Aralin 4 (Bsef 21) - Susi Sa Pagwawasto

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ARALIN 4

PAGKAKAIBA NG TAGALOG, PILIPINO AT FILIPINO

SUSI SA PAGWAWASTO

_____ 1. Ayon kay Ernesto Constantino, ang unang pormal na pagsubok sa pagtuturo ng mga
kurso sa Unibersidad ng Pilipinas ay noong 1968-1969 nang sinimulang gamitin ang wikang
Pilipino bilang wikang panturo ng ilang propesor sa ______________ ng Unibersidad.
A. Kolehiyo ng Edukasyon
B. Kolehiyo ng Sining at Agham
C. Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya
D. Kolehiyo ng Medisina

_____ 2. Alin sa mga sumusunod ang partikular na diyalekto ng Tagalog na luminang sa wikang
pambansa ng Pilipinas na tinatawag na Pilipino?
A. Tagalog-Masbate
B. Tagalog-Manobo
C. Tagalog-Maynila
D. Tagalog-Malay

_____ 3. Ayon sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117, ang wikang Filipino ay isang _______.
A. Wika ng intelektuwalisasyon
B. Multi-based national language
C. Wikang Tagalog
D. Wika ng estandardisasyon

_____ 4. Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino ang dan-aw ay nangangahulugang ________.

A. Small lake
B. Hegemony
C. Close friend
D. Husband

_____ 5. Bukod sa wikang ______, mulaan din ng mga bagong salita ang iba't ibang wika sa
Pilipinas, ang neolohismo o paglikha ng mga bagong salita, ang wikang Espanyol, at panghuli
ang iba pang wikang dayuhan.
A. Ingles
B. Pilipino
C. Nihongo
D. Tagalog
_____ 6. Kailan nilagdaan ni dating Pangulong Aquino ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.
117?
A. Enero 1978
B. Enero 1987
C. Enero 1897
D. Enero 1988

______ 7. Anong wika ang gagawing pangunahing wikang panturo sa anumang kurso o
asignatura sa lahat ng paaralan sa Pilipinas pati na ang mga kolehiyo at unibersidad?
A. Tagalog
B. Filipino
C. Ingles
D. Wala sa nabanggit

_____ 8. Ang napagkasunduang depinisyon ng Filipino ng KWF ay base sa __________.

A. Kapasiyahan Blg. 13-39
B. Kapasiyahan Blg. 12-39
C. Kapasiyahan Blg. 13-38
D. Kapasiyahan Blg. 12-38

_____ 9. Anong letra ang isinulat bilang G na may kilay sa mga dokumento noong panahon ng
Español?
A. Q
B. NG
C. Ñ
D. C

_____ 10. Kailan nilagdaan ng dating Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335?
A. Agosto 15, 1988
B. Agosto 25, 1988
C. Agosto 25, 1978
D. Agosto 15, 1978
_____ 11. I. Ang rumaragasang pagbabago ng panahon at patuloy na modipikasyon ay lubhang
nakaaapekto sa wikang Filipino. II. Ipinagamit din ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) ang
bernakular na wika bilang wikang pantulong na midyum ng pagtuturo ayon sa itinatadhana ng
batas.
A. Ang unang pahayag ay TAMA at ang pangalawang pahayag ay MALI
B. Ang unang pahayag ay MALI at ang pangalawang pahayag ay TAMA
C. Ang una at ikalawang pahayag ay TAMA
D. Ang una at ikalawang pahayag ay MALI

_____ 12. I. Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika
ng komunikasyon, sa pagbigkas at sa pasulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong
kapuluan. II. Higit lamang umunlad ang Wikang Pambansa sa pamamagitan ng patuloy na
paghiram sa Español at paghiram sa Ingles.
A. Ang unang pahayag ay TAMA at ang pangalawang pahayag ay MALI
B. Ang unang pahayag ay MALI at ang pangalawang pahayag ay TAMA
C. Ang una at ikalawang pahayag ay TAMA
D. Ang una at ikalawang pahayag ay MALI

______13. I. Ang tagumpay ng Pilipino bilang opisyal na wikang Pambansa ng Pilipinas ay

nakasalalay sa anim na mahalagang bagay. II. Ang PIilipino ay ginamit bilang lingua franca sa
mga siyudad na gaya ng Davao, Cotabato, at General Santos.
A. Ang unang pahayag ay TAMA at ang pangalawang pahayag ay MALI
B. Ang unang pahayag ay MALI at ang pangalawang pahayag ay TAMA
C. Ang una at ikalawang pahayag ay TAMA
D. Ang una at ikalawang pahayag ay MALI

