 para sa kanyang
pagsasama sa Olympic programa, at ito ay nakatulong dalhin ang pandaigdigang pag
abot at katanyagan ng sport sa isang bagong antas.

Ang volleyball o balibol ay isang larong pangkoponan, kung saan ang dalawang


magkatunggaling koponan ay pinaghihiwalay ng net. Tinatangka ng bawat isang
koponan na magkaiskor ng puntos sa pamamagitan ng pagpapatama ng bola sa court
ng kalabang koponan alinsunod sa mga nakabalangkas na tuntunin. Nagsimula itong
maging bahagi ng opisyal na programa ng Summer Olympic Games noong 1964.
Ang larong volleyball ay isang larong palakasan na binubuo ng 12 manlalaro na
mayroong “spiker”, “setter”, “lebero”, “team captain”, at “blocker”. Kapag naglalaro
naman ng larong ito may 6 lamang na manlalaro ang pwedeng maglaro sa loob ng
“court” o ang lugar kung saan ito ginaganap. Ang nag-imbento naman ng larong ito ay
si William G. Morgan noong 1895 sa Holyoke, Massachusette, United States. Dati itong
tinatawag na Mintonette ngunit kalaunay tinatawag na ring Volleyball.
Reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan
nito:

Sarili- ayon sa aking karanasan sa paglalaro ng volleyball, nakatutulong ito sakin


upang magkaroon ng mga kaibigan at upang mapasaya na rin ang aking sarili. At higit
sa lahat magiging kilala ka sa lugar na iyong napaglaruan kung kung ikaw ay mahilig
mag laro ng larong ito.
Pamilya- Kapag itinuloy mo ang iyong pag-ibig para sa isport ng Volleyball, tiyak na
magkakaroon ito ng epekto sa habang-buhay na fitness ng iyong pamilya. Mapapasaya
mo ang iyong mga magulang at mga kaibigan kung pare-parehas kayong nakapaglaro
na ito. Ngunit may masamang epekto ang paglalaro nito minsan, di nakakatulong ang
isang miyembro ng pamilya sa mga gawaing bahay na dapat gampanan dahil sa
inuunang maglaro ng isports na ito.
Kuminidad- ang paglalaro o pakikilahok sa larong ito sa inyong pinapasukang paaralan
ay napakagandang bagay gaya ng pagsali sa district meet dahil masarap sa pakiramdan
na maglaro na dala-dala ang panggalan ng paaralan na inyong ipinaglalaban. Ngunit
may masama pa rin itong epekto, dahil sa pagpapraktis nito ay madami kang naiiwang
Gawain mula sa ibang subject teacher.
Bansa- Ang volleyball ay isang team sport kung saan ang dalawang koponan na may
anim na manlalaro ay pinaghihiwalay ng net. Sinusubukan ng bawat koponan na puntos
sa pamamagitan ng pag ground ng isang bola sa korte ng kabilang koponan sa ilalim ng
organisadong mga patakaran. [1] Ito ay naging bahagi ng opisyal na programa ng
Palarong Olimpiko sa Tag init mula pa noong Tokyo 1964. Ang Beach Volleyball ay
ipinakilala sa programa sa Atlanta 1996. Ang adapted version ng volleyball sa Summer
Paralympic Games ay sitting volleyball.Malaki ang maitutulong ng mga manlalarong
nakalahok sa sa mga palarong Pambansa dahil kung sila ay patuloy na mananalo ng
sunod-sunod ay dun magiimpisang makilala ang bansang pilipinas.
Daigdig- volleyball ay ang utak ng Amerikano William G. Morgan, na dumating sa
ideya para sa bagong sport sa 1895.Hanggang sa unang bahagi ng 1930s volleyball ay
para sa karamihan ng bahagi ng isang laro ng paglilibang at libangan, at nagkaroon
lamang ng ilang mga internasyonal na mga gawain at kumpetisyon. Nakatutulong ito sa
katawan ng mga naglalaro ng isports na volleyball upang makapag ehersisyo.
Nakatutulong din ang isports na ito upang magkaroon ka ng tiwala sa sarili at para
magkaroon ng motibo sa sarili mon a kaya mong gumawa pa ng ibang bagay.
Filipino Recipe: Kalderetang Manok
Prosidyural

