Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
___________________________________________________________________________

Panrehiyong Pagtatasa para sa Kalagitnaang Taon sa MAPEH 5

Pangalan:__________________________________________ Petsa: ________________


Baitang at Pangkat: ________________________________ Marka: _______________

MUSIC:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at pangungusap.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Anong uri ng nota at pahinga ang nakakahon sa awiting “It’s a Small


World”?
A. buong nota at apating pahinga
B. apating nota at apating pahinga
C. waluhing nota at apating pahinga
D. labing-animing nota at buong pahinga

2. Ano ang tamang hulwarang ritmo o rhythmic pattern ang nararapat sa


kumpas na tatluhan?

A. C.

B. D.
3. Humahaba ang duration ng kumpas ng nota o pahinga kung ito ay lalagyan
ng tuldok. Piliin sa ibaba ang angkop na mga nota at pahinga na nararapat
sa kumpas na tatluhan?

A. C.

B. D.

4. Ano ang mangyayari sa tono ng notang D kung ito ay magiging notang Db?
A. Bababa ito ng kalahating tono
B. Tataas ng kalahating tono
C. Tataas-baba ang tono
D. Hindi kumilos ang tono nito

5. Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng tamang paggamit ng F-clef?

I. Sa range ng boses ng babae lamang magagamit ang F-clef.

II. Hindi kailanman ginagamit sa range ng boses ng mga babae ang F-clef.

III. Sa range ng boses ng mga lalake o tenor na kung saan may


pinakamataas na boses ng lalake.

IV. Sa range ng boses ng mga lalake o baho na may pinakamababang tono


sa lahat ng boses.

A. I, II B. I, III C. I, IV D. III, IV

6. Ano ang mabubuong salita gamit ang pitch names na makikita sa ibaba?

A. BEAD B. DEED C. FACE D. FADE

7. Naipapangkat-pangkat natin ang bilang ng kumpas sa bawat sukat sa


pamamagitan ng palakumpasan. Paano mo mahahati-hati ang bilang ng
kumpas ng notasyon sa ibaba na ayon sa nakalaang palakumpasan gamit
ang barline?

A. C.

B. D.
8. Ano ang ngalang pantono o pitch name ang nasa ikatlong espasyo ng
limguhit o staff sa iskalang C-Major?

A. C B. D C. F D. A

9. Anong uri ng range ang mayroon lamang na kaunting distansya ang


pagitan, mula sa mababa hanggang sa mataas na tono?

A. Long B. Narrow C. Short D. Wide

10. Anong uri ng iskala ang mayroong limang tono na kadalasang ginagamit
sa awiting pambata at katutubong awit?

A. Iskalang C-Mayor C. Iskalang F-Mayor


B. Iskalang Pentatonic D. Iskalang G-Mayor

11. Kung ang kalahating nota o half note na may tuldok ay mayroong tatlong
kumpas sa rhythmic pattern na nasa palakumpasang 3, ano ang nararapat
na pattern sa palakumpasang 4? 4
4

A. C. .
B. D.

12. Ano ang wastong bilang ng kumpas ng nakapangkat na nota at pahinga


sa ibaba?

A. apat B. anim C. dalawa D. tatlo

13. Ang G major scale ay may isang sharp at binubuo ng walong nota na
nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng kanilang mga pitch. Ano-ano
ang mga notasyon sa iskalng ito?

A. do, re, mi, fa, sol, la, ti, do


B. do, re, mi, so, la, so, mi, do
C. sol, la, ti, do, re, mi, fa, sol
D. sol, do, mi, sol, fa, re, mi, sol

ARTS:
14. Ang pagdiriwang o selebrasyon ay bahagi ng mayamang kaugalian at
kultura ng mga Pilipino na siyang nakakapagbuklod sa bawat isa. Anong
selebrasyon ang ipinagdiriwang ng bawat bayan bilang parangal sa santong
patron ng bayan at kinapapalooban ng mga palaro at masasayang tugtugin?
A. Pistang Bayan C. Araw ng Kalayaan
B. Pasko at Bagong Taon D. Araw ng mga Puso
15. Pagmasdan ang larawan. Anong teknik sa pagguhit na
nakapagbibigay ng ilusyon ng lalim, layo at kapal sa iginuhit na
bagay sa pamamagitan ng paulit-ulit ang pagguhit ng pinag-
krus na linya.
A. contour shading C. cross hatching
B. layering D. pointillism

16. Ano ang kahalagahan ng mga artifacts gaya ng Manunggul Jar at


Balanghay sa kultura ng mga Pilipino?
A. Nagpapayahag na ang mga Pilipino ay maraming talento.
B. Nagpapakita ito ng mayamang at malalim na pagpapahalaga sa
kasanayan, sining at kultura ng bansa.
C. Nagsisilbing patunay na naniniwala ang mga sinaunang tao sa langit
at impyerno.
D. Nagbibigay daan upang maging inspirasyon ng iba para gumawa ng
mas magandang gamit.

