Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

9 Department of Education

National Capital Region


SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 9:
Pagbibigay ng Sariling Interpretasyon
sa mga Pahiwatig na Ginamit sa Akda

May-akda: Mark Ryan V. Canimo

Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
F.

Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.
 Aralin 1 – Pagbibigay ng Sariling Interpretasyon sa mga Pahiwatig
na Ginamit sa Akda

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:
A. natutukoy ang mga pahiwatig na ginamit sa akda
B. nabibigyan ng sariling interpretasyon ang mga pahiwatig na ginamit sa
akda

Subukin
Handa ka na ba para sa panibagong aralin? Subukan mo munang isagawa
ang gawaing ito. Hanapin sa Hanay B ang angkop na interpretasyon ng mga
pahiwatig sa Hanay A. Isulat lamang sa patlang ang letra ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

_____1. Walang kakurap-kurap niyang sinabi A. nagagalit sa


pangyayariang kaniyang nasaksihan sa B. nauuhaw
harap ng mga pulis. C. malaking suliranin
_____2. Agad na bumagsak ang luha kasabay ng D. napaiyak sa kasiyahan
pagluhod na lamang ang nagawa ni Susan E. walang tigil
matapos malamang negatibo siya sa F. nagsasabi ng totoo
COVID-19
_____3. Hindi na niya maihakbang pa ang kaniyang
mga paa dahil sa nanunuyo ng lalamunan.
_____4. Mabigat na pasanin ang naidulot ng pandemya
sa mga Filipino.
_____5. Nanlilisik ang kaniyang mga mata sa nakitang
maling gawain ng mga kabarangay.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
F.

Aralin
Pagbibigay ng Sariling Interpretasyon
1 sa mga Pahiwatig na Ginamit sa Akda

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagbibigay ng sariling interpretasyon


sa mga pahiwatig na ginamit sa akda. Malilinang ito kung matapat mong
maisasagawa ang mga gawain.

Balikan
Balikan natin ang nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
sumusunod na tanong sa ibaba:

1. Ano-ano ang layon ng tunggalian sa isang akda?


2. Isa-isahin ang iba’t ibang uri ng tunggalian?
3. Paano naiiba ang tunggaliang “tao laban sa sarili” sa iba pang uri ng
tunggalian?

Tuklasin
A. Panimula

Simulan na natin ang ating aralin. Tingnan at pag-aralan mo ang mga


pahayag o mga salita at paganahin ang imahinasyon upang makabuo ng larawang
diwa pagkatapos ay sikaping sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Isang doktor si Fe. Kasalukuyan niyang isinusuot ang


kaniyang Personal Protective Equipment o PPE. Hindi
niya maikubli ang pagod na pagod na hitsura.

1. Ano ang larawang diwa ang iyong nabuo mula sa mga salita.Iguhit.
2. Ano sa palagay mo ang nararamdaman ng taong tinutukoy sa larawang diwa
na nabuo sa isip mo?
3. Anong pangyayari kaya ang maaaring naganap batay sa larawang diwa
nabuo sa isip mo

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
F.

B. Pagbasa
Hiling sa Bagong Umaga
(Ikalawang Bahagi)
ni Mark Ryan V. Canimo

Panay ang iwas ni Andrei sa kaniyang nakakasalubong na tao sa makipot na


daan papasok sa kanilang bahay. Sumasakit ang mga mata niya sa nakikitang
mga babaeng nagtumpok at nagkukuwentuhan. Sa kabilang banda naman ng
daan ay mga kabataan na nagtitipon sa bilyaran. Napapakamot na lamang ang
binata sa nakikita niya sa kanilang lugar sa kabila ng kaniyang pangamba.

Papalapit pa lamang sa pinto ng kanilang bahay ay kita na niya ang


kaniyang nakababatang kapatid na si Karen, matamlay ang mga mata at tahimik
na nakaupo sa luma nilang sofa.