1 kilong manok, hiniwa ng katamtamang laki 1 lata ng liver spread


2 kutsarang bawang, pinitpit
1 katamtamang laking sibuyas, hiniwa-hiwa 1 tasang corn oil
1 siling pula, hiniwa-hiwa
1 maliit na lata ng tomato sauce
2 chicken buillion cube na tinunaw sa 2 tasang mainit na tubig
1⁄2 tasang biskotso (bread crumbs)
Bahagyang prituhin ang manok. Igisa ang bawang at sibuyas. Ibuhos ang sabaw ng
buillion. Hayaang kumulo hanggang lumambot ang manok. Idagdag ang liver spread at
tomato sauce. Isunod ang siling pula. Kapag naluto na ang lahat ng sangkap,lagyan ng
biskotso at timplahan ng naaayon sa panlasa.ihain habang mainit.
Reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan
nito:
Sarili- sa pamamagitan ng pagluluto nito ay napapasaya ko ang sarili ko at nakatutulog
din ito sa akin upang may maiambag naman ako sa aming tahanan kahit na pagluluto
lamang. At higit sa lahat may nakukuha tayong protina at ilang bitamina sa pagkain ng
karneng manok
Pamilya- mahalaga sa aking pamilya ang pagluluto ng kalderetang manok dahil ang
pagluluto ay isang pinaka importanting gawaing bahay ito rin ay kinakailangan natin
araw araw para hindi magutom at higit sa lahat ito ay nakasanayan na nating gawin sa
buhay
Komunidad- mahalaga ito sa komunidad gaya ng school sapagkat may tinatawag tayo
na TLE isang subject ng pag aaral na angkop ang pagluluto at kung maalam ka naman
ng magluto ng kalderetang manok ay may ipepresenta ka na sa iyong guro at higit sa
lahat ay mapapabilib mo sila sa iyong niluto
Bansa- malaking ambag ng lutong ito dahil ito ay kabilang sa luto ng mga Pilipino na
nakasanayan na ng libo libong tao sa bansa. At isa pa dito ay nabubuhay dito ang mga
taong nagluluto nito dahil sa sarap ng recipe nito at higit sa lahat ito ay
mapagkakakitaan ng pera
Daigdig- kung ang lutong Pilipino ay sisikat sa daigdig gaya ng kalderetang manok
may madaming tao ang uunlad dito. Malaking pakinabang sa mga tao ito bagkus ito ay
napapagkakitaan ng maliit man o malaking halaga
Makabagong Teknolohiya at Kalikasan
Naratibo
Sa ating panahon ngayon, kapansin-pansin ang pag-unlad ng paraan ng pamumuhay
na ating tinatamasa kumpara sa ating mga ninuno. Hindi maitatanggi na kalimitan sa
mga pagbabagong ito ay bunga ng modernong teknolohiya. Sa simula ay sapat ito at
kuntento tayo sa biyayang dulot nito sa ating buhay subalit sa paglipas ng panahon
dumarami ang ating mga pangangailangan. Ito ang naging dahilan upang umisip ng
paraan ang tao kung paano matutugunan ang mga pangangailangang ito. Ang mga
imbentor ay walang humpay sa paglikha dahil hindi nauubos ang pangangailangan ng
tao.
Sa tulong ng makabagong siyensiya at teknolohiya, nagbago ang pamamaraan ng ating
buhay pati na rin ang ating kapaligiran. Nakapaglalakbay ang tao sa kalawakan at
narating din ang ilalim ng karagatan. Sa isang saglit, agad naipararating ang mga
kaganapan saan mang sulok ng mundo sa pamamagitan ng internet at satellite. Kung
ating nanaisin ay maaari tayong makipag-ugnayan sa taong nais nating makausap dahil
mayroon na ngayong cellphone. Iba't-ibang gamot na panlunas sa mga nakamamatay
na karamdaman ang nalikha dahil sa makabagong teknolohiya. Dahil din sa agham at
teknolohiya kung bakit umunlad ang mga industriya na lumilikha ng ibat-ibang gamit sa
paghahanapbuhay at lumikha din ito ng mga trabaho para sa maraming tao.
Ang kalikasan ay naging mas kapakipakinabang dahil sa modermong teknolohiya. Isang
halimbawa ang mga talon o falls na pinalilinangan ng hydroelectric energy. Ang mga
bulkan ay napagkukunan ng geothermal energy na pinagmumulan ng elektrisidad. Ang
