Araling Panlipunan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Kahandaan, Disiplina at
Kooperasyon sa Pagtugon sa
mga Hamong Pangkapaligiran
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa
Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Edward B. Latonio


Editor: Jed I. Bete
Kontribyutor at Tagasuri: Jed I. Bete
Tagaguhit: Ailyn M. Latonio at Krizhelle Cate E. Curada
Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V
ASDS Basilio P. Mana-ay Jr., CESE
ASDS Emma A. Camporedondo, CESE
CID Chief Alma C. Cifra, EdD
LRMS EPS Aris B. Juanillo, PhD
AP EPS Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Division of Davao City


Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines
Telephone: (082) 224 0100/ 228 3970
Email Address: info@deped-davaocity.ph/lrmds.davaocity@deped.gov.ph
10
Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 4:
Kahandaan, Disiplina at
Kooperasyon sa Pagtugon sa
mga Hamong Pangkapaligiran
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kahandaan, Disiplina at
Kooperasyon sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang
ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag- aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:
Mabuhay! kumusta ka? Handa ka na ba para pag-aralan ang mga hakbang
para maiwasan ang malaking pinsala dala ng ano mang hamong pangkapaligiran.
Dito mo maiintindihan ang tungkol sa kahalagahan ng kahandaan, disiplina at
kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran. Bakit mahalaga na ikaw
ay handa at may disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran? Ang mga katanungang iyan ay masasagot mo sa pamamagitan ng
modyul na ito.

Mag-aaral, makakaasa ka na ang mga gawain sa modyul na ito ay madali mo


lang masasagutan sapagkat bawat konsepto ay maayos na inilahad. Basahin at
unawain mo nang mabuti ang mga detalye tungkol sa kahandaan ng isang
komunidad, disiplina at kooperasyon ng mamamayan tugon sa mga hamong
pangkapaligiran. Handa ka na ba? Bago ka magsimula ay basahing muli ang mga
nakapaloob sa bahagi ng modyul bilang iyong gabay.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
arain.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Susi sa Pagwawasto Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

iv
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid
o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito

v
Alamin

Sa nakaraang aralin, iyong natutunan ang tungkol sa kahulugan ng


isyung pangkapaligiran: kalagayan, suliranin, at tugon. Isa sa mga
kontemporaryung isyung iyong natutunan ay ang tungkol sa mga isyung
pangkapaligiran. Kaya naman, sa modyul na ito ay iyong susuriin ang
kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng mga
hamong pangkapaligiran. Maari mong gamitin ang modyul na ito sa bahay.
Ang araling ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Comptency para
sa Baitang 10 na:

Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa


pagtugon ng mga hamong pangkapaligiran.

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralan mo ang sumusunod na


paksa:
• Mga Kahalagahan ng Paghahanda sa Pagharap sa mga
Hamong Pangkapaligiran.
• Mga Kahalagahan ng Disiplina at Kooperasyon ng
Mamamayan sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran.

Pagkatapos mong pag-aralan ang mga nabanggit na paksa, ikaw ay


inaasahang:

1. naipaliliwanag ang kahalagahan ng kahandaan bilang pagtugon


sa mga suliraning pangkapaligiran; at
2. nabibigyang-halaga ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon
bilang pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran.

6
Subukin

Handa ka na bang magsimula? Sa bahaging ito ay susubukin ang lawak


ng iyong kaalaman tungkol sa mga suliraning pangkapaligiran na nangyayari sa
ating bansa mula noon hanggang sa kasalukuyan.Basahing mabuti ang
sumusunod na mga tanong at kumuha ng isang malinis na sagutang papel at
isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang sumusunod ay dapat gawin ng isang komunidad upang


mapahalagahan ang kahandaan, disiplina at koopersayon sa tuwing
darating ang kalamidad at sakuna, MALIBAN sa.
A. Makiisa sa mga gawaing pang sibiko at pangkapaligiran.
B. Hintayin ang tulong ng pamahalaan at makinig sa mga sinasabi ng
kapitbahay.
C. Maghanda ng mga kagamitang maaring gamitin tuwing may darating na
sakuna at kalamidad.
D. Lagyan ng mga warning signs ang mga lugar na madaling matamaan ng
sakuna gaya ng pagbaha at landslides.

2. Alin sa sumusunod na komunidad ang nagpapakita ng kahandaan at


koopersayon sa pagharap sa hamong pangkapaligiran?
A. Ang mga mamamayan ay walang pakialam sa pagpapatupad ng mga
programang pangkaligtasan.
B. Ang mga mamamayan ay hindi nakikilahok sa ano mang gawain na may
kaugnayan sa disaster preparedness.
C. May nakalaang plano ang mga mamamayan at may koordinasyon sa
barangay hinggil sa disaster preparedness.
D. Pinagtutuunan ng pansin ng mga mga mamamayan ang kaligtasan ng
kanilang mga alagang hayop sa tuwing dumarating ang mga kalamidad.

3. Bakit mahalagang maunawaan ng bawat pamilya ang disaster


preparedness?
A. Maiwasan ang malawakan at malubhang pagkasira ng mga pisikal na
istruktura at maging sa kalikasan, at mapadali ang pag-ahon ng mga
mamamayan mula sa dinanas na kalamidad.
B. Dapat magkaroon ng koordinasyon at maiwasan ang pagkalito at
pagkaantala na maaari pang magdulot ng dagdag na pinsala o
pagkawala ng buhay.
C. Makatutulong ito upang mas malawak ang mabubuong plano at
estratehiya at magagamit nang tama ang mga pinagkukunang yaman.
D. maaaring maiwasan ang malawakang pinsala sa panahon ng kalamidad
kung maayos ang sistema ng disaster management ang isang lugar.

