Kabanata FHK

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

2

SINSIL BOYS: PAGSUSURING SOSYOLOHIKAL SA MGA


PILING MAIKLING KWENTO NI GERMAN V. GERVACIO

Isang Undergraduate na Tesis na


Iniharap Sa Kaguruan ng Departamento ng Filipino
Kolehiyo ng Malalayang Sining
Pampamahalaang Pamantasan ng Kanlurang Mindanao
Lungsod ng Zamboanga

Bilang Bahagi sa Pagtamo ng Digring


Batsilyer ng Sining sa Filipino

NINA:

ROGADOR, BERNADINE S.
LUMIBOT, ALJEA GAIL L.
PENA, JETER C.

ABRIL, 2023
3

KABANATA I

PANIMULA

1.1 Sanligan Ng Pag-aaral

Ang mundo ay tunay na sumisibol at nagbabago kaya hindi

kataka-taka na magkakaroon ng mga pag-unlad hindi lamang sa

teknolohiya maging sa bawat aspekto ng panitikan, maihahalintulad

ito sa pag-agos ng ilog na patuloy sa pag-daloy sa pagdaan ng

panahon. Malaki ang impluwensya ng panitikan lalo na sa pag-unlad

ng isang bansa, kaya hindi natin maikakaila na ang panitikan ay

naging bahagi na ng kultura ng mga pilipino na ipinamana ng ating

mga ninuno.

Sa paglipas ng mga siglo at patuloy na pagbabago sa lipunan at

kulturang pilipino, lumilitaw ang iba’t ibang literatura na nagbibigay

sulyap sa mga kaganapan ng ating bansa. Hindi maipagkakailang

parami nang parami ang mga manunulat ng mga akdang

pampanitikan tulad ng mga maikling kwento, alamat, kwentong

bayan, nobela at iba pa sa ating bansa. Matatawag natin silang mga

Modernong manunulat ngayon. Ang bawat isa sa mga ginawang

sining ang nagbubuklod sa tunay na kalagayan ng bansa, pag-unlad


4

ng ating mga wika, at pagpapakita ng pagkamalikhain ng mga

Pilipino.

Ayon kay Salazar et al, (1995), ang Panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga

mamamayan. Sa panitikan nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-

asa, hinaing at guniguni ng mga mamamayan o nasusulat o binabanggit sa maganda,

makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag.

Dagdag pa ni Salazar, ang panitikan ay hindi lamang lumilinang ng

nasyonalismo kung hindi ito'y nag-iingat ng mga karanasan, tradisyon at mga mithiin.

Dito nasusulat ang mga tunay na henyo ng bawa't panahon.

Ayon kina Atienza et al, (2001), ang tunay na panitikan ay

pangwalang hangganan, wala itong kamatayan. Ito ay

nagpapahayag ng damdamin ng isang tao bilang ganti niya sa

kaniyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhat at

lumigaya sa kanyang kapaligiran.

Ipinakahulugan din ni Alejandro Abadilla(1984), ang Panitikan

ay bungang-isip na isinatitik. Ibig-sabihin ang Panitikan ay hindi

lamang basta-basta kung isinusulat dahil sa ito ay nabubuo lamang

kapag ang akdang panitikan ay nanggaling sa isang imahinasyon,

damdamin, o karamasan ng isang manunulat.


5

Binanggit nina Arellano et al, (2002), na ang layunin ng

maikling kwento ay ang magsalaysay ng isang maselan ay

nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at

ilang pantulong na tauhan. Karaniwan Isang suliranin lamang Ang

nilulutas.

Sinang-ayunan naman nina Beatrice et al, (2020), mayroong

espesyal na lugar ang bawat manunulat na Pilipino sa ating bansa.

Hanggang sa kasalukuyan, ang kanilang mga katha ay patuloy na

sinusulat ang ating kasaysayan at hinuhubog ang ating lipunan.


6

Hanggang sa kalalukuyan, napakaraming magagaling na

Pilipinong manunulat ang taon-taong naglalabas ng mga katha na

may iba’t ibang mahahalagang tema dagdag ni Beatrice et al,

(2020).