mga enerhiyang ito ay renewable, kaya sa makatuwid, ito ay matipid at di nakasisira sa
kapaligiran.
Ang kapakanan ng kapaligiran ay dapat laging isinasaalang-alang sa bawat paglikhang
isinasagawa. Dapat ang mga ito ay environment-friendly. Hindi dapat malagay sa
panganib ang buhay at kalusugan ng mga mamamayan at hindi makakasira sa ating
kalikasan.
Ang pagreresiklo ng mga waste materials ay isa sa pinakamahalagang solusyong
magagawa sa pagbabawas ng basura. Bukod sa maiiwasan din nito ang polusyon at
mga sakit, ito ay makapagbibigay pa ng kabuhayan sa mga tao.
Ang pagsulong ng makabagong teknolohiya ay maraming benepisyong naidudulot sa
tao. Ito ay nangangahulugan din ng kaunlaran. Pero kaakibat nito ay ang
responsibilidad sa ating kapaligiran. Dapat sa pag-unlad ng tao ay ang pag-unlad din ng
kalikasan. Huwag natin itong hayaang masira o ipagsawalang-bahala dahil sa
kagustuhan natin na mapagaan ang ating buhay. Ang mundo ay iisa lamang at ito ang
ating tahanan.
Reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan
nito:
Sarili- lubos kong nagagamit ang teknolohiya para makipag komunikasyan sa mga
taong kilala ko at upang makontak ang aking pamilya. At sa makabagong kalikasan
naman ay napakahalaga para sa akin, sa tulong nito ay nakakapaga produs ng tubig at
kuryente na araw araw kong gamit.
Pamilya- malaking tulong ang makabagong teknolohiya upang makapag usap kami
kahit di magkakasama at makontak sa oras ng emergency. Ang tulong ng kalikasan sa
aming pamilya ay mas nagiging maaliwalas ang aming bahay sa tulong ng kuryente.
Kaya naman ang ginagawa ng magulang ko ay magtanim at magalaga ng bagay ng
kalikasan
Kumunidad- malaking tulong ito lalo na sa aming barangay dahil magkakaroon tayo ng
kimunikasyon patungkol sa mga nadating na tulong gaya ng mga ayuda na makikita sa
aplikasyon sa FB post ang mga problema at mga tulong na ginagawa ng ibang tao.
Nagiging maliwanag ang aming barangay sa tulong ng kalikasan dahil sa kalikasan tayo
nakuha ng enerhiya na mapapakinabangan ng mga tao sa isang komunidad
Bansa-Ang kahalagahan ng teknolohiya ay mas napapadali nito ang buhay natin. Mas
naging agad agad ang mga prosesong dati’y mga ilang araw pa ang makakalipas bago
mo ito magagawa. kagaya nito ang pagsusulat ng liham at ipapadala sa ibang lugar.
maaari itong umabot nang 2 o ilang araw, depende sa kung saan mo ito ipapadala.
samantalang ngayon na mayroon na tayong internet, pwede mo nang ipadala ang
iyong sasabihin sa isang pindot lamang. Mahalaga rin ito sapagkat may mga bagay
tayong hindi nagagawa sa tulong ng teknolohiya maari na natin itong
magawa.Mahalaga na maalagaan ang kalikasan sapagkat ito ang pangunahing
pinagkukunan ng mga tao ng kanilang mga pangangailangan o ikabubuhay.
Nararapat na maalagaan ang kalikasan dahil kung hindi ito naalagaan ay baka
mawawalan ang mga tao ng kanilang kabuhayan. Halimbawa na lamang ay ang
pangingisda kung patuloy na alagaan ng mga tao ang kalikasan at karagatan ay
magiging maganda at malusog ang mga isda sa mga karagatan.
Daigdig- napaka halaga ng teknolohiya sa buong daigdig upang makapag
komunikasyan o makapag usap at makapag trabaho ng matiwasay sa tulong nito.
Nhunit ito ay may masamang epekto lalo na kung ang teknolohiya ay inaabuso
maraming tao ang nauulol sa sobrang paggamit ng makabagong teknolohiya. Mahalaga
din ang kalikasan sa buong daigdig dahil dito kumukuha ng pamunuhay ang
napakaramuing tao dito, at may masama din itong apekto dahil sa lubos ng pag abuso
sa kalikasan ay nauubos na ang ating yamang atin gaya ng mga puno nauubos na ito
dahil sa pag unlad ng ating ekonomiya
"Mapa"
Sulat ni: Maria Sebastian
Deskriptibo