4. Ang pre-emptive evacuation ay isang pagpapakita ng kahandaan sa tuwing


may paparating na hazard. Sino sa sumusunod ang nararapat sumailalim
sa paghahandang ito?
A. Ang barangay officials dahil sila ang magbigay ng mga hakbang na dapat
gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat

7
hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.
B. Ang kawani ng Non-Government Organizations (NGO) dahil sila ang
magbibigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal
na katangian ng komunidad.
C. Ang rescuers sapagkat kailangan ang kanilang kaalaman at karanasan
upang mailigtas ang mga possibleng biktima ng kalamidad
D. Ang mga tao sa mga lugar na peligroso dahil sa posibleng
kapahamakan na kanilang mararanasan.

5. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kahalagahan sa disiplina


sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran?
A. Mapahusay ang kapasidad ng mga komunidad.
B. Maiwasan ang mga panganib at bawasan ang pagkasira at pagkawasak
dulot ng pinsala ng kalamidad.
C. Mabigyan at matugunan ang mga pangangailangan na walang
mangyayaring apektadong populasyon sa pamantayan ng agarang
pagresponde tuwing may kalamidad.
D. Mapahalagahan ito hindi lamang sa sarili pati na rin sa ating kapaligiran
at dapat maging produktibo sa pakikilahok sa anumang gawain sa
pangangalaga sa ating kapaligiran.

6. Bilang mag-aaral, bakit mahalagang maunawaan mo kung paano tutugon


sa nararanasang kalamidad?
A. Upang maiwasan ang mas malaking pinsala na dulot ng kalamidad at
magkaroon ng mabisa at lohikal na aksiyon kapag nahaharap na ito.
B. Upang makalikom ng malaking halaga ng tulong mula sa pribado at
panlabas na sektor at maipamahagi ito sa lahat ng nasalanta ng
kalamidad.
C. Upang maiwasan ang pagkasira ng mga ari-arian at ma proteksyonan
ang mga pampublikong gusali.
D. Upang maisalba ang mga mahal sa buhay at mga malalapit na kamag
anak at kaibigan.

7. Bilang isang mag-aaral, alin sa sumusunod ang maaari mong gawin upang
mas mabisang makatugon ka sa mga hamon at suliraning pangkapaligiran?
A. Sundin ang mga alituntunin ng iyong lokal na pamahalaan hinggil sa
mga gawain upang maiwasan ang sakuna at kalamidad.
B. Sumali sa mga seminar na may kinalaman sa disaster preparedness at
gumawa ng sariling pagsusuri at gumawa ng rekomendasyon.
C. Makinig sa mga pagtuturo ng guro sa paaralan at ibahagi ang kaalaman
sa lokal na pamahalaan.
D. Patuloy na mag-aral ng mabuti upang makapagtapos at makatulong sa
iyong mga magulang.

8. Alin ang HINDI angkop tungkol sa pagpapahalaga sa kahandaan, disiplina


at kooperasyon sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran?
A. Ang pangangalaga sa kalikasan ay pinakamabuting sukli natin sa
handog nito sa ating buhay.
B. Nakapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan sa panahon ng
sakuna ngunit naghihintay ng agarang kapalit.
C. Pakikipag ugnayan sa barangay tungkol sa programang may kaugnayan
sa disaster preparedness.
D. Lahat ng nabanggit

8
9. Sa panahon ng kalamidad mahalaga ang pagkakaroon ng disiplina at
kooperasyon ng mga mamamayan at ng pamahalaan upang agarang
malulutas ang problema at suliranin. Alin sa sumusunod ang angkop na
pahayag?
A. Ang kahandaan ng mamamayan sa pagtugon sa hamong
pangkapaligiran.
B. Ang pamahalaan lamang ang may kapangyarihan na lutasin ang mga
suliranin.
C. Nasusukat ang kahandaan at kakayanan ng isang komunidad sa tuwing
sila ay makaranas ng isang sakuna.
D. Ang komunidad na nakaranas ng sakuna ay dumulog kaagad sa
pamahalaan dahil sila lamang ang may kakayanang tumulong

10. Ang kaalamang pampubliko (public awareness) at sistema ng maagang


babala (early warning) ay ang mga paghahanda na dapat gawin sa
komunidad. Alin sa sumusunod ang nagpapakita nito?
A. Ang komunidad ay dapat produktibo sa pangangalaga sa kapaligiran.
B. Sa paaralan, mahalaga ang paghahanda at pagbibigay ng babala at
pagkakaroon ng disaster exercise o simulation.
C. Ipaubaya sa mga lokal na lider ang tungkulin hingil sa disaster
management at hayaang gawin nila ang kanilang mga responsibilidad
ayon sa batas.
D. Kailangan na tayo ay mapagmasid at may pakipag-ugnayan sa usaping
kahandaan subalit kailangan unahin mo muna ang iyong sarili at huwag
makialam sa ibang tao.

11. Ano ang masamang epekto ng kawalan ng disiplina ng tao sa pagtatapon ng


basura?
A. Marami ang pumupuri kapag tama ang pagtapon ng basura
B. Magkakaroon ng lugar sa tamang pangongolekta ng basura
C. Nagdudulot ito ng magandang epekto sa kalusugan ng tao
D. Isa ito sa mga sanhi ng pagbaha

12. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan sa


pagtugon ng mamamayan sa hamong pangkapaligiran?
A. Ang paghahanda laban sa mga kalamidad ay nakasentro sa kapakanan
ng mamamayan.
B. Malaki ang partisipasyon ng pamahalaan kaysa sa mamamayan tuwing
may kalamidad.
C. Hinihikayat ang pakikilahok ng iba’t ibang sektor ng lipunan
D. Binibigyang halaga ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan na
may disiplina, koordinasyon, at kooperasyon.

13. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahandaan, disiplina at


kooperasyon ng isang pamayanan sa pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran?
A. Sumusunod sa mga anunsiyo na may kaugnayan sa paghahanda at mga
gawain ng komunidad hinggil sa disaster preparedness
B. Aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa programa ng lokal na
pamahalaan.
C. Nakikilahok sa mga pangsibikong gawain tungkol sa kahandaan ng
komunidad sa tuwing mayroong sakuna.
D. Nanonood ng palabas sa telebisyon na may kaugnayan sa buhay ng mga
taong nasalanta ng kalamidad

9
14. Paano magiging handa ang isang lugar sa pagharap sa mga hamong
pangkapaligiran?
A. Ang mga mamamayan ay nagpapakita ng disiplina, koordinasyon at
kooperasyon.
B. Araw araw ay nakikisalamuha sa mga kapitbahay upang makasagap ng
balita.
C. Ang pamilya ay tumutugon lamang kapag dumating na ang kalamidad.
D. Ipapaubaya na lang sa Diyos ang lahat.

15. Bakit mahalaga na sumunod sa mga alituntunin sa paglikas tuwing may


sakuna?
A. Upang mabawasan ang responsibilidad ng mga lokal na emergency
responders.
B. Upang maiwasan ang pagkawala ng buhay at masiguro ang kaligtasan
ng lahat.
C. Upang magtagumpay ang plano ng barangay sa community mobilization.
D. Upang mapadali ang paglikas.

10
Aralin Kahandaan, Disiplina at
Kooperasyon sa Pagtugon sa
1 mga Hamong Pangkapaligiran
Magaling! Natapos mo nang maayos ang Subukin Natin. Kaya naman, sa
bahaging ito ay maari mo nang pag-aralan at lalong mapapahalagahan ang tungkol
sa kahandaan, disiplina at kooperasyon pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran.

Balikan

Bago mo simulang suriin ang mga konsepto ng paghahanda, disiplina


at kooperasyon sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran, mahalaga na
naunawaan at napahalagahan mo ang pag gamit sa bottom-up at top-down
approach.

Hindi rin naman kailangang kalimutan ang pananaw at karanasan ng


mga mamamayan sa pagbuo ng disaster risk management. Ang pagsasanib
na ito ng dalawang approach ay maaaring magdulot ng holistic na pagtingin
sa kalamidad at hazard sa isang komunidad.

GAWAIN 1. PUNAN MO

Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa unang kolum upang


mabuo mo ang mga salita na siyang tinutukoy sa pangalawang kolum.
Kumuha ng malinis na sagutang papel at isulat ang iyong sagot.

Nagdudulot ng pagkawala o pinsala sa


kalikasan, tao, ekonomiya, at iba pang
aspeto ng komunidad at abala sa
RETSASDI
pamumuhay ng mga tao sa isang
komunidad 1._____________
Katangian at kalagayan ng isang
komunidad at sistema na may mataas na
posibilidad na makaranas sa malubhang YTBILIARENVLU
epekto ng hazard 2. _____________
Inaasahang pinsala ng isang pangyayari sa SKIR
tao, ari-arian, at buhay 3._____________
Kakayahan ng sistema, komunidad, o ng LISIERNEEC
lipunan na harapin ang epekto ng hazard 4._____________
Hindi ligtas na pangyayari at o gawain ng
tao na maaaring maging isang banta sa AHZADR
siguridad ng buhay at kapaligiran 5._____________

11
Tuklasin

Malaki ang papel na ginagampanan ng mamamayan upang maiwasan ang


malaking pinsala tuwing may kalamidad. Bago mo ipagpatuloy ang pag-aaral sa
modyul na ito suriin mo muna ang collage sa ibaba at buuin mo ang mga salita na
may kaugnayan sa nakitang mga larawan. Ang mga konseptong ito ay siyang
magiging gabay mo sa ating paksa.

GAWAIN 2. BUUIN MO. Ayusin ang mga scrambled na mga letra bawat bilang
upang makabuo ng isang salita. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

______________ 1. DANAAHKAN - pagiging handa


______________ 2. ORASYONPEKO - pakikipagtulungan
______________ 3. IDALINSIP - kasanayan sa pagkontrol sa sarili
______________ 4. DAKAMIDLA - sakuna
______________ 5. TULUNGATUNPAG - bayanihan

12
Suriin

Magaling! nakuha mo ang mga salitang dapat mong matutunan at


mapapahalagahan sa modyul na ito. Sa bahaging ito ng modyul ay pag-aaralan mo
ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga
hamong pangkapaligiran. Taglayin mo ang mga katangiang ito upang lubos kang
makatulong sa lipunan na iyong ginagalawan.

ANG PAGIGING PROACTIVE SA PAGTUGON SA MGA HAMONG


PANGKAPALIGIRAN
Ang pagiging proactive ay tumutukoy sa pagiging aktibo at handa sa pagharap
at pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran. Ang pagiging aktibo sa pagharap at
pagtugon sa hamong pangkapaligiran ay maging daan sa kaligtasan ng komunidad
sa epekto ng kalamidad. Sa pagiging proactive masusi mong mapaghandaan ang
paparating na mga kalamidad. Kailangan mong maging mapanuri sa iyong mga
desisyon at maging alisto ang isipan sa mga pangyayari sa iyong paligid upang
magawa ang dapat gawin dahil ang kaligtasan at buhay ng tao ay mahalaga. Kaya
nararapat lamang na pag-aralan mong mabuti kung paano makapaghanda sa
anumang hamong pangkapaligiran.

