Professional Documents
Culture Documents
PT - FILIPINO 5 - Q2 Final
PT - FILIPINO 5 - Q2 Final
I.A.Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat bilang at sagutin ang mga ito nang buong husay.
Bilugan ang titik ng tamang sagot o ibigay ang hininihing kasagutan.
1.Ang pangungusap na nagsasad o nagsasabi ukol sa isang paksa. Ito ay nagsasalaysay at nagtatapos sa bantas
na tuldok.
a.Padamdam b.pautos c. pakiusap d. pasalaysay o paturol
3. Ang pangungusap na nagsasabing gawin ang isang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok.
a. patanong b. pautos c. payak d. padamdam
4. Ang pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin gaya ng galit, tuwa , lungkot, inis, o gigil. Nagtatapos
ito sa tandang padamdam.
a. padamdam b. patanong c. tambalan d. pautos
8.Naglalaman ito ng mga salitang nakaayos nang paalpabeto, may tamang baybay,pagpapantig at kahulugan ng
salita.
a. diksyonaryo b. atlas c. mapa d. ensayklopedya
9. Naglalaman ng mga mapa at impormasyon tungkol sa isang lugar gaya ng lawak, populasyon, anyong-lupa at
tubig.
a. mapa b. tesawro c. diksyonaryo d. atlas
10. Naglalaman ng balita tungkol sa mga kaganapan sa lipunan sa loob at labas ng bansa.
a. diksyonaryo b. mapa c. tesawro d. pahayagan
B. Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayo sa gamit.Bilugan ang tamang sagot.
12. Ilang taon pa ba ang aking hihintayin upang maranasan ang ganap na kapayapaan?
a. pautos b. pasalaysay c. patanong d. padamdam
B. Tukuyin ang sanhi at bunga sa mga sumusunod na pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
19.Namatay ang mga isda dahil marumi na ang tubig sa ilog. Ano ang SANHI sa pangungusap?
a. namatay ang mga isda b. ang mga isda
c.mabaho ang tubig d. dahil marumi ang tubig sa ilog
20.Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya kaunting pag-ulan ay umaapaw ito.Ano ang BUNGA sa
pangungusap?
a.kaya sa kaunting pag-ulan b. kaya umaapaw ito
c.marami ang nagtatapon ng basura d. basura sa ilog
21. Pinabayaan ng mga tao ang ilog kaya nasira ang kagandahan nito. Ano ang SANHI sa pangungusap?
a. kaya nasira b. kaya nasira ang kagandahan nito
c.pinabayaan ng mga tao ang ilog d. pinabayaan ang basura
22. Dahil sa malinis, mabango at malinaw na tubig, marami ang namamasyal at naliligo sa Ilog Pasig.Ano ang
BUNGA ng pangyayari?
a.Dahil sa malinis, mabango at malinaw na tubig b.marami ang namamasyal at naliligo sa ilog
c.naging malinis at mabango ang ilog d.sa Ilog Pasig
23.Nangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya kumilos na sila bago mahuli ang lahat.
Ano ang SANHI ng pangyayari?
a.Nangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig
b. Ilog Pasig
c. kaya kumilos na sila
d. bago mahuli ang lahat
III.Basahin ang tekstong nasa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Si Andres Bonifacio ay masikap at matalinong mag-aaral. Nagsikap siyang bumasa at sumulat. Tinulungan
niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga lathalaing sinulat ng mga Pilipino.
Bunga ng pang-aabuso, napilitang lumaban si Andres Bonifacio sa mga Espanyol at kanyang itinatag ang
Katipunan. Noong Agosto 23, 1896, nagtipon-tipon ang mga Katipunero sa Pugadlawin, at sabay-sabay na pinunit
ang kanilang sedula bilang tanda ng paglaban sa pamahalaan ng mga Espanyol.
Bagamat kulang sa armas at kakayahang pang-militar, naitaguyod ni Andres Bonifacio ang malawakang
paghihimagsik laban sa lakas ng Espanyol. Siya ay tinawag na “Ama ng Katipunan” dahil sa dakilang nagawa niya
sa bayan..