Sa panahon ngayon, karamihan sa mga tao ay pinaghihiwalay sa

kaniya-kaniyang paniniwala, prinsipyo at estado sa ginagalawang

lipunan. Maraming mga tao ang hindi nagkakasundo, lumalaganap

ang pagpapatayan at pagkakaroon ng diskriminasyon sa pagitan ng

mga mahihirap at mayayaman. Ang kahirapan ay isa lamang sa

mga suliraning panlipunan na kinakaharap ng mga tao sa isang

mamamayan. Sa ating lipunang ginagalawan, kadalasang mahihirap

ang api, at pinagkakaitan ng pag-asa para mabuhay dahil sa

kadahilanang iba ang estado nila sa lipunan.

Si German Villanueva Gervacio ay isang manunulat na mahilig

sa pagbabalangkas ng mga kuwento na may suliranin na umiiral sa

kasulukuyang lipunan. Karamihan sa kanyang mga kuwento ay

kadalasang nauukol sa kamalayang panlipunan tulad ng

sumusunod; trapik sa daanan, mga suliranin na kinakaharap ng

mga mag-aaral sa loob at labas ng paaralan, atp. Ang kahirapan at

diskriminasyon na paksa ay umiiral sa tunay na buhay, karaniwang

nararanasan at aktuwal na nangyayari sa lipunan.


7

Ang mga nabanggit na obserbasyon ay siyang nag-udyok sa

mga mananaliksik na suriin ang mga piling maikling kuwento ni

German Villanueva Gervacio batay sa elementong paksa, tauhan,

tagpuan, banghay, at simbolismo ng mga piling maikling kuwento

ng may akda na pinamagatang Sinsil Boys na kakikitaan ng mga

suliraning panlipunan upang palitawin at maiangat pa ang

kagandahan ng kuwento. Gamit ang Sosyolohikal na Pagsusuri,

mapapalitaw ng mga mananaliksik ang mga katangiang sosyal na

makikita sa mga piling akda.


8

1.2 Paglalahad ng Layunin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay naglalayong

masuri at matukoy ang mga maikling kuwento ng manunulat na si

German Villanueva Gervacio gamit ang sosyolohikal na pananaw na

sasagot sa mga katanungang:

1. Ano-ano ang mga katangiang sosyal na masisinag sa mga

piling maikling kuwento ni German V. Gervacio na nakatuon

sa mga sumusunod na elementong kuwento:

a. Tauhan

b. Tagpuan

c. Banghay

d. Simbolo

2. Ano-ano ang mga suliraning sosyal na masisinag sa mga

piling akda ni German V. Gervacio sa aklat na Sinsil Boys?

3. Ano-ano ang mga kalagayang panlipunan na nakapaloob sa

piling akda ni German V. Gervacio sa aklat na Sinsil Boys?


9

1.3 Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay ng mga datos para sa

anumang pagbabalak na nais tupdin patungo sa pagbabago at pag-

uunalad ng mga programang pampanitikan at magsisilbing batayan

sa mga sumusunod:

Mag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang makadagdag ng

kaalaman at maipakilala sa kanila ang mga makabagong manunulat

tulad ni German V. Gervacio at ang kanyang mga Piling Maikling

Kuwento na nagtatalakay patungkol sa isyung panglipunan.

Guro

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga guro na

maipakilala sa mga mag-aaral ang mga bagong silang na

manunulat tulad ni German V. Gervacio at ang kanyang mga

maikling kuwento na makakukuha ng aral sa pamamagitan ng

pagbabasa nito.
10

Mambabasa

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong rin sa mga mambabasa

upang mabigyang linaw at makadagdag kaalaman patungkol sa

kung ano-ano ang mga makabagong panitikang nabuo tulad ng

maikling kuwento na tunay na nangyayari sa lipunan at mapalawak

ang kaisapan na maaaring magbigay inspirasyon na makagawa ng

sariling maikling kuwento.

Manunulat

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga modernong

manunulat upang ssssmaging isang sanggunian sa paggawa ng mga

masining na mga piling maikling kuwento na may kinalaman sa

suliraning panlipunan.