DISASTER AWARENESS
Ano ba ang disaster awareness? Madalas tayong nakakapanood ng mga
patalastas sa telebisyon tungkol sa mga dapat gawin sa panahon ng sakuna.
Mayroon ding mga anunsyo sa radyo, sa mga pahayagan, at maging sa ating
pamayanan tungkol sa mga gagawin natin kung sakaling tayo ay makaranas ng iba’t
ibang kalamidad. Ang lahat ng ito ay may kaugnayan sa disaster awareness.

Ang pagbibigay babala o paalala ay batay sa tatlong pangunahing layunin. Ito


ay ang sumusunod:
1. To inform – magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at
pisikal na katangian ng komunidad.
2. To advise – magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa
proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.
3. To instruct – magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar
na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng
sakuna, kalamidad, at hazard.

May iba’t ibang paraan ang bawat komunidad sa pagbibigay ng paalala o


babala. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng barangay assembly, pamamahagi
ng flyers, pagdidikit ng poster o billboard, mga patalastas sa telebisyon, radyo, at
pahayagan. Lahat ng ito ay ginagawa upang maging mulat at edukado ang mga
mamamayan sa uri ng hazard at dapat nilang gawin sa panahon ng pagtama nito.
Mahalagang malaman ng mga miyembro ng pamilya, ng mga mamamayan sa

13
komunidad, at maging ng mga kawani ng pamahalaan ang mga dapat gawin sa
panahon ng sakuna o kalamidad. Dapat din na maliwanag sa bawat sektor ng
lipunan ang kanilang gagawin upang magkaroon ng kooperasyon at koordinasyon
para maiwasan ang pagkalito at pagkaantala na maaari pang magdulot ng dagdag
na pinsala o pagkawala ng buhay.
Bilang mag-aaral, mahalaga ang disaster awareness upang mabigyan ng
kaalaman at kakayahan na mapapahalagahan ang kahandaan, disiplina at
kooperasyon sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran. Upang maitaguyod ito,
idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buwan ng Hulyo bilang National
Disaster Resilience Month sa bisa ng Executive Order No. 29 s. 2017.
Kapag sama-sama ang pagkilos ay malaki ang nagagawa sa tuwing
makakaranas tayo ng mga kalamidad. Napapadali ang pagtugon sa mga
pangangailangan tuwing may sakuna o kalamidad kapag nangingibabaw ang
kooperasyon at disiplina. Kapag nagkakaisa ang mamamayan, naisasagawa ang
tamang pagpaplano at pagtugon.

KAHALAGAHAN NG PAGIGING HANDA

Ang kahandaan ay tumutukoy sa katayuan ng komunidad at ng


mamamayan nito na harapin ang hamong pangkapaligiran. Ang kalamidad ay isang
hamon na kailangang harapin na hindi maaaring iwasan ngunit maari nating
paghandaan. Bago dumating ang sakuna, mahalaga ang paghahanda gaya ng pag-
iimbak ng pagkain, malinis na inuming tubig, mga damit, cellphone, at mga bagay
na kailangan sa panahon na tatama ang isang sakuna. Mahalaga na manood ng
telebisyon at makinig sa radyo ng balita para maging alerto sa mga pangyayari bago
pa man dumating ang kalamidad.
Marami ang pumuri sa tagumpay ng mga taga Albay dahil sa kanilang
maayos na paghahanda tuwing may kalamidad. Noong Hunyo 2014 idineklara ng
lokal na pamahalaan ng Albay ang zero casualty noong nasalanta sila ng malakas
na bagyo. Paano kaya nila ito ginawa? Nagkataon lang ba ito o dahil maayos at
masusi ang kanilang ginawang paghahanda sa pagharap sa mga hamong
pagkapaligiran.
Mahalaga ang pagiging handa sa anumang hamong pangkapaligiran lalong
lalo na dito sa ating bansa na may mataas na posibilidad na makaranas ng ibat-
ibang kalamidad at suliraning pangkapaligiran.
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), ang mga
gobernador, alkalde, at punong barangay ay dapat magsagawa ng kaukulangang
paghahanda upang maging zero casualty ang kanilang nasasakupan tuwing
panahon ng bagyo o matinding pag ulan. Sa ulat ni Cabreza (2018), nabanggit ni
DILG Secretary Año, ang kaligtasan ng tao sa hinaharap ay nakadepende sa kung
ano ang ginawa natin sa kasalukuyan. Gamitin ang tag araw para paghandaan ang
peligro tuwing tag ulan. Dagdag pa niya, ang paghahangad ng zero casualty o
walang buhay na masasawi sa panahon ng natural na kalamidad bilang sukatan
ng epektibong pagahanda sa sakuna ay posible at napatunayan noong panahon ng
pananalasa ng Trophical Storm Jolina at maging ng bagyong Chedeng noong 2015.

