Professional Documents
Culture Documents
Untitled
Untitled
Untitled
GENDER AT SEX
ORYENTASYONG SEKSUWAL
WEEK 3 - DISKRIMINASYON
Ayon sa:
➢ United Nations Development Programme (UNDP) at
➢ United States Agency for International Development (USAID)
- “Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report”, ang mga LGBT ay may
kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at
maging sa edukasyon.
● Batas sa North Carolina (2016) - ang paggamit ng banyo ay batay sa sex na nakasulat sa
kanyang birth certificate at hindi sa kaniyang gender. (Ipinawalang bisa noong 2019)
● 6 na prinsipyo ng Yogyakarta
➢ (Prinsipyo 1) ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG
KARAPATANG PANTAO - Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at
mga karapatan.
➢ (Prinsipyo 2) ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT
KALAYAAN SA DISKRIMINASYON - Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng
lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasiyong nag-uugat sa oryentasyong
seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
➢ (Prinsipyo 4) ANG KARAPATAN SA BUHAY - Karapatan ng lahat ang mabuhay.
Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang
dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian.
➢ (Prinsipyo 16) ANG KARAPATAN SA EDUKASYON - Ang lahat ay may karapatan sa
edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal
at pagkakakilanlang pangkasarian.
➢ (Prinsipyo 25) ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO - Bawat
mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang
karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa
kaniyang kapakanan; at upang mabigyan ng pagkakataon ng makapagbuo ng
organisasyong magtataguyod ng kanilang pagkatao.
● Anti-Violence Against Women and Their Children Act - batas na nagsasaad ng mga
karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa
mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
- Mga mabibigyan ng proteksiyon ay ang kababaihan ( past wife, current gf, babaeng
nagkaanak)
- Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, underage, over
18 who can’t protect themselves, and children under the care of the woman being
abused.
- Ang mga maaaring paruhasan ay ang past husband, ex-bf or live-in partner, nagkaroon
ng anak sa babae
● Executive Order No. 100 (Dec. 19, 2019) - Pres. Rodrigo Duterte. Ito ay naka-angkla sa Seksyon
11 ng 1987 Konstitusyon na pinapahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at
ginagarantiyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao.
● Universal Declaration of Human Rights sa ilalim ng preamble at Artikulo 1 - likas na
karapatan ng lahat ng tao tulad ng pagkakapantay-pantay at pagiging malaya.
● HeForShe.org (Emma Watson) - isang pinag-isang kampanya ng UN Women para sa
pagkakapantay-pantay ng kasarian. (Sept. 20, 2014)