_____ 14. I. Ang akda ni Rizal na kaniyang umpisahang isalin sa panahon ng Amerikano na
nalathala noong 1889 ay pinamagatang Estudious Sobre de Lengua Tagala. II. Ang Pilipino ay
gagawing pangunahing wikang panturo sa anumang kurso o asignatura sa lahat ng paaralan sa
Pilipinas pati na ang mga kolehiyo at mga unibersidad.
A. Ang unang pahayag ay TAMA at ang pangalawang pahayag ay MALI
B. Ang unang pahayag ay MALI at ang pangalawang pahayag ay TAMA
C. Ang una at ikalawang pahayag ay TAMA
D. Ang una at ikalawang pahayag ay MALI

_____ 15. I. Si Rizal ang nagpanukala sa paggamit ng letrang K para sa tunog /k/ at ng letrang
W para sa tunog na /w/ bilang pagkinis sa pagbaybay na pinalaganap ng mga misyonero. II.
Sinundan ito nina Bonifacio at Almario ang panukala ni Rizal.
A. Ang unang pahayag ay TAMA at ang pangalawang pahayag ay MALI
B. Ang unang pahayag ay MALI at ang pangalawang pahayag ay TAMA
C. Ang una at ikalawang pahayag ay TAMA
D. Ang una at ikalawang pahayag ay MALI

_____ 16. I. Ayon kay Del Mundo (2016) at sa aklat ni Vega (2010), binigyang-diin ang
"Panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at ang mga di katutubong wika. II. Totoong hindi
nanghihiram ang wika natin sa di-katutubong wika o mga dayuhang wika, lalo na para sa mga
konseptong walang direktang katumbas sa ating wika.
A. Ang unang pahayag ay TAMA at ang pangalawang pahayag ay MALI
B. Ang unang pahayag ay MALI at ang pangalawang pahayag ay TAMA
C. Ang una at ikalawang pahayag ay TAMA
D. Ang una at ikalawang pahayag ay MALI

_____ 17. I. Ang ambagan ay pagpapalawak ng mga nauna nang pagsisikap na lubusin ang
pagkalap ng mga salitang di-Tagalog para maging bahagi ng wikang Pilipino. II. Ang Ambagan
ay proyekto ng Nasyonalisasyon
A. Ang unang pahayag ay TAMA at ang pangalawang pahayag ay MALI
B. Ang unang pahayag ay MALI at ang pangalawang pahayag ay TAMA
C. Ang una at ikalawang pahayag ay TAMA
D. Ang una at ikalawang pahayag ay MALI

_____ 18. I. Sa pananaliksik ng Sawikaan, may mga salitang Ingles na hiniram ang wikang
Filipino na nagbago ang kahulugan. II. Ayon sa aklat ni Narvaez, hindi naiiba ang Sawikaan ng
Filipinas Institute of Translations, Inc. sa Word of the Year ng American dialect Society,
Merriam-Webster, Oxford University Press at GLM Global Linguistics Monitor.
A. Ang unang pahayag ay TAMA at ang pangalawang pahayag ay MALI
B. Ang unang pahayag ay MALI at ang pangalawang pahayag ay TAMA
C. Ang una at ikalawang pahayag ay TAMA
D. Ang una at ikalawang pahayag ay MALI

_____ 19. I. Ang tungkulin ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay payabungin at

pagyamanin ang wikang Filipino bilang wikang pambansa ng Pilipinas. II. Ang pagpapaunlad,
pagpapalaganap, at pagpapanatili ng Filipino ay hindi lamang katulad noon na batay sa Tagalog
kundi isinalang-alang din ang iba pang mga wika sa Pilipinas
A. Ang unang pahayag ay TAMA at ang pangalawang pahayag ay MALI
B. Ang unang pahayag ay MALI at ang pangalawang pahayag ay TAMA
C. Ang una at ikalawang pahayag ay TAMA
D. Ang una at ikalawang pahayag ay MALI

_____ 20. I. Ang Pilipino ay patuloy sa pagbabago lalo na ang bokabularyo nito dahil sa
impluwensiya ng Tagalog at Ingles at ng iba pang mga wika sa Pilipinas. II. Ayon sa
mungkahing isinagawa ng surian, kailangang Filipino lamang ang gawing tanging wikang
opisyal ng Pilipinas.