Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANALANGIN PARA SA LAHAT NG INA

Panginoon naming Diyos, Amang Makapangyarihan sa


lahat. Sa inyong harapan ay mga lingkod mong nagsisilbing ilaw
ng tahanan. Aming hiling ay ang iyong patuloy na gabay at
patnubay sa lahat ng aming desisyon at gawi ng aming buhay.
Bilang isang Ina, gawin mo po kaming kasangkapan ng
inyong mga aral lalong-lalo na sa aming pamilya. Maging isang
mabuting modelo na may takot sa Diyos at kababaang loob.
Patuloy mong linisin at pabanalin na gaya ni Birheng Maria na
aming Ina.
Hinihiling din namin ang kapatawaran ng aming mga
kasalanan upang kami ay maging karapat-dapat sa inyong banal
na tahanan.
Pinasasalamatan ka namin ng buong puso at patuloy
naming ibinabalik ang lahat ng kapurihan at karangalan, noon,
ngayon, magpakailanman at magpasawalang-hanggan. Amen.

You might also like