14
Sa kabilang banda, ang kaalamang pampubliko (public awareness) at
sistema ng maagang babala (early warning) ay ang mga paghahanda na dapat gawin
sa komunidad. Sa paaralan, mahalaga ang paghahanda at pagbibigay ng babala at
pagkakaroon ng disaster exercise o simulation upang mas maintindihan ng mag-
aaral na kailangan nilang paghandaan ang peligro sa disaster kaya ang pakikilahok
sa paghahanda ay mahalaga.
Ang paulit ulit na karanasan nating mga Pilipino sa disaster ay magtulak
sa atin na kilalanin ang kahalagahan ng paghahanda at paglahok ng komunidad
sa gawaing disaster risk management. Maiwasan ang malaking pinsala kung ikaw
ay magiging handa at responsableng mamamayan. Kung lahat tayo ay laging handa
at responsable, sama-sama nating malampasan ang anumang hamong
pangkapaligiran na dumating sa ating bansa.

ANG PAGKAKAROON NG DISIPLINA


Mahalaga ang pagkakaroon ng disiplina sa panahon ng kalamidad hindi
lamang sa iyong sarili kundi pati na rin sa kapakanan ng buong pamayanan. Ito ay
mahalaga upang maging produktibo ka sa pangangalaga sa iyong kapaligiran at sa
mga bagay na naaayon sa tama. Ang pagkakaroon ng disiplina ay mahalaga hindi
lamang sa sarili pati na rin sa tao at sa iyong kapaligiran. Kung ang mamamayan
ay sumusunod sa patakaran ng pamahalaan tuwing may kalamidad siguradong
mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa. Kung walang disiplina mas malaki ang
pagsubok at hamon ang kakaharapin ng pamahalaan tuwing may kalamidad. Sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng disiplina ay maaaring maiwasan ang pagkasira
ng mga ari-arian maging ang pagkawala ng buhay.

Sa panahon ng kalamidad mahalaga ang pagkakaroon ng disiplina ng mga


mamamayan upang agarang masolusyunan at malulutas ang suliranin. Ang
paghahanda sa anumang kalamidad ay mawawalang halaga kung walang disiplina
ang mga mamamayan.

ANG KAHALAGAHAN NG KOOPERASYON


Ang kooperasyon ay tumutukoy sa pakikipag ugnayan ng mamamayan sa
pamahalaan at ang mga alituntunin nito tuwing may kalamidad. Ito ay isang
katangian na dapat mamayani sa gitna ng kalamidad sapagkat sa pamamagitan
nito magkakaroon ng kolektibong pagtugon sa hamong pangkapaligiran. Ang
pagkakaroon ng kooperasyon ng mamamayan at pamahalaan ay maaaring susi sa
pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran. Dito magkakaroon ng mabuting
ugnayan ang mga mamamayan sa lipunan. Kung walang kooperasyon at
pagtutulungan maaaring sanhi ito ng gulo at sa panahon ng kalamidad magdala
pa ito ng malawak na pinsala. Mahirap ipatupad ang mga programa ng
pamahalaan kapag walang kooperasyon ang mamamayan.

Ang disaster preparedness ay dapat na isinasagawa na nagtulong-tulong


ang buong bansa, binigyang-diin ang kritikal na papel ng local executives na
manguna sa pagsasagawa ng preemtive actions para maging listong pamayanan
(disaster-ready community) ang kanilang lugar (Año, 2018). Kailangang palakasin
ang kakayahan ng mga komunidad at mga lokal na pamahalaan sa usaping

15
disaster preparedness dahil sila ang unang humaharap at nakakaranas nito.
Inaasahan na ang komunidad sa pamamagitan ng kooperasyon ng mamamayan ay
siya ring unang tumugon tuwing may kalamidad.

Pagyamanin

GAWAIN 3: SURI SA SARILI


Suriin mo ang iyong sarili batay sa iyong pagpapahalaga sa kahandaan,
disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran. Lagyan ng tsek
( ̷ ) ang hanay na naaayon sa iyong sagot.

Paminsan Hindi
Bihira
Katangian/Paglalarawan Ako ito -minsan ako
lang
lang ito

1. Nakikinig sa mga anusyo sa radyo at


telebisyon sa mga paghahanda na
nararapat gawin sa pagharap ng
kalamidad
2. May disiplina sa sarili sa pagsunod sa
mga tungkulin at alituntunin sa
paghahanda sa pagharap sa anumang
hamong pangkapaligiran
3. Nakikiisa sa mga gawain na may
kaugnayan sa pangangalaga sa
kalikasan.
4. May disiplina at kooperasyon sa mga
programa ng lokal na pamahalaan
tungkol sa disaster preparedness
5. Naniniwala na malaki ang nagagawa sa
sama-samang pagkilos na may disiplina
at kooperasyon sa tuwing makakaranas
ng mga kalamidad.

Mahalaga ang tugon mo sa gawaing ito dahil ang iyong sagot ay


nagpapakita ng iyong sariling pagsisiyasat tungkol sa kahandaan mo sa
paparating na kalamidad. Kung taglay mo ang lahat o karamihan sa mga
pahayag batay sa iyong sariling pagtataya, nangangahulugan ito na ikaw ay
nagpapakita ng kahandaan, disiplina at kooperasyon kung sakaling mayroong
kalamidad.

16
Mga Tala para sa Guro
Walang tama o mali sa sagot ng mga mag-aaral, ito
ay isang pagsusuri sa sarili ayon sa kahandaan sa pagtugon
sa hamong pangkapaligiran.

