Professional Documents
Culture Documents
Fil 19
Fil 19
A. KATUTURAN
- Ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o bagay na ginagamit ng guro
bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan, saloobin, palagay,
kaalaman, pag-uanawa at pagpapahalaga ng mga mag- aaral upang maging konkreto,
tunay, dynamic at ganap ang pagkatuto. (Abad, 1996)
- Isa itong tanging gamit sa pagtuturo na nagtataglay ng gabay para sa mag- aaral at
mga guro at tumitiyak sa bawat karagdagang pagkatuto ng nilalaman, teknik ng
paglalahad, pagsasanay at paggamit ng nilalaman ng pagtuturo gamit ang mga teknik
na ito.(Johnson, 1972)
-Ang kagamitang panturo ay espesyal na disenyong pansilid aralang kagamitan na
binubuo ng mga panuto para sa mga guro at mga mag- aaral, at nakasaad ang mga
layon ng pagkatuto; ang paksang dapat na matutunan, mga teknik ng presentasyon ng
aralin, kasanayan at gamit ng paksa/ aralin at mga modal ng pagtuturo gamit ang mga
naturang teknik.(F.C Johnson. RELC, vol.3)Ito ay tumutukoy sa Philippine Clean Air
Act of 1999.
o Ang kagamitang pampagtuturo ay nagbibigay ng konkretong pundasyon sa pagkatuto
na nagbubunga ng wastong gawi sa pag- aaral.
o Nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag- aaral; nagbibigay ito ng mga tunay at
iba’t ibang kalagayan upang mapasigla ang pansariling gawain ng mga mag- aaral.
o Nag- aambag ito ng iba’t ibang karanasan tungo sa pagkakamit ng kasanayan at
pagkakaroon ng patuloy na interes sa pag- aaral.
o Sinasabing ang atensyon ng mga mag- aaral ang pinakamahalagang salik sa
pagkatuto. Ang guro ay nararapat na magkaroon ng kakayahan na mapanatili ang
kawilihan ng mga mag- aaral sa loob ng panahong siya ay nagtuturo. Kapag Nawala
ang atensyon ng mga mag- aaral sa aralin, Maaaring sabihing walang pagkatutong
naganap. At para makuha ang interes ng mga mag- aaral, ang guro ay dapat gumamit
ng iba’t- ibang kagamitang pampagtuturo.
KAHALAGAHAN NG KAGAMITANG PANTURO
Para sa Guro
1. Ang kagamitang panturo ay ginagamit sa presentasyon ng mga bagong kaalamang
dapat matutuhan, mabuo at magamit.
2. Ang kagamitang panturo ay para sa pagkatuto ng isang kasanayan, istruktura ng
wika at mga ilang mahihirap na gawain na pagtalakay nito.
3. Ang kagamitang panturo ay ginagamit na patnubay ng guro sa mga metodo,
Teknik at mga bagong anyo/ uri ng pagsasanay sa pagtalakay sa aralin.
4. Ang kagamitang panturo ay nagbibigay ng pagkakataon sa guro na magamit ang
kanyang oras at kasanayang gawing makatotohanan ang mga bagay at araling
ituturo sa loob at labas ng paaralan.
5. Ang kagamitang panturo ay nagbibigay ng de kalidad, maayos at makahulugang
pagtuturo.
6. Nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pagsasalita at pagtalakay ng
mga aralin sa loob ng klasrum.
7. Nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pagsasalita at pagtalakay ng
mga aralin sa loob ng klasrum.
8. Naging makabuluhan at walang naaaksayang panahon, oras at salapi ang guro
dahil sa mga nakahandang kagamitan nito.
9. Nagkakaroon ng tiwala sa pagtalakay ng aralin ang guro sapagkat nagiging gabay
nito ang kanyang mga kagamitan.
10. Nakikilala rin ang mga guro ng kanyang kamag- aral at kapwa guro sa mga
imbensyong kagamitang kanyang inihahanda.
Para sa Mag-aaral
1. Nagkakaroon sila ng pagkakataong gumawa at matutong mag- isa sa loob at labas ng
paaralan.
2. Nagkakaroon sila ng pagkakataong makasunod sa course study at mga hakbang na
maaaring gamitin sa pagsasagot ng mga gawain kahit walang gaanong pamatnubay
ang kanilang guro.
3. Nagbibigay sa mga bata ng konkretong pundasyon sa pagkatuto.
4. Nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag- aaral upang maging masigla at magaang
ang pag- aaral sa pagkatuto.
5. Nagkakaroon ng tiwala sa sarili ang mga mag- aaral kung may kaalaman at sapat na
paggamit ng mga kagamitan.
6. Naging makatotohanan sa mga talakayan at nagagamit na batayan nila ang kagamitan
sa kanilang talakayan.
7. Nagkakaroon sila ng kasanayang maghambing ng mga bagay na magkakatulad at
magkakaiba.
8. Nakatutulong sa kanilang sariling pagkatuto ng mga karagdagang kaalaman at
karanasan na dapat nilang matutunan.
9. Nakadidiskubre ng isang suliraning maaari nilang malutas nang mag- isa sa tulong ng
kanyang kagamitan.
10. Higit sa lahat kakaibang karanasan, kasanayan at kaalaman ang hatid ng kagamitang
panturo
MGA DULA
MGA PAPET
MINAMASID
A. Pakitang- turo
B. Eksursyon- nagamit ang limang pandama.
C. Eksibit- Maayos na pagtatanghal ng mga bagay o kaisipan sa isang tanging lugar o
lagayan upang mamasid lamang.
1. Museo- Lugar na kikitaan ng mga bagay na may kinalaman sa siyensya,
sining, kultura, at iba pa.
2. Bulitin Bord- Kagamitang tanaw na katulad ng pisara at ginagamit bilang
paskilan ng mga bagay.
3. Takbord- Paskilan katulad ng Bulitin ngunit ito ay ginagamitan ng tamtaks at
aspili.
4. Poster- Hal. Bilboard, patalastas,at nakapaskil na anunsyo.
5. Dayorama- Kagamitang tanaw- dinig na yari sa kahon.
6. Mobil o Pabilin- Kagamitang tanaw- dinig na isinasabit kaya ito ay
gumagalaw kapag humahangin.