“Anong iniisip mo bunso? May problema ka ba?” May halong pag-aalalang


tanong ng binata sa kapatid.

“Nakatanggap kasi ako ng tawag mula sa boss ko kuya.” Pakli ni Karen.

“O, anong sabi sa’yo?” Pag-uusisa ng binata sa kapatid na nangingilid na


ang luha sa mga mata. Hindi na sumagot si Karen kaya mahigpit na lamang
niyang niyakap ang kapatid. Alam na niya ang sagot ng kapatid sa pananahimik pa
lamang nito. Namamasukan si Karen sa isang maliit na tahian ng sportswear.

“I am now placing the entire islands of Luzon in General Community


Quarantine” pahayag ng pangulo mula sa telebisyon na hindi na ikinagulat ni
Andrei dahil sa napansin niya sa kalsada o sa labas ng bahay. Naging tahimik ang
gabing iyon para sa kanilang pamilya. Ipinikit ni Andrei ang kaniyang mata,
taimtim na nalangin habang nakahiga sa kaniyang lumalangitngit na kama.

Kinabukasan, ang dating maingay at mataong eskinita ay nabalot ng


katahimikan. Iilan na lamang ang nakikita niyang nasa labas na karaniwan ay
sandamakmak na tao kahit umagang-umaga. Pagsapit ni Andrei sa labas ng
eskinita ay nakasalubong niya si Aling Alice na bakas ang pagkadismaya
pagkagaling lang sa katapat na botika. Tanaw na tanaw niya mula sa kinatatayuan
ang mga taong umaalis sa botika na tulad ng hitsura ni Aling Alice.

Napakadalang ng dumaraang jeep, kung mayroon man ay wala na siyang


lakas para makipag-unahan pa. Umabot na ng isa’t kalahating oras ang pag-
aabang niya. Naipon na rin sa kalsada ang mga katulad niyang umaasang
makapasok pa ng trabaho sa araw na iyon.

Maya-maya’y nagkagulo sa kabilang tumpukan ng mga naghihintay ng


masasakyan. May kung anong pakiramdam ang humila sa kaniya upang lumapit
sa nagkakagulo. Ang lahat ay nakapaligid sa isang babaeng nakahandusay sa
daan. Namilog ang mga mata ni Andrei sa nakita. Biglang sumikip ang kaniyang
dibdib ngunit agad-agad siyang lumapit dito upang siguraduhin ang nakita.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
F.

Sunod-sunod na tapik sa pisngi ng babae ang ginawa niya at mahigpit na yakap ng


pag-aalala.

“Parang awa n’yo na! Tulungan n’yo kami!” sigaw ng binata.

C. Pag-unawa sa Binasa

1. Ano-ano ang napansin ni Andrei sa daan papunta sa kanilang bahay?


2. Paano mo mailalarawan ang reaksyon ng pangunahing tauhan sa kaniyang
mga naoobserbahan sa kaniyang paligid?
3. Ano ang dahilan ng pagkatamlay at tahimik ni Karen?
4. Sa iyong palagay, bakit hindi na nagulat si Andrei sa anunsyo ng pangulo?
ilahad ang pagbabago ng senaryo ng eskinita mula ng ianunsyo ang
General Community Quarantine?
5. Bakit kaya dismayado si Aling Alice pagkagaling sa niya sa botika?
6. Alin sa mga pangyayari sa binasa ang nakapukaw sa iyong interes?
Ipaliwanag.
7. Punan mo ang talahanayan ng mga pangyayari mula sa binasa na may
taglay na pahiwatig o hindi lantad na kahulugan. Pagkatapos ay bigyan mo
ng sariling mong interpretasyon o pagpapakahulugan ang mga ito.

Pahiwatig Interpretasyon

8. Nakatutulong ba ang mga pahiwatig na ito upang madagdagan ang interes


ng mga mambabasa? Ipaliwanag.