17. Bawat komunidad ay may kaniya-kaniyang likhang sining na nagbibigay


ng kuwento at ito ay pinapahahalagahan ng mga taong nakapaligid dito. Ano
ang isang lugar o gusali na pinaglalagakan ng mga bagay na may kinalaman
sa kasaysayan at mga bagay na may kinalaman sa sining at siyensiya?

A. simbahan C. mosque
B. mga lumang bahay D. museo

18. Ano ang tawag ng mga Ifugao at ibang taga-Cordillera sa Rice Terraces?
A. Hagdan-hagdan Palayan C. Palay-palayan
B. Pay-yo D. Bulubundukin

19. Ang Cordillera Rice Terraces ay kinilala ng UNESCO bilang Pandaigdig na


Pamanang Pook o World Heritage Site. Alin sa mga sumusunod ang
nagpapakita ng pangunahing kahalagahan nito?

A. nagsisilbing atraksyon sa mga manlilikha lalo na sa mga dayuhan.


B. kinikilala ang kahusayan at galing ng mga katutubong Ifugao.
C. nagpapalakas ng ugnayan ng mga Pilipinong manlilikha at
binubuhay ang
pagiging makabansa.
D. nagpapakita ng kakaiba at makulay na kultura ng mga Pilipino na
nagging inspirasyon sa paggawa o paglikha ng magandang likhang
sining

20. Siya ay isang manlilikha na gumamit ng sabay sabay na elemento sa


pagpipinta na kung saan binigyan niya ng pansin ang mga kultura sa iba’t
ibang nayon sa bansa. Tinagurian din siyang “Master of Human Figure”.

A. Carlos “Botong” Francisco B. Vicente Manansala


C. Fernando Amorsolo D. Victorino C. Edades
21. Alin sa mga sumusunod na larawan ang ginamitan ng maliwanag at sari
saring mga kulay sa pagpipinta?

Larawan 1 Larawan 2 Larawan 3 Larawan 4

A. Larawan 1 C. Larawan 3
B. Larawan 2 D. Larawan 4

22. Bakit mahalagang lugar ang Cordillera Rice Terraces sa ating kultura at
kasaysayan?

A. Ginawa nilang taniman ng palay ang bundok ng Banaue na madalas


na kinakain nating mga Pilipino.
B. Ang Rice Terraces ng Cordillera ang tanging monumento sa ating
bansa na walang impluwensya ng kolonyal na kultura.
C. Sinasalamin nito ang kultura ng mga sinaunang katutubong Pilipino
at sila ay maparaan sa paglikha ng solusyon sa problema.
D. Lahat ng nabanggit

23. Ang tawag sa likhang-sining ng nagpapakita ng likas na tanawain ay


landscape. Ito ay may pinagkakaisang diwa na kaakit-akit ang pagkakaayos
ng mga kulay at iba pang elemento tulad ng linya at hugis. Ano ang tatlong
bahagi ng isang landscape?

A. foreground, middle ground at back ground


B. harmony, teknik at ilusyon
C. pointillism, cross-hatching at contour shading
D. tekstura, dimension at kulay

24.Ito ay nagpapakita ng natural na tanawin sa isang likhang sining. Ano ito?

A. Foreground C. Landscape
B. Middle ground D. Background

25. Ang Pilipinas ay may mayamang kasaysayan ng sining at kultura. Paano


mo ito mapahahalagahan?