Marahil ay maari ninyo akong tawaging "walang kwentang mag-aaral". Sa mahigit


sampung taon kong pamamalagi sa loob ng paaralan mula kinder hanggang grade 10
ay wala akong kongkretong plano para sa aking kinabukasan. Wala akong ibang inisip
kundi ang makalabas sa paaralan at pumapasok lamang dahil sa utos ng aking mga
magulang. Dahil sa kagustuhan ng aking mga magulang ay nagsikap pa rin ako upang
mapahanga ko sila at hindi dahil interesado ako. Hanggang sa natapos ko ang
elementarya bilang balediktoryan at nagkamit ng 'With High Honors' sa pagtatapos ng
junior high school. Subalit sa kabila ng lahat ng ito, wala akong malinaw na mapa na
aking tatahakin sakali mang matapos ko ang kolehiyo.
Sa pagtungtong ko ng senior high school ay kinailangan kong pumili ng strand kung
saan nakapaloob dito ang nais kong maging kurso sa kolehiyo na siya namang
magiging trabaho ko kapag nagtapos ako. Nais ko bang maging accountant o nais kong
maging inhinyero na siyang magtatayo sa matatayog na gusali? Sa pag-apak ko sa
paaralan ng Our Lady of the Pillar College-Cauayan, isinampal sa akin kung paano ako
naging pabaya sa pag-aaral. Mahigit apatnapung estudyante ang nagpatunay sa akin
kung gaano kalabo ang aking hinaharap. Bukod sa katalinuhang taglay ng aking mga
kamag-aral ay mas humanga ako sa kanila ng minsang tinanong kami kung bakit STEM
ang aming napiling strand. Kahangahanga ang kanilang naging sagot sapagkat
naramdaman kong pinag-isipan, pinag-aralang mabuti at pangarap nila ito noon pa man
samantalang ako ay hindi man lang sigurado sa strand na aking napili.
Dito ko napagtanto na hindi ko binigyang halaga ang papel ng edukasyon sa aking
buhay. Hindi ko naisip na edukasyon pala ang susi upang mabuksan ko ang mundo na
naghihintay sa akin sa kabilang ibayo. Ang nais ko lamang noon ay makawala sa
paaralan at tamasahin ang buhay na mayroon ako ngayon. Ang buhay natin ay pabago-
bago at hindi tayo makakasiguro na kung anong meron.
Reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at kabuluhan
nito:

Sarili- ang kahalagahan nito sa aking sarili ay magkaroon ng daan ang aking pag aaral
patungkol sa edukasyon. Ito ay nakakatulong upang mapayaman ang kaisipan,
lumawak ang karanasan, at nalilinang ang tiwala sa sarili
Pamilya- natutuwa ang magulang ko lalo na kung alam nilang tama ang pinaplano ko
sa aking buhay at ang pinapangarap ko na trabaho
Kumunidad- Sa pamamagitan ng edukasyon, nagiging mas mabuting mamamayan
ang mga tao, at natututo kung ano ang tama at mali. Ang pag-aaral ay nakakatulong
din sa pag-unlad bilang isang indibidwal, at makakatulong sa pagbuo ng mas mabuting
komunidad at lipunan. Ang mga pag-aaral ay sumasaklaw sa lahat ng mga lugar ng
pag-unlad ng tao, tulad ng agham, teknolohiya, at ekonomiya
Bansa- matutulungan ng edukasyon anh ating bansa upang mapalawig at mapaunlad
ito lalo at kung madaming pang mga tao ang maiimpluwensyahan ng edukasyon ay
dadami ang mga batang magkakapagtrabaho ng matiwasay sa darating na panahon
Daigdig-Sa pamamagitan ng edukasyon, nagiging mas mabuting mamamayan ang
mga tao, at natututo kung ano ang tama at mali. Ang pag-aaral ay nakakatulong din sa
pag-unlad bilang isang indibidwal, at makakatulong sa pagbuo ng mas mabuting
komunidad at lipunan. Ang mga pag-aaral ay sumasaklaw sa lahat ng mga lugar ng
pag-unlad ng tao, tulad ng agham, teknolohiya, at ekonomiya

You might also like