Mananaliksik sa Hinaharap

Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga kapwa

mananaliksik na magsasagawa rin ng isang content analysis

patungkol sa Pagsusuri ng mga piling maikling kuwento ni German

V. Gervacio o sa iba pang awtor bilang basehan sa gagawing pag-

aaral.
11

1.4 Saklaw at Delimitasyon

Saklaw sa pag-aaral na ito ang masuri ang mga piling maikling

kuwento ni German V. Gervacio sa kanyang Librong SINSIL BOYS:

Labintatlong (13) Maikling Kuwento gamit ang sosyolohikal na

pananaw sa: 1. Karaniwang mga suliraning sosyal 2. Kalagayang

panlipunan na nakatuon sa: a. tauhan b. tagpuan c. banghay d.

simbolismo.
9

KABANATA II

KONSEPTUWAL NA LITERATURA AT TEORETIKAL NA

BALANGKAS

Sa kabanatang ito, tinatalakay ang konseptuwal na literatura,

teoretikal na Balangkas, Pag-aaral na lokal at banyaga, at ang

depinisyon ng mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito.

2.1 Konseptuwal na Literatura

2.1.1 Panitikan

Ang Panitikan ay salamin ng kasaysayan. Sa pamamagitan nito, mababakas ang

kahapon at ngayon. Masisinag ang mga adhikain, mga tagumpay at pagkabigo ng

mga ninuno. Natitipon dito ang mga kaisipang napapamalas ng mga mithiin ng lahi,

ng mga pinangarap ng mga ninuno, ng diwa ng mga bayani, at ng mga kaisipang

damdamin ng mga tao sa lipunan ( Buensuceco et al, 1989).

Ang Panitikan ayon kay Villafuerte (2000) may buhay ang

panitikan sapagkat may sarili itong pintig at dugong mainit na

dumadaloy sa mga arteryo at bena ng bawat nilalang at ng isang

buong lipunan.
10

Inilarawan naman ni Salazar (1995) na ang panitikan ay isang

lakas na nagpapagalaw sa lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong

kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang

ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sakanya, isa rin

itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.

Ayon naman kina Santiago et al. (1989), ang panitikan ay nagpapaliwanag ng

kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng akda. Dahil sa

panitikan nagkakasabit Ang damdamin ng mga tao sa sandaigdigan.

2.1.2 Panunuring Pampanitikan

Ayon kay Villafuerte (2000) tunay na napakalayo na ng narating

ang panunuring pampanitikan kung iisa-isahin ang mga kritikong

walang tigil sa pagsubaybay sa unti-unting pag-unlad ng

panunuring pampanitikan. Maituturing ng isang pagpapahayag ang

pamumuri na sa palagay ng nakararaming kritiko ay hindi maaaring

pasukin ng kung sino-sino lamang ng walang sapat na paghahanda,

at higit sa lahat, walang kakayahan. Dinagdag pa niya na ang

panunuring pampanitikan ay hindi lamang nagsusuri o nagbibigay

kahulugan sa mga nagaganap sa daidig, kundi ito'y isang paraan ng

pagsusuri sa kabuuan ng tao ang kaniyang anyo, ugali, kilos paraan

ng pagsasalita, at maging ng kaniyang pakikipag-ugnayan sa

kanyang kapuwa at lipunang kinabibilangan niya.


11

Sa aklat naman nina Ramos at Mendiola (1994) ay binigyang-

kahulugan nila ang panunuri ( na higit nilang kinilala ang tawag na

kritisismo) bilang isang uri ng pagtatalakay na nagbibigay-buhay at

diwa sa isang nilikhang sining. Ayon sa kanila ito ay isang kaisipang

hindi tapos.

2.1.3 Teoryang Sosyolohikal

Ang teoryang Sosyolohikal ayon kay Baladjadia (2018), ay may

paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento.

Ang akda rin ay nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa

lipunan. Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang

manunulat ay produkto ng kanyang panahon, lugar, mga

kaganapan, kultura, at institusyon sa kanyang kapaligiran kung

saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon.

Ayon naman sa libro nina Marquez at Garcia (2008), ang teoryang sosyolohikal ay

binibigyang tuon ang kalagayan ng mga panlipunang institusyon gaya ng


12

pamahalaan, pamilya, paaralan at iba pang mga nasasangkot sa lipunan. Sinasaklaw

nito ang internal at external na pagsusuri ng akdang binabasa na may partikular na

katangiang humubog sa pagkatao.