A. sa pamamagitan ng pagmamahal sa sariling sining at kultura


B. pagkilala at pagtangkilik sa sariling sining at kultura at sa mga
nakaimpluwensiya dito
C. pagbabahagi nito sa ibang tao at ibang lugar
D. lahat ng nabanggit
PHYSICAL EDUCATION
26. Ang PPAP ay isang gabay sa mga uri ng laro, ehersisyo at ibang mga
gawain upang makamit ang kakayahang pangkatawan. Ano ang kahulugan
ng PPAP?
A. Physical Pyramid Activity of the Philippines
B. Pyramid of the Philippines Activity and Physical
C. Philippine Physical Activity Pyramid
D. Physical Philippine Activity Pyramid

27. Ang larong “patintero” ay kinakailangan ng ______ upang makapaglaro


ng maayos.
A. magandang tanawin
B. isang koponan ng manlalaro
C. isang manlalaro ang magiging taya
D. malawak na lugar kung saan malayang makakakilos ang mga
manlalaro

28. Layunin ng larong “taguan” na bantayan ang isang sulok o bagay na


nakatayo sa permanenteng lugar upang hindi mahuli ng kalaro. Anong
kasanayan ang nahuhubog sa paglalaro nito?
A. lakas
B. balanse
C. liksi at bilis
D. koordinasyon

29. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng larong “siyato” na isang uri ng
striking o fielding games?
A. masalo ang bola
B. matumba ang mga manlalaro
C. maibato ito ng malakas at malayo
D. masipa ito ng malakas at malayo upang makapunta sa base

30. Ang larong invasion game ay nakatutulong at nakapagbibigay ng ____sa


bawat manlalaro.
A. katunggali C. sipag, tiyaga at talino
B. husay at halaga D. kasiyahan at kalusugan

31-32. Pag- aralan ang Philippine Physical Activity Pyramid na nasa ibaba
upang masagot ang mga tanong sa bilang 31-32
31. Mahilig magsayaw si Ryan dahil isa itong uri ng ehersisyo na
nakatutulong upang lumakas ang kanyang katawan. Ayon sa PPAP, ilang
beses sa isang linggo dapat isagawa ang pagsasayaw?
A. araw-araw
B. 4-6 beses sa isang linggo
C. 2-3 beses sa isang linggo
D. minsan o isang beses sa isang linggo

32. Alin sa mga sumusunod na gawain ang dapat isagawa ng minsan o


isang beses sa isang linggo?
A. Pagbibisikleta
B. Paglalangoy
C. Pag- uunat
D. Panonood ng telebisyon

33. Ang pagyuko ng ulo, pag-unat ng ng mga braso at pag-inhale at exhale


ay ginagawa bago magsimula ang laro. Ito ay tinatawag na______.
A. Cool Down C. stretching
B. Warm Up D. practice

34. Ano ang kailangan mong tandaan bilang isang manlalaro?


A. Maging maangas sa kalaro
B. Sumunod sa panuntunan ng laro
C. Dayain ang kalaban upang makapaglaro lamang
D. Sikaping manalo kahit masaktan ang kapwa manlalaro

35. Layunin ng larong “agawan base” na____________


A. lusubin ang teritoryo ng kalaban sa pamamagitan ng pagtaya
B. bantayan ng taya ang isang permanenteng lugar o teritoryo..
C. kinakailangang makabalik sa puwesto bago tayain ng kalaban.
D. protektahan ng lider ang kanyang kapwa manlalaro para hindi
mataya

36. Sa larong “tumbang preso” ang sumusunod na kasanayan ay


kinakailangang gawin para manalo MALIBAN sa isa.
A. Huwag aalis sa puwesto.
B. Bantayang mabuti ang lata.
C. Kinakailangan ng bilis at liksi sa paglalaro nito.
D. Tingnan mabuti ang kapwa manlalaro at maging alerto.

37. Alin sa mga pahayag tungkol sa paglalaro ng pangkatan ang HINDI


dapat gawin?
A. Pakikipagtulungan sa mga kakampi
B. Maayos na komunikasyon sa bawat isa
C. Lahat ay dapat sumunod sa panuntunan
D. Pagtigil sa paglalaro kung malapit nang matalo

38. Ang invasion game ay nilalaro ng dalawang magkatunggaling pangkat.


Ano ang HINDI dapat gawin sa panuntunan nito?
A. Pakikipagtulungan sa bawat miyembro ng pangkat
B. Pagiging mabilis at maliksi sa paglusob sa teritoryo ng kalaban.
C. Pagiging mapanlamang sa kalaro ay isang katangian na
makapagpapanalo.
D. Pagkakaroon ng pagsasanay upang maging maliksi, mabilis, at
magkaroon ng koordinasyon ang katawan sa paglalaro.