24. Bakit itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan?
a. Dahil sa pang-aabuso ng mga Espanyol b. Dahil sa marami siyang tauhan
c. Dahil sa kanyang sipag d. Dahil sa kanyang talino
25. Anong grupo ang itinatag ni Bonifacio laban sa mga Espanyol?
a. Kalayaan b. Katipunan c. Kaisahan d. Kapipipinuhan
Basahin ang maikling sanaysay sa ibaba at pagsunud-sunurin ang mga pangyayari ayon sa kwento. Lagyan ng
bilang na 1,2,at 3 ang patlang bago ang pangyayari.
Sabado ng umaga, maagang nagising si Lito kahit na siya ay walang pasok.Pumunta siya sa likod ng
kanilang bahay at nakita niya ang isang nakatiwangwang na lupa. Naisipan niya itong pakinabangan sa
pamamagitan ng pagtatanim ng halamang gulay.
Binungkal niya ang lupa, inalis ang damo at iba pang bagay na hindi kakailanganin ng kanyang
halamang itatanim.Kumuha siya ng mga buto ng upo at sitaw at mahusay na itinanim ang mga ito at saka
diniligan. Araw-araw niya itong binibisita at inaalagaan.Inaalis niya ang mga damong ligaw, pinupuksa ang
mga peste, nilalagyan ng organikong pataba at dinidiligan.
Pagkatapos ng ilang buwan, napansin niyang namumunga na ang mga ito. Masayang-masaya siya
sapagkat napakinabangan niya ang kanyang pinagpaguran.Nakakatikim na siya at ng kanyang pamilya ng
masustansiyang pagkain at libre pa.
26. _____________ Pagkalipas ng ilang buwan, namunga ang mga halamang gulay.
27._____________ Nakita ni Lito ang nakatiwangwang na lupa at naisipan niyang tamnan ito.
28. ____________ Masayang-masaya si Lito nang mamunga na ang kaniyang mga pananim at napakinabangan
niya ang kanyang pinagpaguran.
IV. Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat bilang at sagutin ang mga ito nang buong husay.
Bilugan ang titik ng tamang sagot o ibigay ang hininihing kasagutan.
31. May mga pamantasang nagpapa-aral ng libre sa mga matatalinong mag-aaral. Ano ang ibig sabihin ng libre?
a. mataas ang bayad b. doble ang bayad c. maliit ang bayad d. walang bayad
32. Mas pinili ni Lorna na mag-aaral sa pampublikong paaralan dahil mas mababa ang matrikula dito. Ano ang
ibig sabihin ng salitang matrikula?
a. pamasahe sad yip b. bayad sa pag-aaral c. bayad sa bahay d. bayad sa pagkain
33. Matiyagang nagsisikap ang anak ni Mang Ado sa pag-aaral kaya nakapagtapos ito bilang isang doctor.Ang
bahaging nasalungguhitan ay ang ____________.
a. sanhi b. dahilan c. bunga d. sanga
34. Naglakad papauwi si Bea kahit na umuulan at walang dalang payong .Kinagabihan, nakadama siya ng
pananakit ng ulo at sipon.Ano ang sanhi ng pagkakasakit ni Bea?
a. ang kanyang pagkain ng gulay b. pag-inom ng labis na malamig na tubig
c. pagkabasa sa ulan d. paglalaro sa ilalim ng matinding sikat ng araw
35. Dapat makapagtapos ang isang bata sa pag-aaral kahit ito ay isang anak-pawis.Ano ang kahulugan ng anak-
pawis?
a. anak ng mayaman b. anak ng hari
c. anak na laging pinapawisan d. mahirap
36. Kilalang-kilala si Melvin sa kanilang lugar dahil ang kanyang pamilya ay napapabilang sa dugong maharlika.?
Si Melvin ay ______________.
a. ordinary b. mayaman c. mahirap d.alipin