Isaisip

Tandaan mo ang sumusunod na mahahalagang konsepto:

• Ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga


hamong pangkapaligiran.
• Ang pagiging proactive ay ang pagiging aktibo at handa sa pagharap at
pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran
• Bilang mag-aaral mahalaga ang disaster awareness upang mabigyan
ng kaalaman at kakayahan na mapapahalagahan ang kahandaan,
disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran.
• Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buwan ng Hulyo bilang
National Disaster Resilience Month sa bisa ng Executive Order No. 29
s. 2017.
• Mahalagang malaman ng mga miyembro ng pamilya, ng mga
mamamayan sa komunidad, at maging ng mga kawani ng pamahalaan
ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad.
• May tatlong layunin ang pagbibigay ng paalala. Ito ay ang sumusunod:
o To inform – magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk,
capability, at pisikal na katangian ng komunidad.
o To advise – magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para
sa proteksiyon, paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna,
kalamidad, at hazard.
o To instruct – magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas
na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng
tulong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.

17
Napapadali ang pagtugon sa mga pangangailangan kung nangingibabaw ang
kooperasyon at disiplina. Naisasagawa ang tamang pagpaplano at pagtugon kung
nagkakaisa ang lahat.

Isagawa

GAWAIN 4: POSTER MAKING

Ipinagdiriwang sa buwan ng Hulyo ang National Disaster Resilience Month


(NDRM). Sa taong ito ang tema ng pagdiriwang ay “Sama-samang Pagsulong tungo sa
Katatagan sa Gitna ng Bagong Normal”. Sa panahon ngayon na may pandemic dulot
ng COVID – 19, sinusubok at pinapalakas ang disaster resilience ng ating bansa.

Kaugnay nito, kumuha ka ng short bond paper at gumuhit ka ng isang poster


na angkop sa tema sa taong ito sa pag-oobserba ng NDRM. Ito dapat ay magpapakita
ng kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon bilang tugon sa hamong dala
ng COVID – 19.

18
Rubrik sa Pagmamarka:

Pamantayan 5 4 3 Kabuuan
Ang nilalaman ng
Ang nilalaman ng
Ang nilalaman ng poster ay angkop
poster ay hindi
poster ay angkop sa sa paksa at tema
angkop sa paksa
paksa at tema at ngunit hindi
at tema at walang
nagpapakita ng nagpapakita ng
pagpapakita ng
Kaangkupan sa kahalagahan ng kahalagahan ng
kahalagahan ng
Paksa (Relevance kahandaan, disiplina kahandaan,
kahandaan,
of the theme) at kooperasyon disiplina at
disiplina at
bilang tugon sa kooperasyon
kooperasyon
hamong dala ng bilang tugon sa
bilang tugon sa
COVID – 19. hamong dala ng
hamong dala ng
COVID – 19.
COVID – 19
Ang nilalaman ng
Ang nilalaman ng
poster ay
Ang nilalaman ng poster ay hindi
Pagkamalikhain nagpapakita ng
poster ay nagpapakita ng
(Creativity) at pagkamapanlikha
nagpapakita ng pagkamapanlikha
Pagkamapanlikha ngunit kulang
pagkamalikhain at at walang
(Originality) ang ipinapakita
pagkamapanlikha ipinapakitang
nitong
pagkamalikhain
pagkamalikhain
Kompleto ang detalye May ilang kulang Maraming kulang
Kabuuan ng
ng mensahe ng sa detalye ng sa detalye ng
Mensahe
nagawang poster nagawang poster nagawang poster
Ang nilalaman ng
Ang nilalaman ng
Ang nilalaman ng poster ay hindi
poster ay hindi
Kabuuang poster ay masyadong
nagpapakita ng
Presentasyon nagpapakita ng nagpapakita ng
maayos at
(Overall maayos at malinaw maayos at
malinaw na
Appearance) na kabuuang malinaw na
kabuuang
presentasyon kabuuang
presentasyon
presentasyon

19
Tayahin
Kumuha ng isang malinis na sagutang papel at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Ano ang masamang epekto ng kawalan ng disiplina ng tao sa pagtatapon ng


basura?
A. Marami ang pumupuri kapag tama ang pagtapon ng basura.
B. Magkakaroon ng lugar sa tamang pangongolekta ng basura.
C. Nagdudulot ito ng magandang epekto sa kalusugan ng tao.
D. Isa ito sa mga sanhi ng pagbaha.
2. Paano magiging handa ang isang lugar sa pagharap sa mga hamong
pangkapaligiran?
A. Ang mga mamamayan ay nagpapakita ng disiplina, koordinasyon at
kooperasyon.
B. Araw araw ay nakikisalamuha sa mga kapitbahay upang makasagap ng
balita.
C. Ang pamilya ay tumutugon lamang kapag dumating na ang kalamidad.
D. Ipapaubaya na lang sa diyos ang lahat.
3. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng kahandaan, disiplina at
kooperasyon ng isang pamayanan sa pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran?
A. Sumusunod sa mga anunsiyo na may kaugnayan sa paghahanda at mga
gawain ng komunidad hinggil sa disaster preparedness.
B. Aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa programa ng lokal na
pamahalaan.
C. Nakikilahok sa mga pangsibikong gawain tungkol sa kahandaan ng
komunidad sa tuwing mayroong sakuna.
D. Nanonood ng palabas sa telebisyon na may kaugnayan sa buhay ng mga
taong nasalanta ng kalamidad.
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kahalagahan sa pagtugon
ng mamamayan sa hamong pangkapaligiran?
A. Ang paghahanda laban sa mga kalamidad ay nakasentro sa kapakanan ng
mamamayan.
B. Malaki ang partisipasyon ng pamahalaan kaysa sa mamamayan tuwing
may kalamidad.
C. Hinihikayat ang pakikilahok ng iba’t ibang sektor ng lipunan
D. Binibigyang halaga ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan na may
disiplina, koordinasyon, at kooperasyon.
5. Bilang mag-aaral, bakit mahalagang maunawaan mo kung paano tutugon sa
nararanasang kalamidad?
A. Upang maiwasan ang mas malaking pinsala na dulot ng kalamidad at
magkaroon ng mabisa at lohikal na aksiyon kapag nahaharap na ito.
B. Upang makalikom ng malaking halaga ng tulong mula sa pribado at
panlabas na sektor at maipamahagi ito sa lahat ng nasalanta ng kalamidad.
C. Upang maiwasan ang pagkasira ng mga ari-arian at ma proteksyonan ang
mga pampublikong gusali.
D. Upang maisalba ang mga mahal sa buhay at mga malalapit na kamag
anak at Kaibigan.