HEALTH:
39. Ang positibong emosyon ay mahalagang bahagi ng ating pangkalahatang
kalusugan. Alin ang hindi nagpapakita ng emosyonal na kalusugan?
A. may kontrol sa kanilang mga iniisip, damdamin, at pag-uugali
B. kayang harapin ang mga hamon ng buhay
C. may mabuting relasyon sa mga tao sa kanyang paligid
D. nadadaig ng stress, galit, at kalungkutan

40. Ang katapatan ay nakabubuo ng tiwala at nagpapatibay sa relasyon,


alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katapatan?
A. pagtatago ng sikreto o di pagsasabi ng totoo
B. ang paggawa ng tama kahit walang nakakakita
C. ang paggawa ng kuwento na pabor sa nakikinig
D. ang pagsang-ayon sa gusto ng kausap
41. Paanong nakatutulong ang mabuting samahan sa ating kalusugan?

A. Ang magandang pakikitungo sa kapwa ay makapagbibigay ng


kasiyahan at kagaanan ng nararamdaman.
B. Ang pakikipag-away ay nakapagdudulot ng alalahanin sa buhay.
C. Ang pag-iipon ng matinding galit ay nagpapabigat sa kalooban.
D. Nagiging magulo ang isip ng taong walang pinagkakatiwalaan.

42. Si Roy ay maraming kaibigan sa kanilang lugar at maging sa paaralan.


Mahusay din siyang makisama at makihalubilo sa mga tao. Si Roy ay_____.
A. Mayabang
B. Palaaway
C. Walang tiwala sa mga taong nakapaligid sa kanya.
D. Kayang tanggapin ang pagkatao at ugali o asal ng kaibigan, kamag-
aral o ka-trabaho.

43. Paano pinalalala ng isang taong usisero o nakakasaksi ang sitwasyon ng


pambubully?
A. nakatahimik lang na tila sumasang-ayon sa pangyayari
B. inaalo ang bata o ang tao na binubully
C. humihingi ng tulong para matapos na ang pangyayari
D. pinapalayo na ang taong binubully
44. Sino-sino sa mga sumusunod ang maaaring makatulong sa ating
pakikitungo sa mga problemang mental, emosyonal at sosyal?
A. gabay tagapayo/guidance counselor C. kaibigan
B. magulang D. Lahat ng nabanggit
45. Ang paglaki ng dibdib at pagkakaroon ng regla ng mga kababaihan ay
dahil sa pambabaeng hormone na tinatawag na________.
A. obaryo B. estrogen C. testis D. testosterone

46. May mga maling paniniwala na ang pagpapatuli ay nakapagpapabilis ng


pagtangkad ng isang lalaki. Alin sa mga sumusunod ang siyentipikong
pagpapaliwanag tungkol dito.
A. Hindi tatangkad ang isang lalaki kapag pinagpaliban ang
pagpapatuli
B. Mabilis lalaki at tatangkad kapag nagpatuli agad
C. Ang pagpapatuli ay ginagawa sa panahon ng pagbibinata kung
kailan mabilis ang pagtangkad at paglaki ng mga batang lalaki.
D. Tumatangkad pagkatapos na pagkatapos tuliin

47. Ano ang dapat gawin ng isang babae kapag siya ay may buwanang dalaw
o regla?
A. huwag magbuhat ng mabibigat
B. hindi dapat makilahok sa mga gawaing pampalakasan o pag-
eehersisyo
C. huwag kakain ng maaasim at maaalat na pagkain
D. maligo araw araw upang maging maganda ang pakiramdam

48. Ano-ano ang mga negatibong epekto sa hindi inaasahang pagbubuntis?


A. Ang maagang pagbubuntis ay maaring magdudulot ng pagtigil ng
kabataan sa pag-aaral.
B. Maari ring makakuha ng mga sakit sa maagang pagbubuntis
katulad ng (chronic respiratory diseases at body impairments).

C. May mga batang ina na nagpapakamatay dahil sa depresyon at hindi


pagtanggap ng kanilang mga magulang.
D. Lahat ng nabanggit

Para sa bilang 49-50

PANUTO: Tukuyin ang sumusunod na pangungusap kung anong salik ito


nabibilang. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba at isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel

A. Pamilya B. Paaralan C. Relihiyon D. Medya

49. Ang pagtungo sa mga bahay sambahan upang manalangin at makinig


ng mga salita ng Diyos ay lalong nagpapatibay ng mga gampaning
pangkasarian ng mga lalaki at babae. Ang mga nabanggit ay saklaw ng
anong salik?

50. Ang pagluluto, paglilinis ng bahay, at paglalaba ng mga damit ay


itinuturo sa mga anak na babae at lalaki upang ang gawain ay maging
magaan at maging kapakipakinabang ang bawat isa. Aling salik sa itaas ang
lalong nagpapatibay nito?

You might also like