Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Kabanata 9 – Si Pilato

- Sa kabanata na ito ipinakita ni Rizal ang pamamayani ng kasakiman at pagiging tuso


ng mga prayle.
Talasalitaan
Gaputok – Kaunti; bahagya
Kabagot-bagot – Nakakawalang- gana
Nahihimok – Kinakausap upang sumang-ayon
Polyeto – Papel na may impormasyong nakasulat.
Nagkibit-balikat - Nagsawalang-bahala
Nag-antanda – Nag Krus
Mag-usig – Pahirapan

Mga Tauhan

1. Kabesang Tales - Siya ang ama na Juli, namatay ang kanyang dalawang mahal
sa buhay dahil sa kanyang lupang kanyang ipinaglalaban.nangatulong ang
kanyang anak na si huli at na pipi ang kanyang ama.
2. Hermana Penchang – Ang matandang pinaglilingkuran ni Juli, na akala mo ay
walang kasalanan at di maka basag pinggan. Na nakaalam din sa kasawiang ito
ay nagsusmaryosep at nag-antanda nang makatatlo.
3. Tandang Selo - Ang ama ni Kabesang Tales at Lolo ni Juli siya ay napipi dahil
sa mga hirap at lungkot na pinagdaanan ng kanyang pamilya.
4. Juli - Ang anak ni Tandang Selo ang nag paalila kay Hermana Penchang para
matulungan ang kanyanga ama.
5. Basilio - Ang Lumuwas ng Maynila upang kunin ang naipong salapi upang ipang
tubos kay Juli na siya namang ikinagalit ni Hermana Penchang.
6. Padre Clemente - Ang nanindigan ng pagsusumbong niya sa kura na si
Kabesang Tales ay mapanganib na tao at may sandatang dala dala sa
pagbabantay sa lupang inangkin daw niya.

Buod ng kabanata
Natalo sa usapin si Kabesang Tales, nagpaalipin si Juli, at napipi sa matinding pighati si
Tata Selo. Walang maiturong may kasalanan sa matinding kasawiang naganap sa
buhay ng mag-anak ni Tata Selo. Ang Teyente ng guardia civil at ang tagapangsiwa ng
mga prayle naghugas-kamay sa mga kasawian ng mag anak. Maging ang panginoon ni
Juli na si Hermana Penchang ay hinusgahan silangg pinatikim ng parusa ng Diyos sa
kanilang mga kasalanan na tila sinasabing; “Nararapat lamang ang kasawiang iyan sa
inyong buhay!”
Nung kumalat ang balita tungkol sa gayong kasawian, ang ilang ay naawa at ang iba
naman ay nagkibit lamang ng balikat. Sapagkat nagdiwang ang mga Prayle dahil sila’y
nanalo tungkol sa usapin sa lupa. Walang pagbabago ang tenyente ng guardia civil
nang tumanggap sya ng utos na samsamin ang lahat ng sandata at ito’y tinupad nya
nang lubusan. Inuusig nya ang mga tulisan sa abot ng kanyang makakaya at nang
dakpin si kabesang tales ay hindi Nakita, ito ay sa dahilang wala sya sa bulsa o sa balat
man ng mga hinuling nabugbog sa palo. Nagkibit balikat ang tagapangasiwa ng mga
prayle. Wala siyang kasalanan. Tinupad lamang niya ang kanyang tungkulin. Kung hindi
sya nagsumbong ay hindi marahil samsamin ang ang mga sandata at hindi marahil
madarakip si Kabesang Tales. Ngunit siya, SI Padreng Clemente, ay kailangang mag-
ingat at hindi nya ibig ang mga tingin ni Tales. Ang pagtatanggol sa sarili ay hindi
masama. Hindi niya tungkulin ang mang-usig. Ito ay tungkulin ng mga guardia civil kung
sa halip na maglakad-lakad ay nanatili si Kabesang Tales sa kanyang tahanan, hindi
sya makikidnap. Kung gayon, parusa iyon ng langit sa mga lumalaban sa hinihingi ng
korporasyon.

Ang nakakalunos na sinapit ni Kabesang Tales ay nakarating sa bayan. Ang ilan ay


naawa sa matanda, samantala ang mga guwardiya sibil at mga prayle ay nagkibit
lamang ng balikat. Si Padre Clemente na siyang tagapangasiwa ng hasyenda ay
mabilis na naghugas kamay sa narinig na balita. Sinisi pa niya si Kabesang Tales dahil
sa pagsuway ng huli sa utos ng korporasyon. Idiniin pa niya ang matanda na nagtatago
ng mga armas. Pinagsabihan ni Hermana Penchang ang alipin na si Huli na magdasal
sa wikang Kastila. Ito daw ang dahilan kung bakit napipi at naghihirap ang kanyang
ama. Hindi daw sila marunong manalangin sa langit. Buong galak na nagdiwang ang
mga pari dahil sa pananalo nila sa usapin tungkol sa hasyenda. Sinamantala nila ang
pagkakataon upang ipamigay ang mga lupain ni Kabesang Tales. Maging ang matanda
ay bibigyan ng kautusan ng tinyente na lisanin ang kanyang sariling tahanan.

Ayon kay Hermana Penchang, sino raw ang may sala sa nangyari kay Kabesang
Tales? Si Tata Selo, dahil hindi niya tinuruan ang kanyang anak nang wastong
pagdarasal

Ano ang ipinabasa ni Hermana Penchang kay Huli? Tandang Basyong Makunat

Ayon kay Hermana Penchang, bakit makasalanan si Huli? Hindi ito marunong nang
wastong pagdarasal

Ayon kay Hermana Penchang nang mabalitaang tutubusin ni Basilio si Huli, ano raw si
Basilio? Isang demonyong nagbabalatkayong estudyante na tuluyang magbubulid sa
pagkakasala ng kanyang alila

You might also like