2.1.4 Pananaw Sosyolohikal

Sa pananaw Sosyolohikal ayon kay Balajadia (2018) hindi

maaring ihiwalay ang tao sa mga institusyong bahagi ng sistema.

Ang isang tao ay isang animal na may dimensyong panlipunan.

Mula sa kanyang pagsilang hanggang sa kamatayan ay maituturing

na miyembro o bahagi siya ng mga samahan o intitusyong

itinatatag rin naman ng tao.

Sa paggamit ng pananaw Sosyolohikal sa pagsuri ng panitikan,

tulad halimbawa ng nobela, hindi lamang ang angking kasiningan

ng mismong akda ang tinitingnan o sinusuri. Tinitingnan din maging

ang mga pwersa sa lipunan at kasaysayan, na maaring nagkaroon

ng epekto sa manunulat sa panahong naisulat niya ang kanyang

akda. Ang mismong akda at ang kasaysayan ay may masalimuot na

ugnayan sa isa’t-isa.

Ngunit isa sa mga sinasabing panganib ng pananaw Sosyolohikal

ay ang pagturing sa isang akdang pampanitikan bilang ilustrasyon

lamang ng mga pangyayari sa kasaysayan.


13

Ayon kina Castillo (2019) binibigyang tuon sa pagsusuri ng dulog

sosyolohikal ang mga kalagayang sosyal, ang kapamuhayan, ang

mga situwasyong nag-uudyok ng karahasan, nagtutulak sa tao sa

ganoon at ganitong buhay, mga pagkataong nagiging sanhi o bunga

kaya ng mga pang-aapi at pagkaapi, pagkaduhagi, kaimbihan o

hindi kaya'y ng kadakilaan, kagitingan, kabayanihan ng isang tao o

pangkat ng tao. Layunin nito na maipakita ang kalagayan at

suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may akda.

Naipapakita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa

suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga

mambabasa sa pagpuksa sa mga katulad na suliranin.

2.1.6 Maikling Kwento

Ipinahayag ni Brian Carlo (2019) ang maikling kwento ay isang

masining na uri ng akdang pampanitikan na naglalaman ng maikling

salaysay tungkol sa isang mahalagang kaganapan. Ang kathang ito

ay maikli lamang kung kaya't ang pagbabasa nito ay maaaring

matapos sa isang upuan o isang impresyon lamang. Ang mga

pangyayari sa akdang ito ay karaniwang nagmula sa malikot na

imahinasyon ng manunulat, maaring ito din ay nakabatay sa sariling

karanasan ng may akda.


14

Binanggit naman sa libro nina Sauco et al, (1997), ang maikling kuwento

ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng isang

maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing

tauhan, ito'y nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga

mambabasa. Pangunahing layunin nito ang maglibang ng

mambabasa.

Ayon naman kay Matute (1997), ang maikling kuwento ay hindi pinaikling nobela.

Hindi rin ito buod ng isang nobela o ng isang kuwento at nakasaad naman sa libro

nina Lalic at Matic (2004), ang maikling kuwento ay naglalahad ng isang natatangi at

mahalagang pangyayari sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang takdang

panahon.

2.1.7 German V. Gervacio

Si German V. Gervacio ay isang Pilipinong manunulat na

nahumaling sa pagsulat ng kuwento bago bumuo ng mga tula. Siya

ay ipinanganak noong Desyembre 21 taong 1969 at kinasal kay

Lovella C. Gervacio. Si German ay nagtapos sa paaralan ng MSU-

Iligan Institute of Technology Tibang-Iligan City, nagkaroon ng

Labimpitong Publikasyon ng mga libro at isa na rito ang akda niyang

Sinsil Boys: 13 Maikling Kuwento. Nakatanggap din siya ng iba’t

ibang gantimpala mula sa kanyang mga nabuong akdang

pampanitikan, isa na rito ang natanggap niyang gantimpala na 2021


15

TEODORA AWARDS: The Destinguised and Outstanding Rizalian

Alumni at ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa

Maikling Kuwento, dito ay nagwagi ang kanyang akdang ‘Sinsil

Boys’ noong taong 1999 ika-1 ng septyembre. Mahilig din siyang

dumalo sa mga seminar gaya ng ‘Ika-10 Salindunong Internasyonal

na Konprehensyon sa Filipino (2018).