20
6. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kahalagahan sa disiplina sa
pagtugon sa hamong pangkapaligiran?
A. Mapahusay ang kapasidad ng mga komunidad.
B. Maiwasan ang mga panganib at bawasan ang pagkasira at pagkawasak
dulot ng pinsala ng kalamidad.
C. Mabigyan at matugunan ang mga pangangailangan na walang
mangyayaring apektadong populasyon sa pamantayan ng agarang
pagresponde tuwing may kalamidad.
D. Mapahalagahan ito hindi lamang sa sarili pati na rin sa ating kapaligiran at
dapat maging produktibo sa pakikilahok sa anumang gawain sa
pangangalaga sa ating kapaligiran.
7. Ang pre-emptive evacuation ay isang pagpapakita ng kahandaan sa tuwing may
paparating na hazard. Sino sa sumusunod ang nararapat sumailalim sa
paghahandang ito?
A. Ang barangay officials dahil sila ang magbigay ng mga hakbang na dapat
gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga opisyales na dapat
hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.
B. Ang kawani ng Non-Government Organizations (NGO) dahil sila ang
magbibigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na
katangian ng komunidad.
C. Ang rescuers sapagkat kailangan ang kanilang kaalaman at karanasan
upang mailigtas ang mga possibleng biktima ng kalamidad
D. Ang mga tao sa mga lugar na peligroso dahil sa posibleng kapahamakan na
kanilang mararanasan
8. Ang sumusunod ay dapat gawin ng isang komunidad upang mapahalagahan
ang kahandaan, disiplina at koopersayon sa tuwing darating ang kalamidad at
sakuna, MALIBAN sa.
A. Makiisa sa mga gawaing pang sibiko at pangkapaligiran
B. Hintayin ang tulong ng pamahalaan at makinig sa mga sinasabi ng
kapitbahay.
C. Maghanda ng mga kagamitang maaring gamitin tuwing may darating na
sakuna at kalamidad.
D. Lagyan ng mga warning signs ang mga lugar na madaling matamaan ng
sakuna gaya ng pagbaha at landslides.
9. Alin sa sumusunod na komunidad ang nagpapakita ng kahandaan at
koopersayon sa pagharap sa hamong pangkapaligiran?
A. Ang mga mamamayan ay walang pakialam sa pagpapatupad ng mga
programang pangkaligtasan.
B. Ang mga mamamayan ay hindi nakikilahok sa ano mang gawain na may
kaugnayan sa disaster preparedness.
C. May nakalaang plano ang mga mamamayan at may koordinasyon sa
barangay hinggil sa disaster preparedness.
D. Pinagtutuunan ng pansin ng mga mga mamamayan ang kaligtasan ng
kanilang mga alagang hayop sa tuwing dumarating ang mga kalamidad.
10. Bakit mahalagang maunawaan ng bawat pamilya ang disaster
preparedness?
A. Maiwasan ang malawakan at malubhang pagkasira ng mga pisikal na
istruktura at maging sa kalikasan, at mapadali ang pag-ahon ng mga
mamamayan mula sa dinanas na kalamidad.
B. Dapat magkaroon ng koordinasyon at maiwasan ang pagkalito at
pagkaantala na maaari pang magdulot ng dagdag na pinsala o pagkawala
ng buhay.
C. Makatutulong ito upang mas malawak ang mabubuong plano at istratehiya
at magagamit nang tama ang mga pinagkukunang yaman.
21
D. maaaring maiwasan ang malawakang pinsala sa panahon ng kalamidad
kung maayos ang sistema ng disaster management ang isang lugar.
11. Sa panahon ng kalamidad mahalaga ang pagkakaroon ng disiplina at
kooperasyon ng mga mamamayan at ng pamahalaan upang agarang
masolusyunan at malulutas ang problema at suliranin. Alin sa sumusunod ang
angkop na pahayag?
A. Ang kahandaan ng mamamayan sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran
B. Ang pamahalaan lamang ang may kapangyarihan na lutasin ang mga
suliranin.
C. Nasusukat ang kahandaan at kakayanan ng isang komunidad sa tuwing
sila ay makaranas ng isang sakuna.
D. Ang komunidad na nakaranas ng sakuna ay dumulog kaagad sa
pamahalaan dahil sila lamang ang may kakayanang tumulong.
12. Ang kaalamang pampubliko (public awareness) at sistema ng maagang babala
(early warning) ay ang mga paghahanda na dapat gawin sa komunidad. Alin sa
sumusunod ang nagpapakita nito?
A. Ang komunidad ay dapat produktibo sa pangangalaga sa kapaligiran.
B. Sa paaralan, mahalaga ang paghahanda at pagbibigay ng babala at
pagkakaroon ng disaster exercise o simulation.
C. Ipaubaya sa mga lokal na lider ang tungkulin hingil sa disaster
management at hayaang gawin nila ang kanilang mga responsibilidad ayon
sa batas.
D. Kailangan na tayo ay mapagmasid at may pakipag-ugnayan sa usaping
kahandaan subalit kailangan unahin mo muna ang iyong sarili at huwag
makialam sa ibang tao.
13. Bakit mahalaga na sumunod sa mga alituntunin sa paglikas tuwing may
sakuna?
A. Upang mabawasan ang responsibilidad ng mga lokal na emergency
responders
B. Upang maiwasan ang pagkawala ng buhay at masiguro ang kaligtasan ng
lahat
C. Upang magtagumpay ang plano ng barangay sa community mobilization
D. Upang mapadali ang paglikas
14. Alin ang hindi angkop tungkol sa pagpapahalaga sa kahandaan, disiplina at
kooperasyon sa pagtugon sa hamong pangkapaligiran?
A. Ang pangangalaga sa kalikasan ay pinakamabuting sukli natin sa handog
nito sa ating buhay
B. Nakapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan sa panahon ng sakuna
ngunit naghihintay ng agarang kapalit
C. Pakikipag-ugnayan sa barangay tungkol sa programang may kaugnayan
sa disaster preparedness
D. Lahat ng nabanggit
15. Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod ang maaari mong gawin upang mas
mabisang makatugon ka sa mga hamon at suliraning pangkapaligiran?
A. Sundin ang mga alituntunin ng iyong lokal na pamahalaan hinggil sa mga
gawain upang maiwasan ang sakuna at kalamidad.
B. Sumali sa mga seminar na may kinalaman sa disaster preparedness at
gumawa ng sariling pagsusuri at gumawa ng rekomendasyon.
C. Makinig sa mga pagtuturo ng guro sa paaralan at ibahagi ang kaalaman
sa lokal na pamahalaan.
D. Patuloy na mag-aral ng mabuti upang makapagtapos at makatulong sa
iyong mga magulang.

