Araling Pansayaw at Mga Galaw: Martial Arts, Gymnastics, Figure Skating, Synchronized Swimming at

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang 

sayaw ay isang sining na binubuo ng piling magkakasunod


na galaw ng tao ng mayroong pakay. Ang galaw na ito ay
masining at may tinutukoy, at ito ay kinikilala bilang sayaw ng
mga mananayaw at mga tagamasid sa loob ng isang partikular na
kultura.Ang sayaw ay maaring maikategorya at mailarawan batay
sa kaniyang koryograpiya, Koleksyon at pagkakasunod-sunod ng
mga galaw o batay sa panahon at kasaysayan nito o lugar na
pinagmulan. Isang mahalagang pagkakaiba ay mailalarawan sa
pagitan ng konteksto ng theatrical at participatory na sayaw.
Bagama't ang dalawang kategoryang ito ay hindi palaging
magkahiwalay; ang mga ito ay may espesyal na gamit,
maski sosyal,seremonyal, pampaligsahan,sekswal,pang-militar
at banal/maliturgiya. Ang ibang disiplina sa paggalaw ng tao ay
paminsang sinabi na pagsayaw tulad ng kalidad, kabilang ang
martial arts,gymnastics, figure skating, synchronized swimming at
marami pang ibang uri ng pampalakasan.
Araling pansayaw at mga galaw[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tingnan din: Teoriyang pangsayaw, Koreograpiya, at Mga galaw na pangsayaw
Noong kaagahan ng dekada ng 1920, ang araling pangsayaw (pagsasagawa ng sayaw, teoriyang
kritikal, analisis ng musika, at kasaysayan) ay sinimulang ituring bilang isang disiplinang pang-
akademiya. Sa kasalukuyan, ang mga araling ito ay kasamang bahagi na ng mga
programang pangsining at araling pantao ng maraming mga pamantasan. Sa pagsapit ng kahulihan
ng ika-20 daantaon, ang pagkilala sa praktikal na kaalaman bilang kapantay ng kaalamang pang-
akademiya ay humantong sa paglitaw ng pananaliksik na pangpagsasagawa. Isang malaking
nasasakupan ng mga krusong pangsayaw ang makukuha, kabilang na ang mga sumusunod:

 Pagsasagawang pamprupesyon: kasanayan sa pagsasagawa at teknikal


 Pananaliksik na praktikal: koreograpiya at pagsasagawa
 Etnokoreolohiya, na sumasaklaw sa mga aspetong may kaugnayan sa sayaw
ng antropolohiya, araling pangkultura, araling pangkasarian, araling makapook, teoriyang
pagkaraan ng kolonyalismo, etnograpiya, atbp.
 Terapiyang sayaw, o terapiyang may kilos na pangsayaw
 Sayaw at teknolohiya: bagong midya at mga teknolohiya na pangpagsasagawa
 Laban Movement Analysis at araling somatiko
Ang mga degring pang-akademiyang makukuha ay magmula BA (Hons) hanggang PhD at iba pang
mga fellowship na postdoktoral, na may ilang mga dalubhasa o iskolar na pangsayaw na kinukuha
ang kanilang mga pag-aaral bilang mga estudyanteng may maturidad pagkaraan ng isang
prupesyunal na karerang pangsayaw.
Ang kasaysayan ng sayaw ay ang pag-aaral
sa ebolusyon ng pagsasayaw sa pagdaan ng mga kapanahunan.
Magmula sa panahon bago pa man naitala o naisulat ang
kasaysayan o panahong prehistoriko, nagkaroon na ang tao ng
pangangailangan na maipahayag ang kaniyang sarili sa
pamamagitan ng mga galaw ng kaniyang katawan at mga bahagi
ng katawan, na matatawag bilang sinaunang mga sayaw. Ang
mga kilos na ito ay nagpapahayag o nagpapamalas ng mga
damdamin at mga kalagayan ng pagkilos. Ang sinaunang mga
kilos na ito na may ritmo at indayog ay nagsisilbi rin bilang
mahahalagang mga kaganapang pangritwal katulad ng mga
pagdiriwang dahil sa kapanganakan o kaarawan, kasal, digmaan,
o dahilang panrelihiyon.[1]
Ang sinaunang mga tao, namumuhay sa loob ng mga tribo, ay
nagsagawa ng mga sayaw upang magsagawa ng mga ritwal na
makapagpuprutekta sa kanilang mga sarili laban sa galit ng mga
diyus-diyosan; at upang humingi ng tulong mula sa mga diyos na
ito, halimbawa na ang tulong sa pangangaso o kaya ay tulong
para sa pagwawagi sa isang digmaan.

You might also like