Professional Documents
Culture Documents
Ang Alamat NG Makahiya
Ang Alamat NG Makahiya
NARRATOR: Isang araw, ay kumalat ang balita na isang grupo ng mga bandido
ang sumalakay sa kalapit bayan. Pinapatay ng mga bandido ang mga tao at
tinatangay ang salapi ng mga residente.
Dondong: Pano na ito, sana ay di umabot sa ating lugar ang mga bandidong
iyon. Tulungan mo ako Iska na isarado ang tarangkahan at lagyan ito ng harang.
Iska: Osige, Maria jan ka lang sa loob ng bahay wag ka lalabas.
NARRATOR: Biglang nabuksan ang pinto. Pumasok ang mga bandido sa bahay
at pinalo sa ulo si Mang Dondong. Nawalan ng malay si Mang Dondong at
bumagsak sa lapag. Sinubukan na tumakas ni Aling Iska pero pinalo rin siya sa
ulo.
Ginalugad ng mga bandido ang buong bahay. Matapos kuning lahat ang salapi at
alahas, hinanap nila si Maria. Pero di nila nakita ito. Umalis na ang mga bandido
para nakawan ang ibang pang bayan.
NARRATOR: Muli, ay hinanap nila ang kanilang anak sa lahat ng sulok ng hardin
pero wala doon ang kawawang si Maria.