D. Paglinang sa Talasalitaan

Panuto: Isulat sa patlang ang kasingkahulugan ng mga salitang ginamit sa


akda at gamitin ito sa makabuluhang pangungusap.

1. Nagtumpok 2. Matamlay
Kahulugan: ___________________ Kahulugan: ______________________
Pangungusap: _________________ Pangungusap: ____________________
3.taimtim 4. Lumalangitngit
Kahulugan: ___________________ Kahulugan: __________________
Pangungusap: __________________ Pangungusap: ____________________
5. sandamakmak
Kahulugan: _____________________
Pangungusap: __________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
F.

Suriin

Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga pahiwatig sa isang


akda. Isa itong estilo ng manunulat na sabihin ang kaniyang ninanais sa
hindi lantad o hayagang pamamaraan. Layon nito na lagyan ng misteryo
ang akda upang makapukaw ng interes ng mga mambabasa at hayaan
makabuo ang mga mambabasa ng kanilang interpretasyon o matuklasan
ang nakatagong kahulugan gamit ang kani-kanilang imahinasyon.

Pagyamanin

Palawakin natin ang iyong kaalaman sa pagbibigay ng sariling


interpretasyon sa mga pahiwatig na ginamit sa akda. Pumili ka lamang ng isang
pahiwatig mula sa binasang akda. Ibigay ang sariling kahulugan o interpretasyon
sa pahiwatig sa pamamagitan ng pagpili lamang ng isang pamamaraan sa “Choice
Board” upang maisagawa ang gawain.

Paggawa ng Poster Paggawa ng Vlog Paggawa ng liriko ng awit

Pagsulat ng Talata Paggawa ng Slogan Pagsulat ng Liham

Pagsulat ng Tula Paggawa ng Infographic Paggawa ng Powerpoint


Presentation

Pamantayan sa Pagmamarka Puntos


1. Mahusay na natutukoy ang pahiwatig sa akda 30
2. Mahusay na nakapagbibigay ng sariling interpretasyon
sa pahiwatig 50
3. Malikhain na pagbibigay interpretasyon sa pahiwatig 20

KABUOAN 100

(Ipadala ng inyong awput sa gamit ninyong messaging app o ‘di kaya’y ipadala kalakip ng
modyul na ito.)

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
F.

Isaisip
Ibuod natin ang ating pinag-aralan.

Tandaan: Ang pagkakaroon


pahiwatig ay estilo ng
manunulat upang hindi lantad o
hayagang maiparating ang nais

Isagawa
Sa pagkakataong ito, subukan nating ilapat sa tunay na buhay ang
natutuhan mo sa ating aralin. Pag-aralan mong muli ang unang bahagi binasang
akda sa nakaraang modyul. Pumili lamang ng isang pahiwatig mula rito. Humingi
ng tulong sa kaibigan o isang miyembro ng inyong tahanan upang mabigyan ng
sariling interpretasyon ang pahiwatig. Gamitin ang rubric sa bahaging
PAGYAMANIN.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
F.

Tayahin
Batid kong naunawaan mo na ang ating aralin. Sukatin naman natin ang
iyong natutuhan sa pamamagitan ng gawain sa ibaba:

A. Bilugan ang titik na nagpapakita ng angkop na interpretasyon ng mga


pahiwatig sa bawat aytem.

1. Dinig na dinig ang palakpakan at hiyawan ng mga tao. Lumuhod si Noel


sa harapan ng kasintahan at dinukot mula sa kaniyang bulsa ang isang
kahon.
A. Humihingi ng paumanhin si Noel.
B. Napuno ng kasiyahan ang kanilang paligid.
C. Aayain ni Noel ang kaniyang kasintahan na magpakasal.
D. Tumututol ang lahat ng tao kaya nagpasya siyang ipatigil ang kasal.