2.2 Kaugnay na Pag-aaral

Ang pag-aaral na ginawa ni Quiboyen et al, (2007), na

pinamagatang “ Isang Sosyolohikal na Pagsusuri ng mga

Piling Akda”, ay may layuning palitawin ang tunay na kalagayang

panlipunan na nakatuon sa tauhan, banghay, at mga suliraning

panlipunang nasisinag sa mga piling akda tulad ng krimen,

pagmamalabis, diskriminasyon, kawalan ng katarungan, kahirapan,

at panghahanay-puri. Natuklasan ng mga mananaliksik sa

pagsusuri, na ang mga elemento ng maikling kuwento at dulang

sinuri tulad ng tauhan, tagpuan, at banghay ay nagpapakita ng

tunay na kalagayan ng ating lipunan at kasalukuyan. Ito ay may

ugnayan sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik sapagkat

nilalayon din ng pag-aaral na suriin ang kalagayang panlipunan at

tukuyin ang mga suliraning panlipunang nasisinag sa mga piling

akda sa pamamagitan ng sosyolohikal na pananaw.


16

Samantala ang pag-aiaral nina Conseco at Niang, (2011), na

pinamagatang “ Pagsusuring Sosyolohikal sa mga Awiting-

Bayan ng mga Sama Badjao sa Lungsod ng Zamboanga”, ay

may layuning masuri ang mga awiting-bayan ng mga Sama Badjao

na nakatuon

2.3 Teoretikal na Balangkas

Ang pag-aaral na ito ay nababatay sa Teoryang Sosyolohikal.

Ayon sa pahayag ni Comte, mula kay Reyes (1990), ang bawat tao

ay may kanya-kanyang ginagampanan sa lipunang ginagalawan.

Nalilikha ang iba`t ibang maikling kuwento dahil sa iba`t ibang

karanasan ng tao sa buhay. Ang karanasan ng tao ay nagbibigay

resulta upang mas maging matibay at maging katuwang ng mga

mambabasa sa mga piling maikling kuwento ni German V. Gervacio.

Dagdag pa sa Sosyolohikal, naniniwala ang mga tagataguyod

na ang mga manunulat ay produkto ng kanyang lugar, panahon,

kultura, mga kaganapan, at institusyon sa kanyang kapaligiran


17

kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang panahon. Dahil

dito, ang akda rin ay nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari

sa lipunan.

2.4 Pagbibigay Katuturan

Ang mga salitang ginamit sa pag-aaral na ito ay binigyang

katuturan ng mga mananaliksik ayon sa paggamit nito sa pag-aaral.

Banghay. Ito ay tumutukoy sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod

ng mga pangyayari sa kuwento. Sa pag-aaral na ito, ito ay

tumatalakay sa aspektong bibigyang pokus sa gagawing pagsusuri.

Maikling Kuwento. Ito ay isang anyo ng panitikan na may

layuning magsalaysay ng mga pangyayaring nagaganap sa uhay ng

isang tauhang may mga suliraning kinakaharap at kalaunan ay


18

binibigyang solusyon. Isang kuwento na kung iyong susuriin ay

kapupulutan ng aral na maaari mong maisabuhay. Isa ito sa mga

piling akdang susuriin sa pag-aaral na ito.

Pagdulog Sosyolohikal. Ito ay isang pagdulog na gianagamit sa

pagsusuri ng mga akdang tumatalakay sa mga kalagayang

panlipunan upang maipakita ang iba`t ibang katauhan at

pagpapahalagang may kaugnayan sa sektor ng lipunang ipinakita

sa akda.

Pagsusuri. Ito ay isang masusing pag-aaral o pagsisiyasat ng mga

maikling kwento at dula. Ito`y isang uri ng krtisismo na

tumatalakay sa elemento ng mga maikling kwento gaya ng

Banghay, Tauhan, Tagpuan, Tunggalian at Simbolismo.