22
Karagdagang Gawain

GAWAIN 5: COLLAGE SURI

Suriing mabuti ang collage o carricature sa ibaba at gumawa ng isang slogan tungkol
dito.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
___
Rubriks
Pamantayan 5 4 3
Ang slogan ay
Ang slogan ay nagpapakita ng Walang
Nilalaman nagpapakita ng mensahe ngunit mensaheng
(Content) mensahe sa bawat medyo magulo ang naipakita ang
larawan ipinapakita na slogan
mensahe nito
Ang slogan ay Hindi gaanong
Hindi malinaw
nagpapakita ng malinaw ang
Paglalahad ang paglalahad
malinaw na paglalahad ng slogan
(Presentation) ng slogan tungkol
paglalahad tungkol tungkol sa mga
sa mga larawan
sa mga larawan larawan
Hindi gaanong Hindi
Ang slogan ay
nagpapakita ng nagpapakita ng
Kaangkupan nagpapakita ng
kaugnayan ang kaugnayan ang
(Relevance) kaugnayan sa bawat
slogan sa bawat slogan sa bawat
larawan
larawan larawan
Kabuuan

23
24
Balikan Tuklasin
Gawain 1. Punan Mo Gawain 1. Punan Mo
1. Disaster 1. Kahandaan
2. Vulnerability 2. Kooperasyon
3. Risk 3. Disiplina
4. Resilience 4. Kalamidad
5. Hazard 5. Bayanihan
Tayahin Subukin
1. D 1. B
2. A 2. C
3. D 3. A
4. D 4. D
5. A 5. D
6. D 6. A
7. D 7. A
8. B 8. B
9. C 9. A
10. A 10. B
11. A 11. D
12. B 12. D
13. B 13. D
14. B 14. A
15. A 15. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Abarquez, I. and Murshed. Z. (2004). Community based Disaster Risk


Management: Field Practitioners’ Handbook ADPC: Thailand.

Antonio, E. D., Dallo, E. M., Imperial, C. M., Samson, M. C. B., & Soriano, C. D.
(2017). Kayamanan: Mga Kontemporaryong Isyu. Rex Bookstore.

Blanco, Jose S.J. (March 31, 2006). Alay Dangal.


https://www.philstar.com/opinyon/2006/03/31/329120/disiplina

Cabreza, Dolly B. (June 21, 2018). Zero casualty’ sa mga kalamidad, target ng
DILG. Abante TNT Tunay na Tabloidista https://tnt.abante.com.ph/zero-
casualty-sa-mga-kalamidad-target-ng-dilg/

Espino, Z.E, Salenga, B.L., Santingyaman, J. M. (2016). YUGTO Worktext sa


Kontemporaryong Isyu. Dreambooks Publication.

Victoria, Lorana P .at Luneta,Mayfourth D. (n.d). Kahandaan, Katatagan at


Kaunlaran ng Komunidad: Gabay sa Pagsasanay sa Disaster Risk
Management. Center for Disaster Preparedness CSWCD Bldg. R. Magsaysay
Ave. University of the Philippines Campus Diliman, Quezon City Philippines.

Davao City Disaster Risk Reduction and Management. (2019). Retrieved from
https://drrmo.davaocity.gov.ph/

Department of Education. (2017). Mga Kontemporaryong Isyu Module: Ang


Lipunan.

Kahandaan sa sakuna’t peligro para sa tunay na pagbabago (2019, July 8)


https://bit.ly/2XgtxtO

Alternative Learning System Tutor. https://bit.ly/2PcXNBx

Kahandaan sa panahon ng sakuna/trahedya at kalamidad. (September 6, 2017)


https://bit.ly/3jXfFhL
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

Elpidio Quirino Avenue


Davao City, Philippines

Telephone: (082) 224 – 0100 / 228 – 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph

You might also like