Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Cauayan City National High School – Main

Grade 10 – TESLA (STE)

Pagsusuri ng Maikling Kuwento


Ang Diary na Itim

Ipinasa ni : Sunshine Manglib


Ipinasa kay: Gng. Mae Ann B. Jara
Nilalaman

 Ipaliwanag ang Pamagat

Ang “Diary na itim” ay mapapansing kakaiba dahil sa konstrakto nang paggawa ng may
akda. Mag-iiwan ito ng katunangan sa mga mambabasa na “ ano kaya ang meron sa diary
na itim at bakit diary na itim ang pamagat?”. Ang tauhan ay napakahilig sa kulay na itim
ngunit maihahambing ba ito sa pamagat mismo? Bilang karagdagan, ang diary na itim ay
konektado sa buong istorya kaya maigi lamang na basahin nang detalyado ang kuwento
upang hindi malito at maunawaan ang mensahe nito.

 Teoryang Pampanitikan

Teoryang Dekonstruksyon, Teoryang Moralistiko, at Teoryang Sosyolohikal

 Tagpuan

Bahay, Paaralan, Faculty Room

 Mga Tauhan

Yuna Vienne Hiller, Phoebee Mishcka Hiller, at si Kade

 Simula

Kinaumagahan nang maidilat ni Yuna ang kaniyang mga mata ay saksi ng kaniyang
dalawang tainga ang palagiang anunsiyo ng balita patungkol sa mga aksidenteng ganap sa
kanilang siyudad. Gumising siya nang nakakunot ang noo dahil sa tambak na gawain sa
kanilang bahay pati na sa kaniyang asignatura.

 Saglit na Kasiglahan

Napansin ni Yuna ang kaniyang lumang kabinet at nakita ang itim na diary notebook
ngunit bigo siyang mabuklat ang pahina nito dahil ito’y nakakandado at kinakailangan ng
password para mabuksan.
 Suliranin
Hindi maalala ni Yuna ang totoong nangyari sa kabila ng mga krimen na inaanunsyo sa
balita. At kung may kinalaman ba siya sa pagkamatay ni Kade o wala.

 Tunggalian

Tao laban sa sarili. Ang natatanging kalaban ng pangunahing tauhan na si Yuna ay ang
kaniyang sarili, kung paano siya naghanap ng paraan para malaman ang katotohanan, at
maibalik ang kaniyang memorya.

 Kasukdulan
Mula sa masayang mukha ay napalitan ang emosyon ni Yuna ng tulala at may
pagkabalisa nang makita ang nakasulat sa kaniyang diary notebook. Ito ay may
mapupulang letra na nakaukit sa bandang huling pahina. Dito niya na nalaman na siya
ang pumatay kay Kade dahil sa hindi malamang rason. Tumulo ang mga luha ni Yuna
dahil sa mga nalaman.

 Wakas
Bumalik si feb at niyakap nang mahigpit si Yuna. Mula sa kaniyang likuran ay napansin
ni Yuna ang mga peklat sa kaniyang likod at puno ng mga pasa. Nang malamang si Yuna
ang salarin sa mga ito ay doon na nabuo ang desisyon ni Yuna na tapusin na ang lahat.

 Kalutasan sa Suliranin
Kusang loob na humarap si Yuna sa mga polisya at inamin na siya ang puno’t-dulo ng
mga krimen noong nagdaang taon. Sa sobrang pagka-konsensya ay walang ni-isang butas
na detalye ang pinalampas niya. Siya ay nakulong ngunit hindi ipinaliwanag ng may akda
kung ilang taon at kung hinatulan ba ito ng kamatayan dahil sa lubha ng kaniyang
pagkakasala ngunit batay sa huling mensaheng “sa una ay hindi sila naniwala dahil sa
maamo kong mukha ngunit nang inilabas ko ang diary ay isang metal ang aking narinig.
Ito ay ang metal ng parusa. Metal na permanenteng magpapabago sa akin. Metal ng
hustisya.”, masasabing ito nga ay ipapapatay sa kamay ng batas.
 Buod
Si Yuna, isang 4th year college sa kursong Psychology. Makalipas ang ilang taon, ay
nagising ito mula sa aksidenteng pagkabundol ng isang pampasaherong bus, gabi nang
mangyari ang isang krimen. Ito ay ang pagpatay sa isang estudyante na kabilang din sa
paaralan kung saan nag-aaral si Yuna at kinilala bilang bestfriend niya. Bagamat kulang-
kulang ang ala-ala na natamo ni Yuna, hindi ito sinukuan ng kaniyang ate na si feb. Isang
lumang cabinet ang napansin ni Yuna at nagbalik-tanaw kung ano-ano ang laman nito. Ito
ay puno ng puro kulay itim na kagamitan at kinuha ang kaisa-isang diary notebook na
itim. Bigo siyang mabuksan ito. Mula sa kaniyang paaralan, pansin ang mapait na titig ng
mga mag-aaral sa kaniya nang hindi niya alam ang rason. Isang panaginip ang gumising
sa kaniyang memorya na naging dahilan ng kaniyang pagdadalawang-isip kung totoo ba
ito o sadyang imahinasyon niya lang. Ang kaniyang panaginip ay tungkol sa kaniyang
bestfriend na si Kade na pinatay sa faculty room ng kanilang paaralan. Walang
pagkakaiba ang babaeng nasa panaginip ni Yuna at ang babae na si Kade. Sa sobrang
pagkagulat ay nabanggit ni Yuna nang napakalakas kung saang parte sinaksak si Kade
ngunit sa hindi inaasahan, ay wala ito sa kaniyang panaginip. Kusa itong lumabas sa
kaniyang bibig. Halo-halo ang naging emosyon ni Yuna. Pagkaakyat sa kaniyang kwarto
ay kitang-kita ang kaniyang diary notebook na may sulat sa bandang huling pahina at
doon natanto kung ano nga ba ang misteryosong dahilan sa mga pangyayari.

 Aral
Kahit ano pa ang sitwasyon at kalagayan ng isang kriminal, ang pagpatay ang
pinakamalubhang kasalanan na magagawa ng isang tao. Kahit mawalan ka ng memorya
at hindi mo alam kung ikaw ang pumatay ay karapat dapat lang na umabot ka sa
pagpapatong ng kaparusahan at mas maiging bigyan ng hustisya ang mga nabiktima mo
kaysa magpanggap na walang nangyari. Walang sino man ang siyang papatay ng walang
rason. Dapat lang na makulong at hatulan ng kamatayan ang siyang gagawa nito. Hindi
magiging rason ang hindi pagkakaalala ng mga pangyayari dahil isa kang kriminal.
Hinding hindi namimili ang batas. Ang kriminal ay kriminal.

 Talambuhay ng may Akda


Ang may akda na si Shine Manglib at tinatawag din sa pen name na “ vishaun”, isang
hindi beterano sa larangan ng pantikan ngunit inspirado sa nakukuhang mensahe mula sa
kaniyang mga pinapanood na teleserye. Marami na rin siyang nagawang maikling
kuwento na katulad sa genre na “Ang Diary na Itim” ngunit isa itong challenge para sa
kaniya. Ang mga likha niya ay hindi konektado sa talambuhay nito ngunit konektado ito
sa mga pangyayaring nagaganap sa kaniyang paligid.

You might also like