Panitikan. Ito ay isang kasaysayan ng kaluluwa ng iba`t ibang

kultura ng mamamayan. Sa panitikan nasasalamin ang mga

layunin, damdamin, panaginip, pag-asa at guni-guni ng mga

mamamayan na nasusulat o ginagawa sa maganda, makulay,

makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag

(Salazar, et. Al, 1995). Sa Pag-aaral na ito, ang panitikan na

susuriin ay isang maikling kuwento.


19

Tagpuan. Ito ay tumutukoy kung saan at kailan naganap ang mga

pangyayari sa akda. Isa ito sa mga elemento ng isang akda na

susuriin sa pag-aaral na ito.

Tauhan. Ito ay tumutukoy sa mga taong gumaganap ng mga

mahahalagang papel sa kuwento ng akda, binibigyang diin ay ang

katauhan o personalidad ng mga gumaganap at ang kanilang

pinagdadaanan. Isa ito sa mga elemento ng akdang susuriin sa

pag-aaral na ito.

Simbolismo. Ito ay isang aparato sa panitikan kung saan

ginagamit ang mga salita, tao, marka, lugar o abstrak ng konsepto

upang magpahiwatig ng ibang bagay maliban sa literal na

kahulugan. Isa ito sa mga elemento ng akda na susuriin sa pag-

aaral na ito.
20

KABANATA III

METODOLOHIYA

Tinatalakay sa kabanatang ito ang disenyo ng pag-aaral;

gayundin ang instrumento na gagamitin sa pag-aaral, ang

paglilikom ng datos at kung paano isasagawa ang pagsusuri ng mga

piling maikling kuwento ni German V. Gervacio.

3.1 Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang kwalitatibong pananaliksik.

Gumamit ito ng pamaraang palarawang-pasuriasyon sa sosyolohikal

na pananaw. Inilihad dito ang mga suliraning panlipunang

masisinag sa mga piling maikling kuwento ni German V. Gervacio


21

na Sinsil Boys na nakatuon sa elementong taglay ng maikling

kuwento tulad ng tauhan, tagpuan, banghay at simbolismo.

Palilitawin din ng mga piling akda mula sa Sinsil Boys ang iba’t

ibang katauhan at kalagayan na may kaugnayan sa sektor ng

lipunan.

3.2 Instrumento ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay bumuo ng kraytirya sa pagpili ng

mga piling maikling kwento ni German Gervacio mula sa librong

Sinsil Boys. A ng pag-aaral ay gumamit ng tatlong (3) maikling

kwento, na pinili ayon sa sumusunod na pamantayan;

1. Makikitaan ng iba’t ibang katauhan na may kaugnayan ang

kalagayan sa sektor ng lipunan.

2. Mga piling akdang masisinagan ng mga suliraning

panlipunan.

3.3 Proseso ng Pagsusuri

Ang mga mananaliksik ay bumuo ng mga hakbangin sa

paglilikom ng mga datos. Ang unang hakbang sa pagsusuri ay ang

masusing pagbasa sa librong Sinsil Boys ni German V. Gervacio.

Sinuri ang kalagayang panlipunang napapaloob sa akda na

nakatuon sa mga elementong taglay nito tulad ng tauhan, tagpuan,


22

banghay at simbolismo. Sa elementong tauhan, susuriin ng

mananaliksik ang katauhan at kalagayan ng mga gumaganap sa

mga piling akda. Sa tagpuan, susuriin ang lugar kung saan naganap

ang mga pangyayari na may kaugnayan sa lipunan. Sa banghay,

susuriin ang pagkakasunod-sunod o daloy ng mga pangyayari sa

akda, kung paano ito nagsimula at nagwakas kung saan ang mga

pangyayari ay makikitaan ng mgasuliraning panlipunan. Pagkatapos

ng maingat na pagsusuri, tutukuyin ng mga mananaliksik ang mga

suliraning panlipunang masisinag dito. Ang mga suliraning

panlipunang masisinag sa akda ay ilalahad sa pamamagitan ng

“thematic approach”, na ang ibig sabihin ay ang mga suliraning

masusuri ay tatalakayin nang sabay-sabay.


23

KABANATA IV

You might also like