2. Parang binagsakan ng langit at lupa si Tracy nang makita ang resulta


ng kaniyang “medical tests”.
A. Natuwa si Tracy sa nabasang resulta.
B. Nalungkot si Tracy sa nabasang resulta.
C. Hindi niya inakala na magkakaroon siya ng malubhang sakit.
D. Iniisip niya ang magiging kinabuksan ng kaniyang mga anak
sakaling siya ay mawala.
3. “Kahit kailan, hindi mo mabibili ng kahit milyong halaga ang prinsipyo
na itinanim sa akin ng aking mga magulang”
A. Tinanggihan niya ang regalo ng kaibigan
B. Humihingi siya ng higit sa milyong halaga ng salapi.
C. Wala siyang balak na tanggapin ang anumang halagang inaalok sa
kaniya.
D. Hindi importante sa kaniya ang yaman kundi ang kaniyang
paniniwala at prinsipyo.
4. “Tinutubuan na ako ng ugat dito kahihintay sa’yo!”
A. Nagbabanta C. Nalilibang
B. Nagagalit D. Nangungulila
5. “Ilang buwan na lamang, mahahawakan ko na ang anghel na regalo sa
atin ng langit”
A. Nagmamaktol C. Nalulungkot
B. Nagtataka D. Nasasabik

B. Balikan mong muli ang akdang “Isang Libo’t Isang Gabi sa nakaraang aralin.
Punan mo ang talahanayan ng dalawang pahiwatig mula sa akda at bigyan ng
sariling interpretasyon. Gamitin ang rubric sa bahaging PAGYAMANIN.

PAHIWATIG INTERPRETASYON

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
F.

Karagdagang Gawain
Subukan mo muling magbasa ng nobela o bahagi nito. Isa-isahin mo ang
pahiwatig na ginamit ng manunulat dito. Bigyan ito ng sariling interpretasyon o
kahulugan. Gamitin ang rubric sa bahaging PAGYAMANIN ng modyul na ito.

Muli, isang pagbati sa iyong ipinakitang sigasig sa pag-aaral sa


modyul na ito. Hanggang sa muli!

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
F.

Susi ng Pagwawasto

A. Subukin
1. F
2. D
3. B
4. C
5. A

B. Pag-unawa sa Binasa
1-7 Mula sa matalinong paghuhusga ng mag-aaral
8. Pahiwatig
⮚ Sumasakit ang mga mata niya sa nakikitang mga babaeng nagtumpok at
nagkukuwentuhan. Sa kabilang banda naman ng daan ay mga kabataan na
nagtitipon sa bilyaran. Napapakamot na lamang ang binata sa nakikita niya sa
kanilang lugar sa kabila ng kanyang pangamba.
⮚ Papalapit pa lamang sa pinto ng kanilang bahay ay kita na niya ang kanyang
nakababatang kapatid na si Karen, matamlay ang mga mata at tahimik na nakaupo
sa luma nilang sofa.
⮚ Kinabukasan, ang dating maingay at mataong eskinita ay nabalot ng katahimikan.
⮚ Pagsapit ni Andrei sa labasan ng eskinita ay nakasalubong niya si Aling Alice na
bakas ang pagkadismaya pagkagaling lang sa katapat na botika.
⮚ Napakadalang ng dumaraang jeep,kung mayroon man ay wala na siyang lakas
para makipag-unahan pa.
⮚ Namilog ang mga mata ni Andrei sa nakita.

C. Paglinang ng Talasalitaan
1. Nagtipon
2. malungkot
3. tahimik
4. maingay
5. marami

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
F.

Sanggunian

Peralta, Romulo et al., 9 Panitakang Asyano (Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino)


Peralata, Romulo et al., 9 Panitakang Asyano (Gabay ng Guro sa Filipino)

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Mark Ryan V. Canimo (Guro, NHS)


Mga Editor: Adelwisa P. Mendoza (CISSL)
Lawrence Dimailig (MSHS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS-Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (NHS)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

11

You might also like